"How about some champagne?" nang-aakit na suhestiyon sa kanya ng isang blonde at blue-eyed na hot babe.
Nakasuot ito ng black dress na may plunging neckline kaya kaagad na masusulyapan ang malulusog nitong hinaharap. Iniwasang tumitig ni Uno roon dahil tumatalbog iyon sa bawat paggalaw ng foreigner at nagke-crave tuloy siya ng bola-bola siopao.
"Sure," kalmado niyang tugon kahit na kanina pa siya kinakabahan dahil sa mapangahas na mga sulyap ng kaharap sa kanya. Medyo nagsisisi na rin siya na pumunta pa sa blind date na na-set-up ng pinsan na si Luis sapagkat gusto na lang talaga niyang umuwi at magpahinga. Sa katunayan ay tatakas na sana siya at ma-a-alibi na lang kanina subalit ang mismong bodyguards na ng babae ang nanundo sa kanya sa race car practice kaya wala siyang nagawa kungdi sumipot.
Siya ay si Ivanna, heiress ng mga sikat na five star hotels sa buong mundo. Tanyag din siya sa lifestyle na mahilig maki-party at makipagrelasyon sa mga gwapong modelo at artista.
"Aren't you going to tell me more about yourself?" pagtatanong nito habang nagbubuhos ng champagne sa mga kopita nila.
"What more would you like to know?" nakangiti niyang binalik ang tanong, na pasimpleng pamamaraan niya upang makaiwas sa mga usaping masyadong personal. "What you see is what you get."
"Hmmm, mysterious men really interest me." Imbis na huminto na sa pag-uusisa, mas ginanahan pa si Ivanna na alamin ang kabuuan ng lalaking iba ang karisma sa kanya. Hindi ito katulad ng iba na game sa lahat ng bagay at mukhang classy pa kaya kaagad niyang nagustuhan ito.
Uminom siya mula sa kopita at pilyong ngumisi sa binata. Naisip niya na baka kulang pa ang pang-aakit kaya napagpasyahan na niyang mag-level-up
"How about telling me about your measurements? Impress me..."
Bahagyang napaismid si Uno sa katanungan nito na may ideya na siya kung saan tutungo. Ganoon pa man ay pinili pa rin niyang maging gentleman at sinikap na ilihis ang usapan.
"Would you like to know my vital stats?" tugon na lang niya sa mapangahas na tanongq heiress bago pa man makarating sa medyo daring na topic. "My height is 6'1" and my weight is usually at seventy-eight kilos. Actually, my weight may fluctuate. When I eat so much rice, I reach up to eigthty kilos. You know, we love rice here so much that we can eat a pot. Food is life but rice is lifer!"
"That's not what I'm asking for, silly boy!" Napatawa na ang babae dahil sa kakatwang kasagutan niya na hindi nito matukoy kung saan planeta ba nakuha. Alam naman talaga ni Uno ang ibig sabihin ng babae ngunit kusa na siyang umiiwas dahil sikretong malupit ang hinihingi na sukat nito. "What I meant is what's your measurement down there!"
"Oh," nasambit na lang ni Uno kasabay ng pagtingin pa sa ibaba. "Down? So that means my feet? Honestly, I don't understand why you girls are so interested in our foot sizes. Maybe, if you find large ones sexy, you might as well date the legendary 'Big Foot'."
"Oh my," humahalakhak nang napabulalas ni Ivanna. Imbis na ma-turn-off ay mas natuwa pa siya sa sense of humor nito. Kakaiba talaga si Uno sa mga karaniwang lalaki kaya kating-kati na talaga siyang maiuwi ito.
"No worries if you're still shy to reveal your size, hottie!" may paglalanding deklarasyon nito habang sinasadyang mas maibaba ang suot na plunging line dress. "I would love to know your size all by myself!"
Bigla-bigla ay may naramdaman si Uno na umaakyat mula sa ibaba ng kanyang binti. Inakala niya na baka may python na naligaw sa high-end na restaurant ngunit laking gulat niya nang tumama ito sa pinakamamahal niyang alaga. Medyo na-hurt pa siya dahil may pagka-aggressive ang foreigner.
Kahit marami na siyang naka-date ay first time niya na may dumakma sa birdie niya na gamit ang paa.
There's a always a first time for everything, sabi nga nila.
Damang-dama niya ang moment dahil na-overwhelm siya ng feelings at nais niyang maiyak.
"I've seen you on TV. You look so hot that's why I never had second thoughts on meeting you. As expected, you're way much, much larger in life," paglalahad nito kasabay ng mapanuksong pagkindat sa kanya.
"I'm so...so...flattered." Nahirapan pa siyang magsalita nang maayos dahil pakiramdam niya ay mapipiga na ang kanyang "egg waffle" dahil sa pagmamasahe ng babae.
"Just a moment, I need to go to the comfort room," aligagang pagpapaalam muna niya sapagkat hindi na siya natutuwa sa ginagawang pang-aakit ng babae sa kanya. Pakiramdam din niya ay mababaog na siya sa kakahimas nito na tila ba gigil na gigil pa kaya nagpasya na siyang umiwas.
"Oooh...would you like me to go with you?" paghirit pa nito sa pag-aakalang imbitasyon pa iyon upang gumawa sila ng milagro sa banyo.
"No!" Bahagyang napataas na ang kanyang boses nang dahil sa pangungulit nito samantalang pinapahiwatig na nga niya na unwelcome ang mga panghihipo kahit na lalaki pa siya.
Napahawak pa sa dibdib si Ivanna nang dahil sa pagkagulat at tinigil na ang kapilyahang ginagawa sa binata. Ilang sandali lang ay halatadong nadismaya ito kaya nakunsensya pa si Uno sa nagawang pagsusungit.
"W-What I meant is I'll be doing something private," pagdadahilan na lang niya upang huwag magdamdam ang iniiwasan. "Excuse me."
Halos kumaripas na siya ng takbo upang makalayo kay Ivanna. Sinara pa niya ang pinto ng cubicle at nagbalak na tumakas sa maliit na bintana na malapit sa may kisame. Pagsilip sa siwang ay napagtanto niya na imposibleng makaalis pala dahil nakabantay ang mga bodyguards ng ka-date.
"Tsk! Ano ba 'yan?" dismayadong nasabi na lang niya habang kinukuha mula sa bulsa ang cellphone. Nagpasya siyang tawagan na si Luis na nag-setup ng date upang humingi ng saklolo.
"Hello!" masayang pagbati ng pinsan. Natigilan ito bigla nang marinig na humahangos ang kausap. "Bakit hinihingal ka? Mamaya ka na tumawag kapag tapos na kayo! Privacy naman, P're!"
"Gag*! Ilabas mo ako rito!" nanggagalaiti sa inis na namura pa niya ang kausap. "Kasalanan mo ito! Sa susunod, huwag na huwag mo akong iba-blind date!"
"Bakit? Maganda naman si Ivanna a! Match na match nga kayo!"
"'Langya! Harassed na harassed na ako!" pagsusumbong na niya. "Kung saan-saan umaabot ang paa niya! Akala ko, ahas! 'Yun pala, siya ang manunuklaw!"
"Relax," pigil sa pagtawa na pagpapakalma sa kanya ni Luis. "Maki-ride-on ka lang hanggang maihatid mo sa bahay. Pwede mo na rin pagbigyan kung higit pa sa hatid ang gusto niya. Naka-ready ka ba?"
"Higit sa hatid?" namamawis nang malapot na napabulalas niya. "W-What do you mean?"
"Oo, ano pa nga ba? Huwag ka ngang painosente! Balitaan mo na lang ako bukas kung nakailang rounds kayo! Hahaha!"
"Sasapakin kita kapag nagkita tayo!" pinagbantaan na niya si Luis na tila ba wala man narinig at hindi tumalab ang mga pananakot ng kausap. "Tandaan mo itong gabi na ito! Bakit ba hindi ako madala-dala sa mga blind dates na ito? I never learn! Hindi na talaga ako uulit! Itaga mo 'yan sa bato!'
"OK. Sinabi ng lalaking marupok! Bye! Hahaha!" Nagawa pa nitong pagkatuwaan ang problema ng pinsan. Pinutol na naman nito ang linya kaya naiwan sa ere si Uno.
"Bye? Sandali!" paghabol sana niya subalit disconnected na pala.
Napakuyom siya ng kamao nang maalala ang kasasabi pa lamang na isa nga siyang "marupok". Babalikan at tatawagan na sana niya ang pilyong si Luis nang makaramdam ng masamang espiritu, este, presensya ng ka-date.
"Babe?" narinig niya na tumatawag si Ivanna mula sa may pintuan ng banyo. "Is everything alright?"
"Yes. Just give me a second," pagdadahilan muna niya habang gigil na gigil na tine-text ang pinsan.
"HINDI AKO MARUPOK!"
Kaagad din naman tumugon ang kinaiinisan ng, "In denial ka, 'Tol!"
Gaganti pa sana siya subalit may kakulitan din ang babaeng kanina pa siya pinagnanasaan. Makailang beses itong kumatok habang tinatawag siya.
Dahan-dahan na niyang binuksan ang pintuan upang lumabas. Nagulat pa siya nang kaagad na kumapit sa braso niya si Ivanna na ayaw talaga siyang pakawalan.
"Let's go to my place instead. I hate the crowd. They're taking pictures of me," pagsusumbong nito sa kanya.
"Is that so?"
"Yeah. Can we leave?"
"Let me take you home, then," suhestiyon na niya upang maiuwi na ang heiress at matapos na ang kalbaryong tinitiis.
Habang nasa daan ay nag-isip na siya ng magandang plano para matakasan ang babaeng nais talaga siyang makapiling sa malamig na gabi. Nang makarating sa mansyon ng ka-date ay pinagbuksan lang niya ng kotse ito at inalalayan na makababa. Pagkatapos ay dali-dali na siyang pumasok sa sasakyan at isinara na ang pintuan.
"Good night, " pamamaalam na niya. "I had a wonderful night..."
"Aren't you coming with me?" pagtataka pa ng foreigner sa pagmamadali niya. Lumapit pa ito at yumuko sa may bintana upang magpantay ang mga mukha nila. "Come on, let's have some more wine!"
"Sorry, but I can't..."
"Why?" may pagkayamot na naitanong ng heiress dahil ito ang unang pagkakataon na aayawan siya ng lalaki. Nasanay kasi siya na nakukuha ang lahat ng matipuhan kaya hindi siya makapaniwalang iiwanan pa siya nito samantalang siya na nga ang nagpakita ng interes.
"Don't you like me?" may lungkot sa mga mata na inusisa nito.
Nang hindi nakasagot kaagad ang binata ay maluha-luhang napaupo na lang si Ivanna sa bermuda grass. Hindi nagtagal ay humikbi na ito kaya pakiramdam ni Uno ay napakasama naman niyang lalaki.
"Hey, calm down," sinambit niya habang bumababa na sa kotse. Marahan na niyang hinawakan ang babae sa mga balikat at inalalayang tumayo.
"You're such a jerk!" paninisi pa ng babae sa kanya. "I've come this far just for you to spoil my night! Thanks for nothing!"
"I'm so sorry," paghingi pa ng paumanhin niya upang tumahan na ito. "I did not mean to hurt your feelings."
Niyakap pa niya ito upang huminto na sa pag-iyak. Bigla-bigla ay napangisi si Ivanna dahil nahulog nga sa bitag niya ang lalaking inaasam.
"Actually, you're such a jerk...that I like!"
"What? Is this a trap?" nahintakutang nasabi ni Uno. Hindi na siya nakapalag pa nang patawa-tawang kumapit ito nang mahigpit sa kanya. Sumandal pa ito sa dibdib niya at ipinalibot ang mga braso sa baywang niya kaya naging malabo ang pagkakataong makatakas pa.
"Well, yes!" tuwang-tuwa na pahayag pa nito. "I really like you! Maybe, we can come inside and do a little talking?"
Malakas ang kabog sa dibdib na nag-isip na siya ng magandang excuse upang makaalis na hindi naman na-o-offend si Ivanna. Sasabihin na sana niya na nag-e-LBM siya nang may umistorbo sa usapan nila.
"Dad?" pagtawag ng isang misteryosong binatilyo.
