Nanatiling nakapulupot ang isang braso ni Kalous sa bewang ko pagbalik namin sa mansyon. Nadatnan namin ang mga tauhan niya na naghahanda sa paparating na pyesta. Lahat sa kanila ay abala pero tumigil iyon saglit nang naramdaman nila ang presensya namin upang batiin kami.
May pumukaw ng aking atensyon sa gilid. Grupo ng mga may edad na babae, mayroon ding mga teenager. May ginagawa sila. Hindi bandiritas. It's like an oblong shape, may iba't ibang kulay pa. Ang iba pa doon ay pinipinturahan pa. "Ano iyon, Kalous?" Bigla kong tanong na hindi pa rin maalis ang tingin
"Oh, kiping ang tawag d'yan, my moon." Sagot niya.
Kumunot ang noo ko't bumaling sa kaniya. "Kiping?" Ulit ko pa.
Ngumiti siya saka tumango. "Yeah, kiping. It was made from rice flour. Iyan ang ginagawa nilang palamuti ng mga tagadito. Parang bandiritas lang ang gagawin nila d'yan." He explained.
Napasinghap ako dahil sa aking nalaman. Namamangha. "Gusto ko din ma-experience na gumawa niyan." Sabi ko pa.
"Oy, sama kami!" Rinig ko sina Fae, Naya at Elene.
"Sure, tutulong din kami sa pag-aayos dito." Sabi niya saka hinalikan ang buhok ko. "I love you."
Tumango ako at ngumiti. Bumitaw ako mula sa pagkahawak ko sa kaniya. Humakbang na ako palapit sa grupo na iyon, nakasunod lang sa akin ang tatlo sa akin.
"Hello po!" Masayang bati ko sa kanila na dahilan para maagaw ko ang atensyon nila. Tatayo sana sila para batiin ako pero tumanggi ako. "Huwag na po, tutulong po kami."
"Ay, ma'm, baka madungisan ang mga kamay ninyo." Sabi ng isang may-edad na babae sa akin.
Lumapad ang ngiti ko. "Naku, okay lang po." Saka umupo ako sa picnic chair. Kani-kaniya kaming kuha ng paint brush. "Paturo na din po ha?"
"Ay, sige po ma'm!"
Puro light colors ang pangkulay nila dito. Dahil sa fiesta, dapat 'yung masarap sa mata at makakabuhay ang kulay ang ginagamit nila sa pagpipintura. Kunukwento din nila sa amin na pagpapasalamat daw nila ito sa kanilang patron na si San Isidro de Labarador dahil sa mga ani na natatanggap nila. Hindi ko alam pero naeenganyo ako sa mga kwento nila. Hindi lang iyon, pati na din ang mga kwento nila sa buhay ay naikwento na din nila.
"Attorney po iyang si Naya. Ako naman small time businesswoman." Sabi ni Elene nang tinanong nila kung anu-ano ang mga trabaho namin.
"Freelance photographer naman po ako." Nakangiting sambit ni Fae habang hawak niya ang paint brush.
"Eh kayo po ma'm?" Tanong sa akin ng isa pang ale.
Napangiti ako. "Mayroon po akong online business." Sagot ko.
"Talaga po? Ang akala po nga namin, maliban ay Ms. Fae, eh mga artista kayo kasi ang gaganda ninyo."Namamanghang sabi ng isang teenager na babae sa amin na tingin ko ay kasing edad niya lang si Sarah.
Tumawa lang kami. Sumagi sa isipan ko si Kalous. Wait, nasaan na pala ang isang iyon? Hinahanap siya ng mga mata ko. Namataan ko siyang kasama niya ang mga pinsan niya na pinagtutulungan nilang ikabit ang trapal at ang iba sa kanila ay may hawak na lubid.
Laglag ang panga ko nang makita ko siyang walang suot pang-itaas! Like, what the f**k?!
Napalunok ako nang masilayan ko ang namamawisa niyang tyan... 'Y-yung abs niya... My f*****g husband is damn hot! Muli ako napalunok nang pinunasan niya ang kaniyang pawi sa noo sa pamamagitan ng face towel na nakasabit sa kaniyang batok. B-bakit nagiging slow motion ang nasa paligid ko? Focus na focus ako sa asawa ko! Anak ng siomai!
"Ay, ay, ang laway, tumutulo!" Natatawang sabi ni Elene at Fae. Nagsisimula na naman mang-asar ang dalawa!
Nanumbalik ang ulirat ko kasabay na nanlaki ang mga mata ko. Agad ako napahawak sa aking labi, naalarma kasi ako sa sinabi ni Elene na baka nagkatotoo. s**t!
"Naku, inlove na ang reyna sa kaniyang hari, oh." Dagdag pa ni Fae. May idea na din sina Naya at Elene sa nangyari kanina dahil sinabi ni Fae. "Hindi naman aalis si Kalous ahia, Tarrah. Huwag kang mag-aalala."
"Ang init, ano?" Dagdag pa ni Elene na bumubungisngis pa.
Dahil sa sinabi niya ay hudyat iyon para uminit ang magkabilang pisngi ko. "Hoy, hindi, ah!" Tanggi ko pa. Ngumuso pa si Elene, dinedeny niya ang sagot ko. Kinagat ko ang aking labi at walang sabi na pinahiran ko siya na pintura sa kaniyang kamay na dahilan para mapatili siya.
"Oyyy! Wengya ka!" Umalis siya sa kaniyang kinauupuan at may hawak din siyang paint brush para habulin ako.
Umalis din ako sa picnic chair at tumakbo palayo sa kaniya. Tumakbo ako direksyon kung nasaan si Kalous. Good thing, wala siyang hawak na kung ano, maliban sa water jug na umiinom. "Kalous!" Malakas na tawag ko sa kaniya para tumigil siya.
"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw pa ni Elene sa akin, patuloy na hinahabol ako.
Agad ko hinawakan ko si Kalous. "Save me from her!" Tili ko pa.
"Aba, nagtatago ka pa sa asawa mo ha!"
Tumawa lang ako at lumayo kay Kalous nang may nakita kong isa sa mga tauhan ni Kalous na dinidiligan niya ang mga halaman. Tumakbo ako palapit doon at walang sabi na inagaw ko ang hos. As my expected, hinahabol pa rin ako ni Elene. Itinutok ko sa kaniya ang hose. Muli siya napatili at dinedepensa ang kaniyang sarili. Tinawanan ko lang siya.
"Oy! Oy! Mababasa kami!" Rinig kong sabi ni Archie. Lumingon ako sa kaniya at sa kanila ko naman itinutok ang hose. Tulad ni Elene ay dinedepensahan nila ang kanilang sarili mula sa tubig. "Walanjo!"
Nilipat ko kay Kalous at sa iba pa niyang pinsan ang dulo ng hose.
"Pigilan mo asawa mo, Kal!" Malakas na sabi ni Suther. But I don't feel any resentment in his voice. Ganoon din sa mga taong nakapalibot sa akin.
All of them are happy. Mukhang nag-eenjoy pa sila.
Para kaming mga bata sa na naglalaro dito!
"I'm sorry cous, but I am her ally!" Sagot ni Kalous sa kanila na may hawak na din isa pang hose saka itinutok din sa kanila.
Gumaan ang pakiramdam ko. I feel blithe inside of me. Happy and without worry. Carefree which I've never felt before because of uptight traditions of my family. All I can say is this is my first time and I think there's nothing wrong to do what I want in this way.
-
"Sorry, Kalous." Malumanay kong sabi nang nasa kuwarto kami. Nakapagpalit kami ng damit dahil nga sa basa kam. "Galit ka?" Then I cupped his cheeks.
Malapad siyang ngumiti sa akin. Marahan niyang sinakop ang mga kamay ko. "Of couse not. Bakit naman ako magagalit sa iyo kung iyon ang ikakasiya mo?"
Matamis akong ngumiti. Idinikit niya ang kaniyang noo sa noo ko. Marahan akong pumikit para mas lalo ko siya maramdaman.
"You deserved to be happy, my moon."
"Thank you, Kalous..."
"Have you enjoyed?" He asked.
"Yeah," Mabilis kong tugon na nanatili pa ring nakapikit. "Ever."
"Glad that my wife is happy with me." He said breathlessly. "Stay with me whatever it takes, Tarrah."
Yes, Kalous, I will. My love for you will stay with you. Because you are one should I really trust. You wipe all my fears and doubts for a whole time. You even made myself fall for you. So I have a reason to stay right here, with you.
"Mikhail and my other cousins will be here tomorrow. Even my titos and titas, parents and ahma." Bigla niyang sabi.
Napadilat ako. "A-alam na ba nila?"
"Yeah. Alam na nila kaya wala na tayong magagawa o dahilan para itago pa na mag-asawa na tayo. I know ahma told them about us."
Napangiti ako at tumango bilang pagsang-ayon. Bigla ako napaisip kung pupunta rin ba dito ang mga kamag-anakan ko dito?
"Bumaba ka na, hindi ba, marami pa kayong tatapusin sa baba?" Sabi ko na may halong lambing. "Baka hinihintay ka na ng mga pinsan mo doon."
"Okay, my moon. Wait here." Then he plant a kiss on my temple. "I love you."
"Love you too."
Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa nakalabas na siya ng kuwarto. Ngumuso akong lumapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina. Sumalubong sa akin ang malamig at sariwang simoy ng hangin. May natanaw akong isang kubo sa gitna ng palayan. Naniningkit an mga mata ko dahil may tao na papalapit doon. Hindi ko lang maaninag kung sino iyon.
Naputol ang tingin ko nang marinig ko ang ringtone ng cellphone. Kung hindi ako nagkakamali, cellphone ni Kalous iyon.
Lumayo ako bintana para daluhan ng pinanggalingan ng cellphone. Nakapatong lang iyon sa side table. Hinawakan ko iyon at sinilip kung sino ang nagleave ng message.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ng kinasusuklaman ko pati ang mensahe niya.
Corrine :
Kal, please, let's talk. Ngayon. Hihintayin kita sa kubo na nasa gitna lang palayan kung nasaan tayo palagi nagkikita noon. Maghihintay ako.
Humigpit ang pagkahawak ko sa cellphone. Parang gusto ko iyon ibato sa pader pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kinagat ko ang labi ko.
Bakit ang tigas ng mukha ng isang ito? Hindi ba siya natuto?
Ibig sabihin, siya ang nakita ko kanina habang nakadungaw ako sa bintana?
Ibinalik ko sa side table ang telepono. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis at kumulo ang dugo ko. Siguro ay kailangan ko talagang bigyan ng matinding leksyon ang isang ito.
Nilapitan ko ang pinto at lumabas sa silid. Mabibigat na hakbang ang pinapakawalan ko. Parang nandidilim ang paningin ko dahil sa galit. Makakasalubong ko pa sina Fae at Elene.
"Saan ka pupunta, Tarrah?" Takang tanong nila sa akin.
Imbis sagutin ko ang tanong nila ay nilagpasan ko pa sila. Parang wala na akong pakialam sa paligid ko. Ang tanging gusto ko lang makita ko ang Corrine na iyon at buburahin ko ang pagmumukha niya sa mundong ito! Lintek.
-
Bago ako tuluyang nakalapit sa kubo ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Sinipa ko ang pinto na dahilan upang matalon sa gulat ang ahas! Lumapit ako sa kaniya na seryoso ang mukha.
Napasinghap siya nang nasa harap na niya ako mismo. "I-ikaw..." Napahawak siya sa mesa na yari sa kawayan. "A-anong ginagawa mo dito?"
"Dahil ako ang nakabasa ng text message mo para sa asawa ko." Malamig kong tugon na ginawaran ko siya ng matalim na tingin. "Wala ba sa bokaluaryo mo ang salitang hiya? At talagang desperada kang ipagsiksikan mo ang sarili mo sa asawa ko?"
Taas-baba ang kaniyang dibdib kahit na hindi naman siya tumakbo o ano.
"Tayong dalawa lang ang narito at paniguradong wala kang mahihingian ng tulong." Sabi ko. "I won't show mercy on you, bitch." Mariin kong bigkas sa huling pangungusap.
Bigla siyang lumuha sa harap ko. Damn s**t. Ang akala niya ay madadaan niya ako sa ganyan! "Gusto kong kausapin si Kal. Gusto kong makipaglinawan sa kaniya!"
Tumalikwas ang isang kilay ko. Inaabangan ko ang susunod niyang sasabihin.
"Matagal ko na siyang mahal. Noong mga bata palang kami, ako na ang kasama niya! Ako ang tangi niyang kasangga sa buhay niya noong iniwan siya ng kaniyang ama dito!" Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. "He's lonely and sad as hell. Ako ang nagmamalasakit sa kaniya! Umalis siya dito sa Quezon dahil may kailangan siyang asikasuhin, pero bumalik siya dito, kasal na siya at hinding hindi ko matatanggap iyon! Gusto kong malaman kung bakit hindi ako ang pinili niya? Bakit hindi ako ang nasa posisyon mo ngayon?!"
Malamig pa rin ang tingin ko sa kaniya. I clenched my fist.
Bigla siyang lumuhod sa harap ko. Sinundan ko lang iyon ng tingin. "Please, don't take him away from me..." Dagdag pa niya na nakatingala sa akin.
I smirked. "Bakit wala ka sa posisyon na ito sa buhay ni Kalous? Easy, because you don't know the rules of Hochengcos."
Napawang ang bibig niya. Sige pa rin ang pagluha niya.
"This is a piece of advice as a woman, maghanap ka ng iba. Hindi na pwede si Kalous. Ako na mismo ang nagsabi sa iyo. And I hope this will the last time na makikita kita dito." Tatalikuran ko na siya nang bigla siyang nagsalita.
"H-hindi ko... Magagawa iyan..." Humihikbi niyang sabi.
"Ano?!" Bulyaw ko sa kaniya.
Pilit niyang tumayo at tumingin nang diretso sa aking mga mata. Sumeryoso na din ang kaniyang mukha. "Hinding hindi ko gagawin ang sinasabi mo."
Akmang susugurin ko siya na may sinasabi pa siya.
"Huwag mo din akong saktan dahil... buntis ako."
Natigilan ako.
"At si Kalous ang ama... Totoo ang sinasabi ko..."
Nanginginig ang kalamnan at mga kamao ko. Pati na din ang labi ko. Ayaw tanggapin ang sistema ko ang mga narinig ko mula sa kaniya. Parang kakapusin ako ng hininga sa mga nalaman ko.
"Tarrah?!"
Rinig kong boses nina Fae at Elene mula sa labas ng kubong ito. Muli nila tinawag ang pangalan ko nang nakapasok na sila dito. Rinig ko pa ang pagsinghap nila nang maabutan nila kami sa ganitong eksena.
"Corrine?!" Hindi makapaniwalang tawag sa kaniya ni Fae.
Tinalikuran ko ang babaeng iyon at galit na galit akong lumabas ng ng kubo. Muli nila tinawag ang pangalan ko pero hindi ko pinansin iyon.
Kalous Espen Hochengco, magpaliwanag ka kapag naabutan kita!