Hanggang sa nakabalik na kami sa Villa Esmeralda ay hindi pa rin maalis ang kaba at takot sa akin. Kung tatanungin nila kung anong nangyayari sa akin o ayos lang daw ba ako, tanging sagot ko lang sa kanila ay masama ang pakiramdam ko. Alam man ni Finlay ang totoo ay pinili nalang niyang itikom ang kaniyang bibig.
"Magpahinga ka muna dito, my moon." Masuyong sabi sa akin ni Kalous nang narating namin ang kaniyang kuwarto. Hinalikan niya ang aking noo. "Babalik ako para kuhaan kita ng gamot..."
"Kahit hindi na, Kalous..." Tanggi ko pa. "M-may mga bisita na kayo sa ibaba, asikasuhin m-mo muna sila..."
"You are my priority, Tarrah. Hindi ako kampante kung may nangyayaring masama sa iyo." Sabi niya habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok. "I'll be right back. Wait for me."
Pinapanood ko lang siya habang palabas siya ng kuwarto. Nang nagsara na ang pinto ay kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Napasapo ako sa aking dibdib at pumikit ng mariin.
Gustuhin ko man sabihin sa kaniya tungkol kay Hywel ay hindi ko magawa. Mas nangingibabaw ang panggamba ko para sa asawa ko. Wala rin akong ideya kung ano ang susunod na gagawin ni Hywel. Ayoko dumating sa puntong idadamay niya ang pamilyang Hochengco. Hindi niya pwedeng galawin ang pamilyang ito... Wala silang kinalaman sa pagitan naming dalawa.
Dumilat ako at umupo ako sa gilid ng kama. Kinagat ko ang aking labi. Napapaisip at hindi na mapakali. Kung anu-ano nang pumapasok sa isipan ko. Papaano kung matunton niya ng lugar na ito? Papaano kung gagawa siya ng eskandalo dito? Maraming tao ngayon dahil pyesta, posibleng kukunin niya ang pagkakataon na ito para makalapit sa akin.
Kailangan ko siyang layuan...
Ayokong maulit na naman ang nangyari noon. Ayoko nang balikan ang pagkakamali ko noon... Ayoko nang maranasan ang impyerno sa mga kamay niya. Ang buong akala ko ay habambuhay siyang nasa likod ng mga selda.
Muli ako napapikit. Biglang sumagi sa aking isipan ang bangungot ng aking nakaraan...
"Hywel?" Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan kasabay na dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng kaniyang apartment.
I was in college that time habang siya ay tumigil sa pag-aaral dahil sa financial problem. Ni minsan ay hindi ko nakilala ang pamilya niya dahil ang sabi niya sa akin ay nasa isang probinsya ang mga ito. Hindi rin siya kilala ng pamilya ko. Ang masasabi ko ay sa loob ng limang taon ng relasyon namin ay ganoon ang set up namin.
Humakbang ako papasok sa loob ng apartment. Kalat ng mga bote ng alak at iilang basura ang tumabad sa akin. Amoy ko pa rito ang usok ng sigarilyo. Kumunot ang noo ko, hindi kaya tulog pa siya ng mga oras na ito? It's unusual. Nag-iwan ako ng mensahe na pupunta ako dito, tuwing ganoon ay sasalubungin niya ako. But this time, hindi na.
"H-Hywel... Ahhhhh..." Rinig ko ang boses ng isang babae mula sa kuwarto.
"Putang ina, ang sikip mo pa rin..." Boses ni Hywel iyon.
Napasapo ako sa aking bibig. Matik na nabuo sa isipan ko kung ano ang ginagawa nila. Dapat ay aalis na ako. Pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at nagpakawala ulit ako ng hakbang palapit sa pinto ng kuwarto niya. Napalunok ako bago ko man hawakan ang doorknob. Pinihit ko iyon at binuksan. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto.
Umawang ang bibig ko kasabay na pagpugto ng aking hininga sa aking nasaksihan.
Nakatuwad ang babae habang nakahawak ito sa headboard ng kama, samantalang si Hywel ay patuloy sa paggalaw niya sa likuran ng babae na kasiping niya ngayon.
Hindi mapigilan ang mga luha ko na mamuo iyon at marahas na umagos sa aking pisngi. Parang pinipiga ang puso ko. Para akong pinatay na mga oras na ito. Nabitawan ko ang hawak kong paperbag na naglalaman ng groceries na dahilan para tumigil silang dalawa sa kanilang kababuyan.
"T-Tarrah?!" Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala dahil nahuli ko sila sa akto. Walang sabi na hinugot niya ang kaniya mula sa loob ng babae. Nagtapis siya sa harap ko saka lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo dito?!" Pagalit niyang tanong sa akin.
Kinuyom ko ang aking mga kamao. Walang sabi na pinagsusuntok ko ang dibdib ko. "Walanghiya ka! Ang bababoy ninyo!" Pinaghalong iyak at galit kong sabi. Bumaling ako sa babae at akma ko siyang sugurin pero tagumpay akong nahawakan ni Hywel. "Bitawan mo ako!"
"Huwag mong galawin iyan kung ayaw mong makatikim, Tarrah!" Mariin niyang banta sa akin.
Napasinghap akong tumingin sa kaniya. "K-kailan mo pa g-ginagawa ito, Hywel?" Basag ang boses ko nang itanong ko iyon sa kaniya.
"Limang taon na, bakit? May angal ka?!" Mas lalo tumaas at nakakatakot na ang boses niya. "Wala kang karapatang saktan ang nagpapaligaya sa akin!"
Mas lalo ako nagimbal sa pinahayag niya. "A-ano? N-nagpapaligaya?"
Walang sabi na sinakal niya ako't marahas niya akong sinandal sa pader. Hinawakan ko ang kaniyang kamay na may hawak sa akin para mabitawan niya ako pero masyado siyang malakas. Nagtama ang mga tingin namin. Umahon ang takot at kaba sa aking sistema nang makita ko ang mga namumula niyang mga mata. D-don't tell me... He's using drugs?!
"H-Hywel..." Nanghihina kong tawag sa kaniya at napaubo.
"Walang kang karapatan na diktahan ako sa mga gusto ko, Tarrah."Mas matigas niyang sambit. "Sino ang may kasalanan kung bakit nagawa kong gumapang sa iba, ha?! Hindi ba ikaw?! Kung ibinigay mo sa akin ang pangangailangan ko bilang lalaki eh di sana hindi tayo humantong sa ganito! Tang ina mo pala, eh!" Marahas niya akong tinapon sa sahig.
Napahawak ako sa aking leeg at patuloy pa rin ang pag-ubo ko.
"Ilang beses na kitang pinagbigyan sa mga gusto mo. Maski luho mo na hindi ko kaya ay kinaya ko para mapasaya ka lang pero puta, isang bagay lang hinihiling ko para sa iyo, hindi mo maibigay, ha?!" Bulyaw niya sa akin saka sinabunutan niya ako.
"H-Hywel... Tama na..." Suway sa ng babae niya sa kaniya.
"Huwag kang makialam dito!" Sigaw niya sa babae.
Napasinghap ang babae, hindi siya makapaniwala.
Lakas-loob akong tumingin kay Hywel. "K-kung gusto mo... Palayain na k-kita, p-para hindi ka na mahirapan pa..." Nanghihina kong sabi.
Ngumisi siya. Animo'y demonyo na ang nasa harap ko. Pinagdilatan pa niya ako. "Anong akala mo sa akin, tanga? Kahit pakawalan mo pa ako, lalapit at lalapit pa rin ako sa iyo, Tarrah. Tang ina, sa iyo na nga lang ako humuhuthot ng pera para makakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Tanga!" Walang sabi na na pinagsasampal niya ako't sinuntok niya ako sa sikmura. "Kaya kita sinosyota para din doon! Dahil alam kong ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng lolo mo." Saka tumawa siya ng malakas na akala mo ay nababaliw na.
"T-tama na, Hywel..." Pagmamakaawa ko habang walang humpay ang mga luha ko. "M-masakit..."
"Hindi lang ito ang matitikman mo, Tarrah. Subukan mo lang na makipaghiwalay sa akin, hinding hindi kita titigilan... Baka hindi mo alam, kaya kong tapusin ang buhay mo pati ng pamilya mo?"
Nanlaki ang mga mata ko. "H-huwag... Huwag mong saktan si angkong... Maawa ka..." Garagal kong sabi.
Mas lalo lumapad ang ngiti niya. "Kaya matuto kang sumunod. Naiitindihan mo?!"
Pumikit ako ng mariin. Parang binugbog na din ang puso ko. Nang araw ding iyon ay naging bilanggo ako sa mga kamay niya.
"Tang ina, ang bobo mo talaga! Ni pagluto, hindi ka marunong?!" Bulyaw niya sa akin sabay turo niya sa pagkain na nasa hapag.
Kinagat ko ang aking labi. Pinipigilang umiyak sa harap niya. "S-sorry..." Ang tanging naisagot ko.
Hindi ko inaasahan na hinablot niya ang buhok ko at pinahid niya sa mukha ko ang mga pagkain na niluto ko. "Ayan! Kainin mo tutal luto mo naman iyan! Tikman mo ang pagkakamali mo! Bobo!"
Inilapat ko ang mga labi ko, hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong maiyak.
"Sumayaw ka sa harap ko! Bilisan mo!" Pasigaw niyang utos sa akin habang nakaupo siya sa single couch. Nakatayo lang ako sa harap niya. Kinaladkad pa niya ako dito sa kuwarto niya.
Kinagat ko ang aking labi habang marahas na tumutulo ang mga luha ko sa aking pisngi. Marahan kong sinimulang igalaw ang aking katawan. Sinubukan kong sumayaw nang nakakaakit. He's grinning on me while he's playing his manhood in front of me.
Pakiramdam mo sa pamamagitan ng mga ito ay sirang sira na ang pagkatao ko. He destroy my life, my freedom and my dignity. Ang lalaking minahal ko sa mahabang panahon ay hahantong na sa ganito. Pero isa lang napapasalamatan ko-hindi niya tuluyang nakuha ang pagkakababae ko. Hindi bale na matamo ko ang mga pasa at sugat sa aking katawan, huwag niya lang kunin ang pinakaiingatan ko...
"Hindi mo ba alam, iha? Hinuli si Hywel ng mga pulis sa apartment niya dahil sa paggamit ng mga ipingababawal na gamot." Kwento sa akin ng ale na kapitbahay ni Hywel. Nakabalik ako mula sa pagbili ng mga groceries dahil sa utos niya.
Hindi ko magawang magsalita ng mga oras na iyon. Para akong nabunutan ng tinik.
Napaluha ako dahil sa tuwa. Pakiramdam ko ay nakalaya na ako mula sa kamay na bakal ni Hywel. Hindi ko akalain na may katapusan pala ang kalbaryo ko. Ang buong akala ko, habambuhay ko mararanas iyon.
"Tarrah?"
Napadilat ako. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kalous. Nakalapat ang isang tuhod niya sa sahig.
"Bakit ka umiiyak?" Marahan niyang tanong sa akin. Hinawi niya ang mga takas kong buhok. Isinabit niya iyon sa aking tainga. "Tell me, my moon..."
Napasinghap ako sabay napahawak ako sa aking mga pisngi. Basa na pala ang mga iyon dahil sa mga kumawalang luha. "W-wala..." Mahina kong tugon.
"Tarrah, anong nangyayari sa iyo? Hindi ko kayang makita ka na ganito..." Namamaos niyang sabi.
Kinulong ng mga palad ko ang magkabilang pisngi niya. Nagtama ang mga mata namin. "I'm just happy. You don't know how much I'm grateful to have you, Kalous." Basag ang boses ko nang sambitin ko ang mga salita na iyon. "Napakaswerte ko dahil mayroon akong ikaw."
Alam kong nagtataka siya sa mga salitang binitawan ko.
"I love you, Kalous. Tandaan mo iyan."
"T-Tarrah..."
Kahit na patuloy ang pag-agos ng aking luha ay pilit kong ngumiti. Before, I could smile. I am a girl who has a broken smile. But since you came in to my life, my dear husband, this is the most genuine smile I could ever give at sa iyo ko lang ibibigay ito.
I know whenever I stay in your arms, I feel safe...