Nagsitaasan ang balahibo niya mula sa talampakan hanggang anit dahil sa pamilyar na boses.
"Daddy!" Mabilis na tumakbo patungo sa kanya si Mike at hinatak siya mula sa babaeng nakayakap. Nang makalaya ay ang pinsan naman ang yumapos sa kanya at dinramahan.
"I'm in big trouble! Help me!"
"Anong ibig sabihin nito?" Sinikap niya na hilain itong palayo ngunit imbis na bumitiw, nagmistula pa itong koala bear sa higpit ng pagkakakapit.
"My classmates are bullying me," pasinok-sinok na paglalahad pa nito. "That's why I've put glue in their seats in revenge. But guess, what, Dad? The principal wants to suspend me! I can't believe this is happening! Mom's gonna kill me, for sure!"
"Anong pinagsasabi mo?" nagawa pa niyang sungitan ang pinsan dahil stressed na nga siya, dumagdag pa ito sa mga iniisip niya. "Tigilan mo nga ako! At huwag na huwag mo nga akong tatawagin na 'Daddy'!"
"Kuya, ang tang* mo. Makisakay ka lang," binulong na ni Mike sa kanya. Pasikreto na itong kumindat at pagkatapos ay nagpanggap na umiiyak muli.
Sa wakas ay na-gets na ni Uno ang pag-arte nito.
"Don't cry, my dearest son. Daddy's here to save you," may tono ng pag-aalalang dinamayan naman niya ito. Tinapik-tapik pa nito ang balikat ng pinsan upang mas magmukhang mag-ama nga sila.
"Oh my Gosh!" hindi makapaniwala na napabulalas ni Ivanna sa nasasaksihan. "You're a dad! A very young dad!"
"Yes," masama sa loob na pagsisinungaling niya kahit hindi katanggap-tanggap sa kanya na ang magiging anak pa ay si Mike.
"I came all the way here only to find out that you're a father?" nanlalaki ang mga mata na napabulalas nito.
"You see, accidents do happen,"pautal-utal na pagpapaliwanag niya. "Just like that...poof! One day, I...what I meant is she...just woke up with morning sickness. And, the rest is history!"
"Stop!" Napatakip si Ivanna sa kanyang tainga at tuluyan nang nag-hysterical. "This is ridiculously insane and impossible, but..."
"I like that!"
Nagulat silang mag-ama, este, magpinsan dahil sa naging reaksyon niya. Imbis na ma-turn off ay lubusang nasiyahan pa siya nang malaman na isa na ngang tatay si Uno. Ngayon ay naintindihan na niya kung bakit mailap ang binata. Napagtanto niya na may anak na pala ito kaya nararapat lang na mas maging maingat na sa mga nakakarelasyon.
"Come in! Let's have some tea and talk for a while," pag-aya niya sa magpinsan na inaakala niyang mag-ama sa loob ng mansyon. "Fatherly men really amaze me! What's your name, Kid? You're awesome just like your daddy!"
"I'm Mike," pagpapakilala na nito. "Nice to meet you, Miss."
Tutal naman ay nasa safe zone na si Uno, pinagbigyan na nila ang imbitasyon nito. Sa ilang minuto nilang kuwentuhan, napag-alaman nila na mabait naman pala si Ivanna at hindi brat katulad nang pinalalabas ng media sa kanya.
Maya't-maya ay nagpaalam na rin silang umuwi. Dinahilan ni Mike na magre-review pa siya dahil may pagsusulit na naman kinabukasan at maaga pa sila sa Principal's Office ng daddy niyang si Uno.
"I'm really glad to know you," sinambit ng heiress habang inaakay sila palabas ng bahay. Bago pa man sila nakatawid sa may tarangkahan, inilahad na niya ang palad upang makipag-handshake sa kanila.
"Friends?" maligayang deklarasyon nito.
"Friends!" masayang pag-uulit naman ng magpinsan.
"Well, if you like a second date, just call me." Lumapit siya sa ka-date at niyapos nang mahigpit at hinagkan pa sa pisngi.
"And maybe, we could already...you know...friends with benefits..." panunukso niya, sabay palo sa p***t ng binibiro.
"Let me think about it," pakikipaglaro rin ng landian ni Uno kay Ivanna kahit kaunti na lamang ay maluluha na siya dahil sa paglapat ng palad nito sa pinakamamahal na p***t. Takang-taka na siya kung bakit halos lahat ng mga naka-date at mga naging girlfriend ay nahuhumaling sa kanyang p***t samantalang alam naman nila na may iba pa siyang "assets".
"I'll be waiting for you in my lingerie, hot daddy!" panunudyo pa rin nito sa kanya.
Napatakip ng mata si Mike dahil sa kalaswaang nasasaksihan. Napatigil na si Ivanna sa pakikipag-flirt kay Uno nang mapansin ang reaksyon ng inaakalang anak ng kayakap.
"Ooops, sorry! I forgot that there's a minor here," natatawang paghingi niya ng paumanhin. Kumalas na siya sa binata at kumaway upang magpaalam.
"See you around!" Nag-flying kiss muna siya bago isinara ang pintuan ng kanyang magarbong mansyon.
"Good girl naman pala si Ivanna!" sinambit ni Mike habang naglalakad sila patungo sa kotse ng nakatatandang pinsan. "Ayaw mo ba sa kanya?"
"Pwede kaming maging kaibigan. Pero kung hihigit pa roon, hindi na maaari," tugon niya sa pag-uusisa nito.
"Bakit naman, Dad?"
"Ungas, hindi mo ako tatay!" napatanggi kaagad siya sa tinuran ng kausap.
"Ang sakit, Itay. Dinedeny mo ako!" Napahawak pa si Mike sa dibdib at nagpanggap na nagdaramdam at tumatangis. "Akala ko pa naman, mahal mo ako! Sobrang sakit na ma-reject, kung alam mo lang!"
"Mas masakit na maging tatay mo!" pagkukunwari rin na pag-iyak ni Uno. "Ginawa mo akong binatang ama! Nagkaanak ako sa edad na eleven! Hindi ko kailanman matatanggap na napakaaga kong lumandi! Tagos sa buto, ang sakit-sakit!'"
"Hindi ba maaga kang natuli kaya pwede ka ng magka-baby?" makapagbagbag-damdaming pagtatanong naman ni Mike. "Sinungaling ka, ang sabi mo, nagka-girlfriend ka noong forteen years old ka na! 'Yun pala, eleven ka pa lang, ang landi-landi mo na!"
"Sinabi ba ng kapatid mo 'yan?" pagsusungit na ni Uno kasabay ng pagyugyog ng mga balikat ng pinsan upang matauhan na at tumigil na sa kaka-roleplay na anak nga niya. "Nasaan ba ang kuya mo para masampal ko! Nagkakalat siya ng fake news!"
"Ang bad mo," seryosong pinagsabihan naman siya ni Mike. "Ideya nga ni Kuya Luis na magpanggap ako na anak mo para maisalba ka. Mabuti naman at nagkataon na malapit ako sa restaurant dahil bumili ako ng gamit sa project. Pinasundan ka pa niya sa akin kaya ang bait-bait ng kapatid ko!"
"Ganoon ba? Awww, sorry naman," tila ba sising-sisi na humingi pa siya ng dispensa sa nabitiwang mga salita. "Ituro mo nga siya sa akin kung nasaan siya ngayon para mabatukan ko nang paulit-paulit bilang pasasalamat!"
Hindi pa rin niya mapatawad si Luis dahil sa palpak na matchmaking nito. Para sa kanya, kung ba naman sana sariling lovelife na lang ang inasikaso at hindi na siya dinamay pa ay nasa bahay na sana siya at kapiling si Alfa.
"Si Alfa!" naalala niya. Napatingin siya bigla sa suot na wristwatch at napag-alamang pasad alas-dies na.
Dahil sa mga madugong pangyayari ay hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras.
"Bilisan mo!" pag-aya niya kay Mike.
"Bakit, Kuya?" Pati siya ay napatakbo na rin upang masundan si Uno. "Anong meron?"
"Hinihintay ako ni Alfa! Dali!" aligagang sinagot niya habang takang-taka na pinagmasdan lang siya ng pinsan.