X.
Wala nang nagtangka na mang bully sa'kin mula nang sabihin ni Kyle iyon sa harap ng maraming estudyante. Pero mas maraming nagalit sa'kin, mas lalo akong sinasabihan ng kung anu-anong masasakit na salita.
Kung ano daw bang ginawa ko kay Kyle at pinagtanggol ako ng isang iyon, kung kinulam ko daw ba dahil bigla na lang umamo sa'kin. Hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis, kung anu-anong espekulasyon ang pumapasok sa utak nila.
Ang talagang kinakagalit ko lang ay ang pinuputok ng butchi nila Daphne na ako daw ang naglagay ng phone ni Kyle sa paper bag niya at ang pinalitan ko daw na reviewer.
Nagbuntong-hininga ako at nagdilat ng mata, tumitig sa kisame ng kwarto ko.
Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Kyle pero lagi niya akong nilalapitan mula nang mangyari iyon. Every lunch, every vacant, almost everyday. At iisa lang ang sinasabi niya kapag lumalapit siya.
One time, lunch time no'n at bumibili ako sa may cafeteria. Bigla na lang siyang lumapit.
"Let's eat together." Aniya sa malalim na boses. Nanlaki ang mata ko nang makita siya, nakatagilid ang kanyang ulo at sinisilip ang aking mukha.
Umatras ako dahil ang lapit ng mukha niya sa'kin. "W-what?"
Ngumuso siya at hindi sumagot pero nanatili ang mata niya sa'kin. Naramdaman kong may mga nakatingin sa'min at ang dami ko nang naririnig kaya tumalikod ako at iniwan siya doon, hindi ako nakakain ng lunch nung araw na iyon.
Meron din no'ng uwian. Maaga ang dismissal ko nung araw na iyon dahil isang subject lang ang sched ko.
Naglalakad na akong palabas ng gate nang biglang may sumabay sa'kin. Napalingon ako sa tabi ko at nakita siya, mula sa daan ay nilipat niya ang tingin niya sa'kin.
"Let's eat together." Sabi niya. Pasimple akong lumalayo habang siya ay lumalapit.
"May lakad ako." Sabi ko at binilisan ang paglalakad para maiwan siya.
Maraming beses niya akong niyaya at gano'n ko rin kadami siyang inayawan. Hindi ko alam pero ayokong napapalapit ako sa kanya, iba ang pakiramdam ko kapag siya ang malapit sa'kin.
Nagbuntong-hininga ako at umupo para tignan 'yung dalawang lalake na nandito sa kwarto ko, sino pa ba?
"I want to ask something.." Sabi ko kaya napalingon silang dalawa.
Si Billy na tulad ng nakasanayan ay nagbabasa, si King na nakatingin sa kanyang phone habang umiinom ng softdrinks na nasa lata.
"Si Kyle.." Panimula ko kaya agad na kumunot ang noo ni King at ngumisi ng konti si Billy. "Is he somewhat--hmm.. A psychopath?"
Nagsalubong ang kilay nilang dalawa. Ilang saglit silang napatitig sa'kin at napatigil sa ginagawa, hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"You don't let him hear that, Vanna." Ani King at binalik ang tingin sa kanyang phone.
Kumunot ang noo ko. "Ano bang meron sa kanya at sa word na psychopath?" Naalala ko bigla nung sinabihan ko siyang psycho. Biglang nag-iba ang timpla niya at sigurado akong nagalit siya.
Tinukod ni Billy ang siko niya sa handrest ng sofa at pinapahinga ang sentido niya sa kanyang daliri. "Hindi namin alam ang buong detalye, basta ang alam namin ay tinrato siya ng pamilya niya nung bata pa siya na parang isang psychopath."
Nanlaki ang mata ko. "Seryoso? Bakit.. anong rason?"
Pinasadahan niya ng palad niya ang kanyang buhok. "Hindi ko alam kung bakit iba ang tingin sa kanya ng ibang tao, hanggang ngayon ay may mga tumatawag pa rin sa kanya ng ganyan." Umiling-iling siya habang nakatuon ang mata sa'kin. "Hindi ko alam kung bakit naisip mong isa siyang psychopath, Vanna.."
Natahimik ako. Hindi ko rin alam kung bakit pumasok sa isip ko na isa siyang gano'n, kasi dahil weird siyang mag-isip? Dahil iba ang pag iisip niya kesa sa ibang tao? O baka dahil sobrang misteryoso niya at iba siya kung makatingin, o siguro dahil nakakapanlambot at nakakapanghina ang presensya niya.
"Natatakot ka lang sa kanya, Vanna." Ani Billy na pinagmamasdan ang galaw ko. "Pero hindi siya totoong nakakatakot, mas matakot ka sa mga taong tulad nila kay Rigo at Kieran. Mas nakakatakot ang mga taong puro kabaitan lang ang pinapakita."
Ngumuso ako. "Sinasabi mo bang masamang tao ang dalawang iyon?"
"Ginawa ko lang silang example." Kinagat niya ang kanyang labi. "Walang araw na hindi ka magagalit sa kanila pero hindi ka nila pababayaan, kung natatakot kay Kyle ay sila ang lapitan mo."
Umiling ako. "Wag na lang.."
Sakit lang ng ulo ang dalawang iyon. Napaka-babaero ni Kieran at walang ginawang seryoso si Rigo na sa mga babae lang mabait.
Ngumisi si Billy. "Ayaw mo? Si Kyle ang gusto mo?"
"Hindi no!" Agap ko. "Sinasabi ko lang na sakit lang din naman ng ulo ang dalawa na iyon. Wala akong lalapitan sa kanila.."
Bumungisngis siya. "Defensive."
Umirap ako sa hangin. Alam kong inaasar niya ako, bilib ako sa nagagawa niyang nababasa niya ang isang tao pero nagkamali siya ngayon. Akala niya ay may gusto ako kay Kyle.
Hindi ko na sila pinansin at kumuha ng damit sa cabinet ko, aalis na lang ako. Pupunta ako sa mall at bibili ng mga damit, konti pa lang ang maayos kong damit kaya napagpasyahan kong mag shopping ngayong araw.
Naligo ako at naglagay ng lip gloss sa labi. Nilingon ko sila Billy na gano'n pa rin ang pwesto kahit nakaligo na ako.
"I'm going out, guys." Sabi ko at tumayo sa harap nila. "Ayos lang ba 'yung suot ko?"
Sabay silang tumango ng maraming beses kahit hindi naman sila lumingon para tignan ang suot ko. Umismid ako at pinasadahan ang sarili sa harap ng salamin.
Nakasuot ako ng puting sleeveless na crop top, high waisted ripped jeans at Keds na sapatos. Hinawi ko ang mahaba kong itim na buhok at kinuha ang maliit kong bagpack.
Nilingon ko ulit 'yung dalawa na hindi natinag. "Aalis na ako."
Doon lang sila lumingon, nag-inat si King at inayos ang hikaw niya sa kanyang tenga.
"Should we come with you?" Tanong niya dahilan para mapatango ako ng maraming beses. Ngumisi siya at dinampot ang kanyang phone aa lamesa.
Sinara ni Billy ang binabasa niyang libro at tumayo. Excited na lumabas ako kaya sumunod sila, mula nang makauwi ako dito sa Pilipinas ay hindi pa kami nakakapag gala na tatlo. Hindi naman ako naka-disguise ngayon kaya ayos lang kung may makakita sa'min na magkakasama.
Ginamit ni Billy 'yung motorbike niya at ginamit naman ni King 'yung sa'kin na pinahiram lang din naman ni Billy. Syempre marunong akong mag-drive pero dahil si Hari ang lalake, siya ang nagmaneho.
Pagkadating namin sa mall ay halos tunawin na sa titig ng mga tao ang dalawang kasama ko. King is on my left side and Billy's on the right. Hanggang balikat lang nila ako kaya nagmistulang bodyguard ko sila, what a handsome bodyguards i have right here.
Ngumuso si King at inakbayan ako. "Isn't this annoying?"
"Annoying." Sagot ni Billy sa tanong niya.
Umirap ako sa hangin. Ang gagandang lalake pero ayaw ng atensyon!
Papasok na kami ng isang botique nang biglang may lumapit sa'min na dalawang babae na medyo maliit pero presentable ang itsura kaya napatigil kami. They're smiling from ear to ear, pinagmamasdan kaming tatlo isa-isa.
"Hi, we're from modeling agency--"
"We're not interested." Pagputol ni Billy sa sasabihin no'n at nilagpasan na 'yung dalawa. Ganoon din si King.
"I'm sorry.." Nakangiting pag hingi ko ng paumanhin sa dalawa at sinundan na sila King na pumasok na ng botique. Nang maabutan ko sila ay magkasabay ko silang pinalo ng mahina sa likod.
"That's rude." Sabi ko na hindi nila pinansin. Umupo sila sa mga nakabilog na upuan sa gitna at nilabas ang phone nila.
Ngumuso ako. Alam na nila ang gagawin! Alam nilang maghihintay sila ng matagal sa'kin kaya pumwesto na sila do'n, bumungisngis ako at nagpaalam sa kanila.
Agad kong nagpunta sa mga jeans section, pantalon ang madalas kong bilhin dahil hindi naman ako mahilig sa dress tulad ni Monique. Si Chloe naman ay nagsusuot nito minsan pero ako talaga ay hindi.
"Ma'am, bagay din sayo 'to!" Magiliw na sabi nung saleslady kaya humaba ang nguso ko.
"Inuuto mo na lang yata ako para bilhin ko iyan. Lahat na yata ng nandito ay sinabi mo na bagay sa'kin."
Namula ang pisngi niya. "Totoo naman po, ma'am. Ang ganda niyo kasi at ang sexy pa kaya parang lahat yata ng nandito ay bagay sa'yo."
Pinasingkit ko ang aking mata at ngumiti. "Salestalk ka!"
Bumili rin ako ng mga blouses at longsleeves pati cardigan, may nakita akong magandang bag na nakursunadahan ko kaya binili ko rin.
Pagkatapos kong magbayad sa cashier ay nagmamadali akong naglakad papunta kila King. Nawala ako ng lagpas isang oras at hindi ako sigurado kung nandoon pa sila. Hindi na ko magugulat kung bigla na lang silang umalis, ginawa ko naman ang lahat para mapabilis pero mahirap talagang pumili ng damit.
Malayo pa lang ay napangiti na ako nang makita silang nakaupo pa rin doon. Nagkukwentuhan sila ng konti pero parehong hawak ang kanilang phone. Pinagmamasdan sila ng mga sales lady.
"Hindi kayo umalis!" Medyo napalakas 'yung pagkakasabi ko kaya napalingon ang lahat ng nakaupo sa bilog na upuan na iyon.
Kasama si Kyle. Kasama si Kyle! Kasama nila si Kyle? Nawala ang ngiti ko at tinikom ang bibig ko. Nakita ko ang pag nguso niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
Nag-iwas ako ng tingin, alam niya ba na ako ito? Oh. I wish not.
"Oh, you're with your friend?" Ngumiti ako kila King kaya ngumisi si Billy. Inirapan ko siya at inabot sa kanilang dalawa ang mga paper bags ng mga pinamili ko na agad naman nilang tinanggap.
Nagyaya si Billy sa isang cafe dahil nagugutom daw siya at gusto na naman ng kape dahil hindi pa daw siya nagkakape ngayong araw. Sabay sabay kaming naglalakad, napag gigitnaan ako ni King at Billy at katabi naman ni Kyle si Billy.
Nang makarating kami sa coffee shoppe ay mas lalong naging awkward. Umupo kami sa table for four persons at katabi ko si Billy, katapat ko naman si Kyle na katabi ni King.
Suminghap ako. Bakit nila ginagawa sa'kin 'to? Alam nilang dalawa na naghihinala sa'kin ang Kyle na ito pero..
"Brad." Biglang tawag ni Billy kay Kyle na nakatingin sa phone niya. Napaangat naman ito ng tingin.
"Oh?" Ani Kyle. Kinagat ko ang labi ko, hindi siya lumilingon sa'kin kaya nakakahinga ako ng maluwag.
Nilipat ni Billy ang tingin niya sa'kin kaya gano'n din si Kyle. What the hell, Billy Reid Suarez! Don't freaking do this to me!
"She's Savanna." Pakilala sa'kin ni Billy kaya nanlaki ang mata ko. "Kilala mo na siya, diba?"
Nararamdaman ko ang titig sa'kin ni Kyle kaya ngumiti ako ng pilit. Kahit sa isip ko ay nagmumura na ako, ang madilim niyang mata ay nakatutok sa'kin. Nakatitig siya sa'kin at kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
Tumango si Kyle at parang bigla akong nanliit. Kilala niya ako? Paano niya ako nakilala? Alam niya bang si Ynna ang kaharap niya na ito?
Sumandal si Kyle sa upuan at humalukipkip. "Your childhood bestfriend? You told me about her."
"H-hello. Nice to meet you." Nakangiting sabi ko kaya tumango siya at binalik ang tingin sa phone niya. Ang sungit naman.
Nagkaroon ako ng pagkakataon para pandilatan si Billy na katabi ko, tumaas ang isang kilay niya.
"I hate you." Pabulong na sabi ko kaya napangisi siya at kumindat. Psh.
Maya-maya ay tumayo si King kaya napalingon kami sa kanya.
"I'll be back." Aniya bago naglakad palabas ng cafe.
Hindi ko maiwasan na mapatingin kay Kyle na hindi inaalis ang tingin sa phone niya. He's actually playing something. Kinagat ko ang aking labi, ayoko kapag tumitingin siya sa'kin pero hindi ko alam kung bakit naiinis ako na hindi niya ako nililingon ngayon. Mas interesting ba para sa kanya ang nilalaro niyang iyan?
Hinawi ko ang buhok ko at nagpangalumbaba. Come on, Kyle. Why can't you look at me?
Napaiwas ako ng tingin kay Kyle nang si Billy naman ang tumayo. Pinakita niya sa'kin 'yung phone niya na may tumatawag kaya napangiwi ako.
He answered the call habang naglalakad palayo. Here we go. Naiwan na kaming dalawa ni Kyle dito kaya nakaramdam na talaga ako ng kaba. Nililibot ko na lang ang tingin ko sa paligid para hindi awkward, minsan kunwari ay may ka-text ako.
Wag kang titingin sa'kin ngayon! Malakas ang loob ko kanina dahil katabi ko si Billy, pero ngayon.. nanlalambot ako sa harap niya kapag ako lang mag-isa.
Kinagat ko ang itaas na labi ko at lumingon kay Kyle. Kailangan lang ay kausapin ko siya ng normal dahil hindi ko na kaya 'tong katahimikan na ito. Ni-locked niya 'yung phone niya at biglang nag-angat ng tingin kaya nagulat ako.
Yumuko ako at nilagay ang takas na buhok sa likod ng tenga ko. Nararamdaman ko ang titig niya, humalukipkip siya habang nakasandal at kinagat ang labi. Pinapanood niya ang galaw ko!
Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin niya. Yung mata niyang kahit kailan ay hindi ako nasanay, gumalaw ang gilid ng labi niya. Dinampot niya ang baso sa harap at uminom kaya gumalaw ang adams apple niya.
Ngumuso siya nang mapansin na kanina ko pa siya pinapanood. "Bakit?"
Napangiwi ako at nag iwas ng tingin, nangangapa ng salita. "So, anong favorite mong number sa electricfan?"
And that was the dumbest thing that i've ever said in my whole entire life.