bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

book_age18+
60.9K
FOLLOW
416.1K
READ
forbidden
family
friends to lovers
independent
confident
drama
sweet
bxg
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

CLICK THE HEART BUTTON TO ADD THIS STORY TO YOUR LIBRARY

(Summer Series #01)

Muling magkikita at pagtatagpuin ng mundo ang dating magkasintahan na sina Samarielle at Eliazar matapos ang walong taon. Sa panibagong yugto ng kanilang buhay, kakaibang relasyon ang mabubuo. Ang noon na dating magkasintahan ay pagbubukludin ng isang trabaho.

Handa na si Samarielle maging kliyenti ang dating kasintahan. Handa siya maging propesyonal lalo na at may nobya na ito. Handa siyang isantabi ang nararamdaman para sa kanyang negosyo. Ngunit katanggap-tanggap ba kung kakaibang trabaho ang napasok niya? She is obligated to satisfy the needs of her customers. Ngunit paano kung ibang pangangailangan ang nais ni Eliazar sa kanya?

Can Eliaz still love Samar even though they have a traumatizing past? Or it was just part of his revenge to get even.

An indecent proposal to her ex-boyfriend who is getting married. A discourtesy work-related love story.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Samar's POV     Napatingin ako sa matingkad na kulay asul na imbitasyon sa ibabaw ng desk ko. I tapped my fingers on the top of my wooden desk. After so many years, this is the first time I saw his name again. Kahit matagal ng tapos ang nangyari at dumaan na ang ilang taon ay hindi ko maipaliwanag kung bakit may sakit at hapdi pa din na namumuo sa puso ko nang mabasa ko lang ang pangalan niya.   It has been 8 years since our last conversation at simula ng araw na yun ay hindi ko na siya muling nakita, wala na din akong balita sa kanya. But right now, looking at the invitation letter ay may ideya na ako kung gaano na kalayo ang narating niya and it aches my heart more.   Engineer Eliazar Valeza   My first love is now an Engineer. Kahit masaya ako ay hindi maitatago ang sakit sa likod ng aking kasiyahan na iyun.     (Flashback 18 Years Ago)   Masaya akong pumasok sa silid namin dahil bago ang mga gamit ko, ito ang maganda kapag unang araw ng klase. Bagong sapatos, lapis, papel, ballpen, bag at iba pang mga gamit sa school. Umupo ako sa tabi ng kaibigan ko at nagkwentuhan sa naging bakasyon namin. Pero naudlot yun sa pagdating ng guro namin.    "Good morning children!" Bati ni Ma'am ng nakangiti at bumati din kami pabalik. "Magsitayo muna kayo dahil aayusin natin ang seating arragements niyo." Dagdag niya, hindi na iba ang ganitong eksena tuwing papasok kami sa unang araw ng klase. Ang iba ay sumimangot, karamihan naman ay walang pakialam.    Tumayo ako at nagsimula na si Ma'am na tumawag ng apelyido namin. Yakap-yakap ko ang bag ko habang hinihintay na matawag ang aking buong pangalan.   "Eliazar Valeza at Samarielle Villasana." Umupo ako sa upuang tinuro ni Ma'aam. Kaya nga ayaw ko ang seating arrangement kasi lagi akong nasa hulihan.   "Eliazar Valeza?" Ulit ni Ma'am dahil wala pang umuupo sa tabi ko. Bagong transfer ba yun? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.    "Ma'am." May lalaking tumaas ng kanang kamay at umupo sa tabi ko. Hindi niya ako sinulyapan o tinignan man lang. Kilala ko siya! Bakit ko kaklase ang isang 'to? Siya yung palagi kong kalaban kapag may contest kami, bakit siya nalipat ng section? Bigla akong nainis dahil kalaban ang tingin ko sa kanya, siya ang laging first honor at ako naman ang laging nakasunod lang sa kanya.   "Wow! Dalawang top ang nasa section natin. Magandang team work 'to." Masayang usal ni Ma'am, sino ba naman ang ayaw ng awards. Kada section na may nilalabanang contest ng matatalinong estudyante ay nakakatanggap ng awards, mapateacher o estudyante man yan.   Lumipas ang araw-araw na hindi ko siya pinapansin, hindi niya din naman ako pinapansin. Kapag may itatanong man ako ay yung kaklase kong nasa likod ang tatanungin ko imbes na siya. Ngayon ay asar na asar ako sa pagsagot niya, dapat talaga nag-aral ako ng maayos kagabi. Alam ko din yun eh, nakalimutan ko nga lang.    Hindi ko alam kung paano lumipas ang dalawang taon na hindi kami nagpapansinan, alam niya na hindi ko siya gusto. Konti na lang sa mundo ngayon ang dalawang tao na nagkakasundo lalo na at pareho kayong naglalabanan sa top o anumang patimpalak. Isipin mo na lang, pano mo magiging close ang tao na lagi mong kalaban sa academic?   "First Honor, Eliazar Valeza!" Sigaw ng Emcee kaya napasimangot ako. Walang ngiti sa mukha ni Eliazar nang tumayo at naglakad papunta sa stage, nagtama ang mga mata namin ngunit walang reaksyon akong nakuha sa kanya. Hindi siya nagyayabang pero parang mayabang ang dating sa akin, ang expression ng mukha na pinapakita niya sa akin ay para bang sanay na at expected na niya na siya ang first honor.   Natapos ang recognition namin sa ikalimang baitang na simangot ang mukha ko dahil walang pinagbago ang aking posisyon at laging pumapangalawa kay Valeza.       Date: June 06, 2005 Time: 7:39 AM   Grade 6 na ako at simula ng maging kaklase ko si Eliazar ay laging naging second na lang ako sa kanya. Second honor, second sa pagiging matalino, second sa awards, lahat second palagi.   Pagpasok ko ng room namin ay agad kong nilibot ang tingin ko at hinanap ng mga mata ko si Eliazar, nagbabasakali ako na hindi ko na siya kaklase ngayon. Gabi-gabi ko yung pinagdasal at sana ay magkatotoo naman.    Halos manlumo ako na makita doon si Eliazar na kausap ang pinsan kong si Tyron, katulad niya ay hindi ko din gusto ang ugali nito. Mapang-asar at bully si Tyron, feeling gwapo din minsan at laging may pinapaiyak na babae.   Padabog akong umupo at nagmaktol. Sa pagdating ng teacher namin ay binati niya kami at bumati din kami pabalik, dahil unang araw na naman ng klase ay narinig ko ulit ang magic words na laging sinasabi ng teacher namin tuwing first day of class.    "Seating-arrangements" Nakangiting sambit ng teacher namin.    Umupo ako sa tabi ni Eliazar matapos tawagin ang apelyido ko. Napatingin siya sa akin ng seryoso at nakita ko ang inis nitong pag-iwas ng tingin. Mas lalo lang akong nairita at walang nagawa kundi tahimik na umupo.    Simula grade 3 hanggang ngayon ay siya ang lagi kong katabi sa upuan, nakakasawa na dahil mukha niya lagi ang nakikita ko.    "Sana Villasana na lang ang apelyido ko." Sabi ni Danica na nasa likod ko.   Nilingon ko siya at sarcastic na nagsalita. "Tara, palitan tayo." Sambit ko at binalik ang tingin sa harapan. Sumulyap ako sa katabi ko na nagbabasa ng libro. Psh! Feeling genius! Alam namin na matalino ka at hindi mo na kailangang ipamukha yun sa amin.   Nang lumabas si Ma'am ay nag-ingay ang section namin at kanya-kanyang kwentuhan. Dahil wala naman akong close malapit sa upuan ko ay tahimik lang ako. Nagulat ako sa biglang pag-upo ni Tyron sa tabi ni Eliazar kaya napausog siya sa akin at nagtama ang aming balat sa braso.    "Ano ba Tyron, mahuhulog si Samar sa upuan niya." Seryosong saad ni Eliazar kay Tyron pero ngumisi lang ng mapang-asar sa akin at tinignan kaming dalawa ni Eliazar.   "Concern si Eliazar sa pinsan ko. Hahahahaha. Ano Samar? Umamin na ba si Eliaz sayo? Crush ka niyan eh." Pagsabi nun ni Tyron ay tinulak siya ni Eliazar kaya napalis ito sa upuan naming dalawa. Natatawa na lang na umalis si Tyron at bumalik sa upuan niya. Gulat ako sa sinabi ni Tyron, alam ko na matrip at mapang-asar si Tyron kaya impossibleng maniwala ako sa kanya.   Pero mas nagulat ako dahil hindi dumepensa o nag-explain si Eliazar. Tahimik lang siya na parang wala lang ang inamin ni Tyron sa akin. Mabuti na lang at walang nakarinig ng sinabi ni Tyron, dahil nakakahiya. Tsaka halos karamihan ng classmates ko ay alam na napakacompetitive ko at kompetensya ang turing ko sa kanya.   "Hindi mo ako pweding maging crush. Ayoko sayo." Mahinang bulong ko. Ngumiti lang siya kaya natigilan ako, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng malapitan at may kakaiba akong naramdaman sa oras na yun.    "Naniwala ka naman sa sinabi ni Tyron." Nakangising saad niya kaya napasimangot ako at biglang napahiya. Pero okay na yun na malinaw at sa kanya na ayoko sa kanya.   Matapos ang leksyon ay lumabas na ang iba kong kaklase pero karamihan ng mga babae ay lumapit kay Eliazar para magpaturo sa math. Napailing na lang ako, magpapaturo kunwari pero panay naman ang pacute. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas para umuwi.   Halos sikat din si Eliazar sa school, guwapo siya, hindi mayaman pero may kaya ang pamilya niya, matalino at tsaka astig kahit anong galaw niya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya nagustuhan bagkus ay inis na inis ako sa kanya.   Napalingon ako dahil akala ko ay may sumusunod sa akin, yun pala ay si Eliazar lang. Minsan nagkakasabay kaming umuwi pero hindi yung tipong pati paglakad ay sabay din. Minsan nauuna siyang maglakad at minsan naman siya ang nasa hulihan ko, pareho lang naman kasi ang daan namin pauwi. Binilisan ko na lang ang lakad ko para makauwi na ng maaga.     Kinaumagahan pagpasok ko ay nagulat kami sa biglang pagpunta ng principal namin sa aming room. May mga sinabi siya tungkol sa gaganaping paglaban ng school namin sa isang malaking school din.   "At pumili na kami na magpepresent ng school natin para sa quiz bee. Dahil dalawang tao lang naman ang kailangan ay alam na natin kung sino sila. Eliazar Valeza and Samarielle Villasana." Nakangiting sambit nito at pumalakpak. Na-excite ako pero naalala ko bigla kung paano kami lalaban sa kanila kung hindi ko siya gusto? Paano kami magiging magkakampi kung kalaban ang tingin ko sa kanya?     Uwian na pero pinili ni Eliazar na magpaiwan kaming dalawa sa library para makapagreview kami. Hindi ko alam kung saan magsisimula, magaling ako sa science at siya naman sa math which is yun ang main subject ng quiz bee kaya sabi nila perfect teamwork daw kami. Sana nga ganun ang mangyari sa aming dalawa at hindi isang debate.   "Basahin mo yan. Nandiyan yung mga information na pweding maitanong." Inabot ko sa kanya ang science book pero hindi niya kinuha bagkus ay tumabi sa akin ng sobrang lapit kaya namilog ang mga mata ko.    "Magpukos tayo sa Math. Doon ka nahihirapan diba?" Napanganga ako sa sinabi niya at tumawa ng peke para itago ang iritasyon ngunit mukhang hindi ko magagawa yun dahil sa sinabi niya. Ignorante ba siya para sabihin yan lalo na at hindi kami close? Kumunot ang nuo niya habang nakatingin sa akin.    "Niloloko mo ba ako? Anong tingin mo sa akin, bobo?" Inis kong tanong sa kanya. Natahimik siya at nakatingin lang sa akin. Malakas kong binagsak ang librong hawak ko sa lamesa. "Alam mo, magsariling review na lang tayo. Ako sa science at ikaw naman sa math." Galit kong saad at tatayo na sana para umalis pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napaupo ako malapit sa kanya.      "Ano ba ang gusto mo?" Malambot niyang sambit kaya nawala sa isip ko ang inis sa kanya. "Sorry, suggestion ko lang naman yun." Hinawakan niya ang batok niya at hindi makatingin sa akin ng maayos.   Hindi ko napansin na unti-unti na pala kaming naging close ni Eliazar dahil lang sa contest na yun.   Napatalon kami sa tuwa ni Eliazar ng marinig na tawagin ang name ng school namin at pinapunta kami sa gitna para sabitan ng medalya. Nanalo kami! Naghigh five kaming dalawa matapos namin makuha ang trophy. Nilapitan ng dalawang babae si Eliazar at narinig ko na binati siya sa pagkapanalo. Hindi ko na lang ito pinansin at nakangiting nagpapicture sa mga kaklase namin.     Akala ko matapos ang aming contest ay babalik na kami sa dating Samarielle at Eliazar na hindi nagpapansinan pero hindi.   "Samar, fishballs at kikiam tayo." Nagulat ako sa biglang pagyaya Eliazar habang nag-aayos ako ng gamit dahil uwian na.   "A-ano?" Gulat kong tanong.   "Sabay na tayo umuwi tapos titigil tayo kila Aling Silay para bumili ng kikiam at fishballs. Libre ko." Paliwanag niya ng maayos kaya hindi ako nakasagot agad.   "O..sige." Tanging nasabi.   (End of Flashback)     Napakurap ako sa ring ng cellphone ko. Tamad kong kinuha iyon sa table ko at tinignan ang caller. Mabilis ko namang sinagot matapos mabasa ang pangalan ng pinsan kong makulit at chismoso.   “Nakatanggap ka din ba ng invitation letter galing sa best friend ko?” Panunuya ni Tyron at narinig ko ang mapang-asar na tawa nito sa kabilang linya. Napahilig ako sa swivel chair ko napalabi na lang.   “Tingin mo?” Balik tanong ko sa kanya kaya mas lalo lang lumakas ang tawa nito. Narinig ko ang engine ng kotse niya.   “Magagalit ako sa kanya kapag hindi ka niya pinadalhan ng invitation letter at iisipin ko na bitter pa din siya sa nangyari sa inyo. But I guess you already received the invitation letter from him. Huh?” Usal ni Tyron kaya napaikot ako ng mata.   “Of course. He already moved on.” Mahinang usal ko.   “Oo. At ikaw din diba?” Seryosong dugtong ni Tyron. Hindi ko alam kung nanunukso ba siya o talagang seryoso na.   “Naman! Ako pa. Matagal na yun.” Yun na lang ang tanging nasabi ko. He just chuckled because of what I’ve said.   Nilibot ko ang tingin ko sa maliit na office. Siguro nga masyado akong nangarap ng mataas. I was too confident that I can achieve everything. Pero hindi sapat ang kumpiyansa sa sarili. Not achieving my dreams is a big disappointment, hindi lang sa akin kundi pati na din sa mga taong naniniwala sa akin, My Family.   Lumabas ako sa maliit na opisina ko at naabutan ko doon si Vivian na inaantok, ang secretary ko na sigurado akong konting panahon na lang ay magreresign na dahil maghapon lang siyang nakatunganga dito at mababa pa ang sahod na binibigay ko.   “Vian, wala bang..” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.   “Wala Ma’am Samar. Kahit isa wala.” Saad niya kaya marahan akong napatango. Tatalikuran ko na sana siya at babalik ulit sa loob ng opisina ko nang tawagin niya ako. “Si Sir Frank po ay hinahanap kayo kanina, dumaan dito ang driver niya at pinapasabi na pupunta daw siya sa inyo mamaya. At pinapabigay niya din po ito.” Vivian handed me a bunch of flowers, a bouquet of red roses. Tinanggap ko iyon, halos araw-araw ako nakakatanggap ng bulaklak galing sa kanya.   “Bakit di mo na kasi sagutin si Sir Frank, malay mo siya na talaga ang sagot sa mga pangarap mo Ma’am Samar.” Hindi na ako umimik pa sa sinabi ni Vivian.   Pangarap? Napatingin ulit ako sa mga bulaklak at malalim na bumuntong hininga.     (Flashback 14 Years Ago)   Nang idilat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang isang pirasong bulaklak na rosas na hawak ni Eliazar. Hindi ko alam kung bakit ibang imahe ang pumasok sa isip ko. Na siya ay binibigyan ako ng rosas para iparating sa akin ang lubos niyang pagmamahal na nararamdaman. Napailing na lang ako at natawa sa naiisip ko.   “Yan ba yung dadalhin mong bulaklak?” Tanong ko sa kanya at tumango lang siya habang inaamoy ang hawak niyang pulang rosas.   Lahat kasi kami ay pinapadala ng halaman para sa sa science subject namin. Ang bilis lang ng panahon at High school na kami. Nandito kami sa playground ng elementary. Dahil napaaga ang uwian namin ay dito muna kami tumambay at ito ang dating school namin kaya okay lang na nandito kami dahil halos lahat ng teachers dito ay kilala kaming dalawa ni Eliazar, tsaka ayos lang din dahil principal ang mama niya dito sa school.   “Sino ba kasi yung crush mo. Para sasabihin lang hindi mo pa masabi." Pangungulit ko kay Eliaz habang kumakain kami ng mangga at nakaupo sa ilalim ng lilim sa puno.   "Ba't ba kasi kating-kati kang malaman. Ano bang makukuha mo kung sasabihin ko sayo?" Inis na nitong saad.   "Diba bestfriends tayo? Bakit ka naglilihim sa akin? Diba bawal yun? Sipain kita diyan eh." Sabi ko at sumimangot. Hindi naman sa naiinis ako pero malapit na akong mainis sa kaartehan niya, dinaig pa ang babae kung makapagsecret.   Narinig ko ang mahina niyang tawa. Tinignan niya ako at umangat ng konti ang gilid ng labi niya.   "Ikaw yung crush ko." Hindi maalis ang ngiti sa gilid ng labi niya habang tinititigan ako. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.   "Anong ako?! Tinatanong ka ng maayos eh!" Kunwaring naiinis ako sa kanya pero pilit kong tinatago ang kilig. Aminin na natin, tayong mga babae ay masaya tayo kapag may nagkakacrush sa atin kahit hindi natin type hindi ba? At Oo! Hindi ko type o crush si Eliazar, masaya ako na may nakakaappreciate sa akin.   "Hoy Eliaz! Totoo ba yun? Crush mo si Samar?" Tanong ni Tyron na kadadating pa lang kasama sina Tyron at Devin. Sina Trice at Devin ay una kong naging kaibigan na babae kaya naman naging kaibigan na din sila nina Tyron at Eliazar. Dahil babaero si Tyron ay balak pa sana niyang landiin itong si Trice pero hindi natuloy ang masama niyang balak dahil alam niya na kaibigan ko sila.   Binato naman ni Tyron si Eliazar ng bola pero mabilis niya itong nasalo. "Akala ko ba hindi mo type itong si Samar? Wag ganun Eliaz, wag pinsan ko." Sabat ni Tyron na pinsan ko at best buddy din namin ni Eliazar. Hindi ko naman talaga close itong si Tyron kahit pinsan ko pero naging close ko siya dahil lang naman kay Eliazar.   Tumawa ng mahina si Eliaz. "Tara. Basketball tayo. Madami daw chicks sa plaza ngayon." Biro ni Eliaz at tumingin sa akin na para bang may hinihintay sa reaksyon ko.   "Eliaz ah. Nahahawaan ka na ni Tyron." Sambit ni Devin.   "Hindi... Isa lang naman ang mahal ko." Kinindatan ako ni Eliaz at pilit na tinatago ang mga ngiti sa labi niya. “Diba Samar?” Dagdag niya na para bang alam kong ang ibig sabihin niya. Narinig ko ang mga tukso nila sa amin kaya ngumiti na lang ako, ngiti para sa mga biro niya but that moment I know in my heart that it was just more than a genuine smile. It was a smile with affection.   Napailing na lang kami at dumiretso na sa plaza. Kami nina Tyron, Devin, Trice, Eliazar at ako.  Hindi pa nga kami tuluyang nakakapasok sa loob ng plaza ay panay na ang tingin at sulyap ng mga kababaihan doon na nanunuod.   "Panuodin mo ako Samar. Wag puro kain ng kikiam at fishballs." Bulong niya sa akin pero inirapan ko lang siya dahil sa mga biro niya.   Nang pumasok na kami sa loob ay binato ni Eliaz ang bola at may isang lalaki naman ang sumalo nito.   "Yung mga mata ninyo sa bola lang ang tingin." Biro ni Eliaz at sumulyap sa akin kaya nagtawanan ang mga kalaro nila sa basketball.     Ayokong maniwala kay Eliazar, pero pigilan ko man ang sarili ko na huwag papaapekto ay hindi ko nagawa. Hanggang isang araw....                          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.3K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook