eleven

1816 Words
XI. Gusto kong tuktukan 'yung ulo ko habang nakatingin lang siya sa'kin. Wala siyang naging reaksyon nung tanungin ko kung anong paborito niyang number sa electricfan. Hindi ko alam kung nag-iisip ba siya ng sagot o iniisip niya kung gaano ako ka-walang sense kausap. "Depende sa panahon." Aniya. Napanganga ako, sinagot niya! Pinatulan niya 'yung walang kwentang tanong na iyon. Napaiwas ako ng tingin dahil nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa hiya. Binalik niya ang tingin sa kanyang phone at ako naman ay pinagmasdan ang kamay kong nakapatong lang sa lap ko. Ang ingay nung ibang table. May nag-uusap, may nagtatawanan. Samantalang kami, kulang na lang ay tumakbo na kaming palabas dahil sa sobrang awkward. Pero mukhang ako lang naman 'yung nakakaramdam ng ganito. Wala naman siyang pakialam. "So, gaano na kayo katagal magkakaibigan nila King?" Tanong ko. "Almost ten years, i guess." Sagot niya kaya napatango-tango ako. Ten years din kasi akong tumira sa Canada. Mula nang may nangyari sa family namin ay dinala na ako doon. Pauwi-uwi lang ako sa Pilipinas, aabutin lang ako ng ilang araw tapos babalik na ulit sa Canada. Ang tagal ko rin na hindi nakasama sila King, four years old pa lang yata ako nung nakilala ko sila. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala 'tong sila Kyle dahil sa pagpunta namin sa Canada. Nakaka-amaze lang na magkakaiba sila ng ugali pero ang tibay ng pagkakaibigan nila. Itong kaharap ko, gusto ko pa siyang makilala ng husto. Gusto kong malaman kung anong ibig sabihin ng mga ngiti niyang iyon. Gusto kong makita 'yung sinasabi ni Billy na normal na tao naman si Kyle, sa ngayon kasi ay kakaiba pa rin ang tingin ko sa kanya. Nakakatakot pa rin sa paningin ko. Nakabalik sila King na hindi ko na ulit natanong si Kyle. I want to ask him more pero baka sabihin niya masyado akong interesado sa kanya, na totoo naman. Ipapangako ko sa sarili ko na kapag niyaya niya akong kumain na sumabay sa kanya ay papayag agad ako. Hindi ako magdadalawang isip na pumayag at tatanungin ko siya ng kung anu-anong bagay. Kumain kaming apat na hindi ako nagsasalita. Paminsan-minsan ay nag-uusap silang tatlo, akala ko nga kapag magkasama 'yung tatlo na ito ay magkakapanisan sila ng laway dahil sa sobrang tahimik nila. Pero mali ako dahil nagkukwentuhan sila at nagtatawanan, hindi lang sobra. "Tarantado talaga iyon, patay siya sa'kin." Ani Billy nang isumbong ni King na ginamit ni Kieran kaninang umaga ang damit ni Billy na nakasabit sa sampayan. Bumungisngis si Kyle at uminom sa kape niya. Natulala ako sa kanya, ngayon ko lang narinig ang tawang iyan! Lumitaw ang dalawang malalim na dimples sa magkabilang pisngi niya. Napalunok ako, nakakatunaw ang walang emosyon niyang mukha pero nakakapanghina ng tuhod ang tunog ng pagtawa niya. Kinagat ko ang spanish bread na hawak ko at pinakinggan ang pag-uusap nila, wala akong alam sa pinag uusapan nila pero hindi ko alam kung bakit ako napapangiti. "Miss Castro, 'yung inuutos ko. Ibigay mo na lang sa'kin mamaya. Thank you." Nginitian ko na lang si Mr. Valdez bago ako lumabas ng faculty room. Sinabihan niya kami last week na magdala ng photo copy ng birth certificate namin at ako ang inutusan niya na mag-kolekta ng mga iyon. Pagkadating ko sa room ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin na kailangan ko nang kunin 'yung pinapadala ni Mr. Valdez. Nilibot ko muna ang tingin ko sa buong room at tumayo sa unahan saka sila pinanood habang nagkakagulo. Seriously, highschool ba sila o college? "Everyone." Sabi ko pero walang pumansin o baka dahil wala lang nakarinig. "Everyone!" Sigaw ko kaya napalingon ang halos lahat at napatigil sa ginagawa. "Kailangan ko nang i-collect 'yung pinapadala ni Mr. Valdez." Sabi ko kaya nagsibalikan sila sa upuan nila para kuhanin sa bag nila iyon. Mabuti naman at walang nag-inarte, maibigay na ng halos lahat ay bumalik na ako sa upuan ko dahil may mga late pa. Tulad ni Kyle na naglalakad na ngayon palapit sa'kin, bigla akong kinabahan nang makita siya. "Kyle!" I nervously called him nang mapadaan siya sa'kin. Napatigil siya sa paglalakad at lumingon kaya napakamot ako sa ulo. "Yung pinapadala ni Mr. Valdez na--" Hindi pa ako tapos magsalita ay binuksan niya na 'yung bag niya. Inabot niya sa'kin 'yung copy niya at pumunta na sa upuan niya. Ngumuso ako, ang cold naman. Kyron Nicole Lopez Vergara Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan sa birth certificate niya. Kyron Nicole Lopez Vergara? Ang ganda naman ng pangalan ng isang 'to. Hindi ko alam na pwede palang ipangalan sa lalake ang pangalan na Nicole. Hindi ko namalayan ang sarili ko na binabasa ko na ang kabuuan ng birth certificate niya. Ang pangalan ng papa niya ay Aaron Vergara at ang mama niya naman ay si Kylee Lopez. March 13 ang birthday niya at mas matanda lang siya sa'kin ng ilang buwan. "Ynna?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Kieran Domingo. Bigla siyang ngumisi at sinilip ang birth certificate na tinitignan ko na mabilis kong itinago. "Oh.." Humalakhak siya. Nag-init ang mukha ko, nakita niya ba na kay Kyle ang binabasa ko? "Anong kailangan mo?" Tanong ko kaya inangat niya ang copy ng birth certificate niya. Kinuha ko 'yung copy niya at sinama sa ibang copy saka tinupi ang mga ito para hindi magkahiwa-hiwalay. "October 24?" Tanong niya at umupo sa upuan sa tabi ko kaya nagulat ako. "Huh?" Pinapahinga niya ang kanyang kaliwang braso sa sandalan ng upuan ko at kinagat ang manipis niyang labi. "Birthday mo, october 24." Aniya at nagpangalumbaba gamit ang kanyang kanang kamay. "Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko. Bumaba ang tingin niya sa papel na hawak ko. "Nasa ibabaw 'yung sayo kaya nakita ko." "Ah.." Nahihiya na tumango-tango ako kaya bumungisngis siya. Sa kanilang magbabarkada, ang natural na malalim ang boses ay silang dalawa ni King. "Saan nanggaling ang pangalan mo?" Tanong niya pa kaya tumaas ang kilay ko. "Pangalan ng magulang mo ay Yves Castro at Miranda Martinez, parang ang layo lang.." Nanlaki na naman ang mata ko. "Paano mo nalaman?" "Nabasa ko lang rin." Aniya at sumandal sa upuan niya pero hindi pa rin inaalis ang braso sa sandalan ng upuan ko. "Nabasa mo agad lahat iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya at binasa ng dila ang kanyang labi. "Spanish ang mama mo at 28 siya nung ipinanganak ka niya, ang papa mo naman ay Filipino at 30 siya nung oras na iyon. Kinasal silang dalawa nung February 15 19--" "Sigurado ka bang nabasa mo lang?" Pinasingkit ko ang mata ko habang pinagmamasdan siya, sa tono ng pagsasalita niya ay parang kabisado niya ang nasa birth certificate ko. Ngumiwi siya. "Hindi ka naniniwala sa'kin?" "Hindi naman sa gano'n.." Inayos ko ang bangs ng wig ko kaya napangiti siya at sinundan ng tingin ang sexy'ng babae na dumaan sa corridor. Ayan na naman ang radar niya. "Sundan mo na, baka hindi mo maabutan." Sabi ko kaya nabalik ang tingin niya sa'kin. "Hahanapin ko." Halakhak niya at pinakita ang mga daliri niya. "May suot siyang dalawang singsing, isang may bato sa gitna at 'yung isa ay may nakalagay na N at A na letra. Siya siguro si Nathalie Ama, 'yung second year tourism student.." Napanganga ako dahil sa kamanghaan, nakabisado niya ang lahat ng iyon. "Kilala mo naman pala!" "Hindi ko siya kilala." Nag-inat siya ng braso. "Nabasa ko lang 'yung pangalan na iyon sa bulletin board nung isang buwan lang, representative siya ng block nila para sa sportsfest." Nabasa niya sa bulletin board nung isang buwan pa. Kung ako iyon ay nakalimutan ko na lahat ng nabasa ko dahil sa tagal no'n. Namamangha na tumango-tango ako, ang talas ng memorya niya. Hindi lang pala puro kalandian at kagwapuhan ang meron ang isang 'to, matalas ang memorya niya sa mga bagay bagay at nakakamangha iyon. "Class." Napalingon ako sa unahan nang marinig ang boses ng prof namin ngayon, akala ko ay aalis na si Kieran sa upuan sa tabi ko pero nag-ayos lang siya ng upo habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ni Ms. Perez. Napangiwi ako. Naiintindihan kong bagong prof at bata pa si Miss Perez pero wala bang patawad ang Kieran na ito? Napailing na lang ako at itinuon ang atensyon sa klase, hindi rin naman nanggulo itong katabi ko kaya naging payapa ako. "Class dismissed." Nagsitayuan na ang lahat matapos ang dalawang oras at nagsimula nang maglabasan ng room. Inayos ko 'yung gamit ko at tumayo. Pero halos mapatalon ako nang muntik na kong tumama sa tao na nakatayo sa tabi ng upuan ko. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay alam ko na agad kung sino ito dahil sa amoy ng pabango niya. Umatras ako at inayos 'yung glasses ko habang nakayuko. "Bakit?" Tanong ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kieran kaya napalingon ako sa kanya, kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang pagtawa habang nakatingin sa tao sa harap ko. "Siya na ba, brad?" Tanong niya kay Kyle na kinainit ng mukha ko. "Dammit, get lost." Iritadong sabi ni Kyle. Humalakhak si Kieran at pinasadahan ng palad ang kanyang buhok at tinanguan ako. "Alis na ako, Ynna." Ngumisi siya. "Ingat ka diyan, mukha lang 'yang suplado pero ninja 'yan." Humakbang palapit sa kanya si Kyle kaya nagmamadaling tumakbo palabas si Kieran habang humahalakhak. Inayos ko ang glasses ko, namumula ang tenga ni Kyle. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura kaya nag-iwas ako ng tingin. Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang bewang at nilingon ako, ilang sandali siyang hindi gumalaw bago ilapit ang mukha niya para silipin ang mukha ko. Napaatras ako para lumayo dahil sa gulat. "Uh.." Ngumuso siya. "Bakit pwedeng lumapit sayo ang iba pero ako ay hindi?" Nanlaki ang mata ko. "Hindi naman sa ganon!" "Uh.." Tumango siya. "Let's eat together then." Kumunot ang noo niya nung ang tagal ko nang hindi nakakasagot, dati kasi ay sinasabi ko agad na ayoko. Pero ngayon ay ipinangako ko sa sarili ko na papayag ako sa oras na yayain niya ako. Bubuka na dapat 'yung bibig niya para magsalita pero inunahan ko na. "O-okay!" I answered. He was taken a back for a second, nagulat siya. Hindi niya yata inaasahan na papayag ako. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi, sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at naglakad na palabas ng room kaya naramdaman kong sumunod siya. Sinabayan niya ako sa paglalakad kaya hindi sinasadya na nagkadikit ang mga braso namin. Lumingon ako sa kanya kaya napalingon rin siya. "Saan tayo kakain?" Tanong ko. Naglaro ang maliit na ngisi sa kanyang labi. "Kahit saan." "Kahit saan?" Tumango siya kaya napangisi ako at ibinalik ang tingin sa daan. Naramdaman ko ang pagtitig niya kaya napayuko ako. Nakakatunaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD