SAMAR’S POV Maagang umalis si Eliaz dahil may aasikasuhin daw siya sa firm. Nag-aayos ako sa sarili ko ngayon dahil balak kong lumabas para bisitahin ang parents ni Ty na galing Italy na kakauwi lang kahapon. Nagset kasi sila ng lunch para sa amin, kasama si Ty doon. I heard a loud knock on the door of my apartment. Tamad akong napatayo at naglakad papunta sa pinto. Sino kaya yung tao na nasa labas at kung makakatok ay akala mo naman emergency. Pagbukas ko palang ng pinto ay nagulat ako sa nakita. Eliazar’s mom together with Morgan. Nakita ko ang nanunuyang tingin sa akin ni Morgan pero mas nakatuon ang pansin ko sa Mama ni Eliazar. Binalot ako aga ng kaba. Tita Vilma’s face is firm and she is wearing a cold emotions, tikom ang labi at matatalim ang titig sa akin. Nawala ang amo sa kany

