chapter 9

2098 Words
Nanatili akong tahimik ngunit mabibigat na hakbang ang pinapakawalan ko habang patungo kami ni Kalous sa kaniyang kuwarto. Kanina pa siyang nag-eexplain pagkatapos namin kumain ng hapunan, kesyo hindi rin niya alam na pupunta dito ang Corrine na iyon. Lahat yata ng mga paliwanag niya ay walang pumasok sa isipan ko. I think my mind blocked everything kaya mas nangingibabaw pa rin ang iritasyon ko ngayon. Hindi pa ako handa pakinggan lahat. "Tarrah, let's talk..." Malumanay niyang sabi sa akin. Huminga ako ng malalim at lumingon. Buhat ko ang mga damit ko. "Kalous, we can talk tomorrow, aright? Just give me space for myself." Sabi ko. "But..." Mapait akong ngumiti. "Wala pa ako sa huwisyo para makipag-usap ng matino sa iyo, Kalous. So please..." Lumaylay ang mga balikat niya nang tinalikuran ko siya. Pumasok ako sa banyo para makaligo. Pagkasara ko ng pinto ay sumandala ako doon saka ako kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Tumingala ako sa kisame habang nakaawang ang aking bibig. Inilapat ko din ang mga labi ko. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng banyo. Mas malawak na ito at may bath tub pa. Hilaw akong ngumiti. Pinatong ko ang mga damit pamalit ko sa sink ng banyo. Inayos ko ang bath tub bago man ako sumulong doon. Isinandal ko ang aking batok sa gilid ng bath tub. Sumagi sa isipan ko ang mga sinasabi sa akin ni Sarah noong unang beses niya binabanggit tungkol sa Corrine na iyon. Ang buong akala niya noong una ay si Corrine ang napangasawa ni Kalous. Bakit? May nakaraan ba sila? Malalim pa ba sa pagiging magkatrabaho ang pagitan sa kanilang dalawa? Pero noong sinasabi ko kay Kalous na layuan niya ang babaeng iyon, walang alinlangan na lalayuan nga niya iyon na walang tanong-tanong pa. Una kong naiisip, they must be childhood sweethearts. Malaking posibilidad. Well, wala na siyang magagawa dahil AKO ang asawa ngayon ng lalaking pinapangarap niya. Manigas siya d'yan. Ha! Dahil narito na kami sa Villa Esmeralda, paniguradong hindi maiiwasan na magkukrus ang landas nilang dalawa. Kainis, imbis na nakapagrelax ako, mukhang malabo dahil sa babaeng iyon. Bahala na bukas! Wala pang kinse minutos ay umalis na din ako sa bath tub. Pinatuyo ko ang aking sarili at nagbihis na bago man ako lumabas ng banyo. Paglabas ko ay tumambad sa akin si Kalous na nakatigilid ng higa. Tahimik siya na dahilan para tumaas ang isang kilay ko. Nilapitan ko ang kama at tumabi sa kaniya. Tumagilid din ako ng higa para masilayan ko ang kaniyang mukha na. He's sleeping. Alam kong napagod siya sa gala kasama ang mga pinsan niya. Pinagmasdan ko ang kaniyang maamong mukha. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Ginalaw ko ang isang kamay ko at hinawakan ko ang kaniyang buhok. Sorry kanina, my dear husband. I just want to clear my mind. "In my book, you are my prince. In my movie, you are my hero. In my body, you are my heart and in my life, you are my everything. I'm sorry for being a bitchy wife, Kalous." I paused for a seconds. Ngayon ko lang napagtanto na nahuhulog na ako sa kaniya. Ang akala ko ay kay Finlay ko lang mararamdaman ito. Sa kaniya din pala. Kahit ganoon ay nawawala na ang nararamdaman ko para sa pinsan niya. "Sleep tight, my dear husband." - Alas sais palang ng umaga ay gising na ako. Nakaligo't nakabihis na din ako ng pambahay. Bago ko man ako umalis sa kuwarto ni Kalous ay pinaghanda ko pa siya ng damit kung sakaling maliligo siya. Tulog pa kasi. May gagawin kasi akong importante. So I'm wearing a simple printed shirt and high-waits shorts. Naka-tsinelas lang din ako. Pagbaba ko ay naabutan ko ang nanay ni Corrine na abala sa pag-aayos ng mga kurbyerto sa Dining Area. Well, I don't have any grudge for her, but for her daughter, yes! "Good morning!" Magiliw kong bati sa kaniya. "Good morning din po, Ma'm Tarrah." Iginala ko ang aking tingin. Wala ang anak niya dito. Mabuti naman kung ganoon. Wala akong panahon na masilayan ang pagmumukha niya. Duh. "Nasaan sila?" Tanong ko kasi hindi ko pa mahagilap ang ibang pinsan ni Kalous. "Ay, mga tulog pa po, ma'm." Ngumiti ako. "Tutulungan ko na po kayo d'yan." "Naku po, kahit huwag na po..." Umiling ako. "I don't mind. Hindi na rin naman ako inaantok. At saka, kailangan kong pagsilbihan si Kalous. Ganoon naman po talaga kapag misis, hindi ba?" I offer her my sweetest smile. Sa huli ay wala na siyang magawa. Tumulong na ako sa paghahanda ng almusal. Lumapit ako sa ref para maglabas ng juice doon pero may isang kahon na pumukaw ng atensyon ko. Tumaas ang isang kilay ko. Nilabas ko iyon mula sa ref. "Ano po ito?" Tanong ko kay Aling Carling, which is 'yung mayordoma at nanay ng Corrine. "Ay, yema cake po iyan. Dala ni Corrien para kay Senyorito Kalous. Paborito niya po kasi iyan." Napaawang ang bibig ko saka ibinalik ko sa kahon ang aking tingin. Ngumisi ako. "Pwede po bang akin nalang?" Tanong ko. "H-ha? Baka hindi ninyo po maubos, ma'm..." "Hindi, okay lang. Medyo gutom din ako. Sandali lang." Tinalikuran ko siya't umalis muna ako sa Dining Area dala ang kahon na may lamang yema cake. Napadpad ako sa bakuran. Mukhang wala naman makakakita sa akin. Ipinatong ko ang kahon sa picnic table. Binuksan ko iyon. Hmm, talagang nagreregalo pa ang babaeng iyon ng ganito. Paborito pala ni Kalous ito. Oh I see... "Anong gagawin mo sa cake na iyan?" Biglang may nagtanong sa may gilid ko. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kita mo nga naman kung sino ang bisita ng ganito kaaga. "Hindi ko binili para sa iyo iyan. Para iyan kay Kalous." "I know. Kaya nga kinuha ko, eh." Ngumisi ako sa kaniya na mala-demonyo. Kita ko ang paglunok niya. Hinawakan ko ang yema cake. Nilapitan ako ang kulay blue na drum na tingin ko ay basurahan iyon. Tinapon ko nga doon ay ang pagkain. "What the hell?!" Bulalas niya nang makita niya ang ginawa ko. "Are you insane?!" Umukit ang galit sa kaniyang mukha. "Ikaw dapat ang tanungin ko niyan." Humalukipkip ako't humakbang palapit sa kaniya. "Baliw ka ba o hindi ka lang marunong umitindi at talagang dumidikit ka pa sa asawa ko, ha?" Natigilan siya. "Ang akala mo, hindi ko nahahalata mga kinikilos mo, babae." Mariin kong sabi. "A-anong pinagsasabi mo?" "You silly little bitch... Never f**k with the Queen." I stated. "May pinag-aralan ka naman, I can't imagine you degrade yourself for my man, hm?" "Dahil ako ang nauna!" "Pero ako ang pinakasalan!" Matigas kong sabi. "Kababata ka lang. Ako ang asawa so back off if you don't want to suffer in my hands, bitch." Natigilan siya. Parang naiiyak na. I sighed. "Oh my, my, you're trying to act as a damsel in distress? I'm sorry to tell you this but my husband will never be your hero, end of the story." Nilagpasan ko siya at tumigil. Nilingon ko siya. "Oh, I'm warning you, isang lapit mo pa sa asawa ko, just face the consequences, aright? Doodles!" I flipped my hair and leave her behind. - Pagbalik ko ay nadatnan ko ang magpipinsang Ho. Ang iba sa kanila ay umupo na. Namataan ako ni Kalous at lumapit sa akin na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "My moon..." Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "Good morning." Alam kong nagtataka siya sa kinikilos ko. "Where have you been?" "Oh! May nakasagupa lang akong ahas sa likod ng bahay. My gosh! Bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin na may tinatago ka palang ahas sa malaki mong bahay, my dear husband? Hmm?" Painosente ko pang tanong. Kumunot pa ang kaniyang noo na tila naguguluhan. Bigla ko siyang hinawakan sa kamay at marahan ko siyang hinila. "Ang mabuti pa, kumain na tayo. Gutom lang iyan." Pinauna ko munang umupo si Kalous. Nahagip ng mga mata ko ang paparating na si Corrine. Napaletra O ang bibig ko at walang sabi na umupo ako sa kandungan ng asawa ko sabay pinulupot ko ang mga kamay ko sa kaniyang leeg na ikinagulat niya pati ng mga pinsan niya. Matamis akong ngumiti sa kanila para itago sa kanila ang totoo. "Okay na tayo, my dear husband. Hindi na ako galit sa iyo basta ba ako lang . Diba, ako lang?" Mas nilambingan ko pa ang tono ng pananalita ko. Pero palihim din ako nasulyap kay Corrine. Kita ko na nanggagalaiti na siya sa inis. Ohh... Gusto ko iyan. Sige lang, mainis ka pa... "T-Tarrah..." Kinuha ko ang isang hiwa ng tinapay. Pinalamanan ko iyon ng peanut butter. "Here, hubby." Talagang sinubuan ko pa siya. Bumaling ako sa mga kasamahan namin na laglag ang mga panga. "Oh? Kumain na kayo, don't mind me here. Ganito lang talaga ako manlambing sa asawa