seven

1831 Words
VII. Lalong naging magulo ang buhay ko simula nang ma-suspend si Daphne. Hindi ako tinitigilan ng mga chaka niyang alipores dahil ako daw 'yung nag-setup kay Daphne. Hindi ko alam kung bakit naiisip nilang gagawin ko ang bagay na iyon para gumanti, kaya kong lumaban ng harapan pero pinipili ko lang na hindi. "Hey, loser. Get out of the way." Nag-angat ako ng tingin nang marinig na naman ang boses na iyon, limang araw na mula nang ma-suspend si Daphne at isang linggo pa ang natitira para bumalik ang babaeng iyon. Siguradong mas malala kapag nandito na ulit siya dahil lalo niya akong pag-iinitan. "Tatanga ka na lang diyan?" Nakataas ang kilay niya. "Bingi ka ba? Get out of our way, freak!" Sabi niya pa saka ako tinulak. Hindi ako natumba dahil naibalanse ko ang katawan ko pero tumama ako sa isang estudyante sa likod ko, hindi ako nakaramdam o nakarinig ng reklamo sa estudyante na iyon kaya ako lumingon. Napangiwi ako nang makita si Chloe na naka-halukipkip at hindi ako binabalingan ng tingin. "What do you think you're doing?" Iritado ang boses ni Chloe habang nakataas ang isang kilay sa mga alipores ni Daphne. "It's none of your business, what do you want?" Iritadong tanong pabalik ni alipores number one, si Jona. Suminghap si Chloe. "Sa tingin mo ba ay may karapatan kayong umakto ng ganito? Si Daphne nga ay hindi ko ka-lebel, kayo pa kaya?" Ngumuso siya at dinaanan ako ng tingin. "Lahat kayo, you should know your place. Wag niyong ipilit ang sarili niyo sa mga sitwasyon na hindi naman kayo nababagay.." Napanganga ako. Alam kong pati ako ay sinasabihan niyang gano'n, alam niyang nagpapanggap lang ako at sa tingin ko ay lalo siyang naiinis na nakikita niya akong nagpapanggap na ganito. Umirap siya sa hangin at tumalikod, walang nakasagot sa kanya. "Damn it. She's pissing me off." Inis na sabi ni alipores number two, si Wena. Napalingon ako sa kanila kaya nabaling ang tingin sa'kin ni Jona at tinaasan ako ng kilay. "What are you looking at? Nang-aasar ka ba, ha?" Sigaw niya at tinulak na naman ako, hindi ko naihanda ang sarili ko kaya natumba na talaga ako patalikod at may nabangga na naman ako. Napapikit ako ng mariin dahil tumama 'yung balakang ko sa sahig. Naramdaman ko ang pares ng mata na nakatingin sa'kin kaya nagdilat ako, halos tumigil ako sa paghinga nang masalubong ng mata ko ang pamilyar na madilim na pares ng mata. Unti-unting nanlaki ang mata ko, nakayuko lang siya at nakatingin sa'kin habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa kanyang bulsa. Ako naman ay nakahiga dito sa sahig. Bakit niya ako tinitignan ng ganiyan? Gusto niya ba na nakikita ako ng ganito? Ngumuso siya bago daanan ng tingin sila Wena na halatang na-iintimidate sa kanya dahil hindi sila makapag-react. Kinamot niya ang kanyang ibabang labi at tumalikod para umalis. Sinundan siya ng tingin ng lahat kaya napapikit ako ng mariin, sigurado akong nakita ko ang ngiti na iyon bago siya tumalikod. At tuwing nakikita ko ang kakaibang ngiti niya.. s**t is about to happen. Hinayaan na lang ako nila Jona. Inayos ko ang sarili ko at dinampot ang gamit para umuwi, natulog ako maghapon sa bahay at dumating sila Billy at King kinagabihan. "Mamamatay na yata ako sa school na 'yon!" "Tell me, bakit punong-punong ng spoiled brats ang school na 'yon?" "Gosh, it's killing me! Kung hindi lang talaga dahil kay Mons!" Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakasubsub sa unan at binaling ang tingin sa dalawang kasama ko na nakaupo sa harap ko. Nagbabasa ng libro si Billy habang naka-dekwatro at nakapikit si King habang nakasandal sa sofa. "Answer me, hello?" Pagkuha ko ng kanilang atensyon, walang gana na binaling nilang pareho ang malalamig na mata sa'kin. Ang mata ni Billy ay malalim, parang nakakalunod lalo na sa malapitan. Ang kay King ay malamig, parang nakakakilabot dahil ang tapang ng itsura nito. "Hindi ko alam." Ani Billy at nagkibit balikat naman si King. Umupo ako mula sa pagkakahiga na nanghahaba ang nguso. "You don't love me anymore." Mahinang sabi ko kaya napalingon na naman sila sa'kin pareho. "You don't care anymore, okay lang sa inyo na binubully ako! Alam niyong hindi ko ginagawa 'to para sa sarili ko pero wala kayong pakialam. May bestfriends pa ba ako?" Suminghap si King at nagsalubong ang kanyang kilay. "What the hell are you saying, Vanna?" Napangiwi ako. Nagalit agad siya, alam ko kung gaano sila nag-aalala sa'kin. Naaalala ko pa nung sinabi kong magpapanggap akong nerdy sa school at pareho silang umangal, alam kasi nila na mabu-bully ako pero nagpumilit ako. "You don't care about me anymore." Pagda-drama ko pa kaya tumalim ang tingin niya sa'kin. "Tigilan mo ang pag-iisip ng ganyan," Malamig ang kanyang boses. Tumayo siya at tinuro ang mga bintana dito sa kwarto ko. "I gotta go, lock the doors and the windows." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Billy, sinarado niya ang hawak niyang libro at tumayo kaya napatayo na rin ako. "Aalis na kayo?" Tanong ko kaya tumango siya. Hinalikan niya ang aking ulo at ginulo ang buhok ko. "Goodnight, bunso." Aniya kaya sumimangot ako at sinundan sila palabas. "Ingat kayo, drive safely alright." Paalala ko. Napangiwi ako nang mabilis na humarurot ang motorbike ni Billy paalis, ngumisi si King na nakasakay sa kotse niya bago ipaharurot din ito ng mabilis. Kumunot ang aking noo. Those guys! Napabuntong-hininga na lang ako at binagsak ang katawan ko sa bed ko saka pumikit. Maaga akong umalis kinabukasan dahil maaga ang klase. Naglalakad ako papunta sa likod ng gym para doon kumain, as usual sa tahimik na lugar. May dala akong pagkain na binili ko sa cafeteria. Pagkadating ko doon ay swerte na walang tao. Maraming lang tao sa baseball field na nakikita mula dito, mas mataas lang 'yung part na 'to ng halos eight feet kaya keri lang dahil hindi naman matatamaan ng bola. Nilabas ko sa bag ko ang bagong libro na binabasa ko at sumandal sa puno, ngunit hindi ko pa ito nabubuklat ay natigilan na ako nang marinig na may nagsisigawan galing sa field. Nagkakagulo ang mga estudyante doon. Binaba ko ang suot kong glasses para makita ng malinaw kung anong nangyayari at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang dalawang matangkad na lalake na maangas na naglalakad sa gitna ng field, palapit sa mga players. Mabilis akong napatayo at napangiwi pa ako nang matapon ang inumin ko dahil nasanggi ko ito. Nakita ko na dinampot ni Billy 'yung baseball at binato sa sikmura ng isa kaya napaluhod iyon, si King naman ay inagaw ang baseball bat sa isa at pinalo ang likod ng binti ng isa kaya napaluhod din iyon. Dang, what are they doing? Nagmamadaling inilagay ko sa bag ko 'yung libro ko at tumalon mula dito pababa sa baseball field. Naramdaman ko na may mga napatingin sa'kin pero hindi ko pinansin. Inayos ko lang 'yung glasses ko at naglakad papunta sa gitna ng field kaya nakarinig ako ng bulungan galing sa mga estudyante, na ano daw ang ginagawa ko at bakit daw ako makikialam sa away ng King Cadwell at Billy Suarez. Nang makalapit ako ay saglit akong natigilan nang makita na sila 'yung nambubully sa'kin, nagpapagawa ng mga projects at inuutusan ako ng kung anu-ano. Kinagat ko ang aking labi, ginagawa nila 'to dahil nagreklamo ako kagabi. Huminga ako ng malalim at hinawakan sa braso si King na kinukwelyuhan ang isang player para suntukin ulit sa mukha. Nagdudugo na ang bibig nito pero walang magawa dahil hindi makaganti. "Tama na.." Mahina ang boses ko. Suminghap si King at marahas na binitawan sa kwelyo ang hawak niya, si Billy ay napatingala na lang at huminga ng malalim. Pasimple ko silang sinenyasan na umalis na kaya inayos nila ang kanilang sarili at tumalikod. May paayos-ayos pa silang nalalaman eh ni hindi nga sila pinagpawisan. "f**k. Bakit bigla na lang silang nananakit?" Galit na untad ng isang player na nangingitim ang gilid ng mata. Napangiwi ako, siya 'yung mohawk boy na nagpapagawa sa'kin ng project nung nakaraan. Umirap ako. "Because you're an asshole." Mabilis siyang napalingon sa'kin habang magkasalubong ang kilay. Lalo lang nag-init ang ulo ko. Naiinis ako, hindi pwedeng hindi mapaparusahan sila Billy dahil sa ginawa nila. Hindi kinukunsinti ni Auntie Kera ang pakikipag away nila King kahit sila pa ang may-ari ng Kcads. Kasalanan ko dahil nagreklamo ako kagabi na wala silang pakialam sa'kin at hindi nila ako maipagtanggol kaya nila ginawa 'to. Marahas na hinawakan ako ni mohawk boy sa braso. "Anong sinabi mo?!" Tinabig ko ang kanyang braso na ikinagulat niya. "f**k you! This is your fault you good-for-nothing jerk!" Sigaw ko bago ayusin ang glasses ko at nagmartsa paalis. Mas lalong lumakas ang bulungan kaya napayuko ako. Binilisan ko ang paglalakad ko habang niyayakap ang sarili. Bumalik ako sa likod ng gym sa puno kung saan ako nakaupo kanina pero nakatalikod na ko sa soccer field. Napahawak ako sa noo ko habang nakapikit. Ngayon ko lang na-realize 'yung ginawa ko! Bakit ako umakto ng gano'n? "This isn't good. I'm so stupid!" Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko habang binabatukan ang sarili. Bakit ba kasi sineryoso nila King 'yung sinabi ko kagabi? Nasagasaan ko ba ang ego nila kaya pinatunayan nila na kaya nilang saktan ang lahat ng mananakit sa'kin? Alam ko naman iyon! Naglabas lang ako ng hinanakit kagabi pero hindi ko sinabi na gawin nila 'yung ginawa nila. Nagbuntong hininga ako ng maingay at sinubsob ang mukha ko sa aking tuhod. "Malamig na 'yung pagkain." "Ay, kabayo!" Halos mapatalon ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang walang emosyon na mukha ni Kyle Vergara. Nakayuko siya at pinapanood lang ako. "U-uh.." Nag iwas ako ng tingin at tumayo para lumayo sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at natatakot ako na baka marinig niya iyon. Ngumuso siya at binaling ang tingin sa pagkain na binili ko na mukhang lumalamig na nga. Natataranta na kinuha ko iyon at tumalikod na para iwan siya pero hindi pa ako nakakahakbang ay natigilan na ako dahil sa sinabi niya. "Your wig is falling off." Nabitawan ko ang hawak kong pagkain dahil sa pagmamadali na kunin 'yung salamin sa bag ko. Hindi ko na iyon inalintana at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Natigilan ako. Hindi magulo ang wig ko, maayos ito at hindi halatang wig lang. Napapikit ako nang makita ang repleksyon ni Kyle Vergara sa salamin na hawak ko, nakatagilid ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. Kinakabahan na lumingon ako sa kanya. Ngumuso siya. "Kidding.." Aniya sa mahinahon na boses at ngumisi bago ako nilagpasan. Napasampal ako sa aking noo. Alam niya! Alam niyang nagpapanggap lang ako, hindi niya direktang sinabi pero iyon ang pinapahiwatig niya. Katapusan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD