CHAPTER 2

1975 Words
AN: Maraming salamat po sa inyong mga suporta sa unang chapter ng story na ito. Sanay hindi kayo magsawa lahat. Love you all guys! ------------------- "Gising!" Pakiramdam ko nalunod ako sa isang napakalalim na tubig. Nanginig ang buong katawan na napabangon ako at kasabay ng ilang sigawan nang mga babae ang narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakita, lima silang babae na nandito sa isang marusing na kulungan. "Mabuti naman at mga gising na kayo, magsitayo kayong lahat!" Sigaw nitong lalaki na may edad na, atubiling kumilos ako habang patuloy sa paghagul-gol ang ibang babae. Ang mga mata ko naman 'ay umiikot sa paligid. Tatlong lalaki ang nasa labas ng kulungan na bakal na halos maitim na dahil sa kinakalawang na ito. Napako ang mata ko dito sa lalaking hindi niya makakalimutan. "A-Arjay! Ba-Bakit ako nandito? Nasaan ang kaibigan ko? Saan mo siya dinala!?" Sunod-sunod na tanong ko rito ngunit nginisahan lang siya nito at lumapit sa kanya. Hinimas ang pisngi ko, nagtaasan ang balahibo ko at lumayo sa kanya. "Si Shiela ba? Ok naman siya at kahit paano ay nasarapan ako sa kanya pati na rin ang iba kong mga kasama." Nakakalokong sagot nito at natatawang tinalikuran ako nito, habang nakapamulsa. "Walanghiya ka! Ano'ng ginawa mo sa kaibigan ko! Anong ginawa mo!" Gigil na gigil na sigaw ko pero ito ay tawa lang ng tawa habang naglalakad palayo. "Tumigil ka na at nabibingi na ako sa kakasigaw mo!" Napatigil ako dahil dito sa lalaki na may hawak na baril, sumenyas ito sa isa pang lalaki at binuksan ang lock dito sa kulungan. "Saan mo kami dadalhin? Pakawalan mo na kami, pakiusap." Pagmamakaawa nang isang babae habang kapit sa braso ang lalaki ng mabuksan na ang lock. "Magsilabas kayong lahat at huwag kayong mag-alala mamaya lamang ay makakaalis na kayo sa dito." Makahulugan na wika nito. Tinulak kami upang maglakad na sa pasilyo na tanging dalawang tao lamang ang makakadaan. Walang kahit na anong makikita dito kung hindi ang mga ilaw sa nadadaanan namin, may kainitan rin dito. Hanggang sa makarating kami sa pinagkadulo at sumalubong sa amin ang maingay na tug-tog at ang magandang boses na parang may nagpe-perform. Maraming lalaki ang nagkalat sa paligid at sa mga upuan na may mga katabing babae. At ang mga babae naman na halos makita na ang kaluluwa ng mga ito dahil sa suot nila. Palakad-lakad at may mga dalang tray na may lamang alak at mga baso ang ibang babae. "Mga demonyo kayo anong gagawin at ipapagawa niyo sa amin!?" Malakas na sigaw ng isa pang babae na maputi pero nagulat kaming lahat ng bigla itong sampalin ng isang may edad na lalaki. "Masyado kang maingay! Umayos kayo ng tayo at humarap lahat sa akin." Ma-awtoridad na utos nito sa amin tabhimik na umiiyak naman 'yung babae habang kapit ang namumulang pisngi. Pakiramdam ko gusto ko na rin maiyak dahil hindi ito ang pinangarap niya sa Maynila. "Mga boss maaari na kayong pumili kung sino ang mga gusto niyo. Alam niyo naman ang mga presyo, ngunit 'yung isa na nasa dulo ay huwag mo ng pakialaman dahil gagawin ko siyang babae dito sa Club ko." Napatingin ako sa hanay namin at siya ang nasa dulo, bigla siyang kinabahan sa isipin na siya ang maiiwan dito. Alam niya ang ganitong lugar dahil napapanood ko ang mga ganitong eksena sa palabas. "Ganon ba, Mr. G? Mukhang tipo ko pa naman ang babae na 'yon." Sabay tawa nitong lalaki na mukhang mayaman at sa tingin ako ay nasa trenta na ito mahigit. Kinuha nito ang babaeng katabi nong sinampal kanina 'ni Mr. G ang pangalan. Yung tatlong babae na napili ay nag-iiyakan habang hawak sila ng mga lalaki. Hindi ako makapaniwala na ganon pala ang mga balak nila ang ibenta ang mga babaeng nakukuha nila, pumasok sa isip niya si Arjay na nakipagkilala sa kanila. Mukhang planado na pala talaga ang nangyari sa kanila, ngunit naawa ako sa isipin para sa kaibigan ko at nasaan na kaya ito? "Sige kayong dalawa magpalit na kayo ng mga damit niyo at maligo kayo. Kailangan mababango kayo bago bumalik sa akin. Carmina! Samahan mo sila at damitan." Sigaw na utos nito at may babaeng lumapit sa kanila na napaka-sexy at sobrang puti. Nakangiting lumapit ito sa kanilang dalawa. "Halika sumunod kayo sa akin." Wika nito at nagkatinginan pa sila nitong babae na kasama ko, maliit ito at maliit rin ang katawan. Mukhang nasa disi-otso o disi-nuebe pa lang ito, marusing na ang mukha nito ngunit bakas pa rin na may ganda itong taglay. Habang naglalakad kami maraming tanong sa isip ko at kung bakit ito nangyari sa kanila ng kaibigan. Gusto lang naman nilang makatulong sa pamilya, bakit ganito ang nangyari? "O iyan na lang ang suotin mo wala pa 'yung ibang custome na sa laundry pa, sige maligo na kayo may shower diyan." Sabay labas nito sa pintuan saka lang natigil ang isip niya pagkakita sa damit na binigay sa kanila. "Hindi ko ito susuotin! Gusto ko ng umuwi." Umiiyak itong babae na kasama ko at binitawan ang kapirasong damit, tiningnan naman ko ito at naawang nilapitan. "Hi, ako nga pala si Anne Lorien. Huwag ka na umiiyak kailangan nating laksan ang loob natin, isipin na lang natin na isang panaginip lamang ito." Pagpapalakas loob ko dito dahil kahit ako ay nanghihina at gusto na rin maiyak sa mga nangyayari. Ngunit walang mangyayari kung gagawin ko iyon dahil mukhang ito na talaga ang kapalaran niya, ito na nga ba? "Layka, pero natatakot na ako. Hindi ko alam kung ano ang mga ipapagawa nila sa atin." Hilam sa luhang sagot nito at ewan ko ba, bigla siyang niyakap, gumanti rin ito sa kanya at kahit paano medyo nabawasan ang takot sa kanilang dibdib. "Bilisan na ninyo nagagalit na si Mr. G at baka pagsisihan niyo ang pagiging parusa kapag hindi kayo sumunod." Nag-aalala ang bumakas sa mukha nitong si Carmina matapos sabihin iyon at muling lumabas. "Halika na at baka kung ano pa ang gawin sa atin." Aya niya dito kay Layka, tumango lang ito at sabay na kami pumasok sa pandalawahan na c.r. Habang naliligo ay kung ano-ano ang naiisip ko na posibleng ipagawa sa kanila, napaiyak ako at hinayaan sumabay pag-agos ng tubig ang luha ko. Hindi ko alam kung paano lalabas dahil sa suot ko habang nakatingin dito sa malaking salamin. Suot ang pares na kumikintab na itim na sleveless na ang baba ng buka sa dibdib, kaya naman nakasilip ang hindi naman kalakihan niyang dibdib. Tinernohan ito na parang panty na sobrang iksi. Habang ang kasama ako ay isang fitted na dress na halos umabot nasa panloob nito. "Hindi ako sanay mag-suot ng ganito, pero sa'yo bagay na bagay at ang ganda mo pala." Nahiya siya bigla dahil sa sinabi ni Layka. Dahil para sa kanya totoo ang sinabi nito, dahil kahit ako ay hindi makapaniwala sa itsura ko ngayon dahil bagay na bagay sa kanya ang suot kahit naiilang sa kanyang kasuotan. "Tapos na ba kayo? Mag-make up na kayo at magsuot ng sandals mamili na lang kayo diyan. May mga accesories 'din diyan gamitin niyo rin." Wika pa ni Carmina pagbukas nito sa pinto, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin dahil hindi ako marunong mag-make up. "Ok, ako na lang mag-aayos sa inyo mukhang hindi kayo marunong." Nakangiti ito at lumapit sa kanila at parang nahulaan nito ang nasa isip namin. Sinimulan silang ayusan, habang tumatagal mas lalong hindi ako makapaniwala sa ayos sa kanya. Light lang ginawa ni Carmina sa kanya kaya mas lalong kuminang ang ganda ko, hindi ko alam kung panaginip lang ba ito. "Ok, sige tara na at lumabas na tayo dahil kanina pa kayo hinihintay. " Sumunod naman kami dito at tahimik na magkasabay kaming nakasunod kay