ko." Ibinalik ko ang tingin ko kay Kalous. "Right, my dear husband?" Rinig ko ang pagtawa nina Elene at Fae. "May nararadar ako." Sabi ni Fae. "Same here." Sang-ayon pa ni Elene. "Hala! Ano iyon?" Sabay ni Naya. "Bawal sa mga inosente. Hindi mo rin naman kasi magegets, eh." Sabi ni Elene sa kaniya. - After kumain ay napagpasyahan naming maglakad-lakad sa Farm. Hacienda pala ang Villa Esmeralda. Nalaman ko din na ani ngayon kaya pala Pahiyas Festival. Now, I know. Abala ang grupo ng mga kalalakihan sa pagbubuhat ng mga malalaking basket. Nililipat nila iyon sa isang barn na malapit lang sa amin. Humiwalay muna sa amin si Kalous para magbigay daw ng instruction sa mga tauhan niya pero tanaw ko pa rin siya. Ang tanging kasama ko lang dito sa ilalim ng puno ng mangga ay sina Vladimir, Fae, Archie at Suther. Ang iba ay nagsarili na ng mundo. Hinayaan lang namin. "Totoo iyon, kababata ni Kal ahia si Corrine." Sagot ni Fae sa akin nang itinanong ko sa kaniya tungkol kay babaeng iyon. "Halatado ka, Tarrah. Kaya natawa kami sa inyo." Dagdag pa ni Archie. Nagkibit-balikat ako at ngumuso. "But we're glad. Nakamove on ka na kay Finlay. Congrats!" Segunda pa ni Suther na may kasama pang palakpak. "But Tarrah didn't know the whole story yet." Seryosong sabi ni Vladimir na dahilan para seryoso akong mapatingin sa kaniya. "What do you mean?" Tanong ko na nakakunot ang noo. Siya naman ang nagkibit-balikat. "Before that, you should look out there." Sabay turo niya sa direksyon kung nasaan si Kalous. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang hindi inaasahan na eksena. Ang buong akala ko pa naman ay si Kalous lang ang naroon. Hindi na pala! Naroon din ang walanghiyang Corrine na iyon! May hawak pa na basket na nakasublit sa kaniyang braso. Masayang nakikipag-usap sa asawa ko. Ang mas kumulo ng dugo ko ay ang pagpulupot ng mga braso niya sa braso ni Kalous! Napatayo ako dahil sa inis. Rinig ko sumipol si Suther. "Kuya, popcorn! Dali!" Si Fae. Hindi ko na iniitindi pa ang magpipinsan. Bumigat ang mga hakbang ko palapit sa direksyon nila. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Lihim ko kinagat ang aking labi na halos mapunit na iyon dahil sa iritasyon na nabuhay sa aking sistema. "Pupunta ka naman sa bahay diba?" Rinig ko pang sabi ni Corrine kay Kalous. Hinawakan ko ang braso ni Corrine at walang sabi na naitulak ko siya. Pasalamat siya, damuhan ang kinabagsakan niya! "Tarrah!" Tawag sa akin ni Kalous sabay hawak niya sa isang braso ko pero mabilis din ako nakawala. Humalukipkip ako. Matalim at taas-noo ko siyang tiningnan. "Hindi ba binalaan na kita? Ilang gramo ng katangahan at kapal ng mukha na meron ka, ha?!" Bulyaw ko sa kaniya. Agad siyang tumayo at humarap sa akin. "Bakit kailangan mo pa akong itulak?!" Hindi na rin niya mapigilan ang sarili niyang sigawan ako. "Dahil tanga ka." Taas-kilay kong sagot. "Now, answer my f*****g question, you bitch." Hindi siya makapagsalita. "Don't f*****g flirt with what's mine or else you must die!" Tinuro ko si Kalous na nanatili pa rin akong nakatingin kay Corrine. "This man is mine and my life. Try to touch him and this will be your last day in Earth, bitch." Kinagat niya ang kaniyang labi at umalis sa aming harap na umiiyak na. Tss. Humarap ako kay Kalous nang marinig ko ang hiyawan ng mga pinsan niya na akala mo nanalo ang pambato nila sa isang matinding laban. "Tarrah..." Hindi makapaniwalang tawag niya sa akin. "T-totoo ba 'yung narinig ko?" Bumuntong-hininga ako. "So? You have a problem?" Unti-unti sumisilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. He suddenly snake his arms around my waist! Napasinghap ako sa ginawa niya. "So my queen is jealous?" Halos pabulong na niyang tanong. I scoffed. "Ha! Me? Jealous? HAHAHAHAHAHAHA!" Sumeryoso ang muka ko't mataimtim na nakatingin nang diretso sa kaniyang mga mata. "Yes." Muli siyang napangiti at kinagat niya ang kaniyang labi na parang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na matawa o ano. "Oh damn, Tarrah. You really made me fall for you everyday." Hinalikan niya ako sa sentido. "I love you, my moon. Don't worry, my heart belongs to you. No one can replace you because you owned me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD