six

2618 Words
VI. One fine day for me. Nakakapanibago na walang nanggugulo sa'kin today, walang lumalapit para magpagawa ng project, walang bigla na lang ako babanggain, or walang titingin sa'kin para laitin ako. Pero mukhang ang aga kong naging masaya, may isang estudyante kasi na palapit na sa'kin ngayon. "Hey, Ynna. Pinapasabi ni Ms. Perez na magpunta ka daw sa faculty later." Aniya nang makalapit siya. Ano nga bang pangalan nito? Dona? "Okay!" Nakangiting sabi ko kaya ngumiti rin siya at tumalikod na. Ngumuso ako, hindi niya naman pala ako aanuhin. Nagmagandang loob pa nga siya na sabihin sa'kin, may mga mababait pa naman sa school na ito. Lunch time na kaya nagpunta ako sa likod ng gym nitong school. Lagi akong nandito dahil palaging walang tao, nagbabasa ako ng libro na halos tatlong araw ko lang binabasa. Gano'n ako ka-addict. Naka-indian seat ako sa damuhan habang nakasandal sa puno, nasa tabi ko 'yung fries, burger at juice na kinakain ko. Hearts can break. Yes, hearts can break. Sometimes I think it would be better if we died when they did, but we don't. Nangingilid na 'yung luha ko dahil sa binabasa ko, kung nasa bahay lang ako humagulgol na ako ng iyak. Because, damn! This book really hurts! Pinupunasan ko na lang 'yung luha ko kapag tumutulo 'yon, kakagat ako ng burger o susubo ng fries tapos pupunasan ulit 'yung luha ko. "I just wanted to tell you that I understand if you go. It's okay if you have to leave me, It's okay if you want to stop fighting." He said, tears rolling down on his cheeks. Ang sakit na ng puso ko dahil sa binabasa ko. It's really hard kapag may mahal ka sa buhay na nawala sayo, parang gusto mo na lang din mamatay. Pakiramdam mo kasi ay hindi mo na kayang ipagpatuloy pa 'yung buhay mo, 'yun bang ayaw mo nang gumising sa umaga kasi mararamdaman mo na naman 'yung feeling na iyon? Sobrang sakit ang naidulot sa'kin dati, naramdaman kong nadurog ang puso ko nung nawala si Dad. Someone killed him in front of me, i was just crying habang nagtatago sa loob ng cabinet. Kitang-kita ko kung paano siya binaril ng maraming beses nung mga killer. He fought hard, nagawa niyang makapatay ng halos nasa sampu na kalaban but that's it. Pinagtulungan siya, pinagtago niya kami ni Mom para hindi kami madamay. Nakasilip ako sa labas ng cabinet no'n habang pinapanood 'yung nangyayari sa kanya, habang pinapanood siyang nanghihingalo at lumalaban. It was a nightmare. Ilang linggo akong naging paranoid noon, kapag may naririnig ako na kahit anong tunog. Tulad ng nahulog na kutsara o tunog ng pagpukpok ng martilyo ay naghi-hysterical agad ako. Nagtatago ako sa ilalim ng kama o sa loob ng cabinet. I was just a kid that time. Lalo akong napaiyak dahil naisip ko na naman 'yon, humihikbi na ako ng mahina dahil ramdam na ramdam ko 'yung feeling ng character sa libro. Bigla kong pinunasan 'yung luha ko nang makarinig ng kaluskos sa paligid. Mabilis akong napalingon-lingon habang nagmamadaling sinusuot 'yung glasses ko. Nanlaki ang mata ko nang makita na si Kyle 'yon, nag-iinat siya habang nakasandal sa puno kung saan din ako nakasandal. Nakatalikod lang kami sa isa't isa. Kakagising niya lang, obviously. Hindi naman siya mukhang umaarte lang pero bakit hindi ko siya naramdaman kanina? Masyado yata akong kinain nung binabasa kong libro. Ayokong magkauasap kami! Natatakot ako sa kanya, natatakot ako sa epekto niya sa'kin. Tatayo na dapat ako para makatakas nang matigilan ako dahil sa nakita ko na mga babae na palapit sa'kin. Daphne Alonzo. Couzin namin ni Chloe na ubod ng arte, anak siya ng sister ni papa na ubod din naman ng yabang. Ewan ko kung bakit inggit na inggit sila sa family namin, mas mayaman lang kami pero mayaman din naman sila! Ewan ko ba. Kaya pati si Chloe ay galit na galit sa impaktang 'to! Pati kasi siya ay inaaway. Anyway, alam ni Daphne na ako 'to. Na nagpapanggap ako kaya ginagamit niya ito para i-bully ako. "Hey, nerdy." Bati niya nang nakangiti kaya tinaas ko ang isang kilay ko. Magsasalita na dapat ako nang maalala na nandito pala si Kyle. s**t. "W-what do you want?" Kunwaring nauutal na tanong ko. She grinned. "You're really good at acting, eh?" Tinignan ko 'yung reaction ng mga alipores niya, alam ba ng mga 'to na nagpapanggap ako? Sinabi na ba sa kanila ni Daphne? Kilala ko 'tong babaeng 'to, hindi niya ipagsasabi 'to para may maipang-laban siya sa'kin. Gano'n siya lumaban, nag-iisip siya. Umikot ang aking mata. Damn, i hate her so much. Kinuha ko na lang 'yung bag ko at nilagay doon 'yung book ko, tumayo na ko at dinampot 'yung pagkain ko. Iiwan ko na lang sila. "I'm still talking to you!" Iritadong sabi ni Daphne at sinanggi 'yung hawak kong pagkain. Natapon lahat sa damit ko 'yung softdrinks at catsup kaya napangiwi ako. I bit my lower lip. Tinignan ko ng sobrang sama si Daphne na nakangiti lang, i'm done. I'm really done, mukhang hindi ko na kayang magpanggap. Hindi ako sanay na ginaganito ako! Kinuyom ko ang aking kamao. Handa na akong suntukin siya nang makarinig kami ng kaluskos sa gilid at ayun si Kyle. Nakatayo na sa may gilid ng puno, pinapagpagan niya 'yung damit niya pero hindi siya nakatingin sa'min. "K-kyle.." Gulat na sabi ni Daphne at inayos ang dark brown niyang kulot na buhok. Napalingon sa kanya si Kyle dahil doon, wala siyang naging reaksyon. Dinaanan niya lang ito ng tingin na parang pinaparating niya na hindi siya interesado. Yumuko siya at mabagal na naglaro ang maliit na ngiti sa kanyang labi. Ayan na naman! Yung ngiti niyang kakaiba, 'yung nakakatunaw pero nakakapanindig balahibo. Paano niya nagagawa iyon? Nilingon ko sila Daphne para makita ang reaksyon nila at hindi na ako nagulat nang makita na natigilan sila dahil sa nakita. Halos natataranta na lumingon sa'kin si Daphne at inirapan ako bago sila umalis. Hindi mapakali na nilingon ko si Kyle. Dinaanan ko lang siya ng tingin at iniwan na siya doon. Hindi maganda kapag kami lang dalawa ang natitira, he's doing something very weird. Dumating ako sa room na iisa lang ang tao, nagpalit ako ng P.E uniform dahil wala akong nadala na extra shirt. Nakakainis ang Daphne na iyon, gagawin niya talaga ang lahat makasira lang ng araw ng isang tao. Sa pinto pa lang ng room ay napatigil na ako, si Kyle Vergara lang ang tanging nasa loob! Bakit kailangang siya lang ang nandito? Talaga bang tinadhana kaming magkasama ng kaming dalawa lang ngayong araw? Huminga ako ng malalim. Tahimik at maingat na umupo ako sa upuan ko, tumunganga lang ako dito. Napansin ko rin na may ilang paper bags na nakapatong sa ibang chairs na mukhang iniwan muna ng may-ari. Ngumuso ako at pasimpleng nilingon ang nag-iisang kasama ko dito na naka pwesto sa likuran. Bakit kaya sobrang lakas ng presensya ng lalakeng 'to? Talagang hindi mo makakalimutan na nandyan lang siya kahit wala naman siyang ginagawa. Yung tipong para ka niyang kinakalabit para ipaalala na nandoon lang siya. Gano'n kalakas, he's very intimidating. Mga ilang minuto lang ay marami nang nagpasukan na kaklase namin sa subject na 'to. Nagkanya-kanya sila, may nagkukwentuhan, mag nag-aayos ng make-up, may nag-aasaran at kung anu-ano pa. Muntik ko nang batiin si King nang pumasok siya dito sa loob. Maya-maya ay si Monique naman ang pumasok, kaya naman pala pumasok ang kulugo dahil nandito ang love of his life! Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pag ngiti dahil baka may makakita sa'kin at akalain na nababaliw na ako. Nilingon ko na lang si King na nakasandal lang sa upuan niya at nakahalukipkip, ni hindi niya nililingon si Monique na busy sa kanyang phone. Mukhang naramdaman ni King 'yung pagtitig ko kaya nabaling ang mata niya sa'kin at tinignan ako ng masama. Nagpangalumbaba ako at pasimple siyang binelatan kaya umirap siya. Napahagikgik ako. This lover boy is very adorable. Dumating ang prof kaya nagsi-balik sa pwesto ang lahat. Napansin ko rin na nandito pala si Daphne kaya napairap ako sa hangin. "Good afternoon, class." Bati ni Mr. Valdez. He was about to start nang mapatingin siya sa bandang likuran na pwesto ng room. Kay Kyle to be exact, nakataas ang kamay nito para ipaalam na may gusto siyang sabihin. "Yes, Vergara? Ano ang gusto mong sabihin?" Tanong ni Mr. Valdez sa kanya. "Nawawala 'yung phone ko." Aniya kaya kumunot ang noo ko. Eh ano pala 'yung tawag niya sa hawak niya ngayon? "Hindi ba phone 'yang hawak mo?" Nagtatakang tanong ni Mr. Valdez. Exactly! Kyle's forehead creased. "Dalawa 'yung phone ko." Ah.. Tumango si Mr. Valdez at nilibot ang tingin sa buong room. "Open your bags, everyone! I need to inspect your belongings." Sabi ni Mr. Valdez kaya kanya-kanyang reklamo ang lahat. "Mukha ba kaming magnanakaw ng phone?" "It's fine, it's not me anyways." "Darn, my bag is such a mess." Sari-saring bulungan ang naririnig ko pero hindi 'yon pinansin ni Mr. Valdez at nagsimula sa pagtingin sa mga gamit. Binuksan ko na rin 'yung bag ko para kapag nakalapit si Mr. Valdez ay titignan niya na lang. Bag na ni Daphne ang ininspeksyon ni sir, tulad ng inaasahan ay walang nakita. Kilala ko si Daphne, napaka maldita niya pero hindi magagawang magnakaw. Ako na dapat ang sunod nang mapayuko si Mr. Valdez dahil may nasanggi 'yung paa niya. "Kaninong paper bag ito?" Tanong niya kaya lumingon sa kanya si Daphne. "That's mine, sir. Extra clothes lang ang nandyan." Aniya kaya ngumiti si Mr. Valdez. "Let me see." Napailing-iling na lang si Daphne at inabot kay Mr. Valdez 'yung paper bag. Hinalungkat niya 'yon, maya-maya ay natigilan siya at kumunot ang noo. "Why, sir?" Nagtatakang tanong ni Daphne. Hindi sumagot si Mr. Valdez at lumingon kay Kyle, nanlaki ang mata ng lahat nang itaas ni Mr. Valdez ang itim na phone na nanggaling sa loob ng paper bag. "Sayo ba 'to, Vergara?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ni Kyle at tumango. Nagsimulang magbulungan ang lahat at mabilis na napatayo si Daphne. Nanlaki ang mata ko, totoo ba 'tong nakikita ko? "H-hindi ko kinuha 'yan, sir!" Agap niya at lumingon kay Kyle. "I didn't do it, Kyle. B-believe me!" Hindi sumagot si Kyle na halatang hindi interesado sa mga sinasabi ni Daphne. Napabuntong hininga na lang si Mr. Valdez at nagpamewang habang umiiling. "Ms. Alonzo, go to the disciplinary office." Ani Mr. Valdez kaya nagsisisigaw na naman si Daphne. Gosh. Kinuha niya ba talaga iyon? Hindi ako makapaniwala. Lumingon ako sa gawi ni Kyle na nakatuon ang mata sa ballpen na pinaglalaruan niya sa daliri niya. Kinagat ko ang aking labi nang makita ang namuong maliit na ngisi sa kanyang labi. Again.. Hindi ko na lang pinansin iyon at nag iwas ng tingin, pinaglaruan ko ang aking kamay at nilingon si Daphne na hinihila palabas ng room. Dahil sa nangyaring iyon ay sinuspende si Daphne ng dalawang linggo. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD