SAMAR ‘S POV Maaga ang out namin dahil wala yung last professor kaya heto ako at naglalakad pauwi ng apartment mag-isa, pero habang palabas pa lang ako ng gate ay namataan ko si Tyron na may kasamang babae at sabay silang sumakay sila ng tricycle. Napailing ako sa inis at dissapointment sa kanya. Wag ko lang malalaman na nagcucutting siya para lang mambabae dahil kahit kaibigan ko siya ay talagang isusumbong ko siya sa mama niya. Akala ko titino na siya kapag college na kami pero mas lumala yata yang pambabae niya, hindi na nakakatuwa. Nung gumabi na ay nakahiga lang sina Devin at Trice sa isang kama habang nagkukuwentuhan kami. "Totoo? Wala talagang nanliligaw sayo?" Hindi naniniwalang tanong ni Devin kay Trice na nagbabasa ng libro. Magkatabi sina Devin at Trice

