I - DUGO
DUGO
~~~
The Vengeance Of Innocent
ORDINARYONG araw ng sabado; tahimik ang buong paligid, malamig ang simoy ng hangin. Hapon na sa kahabaan ng Libertad sa San Pedro, Laguna. Masasabing abala ang mga tao sa papunta at parito sa palengke nang hapon na iyon, naghahanda para sa hapunan ng pamilya.
May bumibili ng manok, baboy, gulay sa malinis na palengke ng bayan.
"Mas maraming parokyano ngayon 'no?" bulong ni Malaya sa pinsang si Josephine.
Nagtitinda sila ng sili, kalamansi, sibuyas at bawang sa labas ng palengke sa ilalim ng overpass kung saan libre silang nakakapwesto d'on kapag araw ng sabado at linggo dahil wala naman pasok sa eskwela kaya heto silang dalawa; piniling tumulong sa magulang ni Josephine na nakapwesto naman sa loob sa meat business ng mga 'to~ ang tiyahing Melba at Tiyong Dolfo niya.
"Oo nga. Babalik ka na ba bukas sa Laguna?" tanong ni Josephine kay Malaya habang abala ito sa pag-aayos ng natirang tinda nila.
Ngumiti s'ya sa mabait niyang pinsan, sa tatlong magkakapatid ito ang mas malapit sa kaniya; magkasundo silang dalawa hindi tulad ni Vera at Lucia na halata ang pagkakadisgusto sa kaniya.
"Kailangan, Josie. Marami kasi akong naiwang proyektong kailangan gawin sa school. Baka sa susunod na linggo naman ako makakabalik dito," sagot niya.
Isang iskolar sa U.P Los Baños si Malaya, kapatid ng tatay ni Josephine ang nanay niyang nasiraan ng bait mula nang masunog ang bahay nila noong bata pa siya~ ang tatay niya?
Hindi niya rin nakilala ito, pero base sa kwento ng mga tao sa kaniya sa bayan nila patay na raw ito— kaya sa maiksing sabi ulilang lubos na siya sa mga magulang kahit na buhay pa ang Nanay Martina niya. Hindi na rin naman kasi siya nito kilala~
Ang pamilya ni Josephine ang kumupkop sa kaniya mula nang anim na taong gulang pa lamang siya. At ang nanay niya nasa likod bahay ng mga ito; nakakulong at may kadena.
"Maiwan muna kita ha, cr lang ako. Kanina pa ako naiihi baka pumutok na ang pantog ko," natatawang paalam niya kay Josephine.
Tumango-tango naman ito sa kaniya bilang pagsang-ayon. Wala naman gaanong tao nang magpaalam siya rito, kaunti na rin lang naman ang mga paninda nila.
Napatingin siya sa orasan niya, mag-a-alas sais na. Halos nagdadapit-hapon na rin at ilang oras na uuwi na sila.
"Nandito na naman pala anak ng pokpok ni Martina!"
Natigilan si Malaya nang marinig ang mga boses na nag-uusap sa may pampublikong palikurang sadya niya; kilalang kilala niya ang mga ito sa pagiging abala siguro ng mga itong pag-usapan ang buhay ng ibang tao kaya halos hindi siya napansin sa pila ng ibang magbabanyo pa.
Wala sa sariling napakuyom ang kamao nya sa mga narinig.
Kilalang-kilala niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito walang iba kun 'di ang mama niya.
Pokpok! Bayaran! Magdalena! Ang bansag sa mama niya mula ng bata pa siya.
Imbes na tumuloy sa pasyang pag-ihi bumalik si Malaya sa pwesto nila ni Josephine. Sa bahay na lang siya magbabanyo, pasya niya.
Magkakaroon lang sya ng kaaway kapag tinuloy niya ang sadya~ hindi rin naman kasi siya papayag na hanggang sa mga sandaling iyon nanay niya pa rin ang pinag-uusapan ng lahat kahit dalawang dekada na itong wala sa sariling bait at hindi nakakakilala ng tao.
"Ang bilis mo naman."
"Maraming tao. Sa bahay na lang, malapit na rin naman na tayong umuwi 'di ba?"
"Sabagay. Nag-text na nga ako kay mama and thirty minutes uwi na raw tayo, mauna na raw tayo sila na ang bahala sa loob."
Pilit siyang ngumiti kay Josephine. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.
Hindi niya na rin nakuhang sabihin dito ang tungkol sa narinig niya. Kilala niya si Josephine, susugurin lang nito ang mga tsismosa na iyon kapag nagkataon.
Sa huling kausap niya sa Nanay Martina niya, hindi siya makikipag-away kahit kanino~ sayang kasi ang iskolar niya sa mayor ng bayan nila kapag nagkataong malaman ng mga itong nakikipagtalo siya; kahit sabihin pa kung gaano kagulo ang mundong kinalakhan niya.
"Josie, ako na sa mga sibuyas ha—"
"Sige. Sure. Ako na rito sa mga kamatis para matingnan ko kung ano pa ang pwedi ibenta sa hindi na."
"Purga na naman tayo sa ulam na may kamatis nito," natatawa niyang sambit dito.
"May text si mama.."
Lumingon siya rito para alamin kung ano ang text ng tiyahin niya.
"Pumunta ka raw muna sa pwesto nila, Aya. Ako na rito."
"Bakit daw?"
"Walang sinabi eh."
Sumunod na lang siya sa sinabi nito. Inayos niya ang sarili't nagmadaling pumunta sa pwesto ng mga magulang ni Josephine.
Nang walang ano-ano't may narinig silang isang malakas na kalabog.
"Jusko! Jusko!"
Napalingon si Malaya sa nagmamay-ari ng boses ng may malakas na sigaw sa likuran niya si Josephine.
Mabilis niyang tinungo ang pwesto nito't hindi pa siya nakakalayo.
Marami na ang taong nakapalibot sa pwesto kung saan sila nagtitindang dalawa.
Hinawi niya ang mga tao para alamin ang nangyari't tingnan si Josephine. Iyon na lamang ang gulat sa mga mata ni Malaya nang makita ang nakahandusay sa harap ni Josephine.
Isang babaeng dilat ang mga mata na animo'y nakatingin sa kanilang magpinsan. Halos maligo ito sa dugong nagkalat mula sa basag nitong bungo.
Napahawak siya sa sariling mga bibig nang iiwas ang tingin ganoon na rin ang nanginginig na si Josephine.
Tsaka sumariwa sa utak niya ang narinig kanina.
'Nandito na naman pala ang pokpok na anak ni Martina!'
Kasabay ang pag-alala sa huling narinig niya mula rito ang hindi pagpigil sa sarili niyang sumuka; sumuka siya nang sumuka.