Sumapit na ng alas nuebe ng gabi ay nagising ako. Napagod siguro ako sa kakaiyak. Ang huli ko lang natatandaan ay nasa harap ko si Kalous.
Umalis ako sa kama at tumapat sa salamin para ayusin ang aking sarili. Nagpasya akong lumabas muna para makisalo ngayong pyesta. Ibabaling ko nalang doon ang atensyon ko. Nagbabakasaling humupa ang kaba at takot na aking nararamdaman.
Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Naya na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Gigisingin sana kita. Kanina ka hinahanap ng Grande Matriarch. Nag-aalala siya sa iyo kung bakit hindi ka pa daw sumasali sa amin. Pero nasabi ni Kalous na tulog ka." Sabi niya sa akin habang pababa na kami ng hagdan ng mansyon.
"Si Kalous pala?" Tanong ko.
"Ah, nasa garden. Kasama niya ang mga pinsan niya. Kasalukuyan silang umiinom ngayon."
Ilang saglit pa ay nakarating kami sa hardin. Nadatnan nga namin ang magpipinsan na masayang nag-uusap. May tawanan. Marami pa ring tao dito. Nakakatuwa lang dahil sumasabay ang mga tauhan ng mga Ho sa malalakas at nakakaindak na kanta mula sa sound system. Mukhang walang humpay ang saya nila sa party na ito.
"Oh, Kalous! You're wife is already awake!" Bulalas ni Fae na napatingin sa direksyon namin. May hawak siyang glasswine na tingin ko ay champagne ang laman n'on.
Ngumiti ako. "Sorry, nakatulog ako." Wika ko nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila.
Tumayo si Kalous para bigyan ako ng yakap pati isang halik sa sentido. "Hindi ka pa kumakain. Kumain ka na muna." May bahid na lambing niyang sabi.
"I'm fine, Kalous." Marahan kong sabi.
Ngumiti siya. Hinawakan niya ang isang kamay ko. "No, hindi pwedeng magutom ang asawa ko. Come on." Marahan niya akong hinila pabalik sa loob ng mansyon hanggang sa napadpad na kami sa Kusina. Wala masyadong tao dito. Tangi kami lang ni Kalous ang naririto.
"Here, sit." Pinaupo niya ako sa high stool dito sa may kitchen counter. "Maraming niluto sina Vlad at Finlay. Which one do you like?" He ask while he's scanning inside the refigerator.
"Salad nalang siguro, Kalous." Maagap kong tugon habang nakapangalumbaba. "Hindi ka ba nagluluto?"
Humarap siya sa akin na may hawak na siyang tupperware na laman ay salad. Ngumuso siya. "Tumulong din naman ako sa pagluluto pero mas maalam kasi sina Vlad at Finlay pagdating sa pagluluto." Pinatong niya sa counter ang pagkain. Inabutan din niya ako ng tinidor. Tinanggap ko iyon. Ako na din nagbukas ng tupperware. "Sigurado ka bang salad lang ang gusto mo? Pupwede ka naman kumain ng kanin at ulam."
Tumingin ako sa kaniya na nakangiti. "Sa totoo lang, wala akong ganang kumain talaga, Kalous." Pag-amin ko.
Nagpangalumbaba siya sa harap ko. Titig na titig siya sa akin. Natigilan ako. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan.
"B-bakit? May problema ba, Kalous?" Taka kong tanong.
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi at umiling pero nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin. Parang sinusuri niya ako sa lagay na iyon. Parang nadadala ako ng mga namumungay niyang mga mata. Dahil d'yan ay bigla ako nakaramdam ng concious sa katawan! Tumuwid ako ng upo at dumapo sa ibang direksyon ang mga mata ko. "Hindi ko lang akalain na sobrang ganda ng nanay ng mga magiging anak ko, Tarrah."
Muli ako napatingin sa kaniya. Lumunok ako. "K-Kalous..."
"Whenever I look at you, I didn't see just you. I saw my today, my tomorrow, and my future for the rest of my life." Namamaos niyang sambit.
Ramdam ko ang halimaw na nagwawala sa aking tyan. Bumilis ang t***k ng aking puso na kulang nalang ay sasabog ito. Kasabay pa ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Parang nagkabuhol-buhol ang utak ko! Nawawala na naman yata ako sa katinuan!
"I love you, Tarrah." Sabi niya.
Kinagat ko ang aking labi. "I... Love you too." Sagot ko. Nahihiya pa.
-
Pagkatapos kong kumain pinauna ko munang bumalik si Kalous sa mga pinsan niya. Balak ko sanang maligo. Gusto ko lang marefresh lahat. Pati ang pag-iisip ko. Ayokong matabunan ng mga negatibong pag-iisip ang isipan ko. Narito ako para magsaya. Maging masaya sa piling ni Kalous.
Paglabas ko ng banyo aya agad kong binuksan ang closet para maghanap ng maisusuot. Simpleng pambahay lang naman ang isusuot ko.
Huhubarin ko sana ang bath robe ko nang biglang may tumunog. Tunog ng telepono dito sa kuwarto ni Kalous na ngayon ko lang napansin. Napaawang ang bibig ko't nilapitan iyon.
"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya nang sagutin ko iyon.
"Kamusta, Tarrah?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Bigla ako ginapangan ng kaba at takot. Napasapo ako sa aking dibdib. "P-papaano mo nalaman ang numero d-dito?" Garagal ang boses ko.
Rinig ko ang pagtawa niya. "Porke't hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral ay wala na akong alam, Tarrah." Aniya. Bumuntong-hininga siya. "Narito ako para sabihin ko sa iyo ang mga lagay na ito... Nasa paligid mo lang ako."
Lumipad ang palad ko sa aking bibig. "A-anong..."
"Balak kong pasabugin ang mansyon ng asawa mo. Pupulbusin ko sila..."
"H-huwag!" Malakas kong sambit. "Huwag, Hywel!"
Tumawa siya. "Madali lang naman akong kausap, Tarrah... Kung papayag ka sa kondisyon ko."
Para akong kakapusin ng hininga. Mas lalo bumibilis ang pinitg ng aking puso. "A-anong kondisyon?"
I can imagine his devilish grin. "Mamili ka, sasama ka sa akin? Bubuhayin ko pa ang pamilya mo? O sasabog ang masyon ng mga Hochengco kasama ang asawa mo? Pag-isipan mong mabuti, Tarrah... Pag-isipan mo..." Rinig ko pa ang pagtawa niya sa kabilang linya na animo'y nababaliw na.
Kinagat ko ang labi ko. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa telepono. "H-huwag mong idamay ang pamilya ko at ang mga Hochengco, Hywel... Huwag mo silang galawin..."
"Ibig sabihin, sasama ka sa akin?"
Pumikit ako ng mariin. Pinipiga ang puso ko na sumagi sa aking isipan ang isang mabigat na desisyon. "B-bigyan mo ako ng sapat na oras, H-Hywel..."
"Mayroon akong cellphone number mo. Sa oras na tatawagan kita, sasama ka na sa akin." Aniya bago pa man niya ibaba ang tawag.
Nabitawan ko ang telepono. Nanghihina akong sumandal sa pader. Kahit na kagat ko ang aking labi ay nanginginig pa rin ito. Kahit din na nanginginig ang aking mga kamay ay pilit kong ikuyom iyon.
Kailangan ko na naman makulong sa mga kamay ni Hywel. Kailangan kong sumama sa kaniya para hindi niya saktan ang mga taong nakapaligid sa akin. Hindi bale na ako ang saktan, huwag lang sila...
Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng silid na ito.
"Ma'm Tarrah? Pinapatawag po kayo ni Madame Eufemia." Malumanay na sabi ng isa sa mga katulong mula sa labas.
"S-sige... Susunod na ako." Tugon ko.
Nagmadali akong magbihis para puntahan ang Grande Matriarch. Hindi ako pwedeng babagal-bagal. Siguro dahil sa hindi pa niya ako nakausap o nakita buong maghapon kaya pinapatawag niya ako. Medyo nakakahiya kung hindi ko siya susulputin sa pagkakataon na ito. Pinipilit kong maging kalmado bago ako lumabas. Kailangan isipin nilang walang nangyayari sa akin. Kailangan ay normal pa rin ako.
Sabi ng isa sa mga kasambahay na nakasalubong ko ay naghihintay ang Grande Matriarch sa Receiving Area ng mansyon na ito.
Pagbukas ko ng pinto ay natigilan ako na hindi lang siya ang naririto. Lahat ng pamilyang Ho ay narito. Maski si Jaycelle ay narito. Maliban nalang sa mga bata na tingin ko ay natutulog na. They're all serious and kinda furious except Madame Eufemia, she's smiling at me.. May ginawa ba akong masama sa kanila?
"Come, iha. Maupo ka muna." Wika ng Grande Matriarch.
Kusang sumunod ang aking katawan sa kaniyang utos. Lumapit ako sa malapad na couch, tumabi ako kay Kalous. Ipinagtataka ko kung bakit seryoso ang kaniyang mukha. Galit ba siya sa akin?
"Tell us, iha... May bumagabag ba sa iyo?" Marahan na tanong ni Madame Eufemia sa akin. "Or, there's someone threatening you?"
Napaawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi. Bumilis ang kabog ng aking dibdib. M-may alam sila?
"Nakita ni Finlay na sinasakal ka ng isang lalaki." Wika ni tito Kyros na nakahalukipkip. "Sinabi din na ex mo daw ito."
Napalunok ako. Gustuhin ko man magsalita ay hindi ko magawa. Tila may nakabara sa aking lalamunan ng mga oras ding ito.
"Nakakonekta ang linya ng telepono ni Kalous dito sa Receiving Area." Dagdag pa ni tito Lennart.
"Narinig namin ang pag-uusap ninyo." Ani Keiran na nakasandal sa pader. Why don't you tell us right away, Tarrah?"
Yumuko ako. "Sorry," Huminga ako ng malalim. "A-ayokong... Pati kayo madamay sa problema ko."
"But we're your family too, Tarrah." Matigas ang sambit ni Kalous na dahilan para matigilan ako. "Asawa mo ako at karapatan kong malaman iyon. Kaya kung problema mo ay problema ko na din."
"K-Kalous..." Basag ang boses ko nang tawagin ko ang pangalan niya. Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata na anumang oras ay pwede na iyon kumawala.
"Jaycelle?" Tawag sa kaniya ng matriarch.
Humakbang palapit si Jaycelle. Nilabas niya ang maliit na kuwaderno mula sa kaniyang jacket. Binuklat niya iyon. "Full name, Hywel Parry. 29 years old. May criminal record na noon dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot... May hinalay at may mga pinatay."
Napasapo ako sa aking bibig sa aking narinig. My judgement about him is true. He's really a psychopath!
"According to my resources, ipinaghahanap din siya ni Megumi Okinawara, a yakuza wife of Henry Kim, kadahilanan na pinatay ng Hywel na ito ang isa sa mga tauhan ng naturang Yakuza Boss." Tiniklop niya ang kaniyang maliit na kuwaderno. Tumingin siya sa akin. "Ayon din sa mga napagtanungan ko, ang kapitbahay noon ni Hywel sa apartment na tinutuluyan niya noon... nasaksihan niya na nakaranas ng matinding pagmamalupit at kamay na bakal si Tarrah."
Napasinghap sila sa kanilang narinig. Muli ako napayuko. Hindi ko na mapigilang mapaluha sa harap nila. Pumikit ako ng mariin.
"T-Tarrah..." May simpatyang tawag sa akin ni Pasha.
There's no reason to keep my deep secret now. Bahala na kung anuman ang pagtingin nila sa akin.
Ramdam ko sa pag-alis sa tabi ko si Kalous. Napadilat ako. Bumungad sa akin na nakaluhod na sa harap ko. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko. Nagtama ang tingin namin. "Kalous..." I softly called him between my cries. "I'm sorry... I'm sorry..."
Siya naman ang pumikit ng mariin. "Kung alam ko lang noon... Hindi mo mararanasan iyon, Tarrah..." Pati siya ay parang maiiyak na. "Hindi ko alam na ganito kabigat ang dinadala ng minamahal ko."
Mas lalo lumakas ang hagulhol ko sa buong Receiving Area.
Marahan akong pinatayo ni Kalous. Niyakap niya ako't hinahagod niya ang aking likod. Sumubsob pa ako lalo sa kaniyang dibdib. "I'm sorry, Kalous... Sorry... Kung tinago ko ito..."
"Bibigyan kita ng yakap, Tarrah. Maski ang pangit mong nakaraan ay yayakapin ko. Ipaparamdam ko na nandito na ako..." Hinalikan niya ang aking buhok. "Hindi ako papayag na kunin ka niya sa akin, Tarrah. Pangako iyan."
"Naya, file a case for this Hywel Parry." Rinig kong utos ng matriarch.
"Right away, Madame." Tugon niya.
"Jaycelle, call the police and find that culprit." Damien Ho ordered.
"Just stay with me, Tarrah. Huwag na huwag ka aalis." Malumanay na sabi ni Kalous sa akin nang kumalas ako mula sa pagkayakap sa kaniya.
Kahit na naluluha pa rin ay tumango ako. "I promise, Kalous... I promise."