chapter 8

1916 Words
Nagising ako dahil sa ingay na nasa labas. Naniningkit ako't pakurap-kurap dahil medyo masakit pa ang mga mata ko. Bumangon ako. Sinikap kong igala ang mga mata ko sa loob ng cabana. Wala si Kalous. Nasaan nagpunta iyon? Rinig ko pa na may kumakanta na may tunog pa ng ukulele. Pamilyar sa akin ang boses na iyon. Humikab ako't umalis sa mattress. Lumabas ako para tingnan kung ano ang kaganapan sa labas. Tumambad sa akin si Kalous pati ang mga pinsan nito na naghahanda na ang almusal. Napansin ko din si Flare na nasa isang tabi, siya pala ang naririnig kong kumakanta at kumakaskas ng ukulele. Isang pamilyar na kanta ang kinakanta niya. "Ayan! Gising na si Tarrah!" Bulalas ni Naya sabay lapit as akin. "Good morning!" "Morning..." Balik-bati ko sa kaniya na tila wala pa ako sa huwisyo. Si Kalous naman ang lumapit sa akin. "Morning, my moon. Tamang tama, kakain na tayo ng breakfast. Mamayang hapon din ay aalis na tayo dito. Tutungo naman tayo sa Nonok Falls." Tango lang ang naging sagot ko. Medyo masakit pa ang katawan ko buhat siguro kagabi. Pinapanood ko lang kung papaano ako inaasikaso ni Kalous. Natingin sa amin ang mga pinsan niya na wari'y nagtataka sa kinikilos ko. "Anyare kay Tarrah, Kal?" Usisa ni Flare sa kaniya. "Huh?" "Oo nga, ano bang nangyayari kay Tarrah? Hindi naman ganyan kalamya iyan nang dumating tayo dito kagabi, ah?" Segunda pa ni Archie na may hawak na camera, nagvivideo siguro siya. "Don't mind me, magiging okay din ako, promise." I assure them. Naghugas ako ng kamay at nag-umpisa nang kumain. Natigilan lang ako nang may matang nakatingin sa akin. Bumaling ako sa asawa ko na ngayon ay nagtataka ang tingin. "Bakit?" Unti-unti sumisilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "You really know how to eat with a bare hands." Ngumuso ako. "Eh pinilit mo ako." "Very good, my wife. Ipagpatuloy mo lang iyan." - After kumain ng almusal, parang nanumbalik na ang lakas ko. Nagiging okay na din ang pakiramdam ko. Medyo masakit pa rin ang katawan ko pero hindi ko na ininda pa iyon. Ayaw ko kasing tawaging akong KJ. Nakisabay na ako kina Elene, Naya at Fae para magpalit na ng damit. Talagang nagpabili pa si Kalous sa pinsan niyang si Fae ng rash guard para sa akin. Okay na din iyon, more in water activities ang nandito kaya kailangan ay hindi two piece ang susuotin ko. Pagkalabas namin ay hinintay kami ng mga partner namin. Nakapagpalit na din sila ng damit pampaligo. All of them are wearing board shorts which they look hot. Pero hindi ko akalain na may tinatagong yaman sa mga katawan nila. Kumikintab na abs at magandang pagka-frim ng mga muscles lalo na si Kalous. Shems. Ngumiti akong lumapit kay Kalous. Ikinulong ko ang isa niyang braso sa mga braso ko. "Magaling ka magsurfing?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad na kami patungo sa beach. Mahina siyang "Marunong lang." Tugon niya. "We're going to rent boards around this area." "Sama ako!" "Sure, my moon." Kulay yellow ang sa akin at kulay puti naman na long board kay Kalous. Una palang ay ayaw niya na gumamit ako ng long board dahil beginner palang daw ako but I insist. Gusto ko long board. Walang makakapigil sa akin. Kaya sa huli ay wala na siyang magawa. Ang iba din naming kasamahan ay nakapagrenta na, meron naman na nauna na sa pagsusurf. "Dumapa ka lang muna. Huwag na huwag ka munang tumayo, Tarrah." Paalala sa akin ni Kalous nang nakalusong na kami sa dagat. Medyo lumayo kami sa grupo namin para maturuan niya ako. "Don't forget the basics, okay?" Ngumuso ako saka tumango. "Aye, boss." Sagot ko. Sinimulan kong gawin ang sinasabi niya. Medyo mahirap, ha! Mahirap pa siya sa inaasahan ko. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang hindi panoorin ang ginagawa ni Kalous. Tulad ng ginagawa ko ay dumapa din siya sa board niya habang papalayo sa akin. Napaawang ang bibig ko dahil sasalubungin talaga niya ang mga malalaking alon! Hindi ko mapigilang mamangha nang nagawa niyang tumayo sa surf board nang matagal! He looks... So cool and hot. Parang nakikipaglaro lang siya sa alon! Arghh! Gusto ko din ng ganoon! Kainis. Ang daya! Bakit kasi hindi ko man lang nagawa ang ganyan noon? Ano-ano ba kasing ginagawa ko ng mga panahon na natuto din ang asawa kong mag-surf?! Probably, I'm always into cat fights especially when I was a teenager! Well, graduate na ako sa ganyan. "Ilang taon kang nagsusurf?" Tanong ko sa kaniya nang nasa seashore na kami. Nagpapahinga. "Hm, since I was eight? I don't remember." Then he chuckled. "Ang daya. Hindi pa kita kilala ng mga time na iyon." Kumento ko. "Lumaki ako dito sa Quezon kaya ganoon, my moon." Dagdag pa niya. Napatitig ako sa kaniya ng matagal. Namangha sa kaniyang sinabi. "Dito ako nag-elementary then lumipat ako na ako sa Cavite pagtunton ko ng high school." "W-wow..." Ngumiti siya't tumango. "Yeah, about sa sinabi nila na may bahay ako sa Lucban, well, that's true. Doon talaga ako pinatapon ng tatay ko." Saka tumawa siya. Kumunot ang noo ko. "Pinatapon?" "It's a long story to tell, my moon. Pero iklian natin. Sabihin nating gusto ng tatay ko na lumaki akong independent dahil ako ang magmamanage ng mga negosyo niya hanggang sa heto na nga, ako na nagmamanage ng negosyo niya dito, isa na doon ang farm." Namilog ang mga mata ko. "What? Iba pa 'yung construction firm?" He nodded. "Well, kay mama naman talaga ang firm na iyon. Tinatamad na daw siya kaya sa akin niya ipinasa. Tutal naman daw ay kumuha ako ng engineering." At that moment, mas lalo ko pa nakilala si Kalous, base sa mga kwento niya. Kaya pala pinipilit niya akong tumira sa maliit niyang bahay. Gumawa ng mga gawaing bahay. Kahit na inis na inis ako da kaniya ng mga time na iyon, hindi siya nagpapadaig. Ang akala ko talagamay galit siya sa akin kaya pinapahirapan niya ako. Ngayon, unti-unti ko nang natatanggap ng sistema ko kung bakit tinuturuan niya ako ng mga ganoong bagay... - Sumapit na ng hapon ay nag-impake na kami para pumunta sa Nonok Falls. Pero bago iyan ay talagang nagpictorial muna kami. Souvenir daw. Pang i********: daw or may maipost lang daw sila sa fecebook. May account din naman ako sa f*******: pero mas active ako sa i********:. "Pahingi kami ng kopya, Archie, ha?" Sabi ni Elene. Nag-thumbs up ito. "No problemo!" Naglakad na sila pabalik sa cabana nang hinawakan ni Kalous ang isang kamay ko. Nilingon ko siya na may pagtataka sa aking mukha. Marahan niya akong hinila at pinulupot niya ang kaniyang braso sa bewang ko sabay tutok niya sa amin ang camera ng phone niya. "Smile, my moon. Remembrance." Bulong niya sa tainga ko. Ngumiti ako. Sinubsob ni Kalous ang mukha niya sa pagitan ng balikat at leeg ko. Ramdam ko ang mga labi niya sa leeg ko. At nakuhaan iyon ng camera! - Hindi ko maitago ang kaba na bumabalot sa aking dibdib habang nakatingin ako sa baba. Napakagat ako sa aking labi. Nakatingala ang mga kasamahan namin sa direksyon namin. Oh my goodness! Hindi ko alam na ganito pala kataas ang talon na ito! Dapat pala hindi na ako sumama sa pag-akyat. Wengya, ang lakas ng loob ko pa kanina pero naging duwag di kalaunan! "K-Kalous..." Nanginginig kong tawag sa kaniya. "Yes, my moon?" At talagang may gana pa siyang magstretching sa tabi ko! "P-pwede bang u-umatras nalang ako? A-ayaw ko na..." Umatras ako ng dalawa para maiwasang ang pagkalula. Lumapit siya sa akin na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "My moon, hindi pwedeng ganoon. Sayang naman ang inakyat mo." Ngumiwi ako. "Okay lang ako, promise. Bababa nalang ako. Ikaw nalang ang tumalon." "Ganito nalang, humawak ka sa akin pagkatalon natin." Umiling-iling ako, tanda na pagkadisgusto sa anuman ng gustuhin niya. "Ayoko talaga, Kalous." "Tarrah, you need to face your fears. Narito ako, hinding hindi kita bibitawan. Pangako iyan." "Come on, Kal! Tarrah! Talon na!" Sigaw pa nila mula sa ibaba. "Archie! Huwag mong kaligtaan ang moment na ito!" Rinig ko pang utos mula kay Suther. Sa huli ay wala na akong magawa. Inilapat ko ang mga labi ko. Maingat at inaalalayan ako ni Kalous upang ihanda ang sarili na tumalon. Habang tumatagal ay parang sasabog na ang puso ko sa pinaghalong takot at kaba. Ilang beses na din akong nagmura sa isipan ko. Kapag talaga tagumpay akong nakatalon dito at buhay pa, promise, magpapakabait na ako. "Ready, my moon?" Tanong ni Kalous. Pumikit ako ng mariin at tumango. "Here we goooooo!" Sabay na kaming tumalon. Napatili ako ng kalakas-lakas. Lord, huwag ninyo akong hahayaang mamatay! Marami pa akong gustong gawin sa buhay! Gusto ko pa magkaroon ng anak! Gusto ko pang tumanda! Rinig ko pa ang hiyaw ng mga pinsan ni Kalous. Napadilat ako nang wala sa oras. Natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa tubig na't nalutang. Along with Ho cousins and others! "That's my wife. You did a great job, Tarrah." Puri mismo sa aking ni Kalous na malapad ang ngiti. Hinalikan niya ang sentido ko. "Proud husband here." "Buhay pa ako, Kalous..." Mahina kong sambit. Hindi makapaniwala. I heard him chuckled. "Of course, my moon. Hindi ka pwedeng mamatay, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo," - Gabi nang umalis na kami sa Momok Falls. Kasalukuyan kaming na nasa byahe ngayon. Papunta naman kami ngayon sa bahay mismo ng pamilya ni Kalous. Wala raw doon ang mga magulang niya dahil abala ang mga ito sa Maynila. Nakasunod lang sa amin ang mga sasakyan ng pinsan niya. Niliko ni Kalous ang sasakyan. Binasa ko ang pangalan nakaukit sa arko na nakatayo sa gilid ng daan. Villa Esmeralda? "Esmeralda Tiangco is my great grandmother, nanay ng aking lola na si Eufemia Ho, my moon." Bigla niyang sabi. Napaletrang O ang bibig ko nang may natatanaw akong mansyon. May makakasalubong din kaming malaking gate na nababalutan na iyon ng mga gumagapang na halaman na hindi pangit sa paningin. Sa katunayan pa nga, it looks classic and elegant. May dalawang lalaki na naka-tsaleko na lumapit sa lumang gate. Binuksan nila iyon para makapasok kami. Base sa kanilang damit, they look like farmers. Sila siguro ang tinutukoy ni Sarah na tinutulungan ni Kalous na walang renta sa mga lupang sinasakahan nila. Tumigil ang sasakyan sa mismong harap ng mansyon. Lalo ako namangha sa mga nakikita ko. Talagang hindi maitanggi kung gaano kayaman talaga ang mga Hochengco! Naunang lumabas si Kalous at pinagbuksan ako ng pinto. Inaalalayan niya akong bumaba. May mga ibang lalaki at babae na bumati sa kaniya. "Siya nga pala, ang asawa ko, Tarrah Isabella Ongpauco-Hochengco." Ipinakilala niya ako sa mga ito pati na din sa mga katulong niya. Ngumiti ako at bumati din ako sa kanila pabalik. "Ay! Senyorito Kalous, baka nagugutom na kayo, ay nakapaghanda na po kami ng hapunan para sa inyo pati na din sa mga pinsan ninyo at mga asawa nila." Sabi ng mayordoma ng mansyon na ito. "Thank you po." "Ina, nariyan na po si Kalous?" Rinig kong pamilyar na boses na papalapit sa amin. Tumalima ang mayordoma. "Ay, oo, anak." Natigilan ako nang makita ko kung sino ang babaeng nasa harap ko. Ang anak ng mayordoma. Masigla siyang lumapit at mukhang masaya pa siya. "Kal! May dala akong yema cake na paborito mo—" Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang makita niya ako. Bigla umiba ang atmosphere sa paligid namin. Kung kanina naging good vibes, naging awkward at bad vibes na ito. Rinig ko pa ang pagsipol ng dalawang pinsan ni Kalous. Kung ang ipinagdasal ko kanina bago man ako tumalon sa Momok Falls, mukhang babawiin ko muna dahil sa isang hindi inaasahang sitwasyon. Tumalikwas ang isang kilay ko. I feel there's someone's throw a gasoline in a small fire! Biglang umalab ang pakiramdam ko nang wala sa oras! "M-Mrs. Ho..." Mahina niyang tawag sa akin. "And what are you doing here?!" Hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko dahil sa iritasyon! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD