XXXIII. Kanina pa naninikip 'yung dibdib ko dahil pinipigil ko na umiyak. Nararamdaman kong lumilingon sa'kin si Gael pero hindi nagtatagal iyon dahil binabalik niya agad ang tingin sa kalsada. "Ayos ka lang?" Tanong niya nung mag red light. Lumingon ako sa kanya kaya nakita kong nakakunot ang noo niya, nakapatong ang siko niya sa bintana sa gawi niya habang hawak ng isa ang manibela. "Kilala ko ba 'yon?" Halos pumiyok ako nang magsalita ako. Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana nung tumulo ang luha ko. Bakit ba ako umiiyak?! Bakit ba ako nagkakaganito? Who the hell was that guy? Bakit ang sakit ng puso ko ngayon? What did he do to me? "Hindi." Aniya. "Hindi mo siya kilala, Vana." Umiling ako habang humuhugot ng malalim na paghinga. Naninikip talaga ang dibdib ko, hindi ko mainti