Carmina. Pagdating doon ay iniwan mo na kami saglit ni Carmina, marahil ay hinahanap nito 'yung Boss G nila. Muling simpleng umikot ang mata ko at napako sa kahanga-hangang space doon banda sa dulo, sobrang ganda at walang tao doon. Ang daming iba't-ibat ilaw na makukulay kaya nakadag-dag ganda ito, sa tingin ko 'ay pribadong lugar 'yon kaya wala pa tao o kaya naman para ito sa mga mamayamang tao. "Sige na, Carmina. Dalhin mo iyang isa kay Mr. Chang at sabihin mo diyan na makipag-usap ng maayos doon." Nabalik ang atensyon ako ng marinig ang sinabi nitong Mr. G at alam kong ito ang pinaka-boss nila. Matapos dalhin si Layka na parang ayaw pang sumama ay napilitan ito. Kinabahan naman siya kung ano ang gagawin nila kay Layka, sinundan ko ito ng tingin nang dalhin ni Carmina si Layka doon sa intsik na lalaki at pinaupo sa tabi nito. "Ikaw marunong ka bang sumayaw o kumanta?" Maya'y tanong nito sa kanya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "H-Hindi po ako marunong sumayaw pero kanta po kahit paano." Kinakabahan na sagot ko at ngumiti ito sa kanya. Ngunit natigilan ako ng mapansin ang grupo ng mga lalaki na at napangiti bigla si, Mr. G. "Mr. Cuervo! Mabuti at napasyal kayong muli dito, mukhang para sa inyo talaga ang aming V.I.P place, hinihintay na kayo." Umatras ako ng kaunti upang hindi ako mapansin ng mga ito, hindi naman ko naman maiwasan na hindi silipin ang mga ito. Nag-uusap sila at 'yung binanggit nito na Mr. Cuervo. Ewan ba niya ko ba pero hindi ko maintindihan ang sarili ko at hindi ko magawang iiwas ang paningin dito. Dahil sa taglay nitong gandang lalaki. Naka-parang opisina ang suot nito na black na karaniwan kong nakikita na suot ng mga mayayamang lalaki sa palabas. Ang buhok nito na nakaayos patagilid ay nakadagdag karisma dito, napansin ko rin na napatingin ito sa gawi ko kaya bigla niyang binaling ang mga mata sa ibang direksyon. "Mr. Cuervo, gusto mo ba ang babae na 'yon? Baka kailangan mo na ng bagong babae?" Natatawang wika nitong si Mr. G at bigla naman akong kinabahan sa isipin na ibebenta na rin ako. "Alam mo naman na kahit kailan 'ay hindi ako kumukuha ng babae sa Club mo. Ngunit mukhang ngayon ay kukuha na ako." Seryoso na sagot nito na nakatingin sa kanya simula ulo hanggang paa. Sumenyas sa akin si Mr. G at pinalapit sa kanila, dahan-dahan akong naglakad. At para akong natutulala dito dahil parang nakakita akonng artista, dahil mas lalo itong gwapo sa malapitan. "Bueno, napakasuwerte mo hija dahil nagustuhan ka ni Mr. Cuervo. Dahil hindi iyan basta-basta kumukuha ng babae dito, mataas ang standard nito." Nangingiting paliwanag pa nito naisip ko na talagang kumukuha pala talaga ito ng babae. Ibig sabihin marami na ang nagdaan na babae sa kanya. Nalungkot ako sa isipin na 'yon. "Hindi na ako magtatagal dito dahil may lakad pa ako, ipadala mo na lang siya mamaya." "Masusunod Mr. Cuervo." Matapos magpasalamat nito ay umalis na 'yung Mr. Cuervo na lalaki hindi muli ito tumingin sa kanya. "Napakasuwerte mo at siya pa mismo ang nagkagusto sa'yo, maging mabuti ka sa kanya at ibigay lahat ng nais niya. Dahil madaling magsawa ang katulad ni Mr. Cuervo, lalo na kung hindi siya nito napapaligaya." Nasa isip ko pa rin ito kahit wala na si Mr. G, kung ano-ano ang naisip niya sa mga sinabi nito. Bakit wala pa ba siyang asawa at kailangan niyang magpalit-palit ng babae? Sa tingin niya ay nasa tamang edad na ito para magkaroon ng pamilya? Tinanggal ko na lang sa isipan 'yon dahil kailangan kong maging positibo. Maaari kong sabihin dito na tulungan akong makabalik muli sa aming probinsya. Kahit pa mukhang malabo iyon mangyari dahil sa matapang ang kanyang anyo. Paano na ako? Ito na lang ba talaga ang kapalaran ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD