"Siya nga pala, Tarrah, iha..." Tawag sa akin ni Madame Eufemia matapos naming masaksihan kung papaano kaladkarin ng mga guards si Corrine palabas dito sa mansyon. Tumingin ako sa kaniya. Kung kanina ay nakakatakot siyang tingnan, nawala na iyon sa isang iglap lang. "Bakit dala-dala mo ang mga gamit mo?" Malumanay pa niyang tanong sa akin na ikinagulat ko.
"U-uhmm..." Hindi ko alam kung isasagot ko. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya na aalis na ako at makikipaghiwalay na ako sa apo niyang si Kalous.
"Mukhang may pinagtalunan kayo. Pumasok na muna tayo." Dagdag pa niya.
Kusang sumunod ang aking katawan sa kaniyang utos. Balak akong hawakan ni Kalous para alalayan na bumalik sa loob ay pasimple kong iniwas ang katawan sa kaniya. Tikom ang aking bibig, siguro ay wala akong ganang kausapin siya.
"A-ahma," Tawag sa kaniya ni Fae.
Tumigil ito sa paglalakad at bumaling sa amin. "What is it, Fae?"
"I thought, bukas pa ang dating ninyo. N-napaaga yata kayo?"
Kahit ako ay ipinagtataka ko din. Akala ko din ay bukas pa ang alis nila.
Tumaas ang kilay ng Grande Matriarch. "I was excited to come home. Is that wrong?" Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "At sa tingin ko ay tama lang na dumating kami. Kung hindi ay tuluyan nang nakaalis si Tarrah, I don't want her angkong will be worried either in dismay. Hangga't nasa poder natin si Tarrah, hindi siya pupwedeng pabayaan." Bumaling siya kay Kalous. "And you, Kalous, I need to talk to you."
"Yes, ahma."
Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan si Kalous. Sadness drew over his face. Hindi ko alam kung awa ba o pagod ang nararamdaman ko ngayon.
"Ihatid ninyo muna si Tarrah sa kuwarto nila ni Kalous. Kailangan niya ng pahinga. And Naya, I need your help here!" Baling niya kay Naya. "This is all about legal..." Hindi ko na nasundan ang sasabihin niya nang nilapitan ako nina Fae at Pasha.
-
Nakahiga lang ako sa kama, sinasamahan ako nina Fae, Elene at Pasha dito sa kuwarto. Glad to know, good terms na sina Pasha at ang Grande Matriarch. Ang akala ko ay habang buhay kasusuklaman ni Madame Eufemia sina Pasha at Naya. They already saw the scattered papers on the floor. Hindi sila makapaniwala na magagawa kong punitin ang marriage contract.
"Galit ka pa rin ba kay Kalous ahia?" Nag-alalang tanong sa akin ni Fae na nakaupo siya sa gilid ng kama. "Sorry, Tarrah..."
"Wala ka naman kasalanan, bakit ka nagsosorry?" Tanong ko, pinaghalong pagtataka at naguguluhan.
"Kung pakiramdam mo na pinagtakpan ko siya sa iyo..."
Ngumiti akong bumangon. Hinaplos ko ang buhok niya. "Naiitindihan ko kasi pinsan mo siya. Pero thankful pa rin ako kasi ayaw ninyo akong umalis." Malumanay kong sabi.
"Hindi ko akalain na ganoon magalit ang Grande Matriarch. Ang akala ko noong nakaharap namin siya ni Finlay ang pinakamatindi niyang galit." Wika naman ni Pasha habang buhat-buhat niya ang bunso anak nilang si River. Nawala sa isip ko ang binyag, kaya hindi ako nakadalo. Still, ninang pa rin ako nito. "Pero alam naming paborito ka talaga ni Madame Eufemia, kaya ganoon ang reaksyon niya para sa babaeng iyon. Talagang pinagtanggol ka pa niya."
Hindi ako umimik. Tama si Pasha, simula't sapol talaga ay paborito ako ni Madame Eufemia para maging parte ng pamilyang Ho. Hindi ko alam pero ang alam ko lang ay magkaibigan sila ni angkong. Una ko siyang nakita noong bata palang ako, palagi siya nakangiti sa akin sa tuwing bibisita siya sa amin. Ni isa sa mga apo niya ay wala pa akong nakikilala
Biglang may kumatok sa pinto. Napalunok ako. Baka si Kalous na iyon. Tapos na kaya sila mag-usap ni Madame Eufemia? Ano kaya ang pinag-usapan nila?
Si Fae mismo ang lumapit sa pinto para buksan iyon. Napawi ang kaba ako nang bumungad sa amin si Finlay. Nakahinga ako ng maluwag.
"Hey," Nakangiting bati niya sa amin nang pumasok siya dito. Nilapitan niya si Pasha para bigyan ng halik sa sentido pati na din si River ay binigyan niya ng halik sa noo. "Okay lang ba kayo dito, babe?" Malambing niyang tanong kay Pasha.
Matamis ngumiti si Pasha at tumango. "Oo naman. Good thing, hindi nagwawala itong si River."
Sa akin tumingin si Finlay. "I'm sorry for what happend, Tarrah. Hindi rin kasi kilala ni Ahma si Corrine kaya ganoon siya magalit."
Mapait akong ngumiti. "Okay lang. Parang nabunutan ng tinik kanina." Sagot ko. I paused for a seconds. "S-si Kalous?"
Siya naman ang mapait na ngumiti. "Okay lang siya, hinihingi ni Ahma ang paliwanag niya. Kung ano talaga ang relasyon nila ni Corrine."
Ano nga ba talaga ang relasyon nilang dalawa?
"Corrine is nice and sweet but I'd never thought she will be like this." Finlay added.
"Minsan lang namin siya nakakalaro tuwing nagbabakasyon kami dito." Si Fae.
"Pero hindi ko akalain na magkakaroon siya ng lakas ng loob na humarap sa buong angkan lalo na kay ahma para sabihin niya ang mga bagay na iyon." He sighed. "Matagal na talaga niyang gusto si Kal. Pero maski ako ay hindi ko alam na magagawa ng gagong iyon."
"Oy, babe. Bawal magmura, maririnig ni River, oh."
"Oh! My bad, sorry." Saka mahina siyang tumawa.
Mapait akong ngumiti habang pinapanood ko ang mag-asawang ito. Mabuti pa sila, naging masaya sila. Madami din pinagdaan ang dalawang ito. Sa amin ni Kalous, heto pa nga lang, nagkaleche-leche na talaga. Humantong pa sa hiwalayan kung kailan kasal na kami.
"Tarrah," Tawag sa akin ni Fae.
"Hm?"
"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Galit ka pa rin ba kay kuya Kal?"
Kinagat ko ang labi ko. Humigpit ang pagkahawak ko sa kumot. "Galit ako sa kaniya," Pag-amin ko. "Galit ako kasi... Bakit siya pa ang napangasawa ko. Galit ako kasi bakit siya pa ang pinagkasundo sa akin? Galit ako kasi pakiramdam ko kinuha ang kalayaan ko..."
"T-Tarrah..." Mahinang tawag sa akin ni Pasha.
"Galit ako kasi bakit nasasaktan ako kahit anong tago ko. Galit ako kasi, pinapahirapan niya ako..." Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Marahas iyon pumatak sa kumot. "Pinalinis niya ako ng bahay, pinakain ng mga pampahirap na pagkain! Sumakay ako ng tricycle para puntahan siya't hatiran ng pagkain. Hinahayaan ko lang ang sarili ko na makapitan ng alikabok! Damn it!" Tumingala ako sa kisame. Halos mapunit na ang labi ko, kasabay pa ng pagpiga ng puso ko. "Bwisit. Bakit 'yung mga kinasanayan ko, tinanggal niya? Bakit ba, pinapahirapan niya ako? Bakit ako pa ang gusto niyang maranasan ang mga iyon?"
Pumikit ako ng mariin at yumuko.
"Hindi ako iyon, eh. Hindi ako si Tarrah Isabella Ongpauco na nakatira sa isang maliit na bahay. I don't love simple things. Hindi ako iyon... I love luxury life! I love my freedom..."
"He has a good reason for that, Tarrah." Wika ni Finlay. "I believe he can explain everything, kapag tapos na ang problema na ito."
"Kung gusto mo, iwan ka muna namin. You need time for yourself." Malumanay na sabi ni Pasha. "Call us if you need something."
Hindi ko magawang magsalita. Panay pa rin ang hikbi ko. Tumagilid ako ng higa. Rinig ko nalang ang pagsara ng pinto hanggang hindi ko na din namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod.
-
Nagising ako na parang may umiiyak sa bandang likuran ko. Dahil sa kakaiyak ko kanina ay pakiramdam ko ay magang-maga na ang mga mata ko. Bahagya akong bumangon at tingnan kung sino ang umiiyak. Natigilan ako nang tumambad sa akin ay si Kalous.
Hindi siya nakahiga pero nakaupo siya sa gilid ng kama. Lumingon siya sa akin saka pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Napaawang ang bibig ko. Bigla ko nalang naramdaman na parang tinutusok ang puso ko sa nasaksihan ko. Ang buong akala ay ang pagtangka pakikipaghiwalay ko sa kaniya ang huling masisilayan ko ang pagtangis niya.
"T-Tarrah..." Tawag niya sa akin sa pamamagitan ng basag na boses. He's trying to reach me. Hinayaan ko lang na hawakan niya ako kahit medyo galit pa ako sa kaniya. "Sorry... If I hurt you..."
Lihim ko kinagat ang aking labi para pigilan ang sarili kong umiyak. Lintek ka, Kalous. Hindi ako iyakin pero bakit madali para sa iyo na paiyakin ako?!
"I'm sorry for what I have done. K-kung anong gusto mo na gawin ko... Para hindi ka magalit sa akin... G-gagawin ko. Huwag mo lang akong iwan..."
"Ikaw ba talaga ang ama ng batang iyon, Kalous?" Pilit kong magmatigas sa harap niya.
"Pumunta si Jaycelle dito, siya ang inutusan ni Ahma na mag-imbistiga tungkol kay Corrine... She found out na may karelasyon siya..."
Walanghiya ka talaga, Corrine! Likas na makati ka talaga!
"My moon, please... Give me another chance... Gagawin ko ang lahat."
"Isa pang tanong." Malamig kong sabi. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin inaabangan ang susunod kong sasabihin. "Why do I have to do household chores? What's your real intentions, Kalous?
"Dahil humingi ng pabor sa akin ang angkong mo, Tarrah."
Kumunot ang noo ko. "W-what?"
Mahigpit siyang humawak sa kamay ko. "Gusto niya daw na ihanda kita sa anuman ang mangyari. Kung sakaling babagsak daw ang kompanya ninyo, honestly speaking, I volunteered to trained you." Huminga siya ng malalim. "Pero, nakikita ko na ang totoong ikaw, Tarrah. And I want you to treat you as a Queen. Not as Cinderella."
Pumikit ako ng mariin. "Sigurado ba kayo na hindi ikaw ang ama ng dinadala ni Corrine? Please, be honest. Kung ikaw man ang ama, pipilitin kong tanggapin."
"No." Mabilis niyang sagot.
Napadilat ako't suminghap.
"According to Jaycelle's investigation, ang karelasyon mismo ni Corrine ang lumapit sa kaniya para magbigay ng statement. He's a father and he's ready to take over his responsibilty to Corrine."
Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko sa aking narinig.
"My moon..."
"I want to stay, Kalous. Don't give me a reason to leave you again."
Ramdan ko ang pagyakap niya sa akin. Mahigpit. 'Yung tipong ayaw na niya akong pakawalan. Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng panga at balikat ko. "Thank you for staying, Tarrah. I love you so damn much. Kung alam mo lang kung gaano ako nabaliw nang aalis ka palang..." Masuyo niyang hinalikan ang likod ng aking palad. "Dahil pinunit mo ang marriage contract, I want to marry you again..."