Lumabas ako ng bahay ay nadatnan ko si Sarah na naghihintay sa akin. Hawak niya ang baunan na dadalhin namin sa opisina ni Kalous mamaya. Nakapagpalit na din siya ng damit at sapatos. Simple printed tshirt, jeans, at doll shoes ang suot niya. I was wearing a floral dress. Hapit na hapit sa katawan ko ang damit na ito para makita ang kurba ng katawan ko. I'm also wearing stilettos. Nakaayos na din naman ang mukha at buhok ko.
Hindi ko alam na engineer si Kalous. Wala man lang binanggit si angkong tungkol dito. Kaloka, ha!
"So, let's go?" Aya ko kay Sarah.
Ngumiti siya sa akin at tumango. "Okay po, ate. Naghihintay din naman po ang tricycle sa atin." Sabi niya sabay turo sa sasakyan na hindi kalayuan sa pwesto namin.
Awang ang bibig ko nang makita ko ang tinutukoy ni Sarah na sasakyan. Wala bang taxi dito?
"Tara na po, ate Tarrah." This time, siya naman ang nag-aya ang nauna nang maglakad patungo doon. Sumunod ako. Humigpit ang pagkahawak ko sa shoulder bag na nakasublit sa aking balikat.
"Aba, ang seksi pala ng asawa ni Kal, ano?" Rinig kong boses ng lalaki na hindi kalayuan sa amin.
"Swerte naman talaga. Maganda na nga, seksi pa."
Sinamaan ko sila ng tingin. Kita ko na namutla sila nang tinapunan ko sila ng matalim na tingin. Sa hitsura nila parang umurong ang mga dila nila. Lintek, subukan lang nila i-cat call ako, tatamaan talaga mga nguso nila sa akin!
Inis akong pumasok sa tricycle. Pinauna ako ni Sarah dahil exposed daw ang legs ko at baka mabastos daw ako nang wala sa oras. Panigurado daw makakapatay daw si Kalous kapag nalaman niya iyon. Sinunod ko nalang siya.
"Manong, sa metro po." Sabi ni Sarah sa tricycle.
Umandar ito at umalis na kami. Hindi ko akalain na maingay pala ang sasakyan na ito! Parang pakiramdam ko lahat yata ng alikabok ay napupunta na sa katawan ko! My goodness! Baka wala pa kami sa Metro ay haggard na ang histura ko! Napapaisip ako kung ipapadala ko ba kay Keisha ang sasakyan ko dito sa Quezon? Oh s**t, na kay Kalous pala lahat ng gadgets ko kaya balewala lang din! Hindi ko siya makokontak!
-
Nakarating na kami sa sinasabing Metro. Kabihasnan pala ito. Tumambad sa akin ang gusali. Hindi naman siya mataas, sakto lang. Kung ikokompara man ito sa mga gusali sa Maynila, paniguradong walang-wala ito. Masasabi ko lang na pwede na. But seriously, dito nagtratrabaho si Kalous? Eh bakit ang ganda at ang bongga ng building niya sa Manila? At saka Sabado ngayon, bakit may trabaho siya? Masyado naman yatang masipag ang lalaking iyon? What the hell?!
"Heto na po ang bayad, salamat po." Rinig kong kausap ni Sarah ang tricycle driver na nasa likuran ko. "Ate Tarrah? Papasok na po ba tayo?"
Bago ko man siya sagutin ay sumulyap ako sa aking orasan na nasa pulsuhan. It's almost lunch break. Bumaling ako kay Sarah at ngumiti. "Sakto lang ang dating natin. Leggo." Nauna na akong naglakad papasok sa building.
Pagtuntong namin sa loob ay mukhang busy ang mga tao dito. Tumalikwas ang isang kilay ko, hinahanap ng aking mga mata si Kalous. Where is he?
Where are you, my dear husband, huh?
"Good morning, ano pong maipaglilingkod namin?" Tanong sa akin ng isang babae.
Nilipat ko ang tingin ko sa kaniya. A simple lady in front of me. She's wearing a pure white long sleeves polo shirt, nakatuck in iyon sa blue jeans. Nakasneakers din siya.
"Corrine!" Tawag ni Sarah sa babaeng kaharap ko.
Bakas sa mukha niya ang gulat. "Oh, Sarah. Bakit narito ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Sinamahan ko lang itong si ate Tarrah, pupuntahan niya kasi si kuya Kalous. Narito ba siya?"
"Nasa Opisina lang siya." Sa akin siya tumingin pagkatapos. "Ano pong sadya ninyo kay Kalous...?"
Tinaasan ko siya ng kilay. So this is Corrine. Ang katrabaho ni Kalous. Hmm... Simple nga siya. A typical probinsyana, but there's something makes my blood boil, hindi ko nga lang matukoy kung bakit. "I'm here to pay visit for my husband. Can you please lead the way to his office?" Sinadya kong maging sarkastiko sa huling pangungusap!
Mas lalo pa yata siyang nagulat na binanggit kong asawa ko si Kalous. Wait, hindi ba ipinaalam ni Kalous na may asawa siya?!
"M-may asawa na si Kal?" Hindi niya mapigilang itanong iyon.
"Yes." Inis kong tugon. "Pwede ba, hindi ako narito para makipagtsismisan, narito ako para bisitahin ang asawa ko!"
Halos matalon siya sa gulat dahil sa pinagtaasan ko siya ng boses. Wala akong pakialam kung may iba pang makakarinig iyon. Wala akong pakialam sa kanila.
"I... I'm sorry, t-this way..."
Taas-noo akong naglakad habang tinuturo niya sa akin ng nasaan ang opisina ni Kalous. Kabadtripan naman kasi itong babaeng ito. But confirmed! Mukhang may gusto siya kay Kalous! Tss.
"Puwede na kayong pumasok, Miss... I mean, Mrs. Ho..." Sabi niya nang nasa labas na kami ng opisina.
Inabot sa akin ni Sarah ang baunan. Tinanggap ko iyon. Nilagpasan ko ang Corrine na iyon at pinihit ko ang pinto. Sinadya kong buksan ang pinto para makita niya ang gagawin ko! Tumambad sa akin si Kalous na abala sa pagtipa sa kaniyang laptop. Napatingin siya sa akin. Tumayo siya na nakaawang ang bibig.
"Tarrah..." Hindi makapaniwala niyang tawag sa aking pangalan. "What are you doing here?"
Ngumisi ako sabay lapit sa desk niya. Nilagay ko doon ang baunan. Humakbang ako para mas lalo pa ako mapalapit sa kaniya. Walang sabi na tinulak ko siya para makaupo ulit sa swivel chair. Alam kong magugulat siya lalo sa gagawin ko. Umupo ako sa kandungan niya sabay yapos ko sa kaniyang leeg.
"Bawal bang bisitahin kung nasaan nagtatrabaho ang asawa ko, hmm?" Sadya ko pa lagyan ng pang-aakit na boses nang sabihin ko iyon. Palihim akong sumulyap kay Corrine na parang nanigas sa kaniyang kinakatayuan. Lihim ako napangiti.
Talagang pinapahalata mo sa akin na may gusto ka sa asawa ko, babae. Aba, humanap ka ng sa iyo!
Lumapit si Sarah sa pinto at siya na mismo ang nagsara nito. Oh, thank you, darling.
"Sino ang kasama mong pumunta dito?" Rinig ko pang tanong ni Kalous.
"Nagpasama ako kay Sarah, honey."
"What?"
Nagtama ang tingin namin ni Kalous. Ako naman ang natigilan. Napalunok ako. Shet, bakit ang guwapo ng nitong nasa harap ko?! Shete ka, Tarrah! Panindigan mo ito! "Ipinagluto kita, tamang-tama, maglalunch na..."
He chuckled. "Parang kanina lang, inaaway mo ako at kinasusuklaman, anong nangyari?"
I rolled my eyes. "Kalous, bored na bored na ako sa bahay mo. Wala akong magawa. I tried to watch tv, wala ka man lang cable? Nasa iyo din ang mga gadgets ko. Especially my laptop. Sarado tuloy ang online business ko."
Ngumuso siya. "Mukhang dapat pala ganito ang gagawin ko. Kapag bored ka pala napapagawi dito sa Opisina ko."
Napangiwi ako. "Hindi mo sinabi sa akin na isa kang engineer. I only thought you're a businessman, Kal."
Bago man niya ako sagutin ay ramdam ko ang maiinit niyang palad sa aking hita! Nanatili kaming nagpapalitan ng tingin. "Hindi ka naman nagtatanong, my moon." Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "I can never wipe the smile off my face when you care for me, Tarrah. Thank you sa lunch."
"Don't mention it. Wala lang, bumisita lang ako. I think I gotta go..." Akmang aalis na ako mula sa pagkaupo ko sa kandungan niya pero pinulupot ng kaniyang braso ang bewang ko. "Kalous!"
"Stay here. And I'm hungry... Not for food." He grinned! "With something else."
Napaawang ang bibig ko. Like, what the f**k?! "Anong pinagsasabi mo?"
"As your husband, who told you to wear that dress when I'm not around, hm? And, you're suddenly sitting here in my lap? You don't know you made a fire inside me... You should be punish..."
Bigla akong kinalibutan sa sinabi niya! Anong problema ng isang ito?! "Ano bang pinagsasabi mo?"
Itinapat niya ang kaniyang bibig sa tainga ko. "I wanna do bad things with you..."
Mahina kong tinampal ang braso niya. "Umayos ka, Kalous. Ang landi mo ha! Nasa opisina tayo."
Mahina siyang tuamawa. "Kung wala ba tayo sa opisina, magagawa ba natin—"
Agad ko tinakpan ang bibig niya. Nanlalaki ang mga mata ko. "Ano bang problema mo? Bakit ba ang landi mo ngayon? Kainis ha."
Marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. "Tigang ako, Tarrah. I'm horny right now. Kung hindi ka lang umupo sa kandungan ko, hindi kita lalandiin ng ganito. Kaya panagutan mo ako."
Napalunok ako. Gusto kong iuntog ang noo ko sa pader!
"Damn it." Mariing kong sabi. "Fine! Mamaya! Bwisit ka.
Aalis na ako pero ayaw pa rin akong pakawalan.
"Kalous, bitaw na. Pagbibigyan ka na nga..."
"Promise?"
Napangiwi ako. "Oo nga."
Sumulyap siya sa wall clock. "Ayaw ko sa suot mo. Mababastos ka niyan." Marahan niyang hinaplos ang aking buhok saka hinalikan niya iyon. "Huwag ka nang magsuot ng ganito, lalo na kung wala ako."
Inilapat ko ang mga labi ko. "Kondisyon ba iyan?"
"Nope, pabor lang naman."
"Ako din, hihingi ng pabor."
"What is it?"
Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Lumayo-layo ka kay Corrine."
Tinititigan niya ako ng matagal. "Alright, as my moon wants."
Napaawang ang bibig ko. "Seryoso ka? Okay lang sa iyo ng ganoon-ganoon lang?"
"Yep. Ayaw ko na siya ang dahilan para magalit ka."
"Hindi ka ba magtatanong kung bakit? Ano ang dahilan ko?"
Ngumiti siya at hinalikan niya ang likod ng aking palad. "Hindi ko na kailangan itanong iyan. She's my employee and you are my wife. You are my priority, Tarrah."