XXXIV. Kinakagat ang kuko na naglalakad akong palabas ng school. Nakatuon ang atensyon ko sa phone ko dahil may sini-search ako sa internet. Savanna Cruz Savanna Laurel Savanna Yap Savanna Bautista Inis na napakamot ako sa ulo ko dahil sa frustration. Kanina ko pa sini-search ang pangalan na Savanna pero sobrang daming iba't-ibang tao ang lumalabas, paano ko nakalimutan itanong kung ano ang apelyido ng Savanna na sinasabi nila?! I'm freaking curious! Gusto kong makita kung kamukha ko ba talaga ang Savanna na iyon, kung anong klaseng tao ba siya, kung saang pamilya siya nanggaling at kung anu-ano pa. Nag-pop up ang text ni Gael sa screen at sinabing hindi niya ako maihahatid pauwi ngayon dahil may klase pa siya. Napasimangot ako at nagreply na 'okay lang' bago pumara ng taxi. May sar

