Half day lang si Kalous sa kaniyang trabaho. Ang akala ko pa naman ay buong araw siya. Kinain muna namin ang niluto kong adobo sa gata bago kami umalis dito sa opisina niya. Nagbilin siya sa mga katrabaho niya ng mga gagawin. Hindi ko maiwasang hindi sulyapan Corrine. Kita ko ang kaseryosohan sa kaniyang mukha lalo na't pinulupot ko ang aking mga braso sa braso ni Kalous. Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti para lalo pa siya maasar.
Know your place, darling.
"Shall we go, my moon?" Nakangiting tanong sa akin ng asawa ko.
Lumipat sa kaniya ang aking ngiti. Mas lumapad ko pa. "Sure, honey..." May halong lambing ko pang tugon.
Tumango siya't nilipat niya ang kaniyang kamay sa aking bewang. Balewala lang sa akin. Sabay na kaming lumabas sa gusali hanggang sa napadpad na kami sa Parking Lot. Nakasunod lang sa amin si Sarah.
"Kuya Kalous!" Tawag sa kaniya ni Sarah.
Tumigil kami dahil doon. Saktong nasa harap na namin ang sasakyan.
"Yes, Sarah?" Baling nito sa kaniya.
"May dadaanan lang ako. Sa kaklase ko po. Bibisita lang po. Pwede na po kayong mauna na." Paalam niya.
Tumalikwas ang isang kilay ko. "Are you sure? Kaya mo bang umuwi mag-isa?" Tanong ko. I should do this because I dragged her para lang makarating kami dito. It's my responsibilty.
Ngumiti siya sa akin. "Oo naman, ate. Huwag ka mag-aalala. Maaga din naman ako uuwi. Pakisabi nalang kay ina." Sagot niya.
Ngumuso ako. "Alright. Be careful."
"Kayo din, ate, kuya! Ingat kayo sa date ninyo."
Pinagbuksan ako ng pinto ni Kalous. Maingat niya akong sinakay sa front seat. Ako na ang nagsuot ng seatbelts. Hinintay ko lang na makasakay na din siya. Sumulyap ako kay Sarah na ngayon ay kumakaway sa amin. Binaba ko ang bintana. Kumaway din ako pabalik na may ngiti.
Hanggang sa umabante na ang sasakyan at nakaalis na kami sa lugar na iyon.
"Where do you want to go?" Tanong niya sa akin habang nakatingin siya sa daan.
Humalukipkip ako. "Hindi naman ako tagarito, Kalous. Wala akong ideya kung anong meron dito. Hindi ako nakapagresearch..." Tugon ko na nakatingin din sa harap.
"Hm, I see. Oh sige, ako na ang bahala sa iyo. I'll be your tour guide for a while."
Bumungisngis. "Really? Can you do that?"
Natawa din siya. "Why not? I'm all around husband here, if you don't know."
Nagkibit-balikat ako. "As you say so..."
-
Sa SM City Lucena kami tumigil. Gumala-gala muna kami hanggang sa napadpad kami sa Department Store. But oh my goodness! Naaakit ako sa mga damit, accessories, bags especially make ups! Arghh, naiwan ko pa pera ko sa bahay ni Kalous. Kung alam ko lang na hahantong kami sa lugar na ito, eh di sana nagdala ako ng pera pangshopping! Lalo na mga cards ko!
May namataan akong summer and beach dress sa hindi kalayuan sa amin. Agad ko iyon dinaluhan at tiningnan. I drew a sad face. Ang ganda! Tamang tama ito kapag pupunta man ako sa mga beach!
"Do you like it, hmm?" I heard my husband from my back.
Ibinalik ko sa rack ang damit. "Sana, pero huwag nalang pala." Sumulyap ako sa kaniya at ngumiti. "Umalis na tayo dito, baka maakit lang ako lalo." I joked. Akmang hihilahin ko sana siya pero pansin ko parang ayaw niyang gumalaw. Muli ko siyang tiningnan na may pagtataka sa aking mukha. Nakatingin siya sa damit na hinawakan ko kanina. "Kalous...?"
Nilapitan niya iyon na siya naman ang pagsunod ng katawan ko. Kinuha niya ang mga damit at binigay sa akin. "Let's look for a fitting room here. Lemme see if it really suits you."
"K-Kalous..."
"Take this as your reward, my moon. You doing a household chores and you cook for me." Masuyo niyang sabi saka hinalikan ang kamay ko.
Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Parang may humaplos sa saking puso dahil sa ginawa ni Kalous. Seryoso ba siya?
"My moon?" Tawag niya sa akin.
"H-ha?"
"Are you alright?"
"O-oo naman!"
Pagkatapos namin bilhin ang mga damit ay pakiramdam ko ay malulunod ako sa kasiyahan. This is my first ever gift na natanggap ko mula kay Kalous. Ang buong akala ko ay papahirapan niya ako ng sobra. Ang akala ko puro duster lang ang ipapasuot niya sa akin.
"Thank you talaga dito, Kalous!" Sabi ko habang palabas na kami ng Department Store.
"For my moon, don't mention it."
Nag-grocery din kami bago umuwi. Pansin ko na bawat babae na nakakasalubong namin, especially mga dalaga at teenagers ay napapatingin sa amin. Hindi pala ako kasama, kay Kalous lang sila nakatingin!
Actually, guwapo naman talaga ang magpipinsang Ho. Malalakas din ang mga appeal nila sa mga kababaihan. Idagdag pa ang isa pa nilang pinsan na si Mikhail Chua at ang bestfriend ni Keiran na si Flare Hoffman na kasal na nga lang ito kay Elene. Sina Finlay, Keiran at Kalous palang ang kasal sa kanila.
-
Gabi nang dumating na kami sa bahay. Tinulungan ko si Kalous na ibaba ang mga groceries. Mabuti nalang talaga malinis ang bahay bago man ako umalis kanina.
"Ako na ang magluluto," Sabi ni Kalous nang nasa Kusina na kami at inaayos namin ang mga pinamili. Siya ang naglagay ng stocks sa cabinet habang ako naman sa ref. "Anong gusto mong kainin ngayong dinner?"
Tumingin ako sa kaniya. "Ako nalang, Kal. Pagod ka. Ako na."
Natigilan siya. Siguro dahil sa sagot ko. May mali ba sa sinabi ko? Lumapit siya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. Nagtagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasandal na pala ako sa counter ng Kusina! Ikinulong niya ako sa pamamagitan ng mga braso niya.
"K-Kal..."
Mataimtim siyang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. Namumungay ang mga mata niya. He looks like he's under the spell... "You sounds like a wife, Tarrah..." Namamaos niyang sabi. Inilapit pa niya ang kaniyang mukha. "Can I claim my prize, right here, right now, hm?" Anas niya.
Medyo nanlaki ang mga mata ko. s**t, oo nga pala! Nangako ako sa kaniya na pagbibigyan ko siya! "Y-yes..." Mahina kong tugon. Bakit parang ang init ng paligid? A-anong nangyayari?
He touch my chin. Inilapat niya ang kaniyang noo sa noo ko. I started to paying attention to his lips. He lean on me closer na dahilan para maamoy ko ang panlalaki niyang pabango... Which makes me turned on... Kusa kong ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko din ang isang palad niya sa pisngi ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa akin.
We kiss slowly at first. He gently purse my lips. He massage his lips between mine. Mas lalo ko nararamdaman ang init sa paligid namin pero hindi ko iniinda iyon. Until I feel more agressive in him. Inangat niya ang dress ko hanggang sa aking tyan. Ramdam ko ang paggapang ng mga kamay niya sa loob ng damit ko. Kinalas niya ang bra ko ng dalawang daliri lang! Naputol ang halikan namin dahil napasinghap ako kasabay na bumabaon ang mga kuko ko sa magkabila niyang balikat. Dumapo ang mga palad niya sa magkabila kong dibdib. Napatingala ako sa kisame at doon ay nag-umpisa nang bumaba ang mga labi ni Kalous. He brushes his lips into my neck gently. Kung saan-saan na napadpad iyon. Binuhat niya ako't pinaupo sa counter.
Nagtama ang mga mata namin. "Mess up my bed with me, Tarrah." He huskily said.
Tumango ako. "S-sure..." Nanghihina kong tugonm
Muli niyang sinakop ang mga labi ko. Mas agresibo pa. May parte na nakakagat na niya ang mga labi ko dahil sa panggigigil. Binalewala ko iyon dahil sa sensasyon.
Naputol ang ginagawa namin nang biglang may kumakatok sa pinto! Napukaw iyon ng atensyon namin. Nagkatinginan kaming dalawa na may pagtataka sa aming mga mukha.
"S-sino iyon?" Tanong ko sa kaniya.
Bago man niya sagutin ang tanong ko ay may narinig kaming pamilyar na boses mula sa labas.
"KALOUS ESPEN HOCHENGCO! LABAS!"
Nanlaki ang mga mata ko samantalang rinig ko ang mariing mura ni Kalous. "Putang ina."
"There must be..." Sabi ko.
"My cousins and Flare the fucker. Damn it." Dugtong niya. "Ayusin mo muna sarili mo, my moon. Ako muna ang haharap sa kanila."
Tumango ako't nagmamadali akong pumasok sa kuwarto para ayusin ang aking sarili. My god, my god! Biglang dumating ang mga pinsan niya lalo na sa ganitong pagkakataon. Good thing, tapos na namin ayusin ang mga pinamili namin.
Nagbihis ako at nagtanggal ng make up through wet wipes bago ako lumabas para salubungin sila. Tama nga ako, narito silang lahat! Maliban sa dalawa--wala sina Finlay at Pasha. Napunta sa akin ang mga tingin nila.
"Sabi na nga ba, may nangyari na hindi natin alam." Nakangising sabi ni Suther. Nag-apiran silang dalawa ni Archie.
"Anong ginagawa ninyo dito?!" Bulyaw ni Kalous sa kanila.
"Ahma announced that you're already married." Si Fae ang sumagot. Humalukipkip siya. "And we're here to celebrate!"
"Celebrate?" Ulit ko pa.
"Yep! Actually nauna na kami sa beach kung saan isecelebrate ang kasal ninyo. Sinusundo lang namin kayo." Si Archie. "Tatlong destinasyon natin kaya mag-impak na kayo ng energy drink."
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Malapit na ang Pahiyas Festival, hindi ba? May handaan doon sa isa pang bahay ni Kalous. Paniguradong paghahandaan ng husto ng mga magsasaka doon."
"Labas muna kami. Hihintayin namin kayo." Nakangiting sabi Keiran, naka-akbay sa asawang niyang si Naya, isa sa mga kilalang abogado ngayon.
Nang nasa labas na sila, sumulyap ako kay Kalous na iritado na. Nailapat ko ang mga labi ko.
Sorry kung bitin ka, my dear husband.