Pagbalik ko ng mansyon ay agad kong hinanap si Kalous. Hindi ko siya mahagilap dito sa baba. Gusto ko sanang itanong sa mga pinsan niya pero pinili ko nalang na ako mismo ang maghanap sa kaniya. Hindi maalis ang inis sa akin. Mainit pa rin ang ulo ko at ang kompirmasyon galing kay Kalous ang paraan para tumigil ang pagsiklab ng aking nararamdaman!
"Where's Kalous?" Mariin kong tanong sa isa sa mga kasambahay ng mansyon.
"Nasa kuwarto po niya, Ma'm Tarrah." Sagot nito sa akin na wari'y nagtataka pa dahil sa nakaukit na galit sa aking mukha.
"Tarrah!" Boses ni Fae. Tumingin ako sa direksyon niya. Nakasunod lang sa kaniya si Elene na may pag-aalala din sa mukha nito. Nahuli niya ang kamay ko. May pagsusumao na nakaguhit sa kaniyang mukha. "We are worried. Kausapin mo si Kalous ahia in a calm way, please..."
"I can't promise, Fae." Mariin kong sambit. "I need to confirm if it is true."
"Pero Tarrah—"
Nilagpasan ko sila. Kapag pinakinggan ko pa ang mga sasabihin niya, mawawala lang ako. Mawawala ang dahilan ng galit ko. Muli niyang tinawag ang pangalan ko pero mabilis akong umakyat ng hagdan hanggang sa narating ko ang tapat ng pinto ng silid niya. Kinagat ko ang aking labi kasabay na pagkuyom ng aking kamao. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ilang beses na din ako nagbuntong-hininga.
Hinawakan ko ang doorknob at itinulak ko pinto. Nadatnan ko si Kalous na hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone. Napalingon siya sa aking direksyon. May pagtataka sa kaniyang mukha. "Tarrah..."
Dumapo ang tingin ko sa hawak niyang telepono. "Going somewhere?" kaswal kong tanong sa kaniya.
"Corrine wants to meet me." pag-amin niya.
Tahimik akong humakbang palapit sa kaniya. Nagtama ang aming mga tingin. "You don't have to." I command.
Taka pa rin niya akong tiningnan. "As my wife says..." Humakbang sana siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. "My moon..."
"We talked, Kalous." Matigas kong sambit. I can see his eyes wided. "Totoo ba ang sinasabi niya? Ikaw ang ama ng dinadala niya?"
Napaawang ang bibig niya. Oh, mukhang nasopresa pa nga siya. "S-she's pregnant?"
I smile bitterly. "Why, Kalous? May nangyari ba sa inyo bago ang engagement at kasal natin?" Lakas-loob kong tanong.
Damn s**t, Tarrah. Tatagan mo ang loob mo! Kung anuman ang sasabihin niya ay tanggapin mo. Masakit man o hindi. Tanggapin mo. Huwag na huwag kang magpapadaig.
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay ang tanging magawa niya lang ay yumuko. Na parang may kinalaman siya sa krimen na kaniyang ginawa.
Pilit kong makahinga ng maayos. "I need to hear it from you, Kalous." I grunted. "Gusto kong marinig kung totoo o hindi!"
Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. Pilit niyang abutin ang kamay ko pero agad akong umiwas. "Tarrah..."
"Sabihin mo! Ayoko ng paligoy-ligoy pa, Kalous!" Hindi ko na mapigilang singhalan siya.
"That was an accident,"
Napaawang ang bibig ko kasabay na tumulo ang butil ng luha at marahas iyon umagos sa aking pisngi. Parang bibigay ang katawan ko sa mga nalaman ko. Parang kakapusin ako ng hininga. Pakiramdam ko ay sinaksak ako ng isang matalim na punyal.
"Tarrah, please, listen to me..." His voice broke when he finally reached me. "We were drunk that night. Nang mga araw na iyon ipapakasal ka dapat kay Finlay..."
"Bitaw." Nanghihina kong sabi.
"Tarrah..."
Matalim ko siyang tiningnan kahit na patuloy pa ring umaagos ang mga luha. "Galit na galit ako sa mga sinungaling! Sa mga manloloko, Kalous! Hindi ko magawang magalit kay Finlay dahil palagi niyang sinasabi sa akin na mahal niya si Pasha! Pero ikaw..." Marahas kong binawi ang mga kamay ko mula sa pagkahawak niya sa akin. "Putang ina, Kalous! Kung may galit ka sa akin, sabihin mo nang diretsahan, hindi iyong ganito! Ipinaglalaban ko na ang posisyon na meron ako sa buhay mo at ganito pala ang malalaman ko?!"
Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Yeah, he's frustrated. Tulad ko.
Dahil sa galit ko ay nilapitan ko ang back pack ko. Nilabas ko doon ang mga papel na nagpapatunay na kasal na kami. Humarap ako sa kaniya.
Naalarma siya. "Tarrah, a-anong gagawin mo?"
Para akong namamanhid. Nabablangko ako. Parang nilalamon ng galit ang buong sistema ko. Isang malamig na tingin ang ginawad ko sa kaniya. Pinunit ko ang mga marriage contract sa harap niya. Tulad ng pagpunit ko sa puso niya.
"A-anong...!"
"This is the end of this f*****g marriage, Kalous Espen Ho. This is the end between of us. From now on, I am no longer your wife." Malamig kong sambit.
Naiiling siya. Parang ayaw niyang maniwala. Agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Huwag ganito, Tarrah. Alam kong may mali ako pero huwag naman humantong sa ganito..." Garagal ang boses niya. "Aakuin ko ang bata pero ikaw ang gusto kong kasama. Please..."
"Kailangan ng bata ang ama. Don't worry, wala naman nabuo sa atin kaya wala ka nang pananagutan sa akin, Kalous."
"You promise to stay with me, Tarrah." Kita ko ang pagtulo ng luha niya. "Haharapin ko ang lahat ng galit mo sa akin. Hindi bale na maging malamig ka sa akin. Kahit ilang beses mo pa akong pagtulakan palayo sa iyo, hindi kita iiwan... Hindi kita susukuan... Kung may isang daang dahilan para iwan ka... Hahanap pa rin ako ng isang dahilan para manatili ka, kasama ko, Tarrah... Please... I beg you..." Napayuko siya habang humahagulhol.
Marahan kong hinawakan ang mga braso niya. Ginalaw ko iyon hanggang sa nagawa na niya akong bitawan.
Inayos ko ang mga gamit ko at ipinasok sa back pack.
"Tarrah?" Tawag niya sa akin nang pinihit ko ang pinto ng kaniyang silid.
"I'm leaving, Kalous. Isipin mo nalang, dumaan lang ako sa buhay mo. Ako na bahalang kumausap kina angkong at sa ahma mo." Sabi ko hanggang sa nakalabas na ako.
"No, Tarrah! Hindi ka aalis!" Pagsusumao pa niya habang piniigilan niya ako.
HIndi ako nagpatinag. Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Kita ko sina Fae, Elene at Naya na tila nag-aabang sa aming paglabas. Napasinghap sila nang makita nila na dala ko na ang mga gamit ko.
"A-ano ito?" Naguguluhang tanong ni Naya.
Tumigil ako sa paglalakad. Malamig akong tumingin sa kanila. "I'm sorry and thank you. I have fun enough. Xie xie." Nilagpasan ko sila.
Pagbaba ko ng hagdan ay siya naman ang pagpasok dito sa loob ng mga iba pang pinsan ni Kalous. Tulad nina Fae ay nagtataka din silang napatingin sa akin.
"What's goin' on?" Tanong ni Keiran.
"Anyone?" Segunda pa ni Archie.
"Ahia, please, stop Tarrah... She wants to leave..." Humihikbing sabi ni Fae.
"What?" Kunot-noong bulalas ni Suther. Bumaling siya kay Kalous. "Anong ibig sabihin nito, Kal?"
"Away mag-asawa ba ito? Kailangan ayusin ninyo." Kumento ni Vladimir. "Hoy, Kal, suyuin mo."
"No, Vlad. Enough." Bumuntong-hininga ako. "I've already decided. If you want to hear the whole story, you can ask your cousin once I leave. And... Thank you for a warm welcome as part of this family. Ciao." Muli ako humakbang para makalabas na ng mansyon pero sadyang may kakulitang taglay si Kalous. Pinipigilan pa rin niya ako. "Ano ba?! Bumitaw ka nga!" Hindi ko mapigilang sigawan siya.
"Hindi bale na sigawan mo ako ng ilang beses, Tarrah, basta hinding hindi ka aalis dito!"
Magsasalita pa sana ako nang may tumigil na mga kotse sa mismong entrahanda ng mansyon. Magkakasunod silang tumigil sa harap namin. Napaawang ang bibig ko nang may makita ko kung sino ang nagsibaba mula doon.
"Hey, cous!" Nakangiting salubong sa amin ni Mikhail Chua, isa sa mga pinsan nila.
Hindi lang siya, pati ang mga iba pa nilang pinsan! Kahit sina Finlay at Pasha pati ang mga anak nila ay narito. Kasama din nila ang mga magulang nila. Kumalabog ang puso ko nang lumabas mula sa sasakayan ang grande matriarch ng pamilyang Hochengco—Madame Eufemia Ho, the intimidating and ruthless when it comes in business world!
"What's happening here?" Tanong ni tita Victoria, ang masasabi na pangalawang ina nina Keiran at Russel. She's with her daughters.
"T-tita..." Tanging nasabi nila.
"What is this commotion?" Tanong ni Madame Eufemia Ho. Tumaas ang isang kilay niya. "Anyone can answer?" Baling niya sa magpipinsang nasa likuran ko.
"A-ahma... A-ano kasi..." Hindi malaman ni Fae kung anong idudugtong niya sa pangungusap na iyon.
Tila nag-aabang pa rin ng sagot ang grande matriarch.
"Kal!" Isang pamilyar na boses ang narinig namin. Napatingin kaming lahat sa direksyon na iyon. Laglag ang panga ko, habang ang nasa likuran ko ay napasinghap.
Oh f**k. Likas ba talagang tanga ang isang ito o nagtatanga-tangahan?!
"Corrine?" Kunot-noong tawag sa kaniya ni Finlay.
Naniningkit ang mga mata ni Madame Eufemia sa papalapit na si Corrine. "And who are you?" Tanong nito kay Corrine.
Ngumiti ito sa kaniya nang katamis-tamis. "I'm Corrine po, kababanata po ni Kalous." Hinawakan pa niya ang kaniyang tyan. "Magiging ina po ng anak ni Kalous."
Unbelievable! This is ridiculous! Talagang ipinagsigawan niya sa lahat ng kamag-anakan ni Kalous na buntis siya?! Ang lakas ng loob niya! My goodness! Sobrang baliw nga sa iyo ang kababata mo, Kalous!
"So, you're pregnant, lady?" The grande matriarch asked calmly.
"Opo! Ikaw po siguro ang lola ni Kalous. Nice to meet you po..." May balak pa siyang magmano sa grande dame ngunti marahas binawi ni Madame Eufemia ang kaniyang kamay at walang sabi na sinampal niya si Corrine!
Lahat kami ay nagulat sa kaniyang ginawa.
"M-mama..." Tawag sa kaniya ni tito Damien, ang tatay ni Keiran.
"Hindi porke na kababata ka ng apo ko ay may lakas ka na ng loob na lumapit sa akin pati sa pamilya ko!" Nanggagalaiti na sa galit ito. s**t, heto na nga ba ang sinasabi ko! Damn it.
Napasapo sa pisngi si Corrine habang nanlalaki ang mga mata.
"I know your father is a low class farmer and your mother a maid. So how dare you to touch me, ha?!" tinapunan niya ng matalim na tingin si Corrine. Mayaman man o mahirap, walang sinasanto ang Grande Matriarch ng pamilyang ito! "Pinaaral ka lang ng apo ko pero hindi ibig sabihin n'on ay papakasalan ka niya. Yes, nakarating sa akin ang lahat through Jaycelle's report. How disgraceful you are! Now, get out of my sight! Umalis ka ngayon sa harap ko, mas maganda kung mismo sa Hacienda na ito! I don't wanna see your face here! Walang modo! Guards!"
Lumapit ang dalawang guard sa amin.
"Paalisin mo ang babaeng iyan!" Sabay turo niya kay Corrine. "Hindi na nahiya! Papaakuin mo pa sa apo ko ang produkto ng kalandian at kabaliwan mo!"
W-what...?