chapter 13

1833 Words
Dahan-dahan ko idinilat ang mga mata ko. Bahagya akong bumungon kasabay na kinusot-kusot ko ang mga mata ko at humikab. Iginala ko ang aking mga mata sa buong silid. Wala na si Kalous sa tabi ko. Siguro abala siya sa baba, naghahanda na dahil ngayon na ang fiesta. Umalis ako sa kama at tumungo sa banyo para maligo na't magbihis. Tutulong ako sa pag-aayos nila sa baba. Wala pa rin akong ideya kung sino ang mga bisita mamaya pero bahala na. Ilang minuto pang lumipas ay tuluyan na akong lumabas ng kuwarto nang salubungin ako ni Kalous. "Good morning, my moon." He cheerfully greeted me sabay yakap sa akin. "Gigisingin na sana kita." Sabi niya. "May ginagawa na kayo sa ibaba?" Tanong ko na nakangiti. "Almost done na sa preparations. May ilang putahe na panghanda na luto na. Gusto mo bang 'yun ang iulam mo? Mag-aalmusal na tayo. Nasa Dining Area na ang lahat." Mas lumapad ang ngiti ko. Ako ang kusang humawak sa kaniyang kamay. "Medyo gutom na din ako." Sabi ko. Napangiti din siya at hinalikan ang noo ko. - Dumating ako sa Dining Area medyo nanlula ako dahil sa dami nila. Hindi ko akalain na malaki ang pamilyang Hochengco. Halos lahat ay narito. Dagdag pa sina Elene, Flare, at Naya sa pamilya. Hindi na ako magtataka mamaya kung iingay man o hindi. Pero may dalawang hindi pamilyar na lalaki nang nakakuha ng atensyon ko. Pati isang babae. Ang isang lalaki na nakaupo sa tabi ni Vladimir, he looks like brazilian-japanese. While the other guy is like a mestizo, katabi nito sina Archie at Fae. 'Yung babae naman, mestiza naman, she looks like a model. "Good morning, iha!" Nakangiting bati sa akin ni tita Victoria nang maramdaman niya ang presensya namin. "G-Good morning din po..." Malumanay kong bati pabalik sa kanila. "Oh! Narito na sina Kal at Tarrah..." Si Madame Eufemia na malapad ang ngiti. "Maupo na kayong dalawa. At may ipapakilala ako sa inyo." Napaamang ako kung anong sinasabi ng matriarch na may ipapakilala siya. "Before we started, I would like to introduce to you my other grandchildren. This is Harris," Tukoy niya ang lalaking mestizo. "Jaycelle, I hired her as my detective..." Turo niya sa babae. Ibig sabihin babae pala ang inutusan niya para imbestigahan si Corrine?! "...And this is Vaughn..." Ang tinutukoy niya ang lalaking mukhang japanese-brazilian. "Vaughn is also a son of Kyros." Napaawang ang bibig ko. May kapatid pala si Finlay? Ang akala ko nag-iisa lang siyang anak nina tito Kyros at tita Fiorella si Finlay. Hindi pala? "Mamaya ko na ipapaliwanag sa iyo ang lahat." Anas ni Kalous sa tainga ko. Tila nanumbalik ang ulirat ko sa kaniyang sinabi. Hinila ni Kalous ang isang upuan at inaalalayan niya akong umupo doon pagkatapos ay hinila niya din ang isa pa para makaupo siya. Kaniya-kaniya na din lapit ang mga maid dito sa Dining Area. Pansin ko na parang wala na ang mayordoma dito. Hindi kaya nasa kusina siya? O kung saan man? "Tarrah, iha... Kung ang hinahanap mo ay ang mayordoma ng pamamahay na ito, unfortunately, she left. Along with her daughter and her husband." Malumanay na sabi sa akin ni Madae Eufemia habang hawak niya niya ang tasa ng kape. Doon ay natigilan ako. Umalis na siya o pinaalis niya? "It's also her responsibilty for what happend yesterday..." Bumaling siya sa akin. "No one can harm you as long my family is here." "P-pero, wala naman ginagawang masama sa akin ang nanay niya, Madame..." Mahina kong sabi. "It's her decision, after all. Wala na akong magagawa kung iyan ang pinili niya, and besides, pamilya niya iyon." Tikom ang aking bibig. Hindi pinaalis ni Madame Eufemia ang mayordoma? Totoo ba ito? At ang mayordoma mismo ang lumapit sa kaniya na umalis sa mansyon? "The feast will be ready very soon. After breakfast, pwede na kayong mamasyal." Dugtong pa ng Grande Matriarch na nakangiti. "If you take Tarrah, I'm counting on you for her security." "Yes, ahma." Tugon ng magpipinsan, kabilang na sina Harris, Jaycelle at Vaughn. - Pagkatapos kumain ay payapa kaming nakaalis ng Villa Esmeralda para manood daw ng parada. Dalawang van yata ang dala namin papunta sa kabihasnan para makisaya sa pyesta na gaganapin ngayon. Nakakatuwa lang dahil bumungad sa akin ang mga bahay na punong-puno ng mga palamuti na yari sa kiping. Ang iba sa amin ay napagpicture. Sina Archie at Fae ang may dala ng DSLR. Sakto ang dating namin dahil mag-uumpisa palang ang parada. Ang palaging sinasabi sa akin ni Kalous na huwag na huwag daw ako aalis sa tabi niya. Palagi daw ako didikit sa kaniya. Bawat bahay yata na may mga palamuti ay nakipagpicture pa kami. Ang iba pa ay pinasok pa namin para lang magpakuha ng litrato. Nakakatuwa lang dahil welcome kami ng may-ari ng mga bahay. Binigyan kami ng pahintulot na pumasok sa mga bahay nila. Dito palang ako nakatikim ng longganisa nila dito. Pati na din ng pancit habhab nila na masarap dahil napag-alaman ko na authentic ang pagkaluto nito. "Harris is a foster child of tito Lennart and tita Idette, Vladimir's parents." Pagkukuwento ni Kalous habang kumakain kami dito habang naghihintay sa gilid ng kalsada kung saan gaganapin ang parada. "While Vaughn is tito Kyros' biological son. Actually, ama siya sa pagkabinata si tito." "Hindi ba nagalit si Madame Eufemia nang nalaman niya na may anak pa pala si tito Kyros?" I asked because of curiosity. "Of couse she is. She's stick into the rules that it's been a curse for this family." Ngumiti siya. "In the end, tinanggap nalang niya pero ang ina ni Vaughn? Hindi. Well, may ibang pamilya na din naman ito." Tumango-tango ako na parang naiitindihan ko na ang totoo. Grabe, I never thought na medyo komplikado ang pamilyang Ho. Okay na ako na nalaman ko noon na anak pala sina Keiran at Russel sa second wife ni tito Damien. "Bitter kasi si ahma kaya ganyan 'yan." Kumento pa niya saka tumawa. Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Tumingin siya sa kawalan habang nilalaro niya ang bote ng mineral water. "According to dad, may naging karelasyon noon si ahma, hindi tulad namin na chinese. She really loved that man. But that time, itatakda na siyang ikasal kay Joselito Hochengco, ang angkong namin. Aware ang lalaking iyon sa sitwasyon ni ahma kaya ang ginawa niya ay iniwan niya si ahma para sa ibang babae. Eh nalaman ni ahma, ayon, sumabog siya sa galit. Kumain nang kumain siguro ng ampalaya kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakamove on. Maski magiging apo ng lalaking minahal niya sinusumpa niya." Napaawang ang bibig ko sa kwento niya. Now I know kung bakit ganoon ang galit niya kina Naya at Pasha noon. Kung bakit pinagpipilitan ni Madame Eufemia na ipakasal kami ni Finlay. "Kaya sinabi sa amin ng mga magulang namin, maski ang mga tiyuhin at tiyahin namin na hindi bale na mag-asawa kami na hindi rin chinese o may lahing chiese, basta mahal kami." Napangiti ako. "Kal! Tarrah! Come on! Mag-uumpisa na ang parada!" Malakas na aya sa amin ni Suther. Tinapos ko muna ang kinain ko bago kami tuluyang lumapit sa kanila. Nakahawak lang ako kay Kalous para hindi ako mawala dito. Maya maya pa ay may narinig kaming nakakindak na musika na paparating. Nagsihiyawan kami para pagsalubong sa parada. Napangiti ako nang makita ko ang mga nakahilerang mananayaw sa paradang ito. Ang ganda tingnan ng mga costumes nila. Makukulay at ang sarap sa mata. Napasinghap ako nang nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na teenager na kasali din sa sayaw. "Sarah!" Malakas na tawag ko sa kaniya sabay kumaway. Napatingin siya sa akin at malapad na napangiti sa direksyon namin. "Pikturan mo siya, Kalous!" Utos ko sa asawa ko na nanatiling nakatingin kay Sarah. "Opo, opo!" Rinig kong sagot niya. "Mama! Ang ganda!" Malakas na bulalas ni Sarette. Napatingin ako sa kanila. Mas lalo ako napangiti nang makita kong ang masayang mukha ni River at pumapalakpak siya habang karga siya ni Finlay. Ang kambal naman ay nakaupo sa magkabilang balikat nina Vaughn at Keiran. Lumayo muna sa amin ang magkapatid na Archie at Fae para kumuha pa ng mga litrato. I was wondering if they are travel blogger or they're also a photographer? Natigilan ako nang may nahagip ng mga mata ko ang mukha ko ang pamilyar na lalaki na mismo na nasa tapat ko. Kahit na nakasuot ito ng itim na bull's cap ay kilalang kilala ko kung sino iyon. Nangisi ito sa akin na dahilan para mapugto ang hininga ko. Inaawang ko ang bibig ko para makalanghap ako ng hangin. B-bakit siya narito? Is this coincidence? Bumuhay ang kaba at takot sa aking sistema. Tila nanumbalik sa akin ang lahat ng alaala ka kasama ko ang lalaking iyon. Gustuhin ko man tumakbo palayo sa kaniya pero hindi ko magawa. Parang nabalutan ng mga ugat ang mga katawan ko upang hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko. "Tito Keiran! Gutom na po ako!" Rowan whined. Saved by him! "Hey, Finn, your boy hungry." Sabi ni Keiran kay Finlay. "Oh! Alright, let's look for a food, son." Sabi ni Finlay. Bumaling ako kay Kalous. "K-Kalous..." Mahinang tawag ko sa kaniya. "Yes, my moon?" Lumunok ako. "Ahm, bibili lang ako ng tubig..." Paalam ko. "Samahan na kita—" "No, okay lang ako. Kaya ko naman ang mag-isa..." I insist. Kumunot ang noo niya. Alam kong nagtataka siya sa kinikilos ko ngayon. "Dito lang ako. Dito kita hihintayin. Bilisan mo lang, hmm?" Lihim ko kinagat ang aking labi at tumango. Tahimik ko siyang tinalikuran. Kailangan ko ng maiinom para bawasan ang tensyon na nararamdaman ko. Hindi ko malaman kung nahihysterical ako o ano. Hindi na ako mapakali, iyon ang nararamdaman ko ngayon. Papunta ako sa stall kung saan nagbebenta ng mga inumin nang biglang may humuli sa braso ko. Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakasandal sa pader. Marahan niya akong ikinulong sa pamamagitan ng magkabilang braso niya. W-wala masyadong tao sa lugar na ito. Napaawang ang bibig ko nang masilayan ko na naman ang mala-demonyo niyang ngisi. "H-Hywel..." Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan. Punong puno ng kaba at takot nang sambitin ko iyon. "Akalain mo ba naman, dito pa kita mahagilap, Tarrah..." Aniya. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. "Ilang taon ka din nawala sa akin. At dito pa kita matatagpuan..." Nanginginig ang kalamnan ko. "T-tapos na tayo, Hywel..." "Para sa iyo, oo. Pero para sa akin, tang ina, hinding hindi ko tanggap iyon." Sabay sinakal niya ako. "Bumalik ka na kasi sa akin. Puta, wala akong pakialam kung may asawa ka. Handa ako kumabit, Tarrah." Mariin niyang sabi. Pilit kong umiling. Naiiyak ako. "Please, Hywel... T-tama na..." Pagmamakaawa ko. "Anong tama na? Ganoon-ganoon nalang iyon, ha? Tarrah? Aba, ilang taon na ang pinagsamahan natin ni minsan hindi pa kita natitikman, pero sa gagong Kalous na iyon ibinigay ang sarili mo, huh?!" Mas humigpit ang pagkasakal niya sa akin! "And who are you?" Rinig namin ang boses na dahilan para mabitawan ako ni Hywel. "Tarrah?" Kunot-noo niyang tawag sa akin habang hawak niya ang kaniyang anak na si Rowan. Walang sabi na umalis si Hywel. Bago man niya ako tuluyang iwan at hindi maalis ang nakakatakot niyang ngisi sa akin. Alam ko ang ibig sabihin niya doon—hindi pa siya tapos. "Tarrah," Muling tawag sa akin ni Finlay. Tumingin ako sa kaniya. "Who is he?" Seryoso niyang tanong. Kinagat ko ang labi ko. "H-Hywel... M-my ex..." And he's a psychopath. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD