chapter 16

1852 Words
Gustuhin ko man sumama sa paghuli kay Hywel ay hindi ako pinayagan ng mga Ho. Sa halip ay mas mabuti daw kung dumito nalang daw ako sa mansyon. At least, safe pa rin daw ako. Paniguradong hindi daw ako makukuha. Kasama ko dito sina Elene, Naya, Pasha, pati na din ang mga kababaihan, maliban lang kay Jaycelle na kasama niya ang mga kapulisan para mahuli si Hywel. Kasalukuyan ngayon hinahanap ng mga pulis si Hywel. Kasama ang mga tiyuhin ng magpipinsang Ho. Tanging sina Kalous at Finlay ang naiwan. Hindi daw sila mapanatag na sinang-ayunan ng kamag-anakan nila. "Hey, are you alright?" Tanong sa akin ni Kalous, nakayakap siya sa akin mula sa likod. Naririto kami ngayon sa kaniyang silid. "Kinakabahan lang," Mahina kong tugon. Kanina pa ako hindi mapakali. May kutob ako na hindi maganda sa hindi malaman na dahilan. "Everything's gonna be alright." Anas niya sa aking tainga. Sana nga, Kalous. Sana nga talaga ay matatapos itong gulo na ito. Kung bangungot man ito, sana naman ay gisingin na ako. "Ikukuha kita ng inumin, Tarrah?" Tanong niya. "Yes, please." Dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Hinawakan nya ang isang kamay ko't marahan niya akong hinila. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama. Masuyo niyang hinaplos ang aking buhok saka hinalikan iyon. "Wait me here, aright?" Ngumiti ako saka tumango. "Hihintayin kita." Tugon ko. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tagumpay siyang nakalabas ng pinto. Ipinagdadasala ko sa loob-loob ko na sana ay wala mangyayaring masama sa mga Ho. Sana ay tagumpay nilang mahuli si Hywel para matapos na ito. Kumunot ang noo ko na parang may nararamdaman ako sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon kasabay na nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang kaniyang mukha na nakangisi na mala-demonyo. Aatras sana ako at tatakbo na palabas ng silid but he suddenly pulled me through my hair. Napahiga ako sa kama nang wala oras. Sisigaw pa sana ako para humingi ng tulong pero naunahan niya ako. Agad niyang tinakpan ang bibig ko ng panyo! Pilit kong manlaban pero pakiramdam ko ay unti-unti inaagaw ang aking lakas dahil sa nalalanghap ko mula sa hawak niyang panyo. D-Don't tell me, may p-pampatulog 'yon?! "Matulog ka na muna habang iuuwi kita sa atin, Tarrah. Hindi na ako makapaghintay na makasama kita ulit..." Ang huli niyang sinabi bago ko maipikit ang aking mga mata... Kalous... Please save me... _ "Sigurado ka bang hindi tayo masusundan dito?" Rinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Isang babae, animo'y may kausap siya. "Anong tingin mo sa akin, tanga? Malamang hindi tayo masusundan dito. Bundok na ito, eh." Rinig ko ang boses ni Hywel sa babae. "Buti nalang talaga nakuha ko ang isang ito. Hahahah! Paniguradong sobrang natataranta na ang mga Ho sa mansyon." Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Sa una ay nanlalabo pa ang aking paningin ngunti paunti-unti na din iyon nagiging malinaw. Tumingin ako sa kinaroroonan ng mga narinig kong boses. Napasinghap ako nang tumambad sa akin sina Hywel at... Corrine?! Binaba ko ang tingin ko. Nakatali ako sa upuan. "Oh, gising na palaa ng isang ito, Hywel." Nakangising sabi sa akin ni Corrine. Nilapitan niya ako at walang sabi na tinadyakan niya ako sa sikmura. Napadaing ako dahil sa sakit. HIndi pa siya kontento, marahan niyang sinabunutan ang buhok ko na dahilan para matingin ako sa kisame ng maliit na kubong ito. Napangiwi ako. "C-Corrine..."  Tumawa siya na tila nababaliw na. "This is the way how I greet, Tarrah Ongpauco." Mariin niyang bati sa akin. "Gulat ka, ano? Ang akala mo tuluyan akong nakaalis ng Quezon dahil lang sa mga Ho, pwes, nagkakamali ka!" "A-anong relasyon mo kay... Hywel?" Nanghihina kong tanong. "Siya ang tinutukoy ni Eufemia Ho na ama ng dinadala ko." Sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. A-ano? S-seryoso ba siya? "Hindi ka ba makapaniwala?" Tumawa ulit siya sabay malakas dumapo ang kaniyang palad sa pisngi ko. "Kung hind ka rin kasi pakialamera, hindi masisira ang plano! Eh di sana Hochengco na ako at may parte na ako sa kayamanan nila!" Bulyaw niya sa akin. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Totoong buntis si Corrine at si Hywel ang ama, balak niyang ipaako ang dinadala niya kay Kalous! Ito pala ang hiddeng agenda nilang dalawa?! "Ano, masaya ka na ba? Sinira mo na ang mga plano ko sa buhay pati para sa magiging anak ko!" PIlit kong tumingin sa kaniya ng diretso sa kaniyang mga mata. "Hindi ka papatulan ni Kalous..." Sambit ko. "Hindi mo rin kilala kung sino ang binabangga ninyo." Tumayo si Hywel mula sa kaniyang kinauupuan. "Kilala namin." Lumapit din siya sa akin. He do a lower squat. He's still grinning at me. "Kaya ka nagtanim na ako ng napakalakas na bomba na pumaplibot sa mansyon." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "H-huwag, Hywel! N-narito na ako... Huwag mong galawin ang mga Ho!" Pagmamakaawa ko. Unti-unti namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Lalo bumibilis ng pintig ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot. "Huwag, Hywel..." "Bibigyan ko sila ng ilang minuto bago man sila mapunta sa kabilang buhay." Dagdag pa niya. Bumaling siya kay Corrine. "Dalhin mo sa sasakyan iyan, lalarga na tayo. Pupunta tayo sa bahay ng mga Ongpauco. Mag-iisip ako ng magandang deal sa lolo ng babaeng iyan." Tahimik tumango si Corrine. Humakbang siya palapit sa akin para kalasin niya ng isa pang lubid na natali sa kama. Pwersahan niya akong hinatak na akala mo ay isang alipin. Bigla niya akong tinadyakan sa likuran na dahilan para mapasubsob ako sa sahig. "Puta, ang bagal kumilos!" Singhal ni Corrine. "Tumayo ka d'yan kung ayaw mong makatikim pa!" Kinagat ko ang aking labi. Pilit kong tumayo. Nag-umpisa na akong maglakad palabas ng kubo. Kasama na din si Hywel. Sa paglabas namin ay natigilan kaming tatlo nang isang sinag ng ilaw ang tumambad sa amin. Naniningkit ang mga mata at pilit kong tingnan kung sino iyon. Ang buong akala ko ay mga pulis na narito pero hindi. Isang babaeng nakagear suit na itim at nakahalukipkip. Medyo naaninag ko ang kaniyang mukha. Seryoso ito pero ang mga mata niya ay punong-puno ng galit. "Sino ka?!" Sigaw sa kaniya ni Corrine. Kinalas ng babae ang kaniyang mga kamay mula sa pagkahalukipkp nito. Nag-umpisa siyang naglakad palapit sa amin. "Ang amo ng pinatay mo." Malamig niyang tugon. "Anong pinagsasabi niya, Hywel?!" Even Corrine was puzzled. "Bitawan mo ang babaeng iyan dahil walang laban ang isang iyan. Ako ang harapin mo, Hywel Parry." Dagdag pa ng babaeng nasa harap niya. Tumawa pa si Hywel sa sinabi niya. "Anong boss na pinagsasabi mo? Wala kang karapatang utusan ako!" Sabay inilabas niya ang baril at tinutok niya iyon sa akin. Pumikit ako ng mariin. Mas ako ginapangan ng kaba at takot. "Huwag kang lumapit kung ayaw mong mamatay ito!" Rinig kong sabi niya. "Mukhang kailangan kitang pwersahin kung ganoon." Kumento pa niya. "Hayato, Hyacinth." Tawag niya sa dalawang pangalan. May rinig kaming pagkasa ng baril na dahilan para dumilat ako. Tumingin ako sa gilid namin. Halos malaglag ang panga ko nang may isang lalaking teenager na nakatutok ng baril sa sentido ni Hywel habang isang teenager na babae kay Corrine naman. Ibinalik ko ang tingin ko sa babae. Siya naman ang naglabas ng baril, mas lumalapit pa siya sa amin. "Huwag kang lumapit!" Sigaw ni Hywel, ibinaling niya sa babae ang niyang baril!  May balak siyang patayin ito! Kakalabitin na sana niya ang gatilyo nang biglang hinawakan ng teenager na lalaki na tinatawag na Hayato ang kamay ni Hywel para mabitawan ang baril saka pinaluhod nila sina Hywel at Corrine sa damuhan. Muli nila tinutok ang mga baril nila sa mga sentido ng mga ito. Oh, God, please save me... Inangat ng babae ang hawak niyang baril saka tinutok niya iyon sa noo ni Hywel. Napasinghap ako. Oh my, talagang papatayin niya ito?! "Umalis ka na, Miss." Malamig na utos sa akin ng babae. Kusang sumunod ang katawan ko sa utos niya. Kahit na masakit pa ang katawan ko ay pilit kong lumayo. Tumigil ako't humarap sa direksyon nila. "Buhay ng tao ko ang kinuha mo kaya buhay din ang kapalit." Seryoso at bakas ng galit sa boses ng babae. "You have any wish before you die?" Umiling-iling si Hywel. "H-huwag mo akong patayin--" "Rejected." Sabi niya sabay pinutok niya ang baril sa mismong ulo ni Hywel na dahilan para matumba ito sa damuhan. Tumili pa si Corrine samantalang ako ay parang hindi makahinga sa aking nasaksihan. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng aktwal na papatayin ang tao... Ang akala ko sa mga palabas ko lang napapanood iyon. "Mama, buntis ang isang ito." Wika ng teenager na babae. "Alam mo na gagawin sa kaniya." Malamig niyang tugon. Nagkibit-balikat lang ito at walang sabi na hinampas niya ang baril ang batok ni Corrine upang mawalan ito ng malay. Lumingon sa akin ang babae. Sa akin naman siya lumapit. Blangkong ekspresyon sa kaniyang mukha ang iginawad niya sa akin. "Your husband's family is a good friend of Wu family so you don't have to worry." May pinindot siya sa kaniyang tainga. "My men already cut out the bomb in Hacienda Esmeralda. They are now safe." Hindi ko pa rin magawang magsalita. Kahit ganoon ay may parte sa akin na nakahinga ako ng maluwag. Maya maya pa ay may narinig kaming malakas na tunog mula sa taas. Pareho kaming nakatingala. Helicopter? Unti-unti itong bumaba. May naghagis ng rope ladder. May tatlong lalaki bumaba mula doon. "Tarrah!" Boses iyon ni Kalous! Agad kaming napatingin sa kaniya. Pawisan siya. May nakasunod sa kaniyang dalawang lalaki. "Kalous..." Agad ako sinunggaban ng yakap ni Kalous. Rinig ko ang pagmumura niya na parang sinsisi niya ang kaniyang sarili dahil humantong ako dito. "Wala kang dapat ipagsisi pa, Kalous Ho." Turan ng babae sa kaniya. "The important is your wife is now safe. The culprit is over there." "Papunta na po ang mga pulis dito, Oujou (young lady)." Sabi ng lalaking nakasalamin sa kaniya.  "T-teka..." Pigil ko. Napatingin ang babae sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "A-anong pangalan mo?" Sumilaya ng isang maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Megumi Okinawara. Asawa ni Henry Kim. Anak ko ang batang babae na ito." Turo niya sa teenager nasa likuran niya. "See you around, then." Tinalikuran na nila kami. Sabay na silang pumunta sa helicopter. Pinapanood lang namin sila makalayo dito. Bigla ko naalala ko na siya pala ang binabanggit ni Jaycelle! Megumi Okinarawa, the yakuza boss! Nang tuluyan na silang nakaalis ay napatingin kami ni Kalous sa katawan nina Hywel at Corrine na nakahandusay sa damuhan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa akong iligtas ng isang babae at yakuza pa. "I'm sorry kung ngayon lang ako, my moon." Paghingi ulit ng dispensa ni Kalous. "Kung hindi lang kita iniwan, hindi ka mapupunta sa ganito." Ngumiti ako. "Malaking pasasalamat ko sa kaniya, Kalous. Nailigtas niya ako." "Kalous! Tarrah!" Agad kaming napatingin sa kinaroroonan ng boses. Sina tito Kyros, kasama nila ang mga pulis. Agad nila pinalubutan ang katawan nina Hywel at Corrine. Lumapit lang sa amin ay ang mga Ho. "Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni tito Damien sa amin. "Yes po, tito..." Mahina kong tugon. Bumaling sila sa bangkay ni Hywel. "Mukhang hindi nga ako nagkakamali na humingi ng tulong kay Megumi." Wika ni tito Damien. "At mukhang hindi na niya kami hinintay para pasalamatan siya." "Uuwi na tayo. Bahala na sina Jaycelle dito." Si Vladmir. Tumango kami ni Kalous at iniwan na namin ang lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD