CHAPTER 3

1792 Words
AN: Salamat sa mga nag-enjoy sa story na ito, sana'y suportahan niyo ito hanggang dulo. ------------  Gamit ang itim na bistida na hindi umabot sa tuhod ko. Ito ang pina-suot sa akin ni Boss G. Dahil pinadala raw ito Mr. Cuervo. Hindi ko alam kung saan ito yari ngunit masasabi kong napakaganda nito. Pakiramdam ko nga habang nasa harap ako malaking salamin 'ay para akong anak mayaman o sabihin na nating prinsesa. "Nakahanda ka na ba? Wow! Ang ganda mo naman sa damit na 'yan parang asawa ka ng isang kagalang-galang." Kita ko sa mga mata ni Carmina ang pagkamangha pagkakita sa akin, napayuko ako dahil sa pag-init ng magkabilaan ko na pisngi. "S-Salamat, pero natatakot ako Carmina." Matapat na sabi ako at diretsong nakatingin sa mga mata niya, napahigpit rin ang kapit ako sa sling bag na nakasabit sa balikat ko. "Alam ko ang nararamdaman mo, pero pasensya ka na at wala akong maitulong sa iyo. Ang tanging alam ko lang kay Mr. Cuervo, isa siyang bigatin na boss at . marami na siyang naging babae saka papalit-palit lamang siya kapag gusto niya." "Wala ba siyang asawa o kasintahan man lang? Bakit kailangan n'yang magpapalit-palit ng babae?" tanong ko at nagkibit balikat lang ito, nilapitan ako at inayos sandali ang suot ko. "Wala talaga akong alam masiyado sa kanya. Dahil ilag kaming lahat sa kaniya at takot na rin... Dahil baka konting pagkakamali namin baka kamatayan ang magiging kahihinatnan namin." Bigla akong kinabahan sa narinig ko mula sa kanya at isa pa hindi na talaga ako magtataka, dahil dito pa lang sa may-ari ng club na ito ay napakasama na. "Sige, aalis na ako at sasabihin ko na kay Boss G, na ok ka na." Wika nito at lumabas na, naupo muna ako sa upuan at dito naalala ko ang mga magulang na baka nag-aalala sa akin. Sandali ang cellphone ko pala? Kailangan kong makontak ang ama at ina ko dahil tiyak na nag-aalala na ito sa akin. "Anne, labas na daw nariyan na ang sasakyan sa labas." Bigla akong napatayo at kumalat ang kaba sa dibdib ko. "Carmina, may nakita ka bang lumang cellphone? Mumurahin lang naman 'yon. Pero nandoon 'yung--" "Ito ba? Talagang ibibigay ko 'yan sa'yo. Nakita ko 'yan sa pinagkulungan sa inyo. Naisip ko na baka isa sa inyo ang nagmamay-ari nito, hinanap mo kaya sa'yo pala talaga ito." Nawala naman ang kaba sa dibdib ko dahil sa nalaman at agad niyang inabot ang cellphone sa akin. "Maraming salamat! Sobrang maraming salamat sa iyo." Halos maiyak na pasasalamat ko dito at yumakap sa kanya. Matapos 'yon ay lumabas na kami papunta sa labas ng Club. "Huwag mo ako ipapahiya kay Mr. Cuervo, malaki ang binayad niya sa akin kaya kung may balak kang tumakas. Huwag mo ng gawin, dahil hindi ka rin namin hahayaan na makatakas lalo na si, Mr. Cuervo." Tumango lang ako dito kay Boss G. Hindi naman ako magbabalak na tumakas dahil alam kong mapanganib. Pero gagawin ko ang lahat ng paraan para makiusap kay, Mr.Cuervo. Bago sumakay sa itim na van ay nilagyan ng isang lalaki ang piring ang mata ko at hindi ko alam kung bakit. Naramdaman ko ang pag-usad ng sasakyan at tahimik na nasa biyahe na kami. Tantiya ko ay na sa mahigit kalahating oras ata sila nasa biyahe ng ito ay huminto na. May nagtanggal ng piring sa mata ko at nakita kong nagbabaan ang driver at katabi nito. Binuksan nila ang pinto at sumenyas na bumaba ako. Paglabas ko hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita ngayon. Madilim na pala dahil hapon kami umalis doon kanina, parang ayaw humakbang ng paa ko dahil sa nakikita ng mga mata ko. Halos puro babasagin ang mga pader at mga bintana na malalaki yari rin sa salamin. Parang katulad sa mga nakikita ko sa village sa mga picture pero mas maganda ito at ang swimming pool na hindi ko alam kung bakit kulay asul ito at nakadag-dag ganda ang ilaw na tumatama mula sa ilalim. Inosenteng mangha sa mga nakikita ko Sobrang humahanga ako sa nakikita at sa napakagandang paligid, marahil ito na ang bahay ni, Mr. Cuervo. "Halika na sa loob." Aya sa akin nitong lalaki na nagsuot ng piring sa mata ko kanina at ngayon ko lang ito napagmasdan. Magandang lalaki rin ito ngunit parang medyo bata pa ito o matanda lang sa akin ng konti. Sumunod ako sa kanya at pumasok na rin sa loob, mas lalo akong namangha habang naglalakad sa loob. At ingat na ingat sa bawat kilos dahil baka makasagi ako ng mga bagay dito na mukhang mamahalin. Umakyat itong lalaki sa may kalakihan na hagdan sumunod lang ako dito hanggang sa huminto sila sa isang pinto at kumatok ito. Muli ay nakaramdam ako ng kaba dahil naisip ko na kuwarto na siguro ito ni Mr. Cuervo. Naghalo na ang takot at kaba dahil sa mangyayari sa akin ngayon. Pagpasok namin sa loob ay sumalubong sa akin ang parang amoy ng alak na hindi naman mabaho sa ilong ko. Malamig rin dito sa loob dahil siguro ay may-air con sa loob. "Mr. Cuervo, narito na siya." Wika nitong lalaki at umurong ng konti upang makita ako. Nakayuko ako dahil ayaw kong makita ang mga mata nito. "Makakaalis na ka na, Anthony." Lumabas naman na ang tinawag na Anthony at sinarado ang pinto, nakapikit ako at pilit na kinakalma ang sarili. Ito na ba talaga ang tadhana ko? Ang maging babae niya at ano? Kapag nagsawa siya saan naman ako mapupunta? "Lumapit ka sa akin." Nagulat ako sa baritonong boses nito kaya napaangat ang balikat ko, sinalubong ng mata ko ang seryosong mata niya. Maganda ang mata nito na parang kulay gray ito, may lahi ba siya? Napansin ko na hindi pala ito kuwarto dahil sa pinakagitna ay may billiaran na tulad na nakikita ko sa probinsya namin. May mga itim na sopang mahaba sa mga gilid at babasagin na mga lamesa. Si Mr. Cuervo ay nakaupo dito sa kaliwa sa may maraming alak na nakalagay sa mga cabinet. May mga magagandang baso na babasagin na iba't-iba ang mga hugis. May hawak itong babasagin na baso na mababa at may lamang likido na alam kong alak ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang nakakapit ng mahigpit ang kamay ko sa sling bag. Napansin ko ang paggalaw ng adams apple nito habang nakatingin sa akin. Narito ako sa harapan niya at pinasadahan niya ako ng tingin simula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng tensyon kaya hindi ako makatingin ng maayos. "Inumin mo 'to." Napatingin naman ako dito sa baso na hawak niya na inabot sa akin. Nag-alangan pa akong kunin ito hindi dahil sa hindi ako umiinom ng alak, dahil sa probinsya namin kapag walang gagawin ito ang libangan ng iba at minsan napapainom rin ako sa mga kaibigan ko. Iba lang talaga ang pakiramdam ko ngayon. "Ayaw mo?" Kunot noong tanong nito sa akin dahil nakatingin lang ako sa baso na hawak nito. "H-hindi, i-inumin ko." Pakiramdam ko parang pinagpawisan ako agad dahil sa klase ng pagkakatingin nito sa akin. Kaya kinuha ko ito at inilapit sa bibig ko. "Huwag kang magtitira." Muling ani niya at ininom nito ang basong hawak niya na may alak habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan ko itong ininom, matapang ito at gumuhit agad ito sa lalamunan ko pababa sa sikmura. Pero masarap ang lasa nito hindi nakakasuka. Akala ko ay isang shot lang iyon ngunit muli siyang nagsalin sa basong inubos na ko ang laman. Nang salinan niya ito 'ay may hinalo pa siyang ibang alak dito. Muli ay inabot sa akin at kinuha ko naman ito. Matapos ko itong ubusin at ilapag ang baso ay napaigtad ako ng hatakin niya kamay ko at muntikan pa akong masubsob sa kanya. "You are my new woman now." Bulong nito sa tenga ko at nalanghap ko ang pinaghalong amoy ng alak at mabangong hininga nito. Ewan ko ba pero may kakaibang kiliti na bumalot sa pagkatao ko. Naramdaman ko ang paghimas sa braso ko paakyat sa leeg ko, papunta sa labi ko ang daliri niya. Napapikit ako at parang may kung anong naramdaman ako sa katawan ko. Pinadaan ng daliri niya ang gilid ng labi ko habang ang isang kamay naman nito ay humapit sa bewang ko. Bumaba ang kamay nito papunta sa balakang ko at kasabay no'n ang pag-angat niya ng isang hita ko sa bewang niya. Tinanggal niya ang bag na nasa balikat ko at hinulog lang sa sahig ito, nilapit pa ng husto ang katawan niya sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit tila parang gusto ng katawan ko ang ginagawa niya? First time ko ito pero bakit ganon. Lasing na ba ako agad? Napasinghap ako ng humimas ang kamay nito sa hita ko pataas sa loob ng suot ko. Nakahawak ang kamay ko dito sa balikat ni Mr. Cuervo. Napapapikit ako bawat haplos nito lalo na ang masuyong pagdama nito sa pang-upo ko. Marahan niyang pinisil ang dalawang maumbok kong pang-upo, bumabangga naman ang harapan ko sa matigas na bagay na nasa ibaba ni Mr. Cuervo. Hinawi nito ang buhok ko na nakapusod at hinagkan ng pino ang leeg ko. Naguguluhan ako sa kakaibang nararamdaman ko dahil sa nagugustuhan ito ng katawan ko at hindi ko alam kung bakit at parang nag-iinit ako. Napakapit ako lalo sa balikat niya ng pumasok ang kamay nito sa loob ng p********e ko. Gumalaw ang kamay ko upang pigilan ito ngunit hinawi niyang lang ang kamay ko. Napapikit ako sa paraan ng paghimas nito sa ibaba ko, ang isa niyang kamay ay nasa isang dibdib ko at pinaglalaruan ang dulo no'n sa labas ng damit ko. Kahit naka-bra ako ay damang-dama ko ang init na nanonoot sa buong kalamnan ko. "Bumaba ka na at puntahan mo si Manang Susan." Dito ay natigilan ako ng magsalita ito at ilayo ako sa kanya. May kung anong damdamin ang tumutol sa akin na parang ayokong matigil 'yon. Naguguluhan na napatingin ako dito ngunit wala akong nakitang kahit na anong reaction sa mukha nito. Parang nahihiya tuloy ako dahil dito patagong kinagat ko ang labi at tumango dito. My god! Anong nangyari sa akin? Bakit parang ayoko pa atang umalis doon sa kanya? Ano ba tong nararamdaman ko. Ganito ba talaga ng pakiramdam ng ginagawa ng lalaki at babae? Dahil minsan ng naikuwento sa kaniya ni Shiela ang pakiramdam daw kapag nakikipagtalik. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa isipin na yon at lumabas na ako ng pinto, pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko habang bumaba sa hagdan. Kaya huminga muna ako ng malalim saka ako nagpatuloy bumaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD