chapter 4

1475 Words
Nagising nalang ako kinaumagahan nang may naamoy akong kakaiba. Ngayon ko lang naamoy iyon. Napabalikwas ako ng bangon. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at humikab. Umalis ako sa kama at lumabas sa nag-iisang kuwarto ng bahay na ito. Sa pagkatanda ko ay sa salas natulog si Kalous. Nagtatalo pa nga kami kagabi dahil lang sa gusto kong masolo ang kama. Tss. Dumiretso ako sa Kusina kung saan nanggagaling ang amoy. Medyo natigilan ako nang nadatnan ko si Kalous na nagluluto. Nakatalikod ito sa akin. Mukhang abala siya sa kaniyang ginagawa. Hindi ko mapigilan na pagmasdan siya kahit na nakatalikod ito sa akin. Napalunok ako nang binabaybay ng aking mga mata ang kaniyang katawan. Wala siyang damit pang-itaas. Tanging board shorts lang ang suot niya. Maganda ang pagkafirm ng muscles niya na tingin ko ay alaga ito sa pagji-gym. Ang mas pumukaw sa akin ay ang dalawang dimples sa banda ibabang bahagi ng kaniyang likod. Napalunok ako't tumindig ang balahibo ko nang makita ko iyon. It's... Sexy. I looked away. Damn, Tarrah. Ano na naman itong iniisip mo? Tandaan mo, si Kalous lang 'yan. Huwag kang ano! "Good morning, my moon!" Bigla kong narinig ang boses ni Kalous na dahila para mapatingin ulit ako sa kaniya. "Kanina ka pa ba d'yan?" "H-hindi naman..." s**t, nauutal pa yata ako? "Halika na, kumain ka na." Lumapit ako sa dining table. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung ano ang nakahanda sa hapag. Pinatuyong isda, I think? May mga hiniwang kamatis at may suka...? "Ano iyan?" Tanong ko sabay turo ko sa ulam, sa tingin ko. "Ah, tuyo. Masarap 'yan. Bigay nina Aling Soleng na kapitbahay natin." Sabi niya. "Tuyo?" "Oo, tuyo. Dried fish. Ang mabuti pa, maupo ka na para makakain ka na. Aalis ako saglit, pupunta ako ng metro." Sabi pa niya. Umupo ako. "Wait, iiwan mo akong mag-isa dito?" Medyo nagpapanic ako. "Bakit hindi mo nalang ako isama sa sinasabi mong metro?" "Tarrah, trabaho din ang gagawin ko doon." Sabi niya. Nag-umpisa na siyang kumain. "Huwag kang mag-alala, bibigyan din kita ng trabaho dito sa loob ng bahay para hindi ka mabored kakahintay." Then he smiled and started to eat. Napangiwi ako habang pinapanood ko siya. Bakit kumakain siyang nakakamay? Did he washed his hands before he eat? "Bakit hindi ka gumagamit ng kutsara't tinidor?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya iyon. Natigilan siya. Tumaas ang isnag kilay niya. "Oh, my bad. Hindi ko pa pala naituro sa iyo kung papaano kumain nito." Sabi niya. "Mas masarap kasing kumain ng mga ganitong ulam kapag nakakamay. Teka, turuan kita." Kahit na ayaw ko ay sa huli ay nagawa akong kumain nang nakakamay! Nakakainis. Bakit kailangan kong pagdusahan ang mga ito?! "Mas masarap kung sawsaw mo dito." He referring the suka beside me. "Try mo." Ginawa ko ang sinabi niya. Sinawsaw ko nga ang tuyo sa suka pagkatapos ay tinikman ko. Ramdam ko na titig na titig sa akin si Kalous. "Masarap, diba?" Sumulyap ako sa kaniya. "Okay lang." Mas lumapad ang ngiti niya. "Hindi bale, masasanay ka ding kumain nito. Huwag lang araw-araw dahil bawal din ang sobrang alat sa katawan." - Pagkatapos namin kumain, ang akala ko ay matatapos na kalbaryo ko. Hindi pa pala. Talagang ako pa ang pinahugasan niya ng pinagkainan namin which is hate na hate ko! Nakakainis. Dahil na din sa pagdadabog ko ay nakabasag ako ng baso. Bumagsak iyon sa sahig. Napakagat ako sa aking labi. Mas nadagdagan ang inis. Yumuko ako para pulutin ang mga bubog sa sahig pero nasugatan ako. Arghhh! "Anong nangyari, Tarrah?" Nag-aalalang tanong ni Kalous nang marinig niya ang basag. Agad niya akong dinaluhan. Nakita din niya ang sugat sa daliri ko. "Halika, linisin natin ang sugat mo." Agad ko binawi ang kamay ko sa kaniya at tumayo. "Kasalan mo ito!" Singhal ko sa kaniya. "Kung hindi mo ako pinahugas ng mga iyan, hindi ako magkakasugat!" Tumalima siya ng ilang segundo. Tumayo na din siya at napabuntong-hininga. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "Tarrah, hindi pwedeng palagi ikaw ang masusunod at pagsisilbihan." Mahinahon niyang sabi. "What did you say?! You know me very well, Kalous. Alam mong hindi ako sanay sa mga ganito! Especially doing household chores!" Sigaw ko pa. "Oo, galing ka nga sa mayaman at kilalang pamilya. Pero hindi pwedeng aasa ka lang sa mga katulong ninyo. May katawan ka at gamitin mo naman kahit minsan." Naging matigas ang kaniyang sambit. Natigilan ako. Parang may tumusok na matulis na bagay sa aking dibdib. Tagos na tagos. Kinagat ko ang aking labi dahil sa inis. Nakakainis kasi tinamaan ako! "Gamutin natin ang sugat mo, pagkatapos ay tuturuan kitang maghugas nang maigi." Masuyo niyang hinawakan ang braso ko. Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniya. Napadpad kami sa salas. Pinaupo niya ako sa sofa. Iniwan niya ako saglit para kunin ang first aid kit. Pinapanood ko lang ang ginagawa niya. Pinigilan niya muna ang pagdugo. Nilinisan niya iyon gamit ang betadine saka nilagyan niya iyon ng band aid. Seryoso ang kaniyang mukha sa hindi ko malaman sa anong dahilan. Dahil ba sa baliko kong pag-iisip? Dahil ba sa naririndi na siya sa akin? Dahil sa pagiging maarte ko? O ano? "Done." Aniya nang matapos na niyang gamutin ang aking sugat. Nagtama ang mga mata namin. "Ako muna ang maghuhugas ngayon. Panoorin at aralin mo, aright?" Hindi ko magawang sumagot. Seryoso siya sa pagtuturo sa akin ng mga gawaing-bahay. Pati pagwalis ay tinuro pa niya sa akin. Maski paggamit ng bao! My goodness, I have no ideas about this. Hindi ko alam kung magagawa ko ba lahat ng mag itinuro niya! Kung magagawa ba iyon ng tama o hindi! "Kalous, maliligo sana ako. Wala kang shower or bath tub man lang?" Tanong ko sa kaniya nang naabutan ko siyang inaabot ang kaniyang suot na t-shirt sa kuwarto. Bumaling siya sa akin. "My moon, hindi uso dito ang shower o bath tub. Gripo at tabo ang uso dito." Malumanay niyang sabi. "Ha?!" Hindi makapaniwala kong bulalas. "Seriously?!" Ngumuso siya at tumango. "Baka hindi ka rin marunong gumamit ng tabo." Ngumisi siya. "Baka gusto mo rin turuan kitang maligo gamit ay tabo?" Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Jerk." Mariin kong kumento. Humalakhak siya at naiiling. "Ipapabantay kita kay Aling Soleng, nasa tabing bahay lang siya. Kapag may kailangan ka habang wala ako, sa kaniya ka lang lumapit. Don't worry, she's realible and her daughter, Sarah." Tumango ako. "Ano oras ka ba babalik dito?" Tanong ko. Lumapit siya sa akin at walang sabi na niyapos niya ako sa bewang na ikinagulat ko. "Hindi pa ako nakaalis, miss na agad ako ng misis ko?" Agad ko siyang tinulak at inirapan. "As if. Lumayas ka na nga." Sabi ko pa bago ko siya iniwan sa kuwarto. - Wala ngayon si Kalous. Dalawang oras na siyang wala dito sa bahay. I'm bored to death here. Wala akong magawa. Tapos na din naman ang paglilinis. Nakaligo na din naman ako. I try to watch tv, pero limited channel nga lang. Hindi ba uso ang cable dito? Arghh!! Napukaw ng aking atensyon anng may kumatok sa pinto. Tumalikwas ang isang kilay ko. Hindi kaya si Kalous na iyon? Tumayo ako mula sa kinauupuan kong sofa. Nilapitan ko ang pinto saka binuksan iyon. Nagtataka ako dahil hindi si Kalous ang nasa harap ko kungdi isang babae. I think she's a teenager. Sino naman ang isang ito? "Hello po! Ako po si Sarah!" Masaya niyang bati sa akin. "Kayo po siguro ang asawa ni kuya Kalous?" "Yeah, ako nga. Why?" Ngumiti siya. "Baka kailangan ninyo po ng kasama dito. Sabi kasi sa akin ni kuya Kalous bantayan daw po kita." Sabi pa niya. Siraulo ka, Kalous. What do you think of me? A baby? Bata na dapat bantayan? Baliktad yata? "Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko sa kaniya. "Sabado po ngayon... Kaya wala po akong pasok." Oh. Hindi ko na namalayan na sabado ngayon. Maybe I was spacing out because of my frustrations. "Ang akala ko po si Corrine ang napangasawa ni kuya Kalous." Bigla niyang sabi. "Kasi balita na dito na kasal na si kuya Kal." Kumunot ang noo ko. "And who's this Corrine?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya iyon. She give me an innocent look. "Ano po, katrabaho po ni kuya Kalous. Anak po nina Mang Juancho na magsasaka po kung saan pagmamay-ari ni kuya Kalous ang lupa na sinasakahan nila." Sabi niya. Naniningkit ang mga mata ko. May lupa dito si Kalous? Ah, nevermind. But I kinda curious with this Corrine... "May tanong ako." "Ano po iyon, ate?" "Alam mo ba kung anong trabaho ni Kalous sa Metro?" Napaawang ang bibig niya. "Ah, inhinyero po." Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Engineer? "Naroon po kasi ang opisina ni kuya Kalous. Sobrang bait nga po ni kuya Kalous, eh. 'Yung lupa na pagmamay-ari niya, hinayaan lang niyang magsaka ang mga magsasaka doon kahit wala nang bayad o renta..." Hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi niya nang may nabuo sa aking isipan. Hindi maalis sa aking isipan ang babaeng nangangalang Corinne. "Sarah," "Bakit po, ate?" "Turuan mo akong magluto." Sabi ko. "Para saan po?" "At sasamahan mo din ako sa metro. Pupunta tayo doon." Bibisitahin ko si Kalous. Asawa niya ako. Wala naman sigurong masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD