Eight

2936 Words
VIII. Ilang araw ko nang hindi pinapansin si Kyle mula nung sinabi niyang nahuhulog daw ang wig ko kahit hindi naman, kahit sa totoo lang ay hindi ko naman talaga siya pinansin. Mas naging mailap lang ako sa kanya. Alam niya. Alam niyang nagpapanggap lang ako, ano pa bang ibig sabihin no'n? Pinapaalam niya lang sa'kin na alam na niyang nagpapanggap lang ako, na wig lang ang suot ko at iniiba ko ang itsura ko. Kaya kapag nagkakasalubong kami ay bigla akong nag-iiba ng daan o kaya ay kapag nasa room siya ay papasok lang ako kapag nandoon na talaga 'yung prof. Tulad ngayon, ngayon lang dumating 'yung professor kaya ngayon lang ako papasok ng room. Binalingan ko agad ng tingin 'yung pwesto ni Kyle at agad akong nagpasalamat sa isip ko nang makita na wala siya do'n. Umupo na ako sa seat ko malapit sa may dulo. Sa harap ni Monique, nadaanan ko ng tingin si King na katabi nito. Nakatagilid ang ulo at hinahawakan ang hikaw sa kanyang tenga. Ngumisi ako. Hindi sila naparusahan ni Billy dahil sa ginawa nilang pang gugulpi sa mga baseball player. Ako ang nagmakaawa kay Auntie Kera na wag na silang isuspende dahil ayun ang plano, sinabi ko na kasalanan ko naman at ako ang nag-udyok sa kanila na gawin iyon dahil gusto kong makaganti. Pinagalitan muna ako ng bongga ni auntie Kera bago pumayag na huwag nang parusahan 'yung dalawa. I'm glad. "Class, the professors will be having a seminar today but the exams will be held next week so you all need to review hard and i want you to have a photo copies of these reviewers." Ani Ms. Perez at tinaas 'yung makapal na sheets ng reviewers. "So who wants to be in charge?" Walang sumagot dahil walang may gusto. Trabaho pa kasi 'yan, ipapa-photo copy mo tapos ipamimigay sa lahat ng nandito. Imagine kung gaano karami 'yan! Nagsimulang ilibot ni Ms. Perez ang mata niya sa paligid kaya kanya-kanyang iwas ng eye contact ang lahat. Kasama na ako doon. She was about to say something when someone casually entered the room. Napakagat ako ng labi nang makita na si Kyle iyon. Bakit pa siya pumasok? "Oh. You're late, Vergara." Tumaas ang kilay ni Ms. Perez at ngumiti. "You'll be in charge of these. Count your classmates and photo copy all of these then contribute. Cooperating sometimes wouldn't hurt, right?" Ilang segundong tinitigan lang ni Kyle 'yung reviewer pero kinuha niya rin iyon kaya namilog ang bibig ng iba dahil sa gulat. Bago yata sa paningin nila ito, ano bang mga ginagawa niya dati? Invisible ba siya? "Okay. Gotta go now, class." Paalam ni Ms. Perez at pinandilatan ng mata ang lahat. "Behave." Madiin na sabi niya. "Yes, prof." Walang ganang sagot ng lahat. Nang makalabas ang prof ay nilibot agad ng tingin ni Kyle ang paligid. Mukhang binibilang niya kaming lahat, napapaisip ako kung kilala niya ba ang lahat ng mga kaklase namin sa subject na 'to? Kilala niya ba sa mukha ang lahat? "Kyle, we can do that for you." Ani Jona na sinusuklay ng daliri ang straight niyang buhok. Hindi siya pinansin ni Kyle at nagpanggap na hindi siya narinig, ni hindi siya binalingan ng tingin. Yumuko ako at umiling-iling. Matapos magbilang ay lumabas na si Kyle ng room kaya napahinga ako ng maluwag at umub-ob sa lamesa. "Hey, Ynna. Pinapapunta ka ni Mr. Valdez sa faculty." Narinig kong sabi ng isang boses kaya napaangat ako ng ulo. Si Dona, siya 'yung nagsabi sa'kin nung nakaraan na pinapapunta ako ni Ms. Perez sa faculty at totoo naman na pinapapunta ako. Tumango ako kaya ngumiti siya at tumalikod para pumunta sa mga kaibigan niya na nasa may pinto na. Inayos ko 'yung gamit ko at lumabas na para pumunta na nga doon. Nagbuntong-hininga ako habang naglalakad, bakit naman kaya ako pinapatawag? Mabuti na lang ay halos kabisado ko na ang malaking school na ito. "Oy, two faced." Gulat na nilingon ko ang boses na iyon. Nakita ko si Kyle Vergara na nakasandal sa frame ng pinto sa isang room na katabi ng faculty na pupuntahan ko. Pumikit ako ng mariin at inayos ang bangs ng wig ko. Two faced? Really? "What? Two faced?" Kumunot ang aking noo. Nag iwas ako ng tingin at umirap, nag-iingat na hindi niya makita. Hindi niya pinansin 'yung tanong ko at tumingin sa faculty na katabi lang ng room kung nasaan siya. Kinagat niya ang kanyang labi. "Nasa seminar ang lahat ng prof, help me with these shits." Sinilip ko ang loob ng room kung nasaan siya, may mga computer sa loob at nandoon 'yung mga papel na inutos sa kanya ni Ms. Perez kanina. Tinaas ko ang aking kilay. "Why would i?" "Bakit hindi?" Tinagilid niya ang kanyang ulo at ngumuso. Ang hilig niyang gumanyan! Nag iwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Ayoko siyang tulungan! Ayokong makasama siyang mag-isa sa loob ng isang room na kaming dalawa lang. Ayoko dahil iba 'yung pakiramdam kapag kami lang ang magkasama, nakakatakot at nakakapangilabot. "Busy ako.." Mahinang sabi ko at tinalikuran siya para magpunta sa faculty. "Sige, ayos lang.." Aniya, hindi ko matukoy ang tono ng boses niya. Napatigil ako sa paghakbang. Ayos lang daw? Hindi, hindi iyon ayos! Alam kong ginugulo niya ang utak ko. Sinabi niyang ayos lang para pumayag ako dahil alam kong alam niya na may alam siya sa pagpapanggap ko at wala akong magagawa kundi sundin ang gusto niya. Inayos ko 'yung glasses ko at mabigat ang mga paa na pumasok sa room kung nasaan siya, kahit hindi ko siya lingunin ay nakita ko sa gilid ng mata ko na ngumisi siya. "Psycho." Wala sa sarili na sabi ko. Napalingon ako sa kanya nang hindi siya mag-react, tumigil sa ere ang kamay niyang may hawak na mga papel at tinitigan iyon. Biglang tumaas ang mga balahibo ko, nag-igting ang kanyang panga at lalong dumilim ang kanyang mata. Natatarantang kinuha ko ang papel na hawak niya kaya napunta sa ibang bagay ang kanyang tingin, hindi niya ako binabalingan! Psycho. Psychopath. Nagalit ba siya dahil doon? I was just kidding! Did i went too far? "U-uh.. Sorry.." Sambit ko, nanginginig ang kamay na pinindot ko 'yung xerox machine para bumukas ito. Pasimple ulit na nilingon ko siya, gumalaw ang gilid ng kanyang labi at kinuha ang isa pang page ng ixe-xerox namin. Napaigtad ako nang lumingon siya sa'kin, masyado na ba akong halata na natatakot ako sa kanya? Totoo naman na nakakatakot siya! Kinagat ko ang aking labi at kinuha ang copy na hawak niya, sinalang ko ito sa xerox machine at pinanood ang ilaw na dumadaan dito. Bigla kong pinagsisihan na sinabi ko iyon, inaayos niya ang mga na-photo copy na at ako naman ang taga salang sa xerox machine. 25 pages at 30 copies per page, ang tagal no'n ngunit hindi kami nag-usap kahit isang beses dahil hindi na siya nagsalita. "U-uh.. Ikaw na ang bahala na magbigay sa kanila, pupunta na ako ng faculty." Kinagat ko ang aking labi at binigay ang mga nalagyan ko nang staple. "Bumalik ka na lang." Aniya at dinagdagan pa ng ilang copies ang hawak ko. Hindi ako naka-angal, i feel bad dahil sa nasabi ko sa kanya kaya hindi na ako nakatanggi at sumunod na lang. Nung nasa pinto palang kami ng room ay naririnig ko na agad ang ingay na nanggagaling sa loob, biglang tumahimik ang lahat nang makita na nandito na si Kyle at kasama ako. Uh, ano naman kung magkasama kami? "Can i go now?" Mahinang tanong ko sa katabi ko habang inaabot sa kanya 'yung copies na meron ako pero hindi niya ito pinansin at nilagpasan ako. Kumunot ang aking noo nang maglakad siya papunta kay Dona na nakaupo sa upuan. Siya 'yung nagsabi na pinapatawag ako ni Mr. Valdez sa faculty pero dahil sa Kyle na ito ay hindi ako makapunta. "Pinapatawag ka ni Mr. Valdez." Ani Kyle kay Dona. Kumunot ang noo ko, pinapatawag si Dona? Magkasama naman kami pero ni anino ni Mr. Valdez ay hindi namin nakita kaya anong sinasabi niya? "Is he there?" Tanong ni Dona na parang hindi mapakali dahil nakatingin sa kanya si Kyle. Naiintindihan kita, Dona. Lumapit ako para sabihin na wala naman sa faculty si Mr. Valdez. "He's.." Lumingon sa'kin si Kyle kaya natigilan ako, parang gusto niyang marinig kung ano ang susunod kong sasabihin. Bigla akong kinabahan at binaba ang tingin sa mga photo copies na hawak ko. "..there. He's there." Nakita ko sa gilid ng mata ko na naglaro ang maliit na ngisi sa labi ni Kyle bago nag-iwas ng tingin at pinamigay ang mga reviewers kaya gano'n din ako. Umalis naman agad si Dona kaya binigay ko na lang sa kaibigan niya ang para sa kanya. Agad kaming natapos at nagkanya kanya, nung halos sampung minuto na lang ang natitirang oras ay pumasok ng room si Mr. Valdez na galit ang itsura "Someone stole the questionnaires for the exam next week." Sabi niya agad pagkapasok pa lang. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bewang niya habang magkasalubong ang kilay. "Umamin na ang dapat umamin hanggang sa hindi ko pa chini-check ang CCTV record sa faculty. This is a serious matter, class. I won't tolerate this. Give me back the exam questionnaires." "Prof, si Ynna nagpunta doon!" Narinig kong boses ng isang babae kaya nanlaki ang mata ko. Bakit ako? Pupunta dapat ako doon pero hindi natuloy at plano kong pumunta na lang doon mamaya pag uuwi na ako. "Miss Castro." Ani Mr. Valdez na nakatuon ang mata sa'kin kaya umiling-iling agad ako. "I-i was with him!" Agap ko habang tinuturo si Kyle na tahimik lang sa likod na mukhang walang pakialam sa nangyayari. Hindi siya nagsalita kaya napapikit ako ng mariin. Nawala ang atensyon ng lahat sa'kin nang biglang may pumasok. Si Dona na nagpunta ng faculty kahit hindi naman siya pinapapunta, pero si Kyle ang nagsabi kaya siya naniwala. "Where have you been, miss Garcia?" Tanong ni Mr. Valdez sa kanya kaya kinagat niya ang kanyang labi at pinaglaruan ang kanyang daliri. Hindi siya mapakali. "Sa comfort room, Mr. Valdez." Sagot niya. "Before that?" "S-sa faculty po, prof." Sagot niya kaya napa-oh ang lahat. Kumunot ang noo ni Mr. Valdez at lumapit sa kinaroroonan niya. "Why did you go there?" Naghihinala na ang tono ng boses ni Mr. Valdez. Lumingon si Dona kay Kyle habang kinukutkot ang kanyang kuko. "He told me na pinapapunta mo daw ako doon--" "Hindi ako nagpapapunta ng estudyante sa faculty." Lumingon si Mr. Valdez kay Kyle. "Totoo ba na sinabi mo iyon, Vergara?" "I didn't say such thing." Tanggi ni Kyle kaya nanlaki ang mata ko. Wala daw siyang sinasabi? Pero may sinabi siya kanina! Narinig ko. Nag sisinungaling siya! "W-what? Sinabi mo sa'kin kanina!" Natataranta na sigaw ni Dona at tumingin sa'kin. "Ynna, narinig mo iyon. Sinabi niya na pinapapunta ako do'n ni Mr. Valdez!" Hindi ako nakasagot. Hindi daw pala nagpapapunta si Mr. Valdez sa faculty pero bakit sinabi ng babae na ito kanina na pinapapunta daw ako do'n? Were she trying to set me up? Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. She's very uneasy. Kung nandito lang si Billy ay malalaman ko agad kung nagsisinungaling ang babaeng ito. What if she's just nervous dahil natatakot siyang mapagbintangan? "Miss Castro." Huminga ako ng malalim. Dinaanan ko ng tingin si Kyle na nakatingin lang sa kung saan, parang walang pakialam. Bakit niya ginagawa 'to? Sasabihin ko ba sa kanilang lahat na nagsisinungaling lang si Kyle o tutulungan ko ang Dona na ito na sinubukan akong i-set up? Yumuko ako at kinagat ang labi ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Dona.." "What?! Sinungaling!" Sigaw ni Dona. Suminghap si Mr. Valdez at nilahad ang kamay sa harap ni Dona. "Give me your bag.." "N-no! Hindi ako ang kumuha!" Niyakap niya ng mahigpit ang bag niya. "Mas lalo lang magiging malala ang parusa mo kung magiging ganito ka, kung hindi ikaw ang kumuha. Bakit natatakot kang ipakita ang loob ng bag mo?" Bigla na lang umiyak si Dona habang binibigay ang bag niya kay Mr. Valdez, napangiwi ang halos lahat. Sa iyak pa lang niya, kahit hindi na buksan ang loob ng bag niya ay alam na ng lahat na siya nga ang kumuha. Nilingon ko si Kyle na tina-tap ng mabagal ang kanyang index finger sa lamesa niya, bigla siyang lumingon sa gawi ko pero hindi ako nag-iwas ng tingin. Tumaas ang kilay niya. Pinasingkit ko ang aking mata. Alam niya ba ang plano ni Dona at tinulungan niya ako? So this is how he works. Patago at malinis, walang nakakapansin. Mahuhuli ka na lang sa sarili mong kilos. Parang 'yung ginawa niya sa'kin, sinabi niyang magulo ang wig ko kahit hindi naman. Ako naman 'tong nataranta sa pag-aayos at doon niya ako nahuli. Kinagat ko ang labi ko. This Kyle Vergara is terrifying. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD