Ilang beses ko na kinakastigo ang sarili ko pagdating ko ng unit. Ilang beses na akong nagtatanong sa sarili ko. Tama nga ba ang ginawa ko? Wala ba akong pasisisihan? Ano ang mangyayari pagkatapos? Ahhh! Ang hirap. Wait, hindi kaya nadala lang ako sa mga matatamis na salita ng manyakol na iyon o ano?
Chill down, Tarrah.
Marahan akong umupo sa couch. Mahina kong tinatapik ang aking bibig at natigilan nang may sumagi sa aking isipan. "Shit." Hindi ko mapigilang magmura. H-hinalikan ako ng gago! At... At... Hinayaan ko lang iyon! Damn you, Kalous Espen Ho!
Wala na, nagkaleche-leche na ang lahat!
Dahil masyado akong abala sa ginagawa ko sa harap ng laptop, hindi ko na namamalayan na gabi na. Masyado akong busy sa pag-aayos ng website ko. Yes, I do online business. Fashion and accessories. Mapababae o lalaki man. Hindi ako fashion designer pero may alam naman ako dahil na din sa pinsan kong si Keisha. Siya talaga ang fashion designer at kung minsan pa nga ay ako ang ginagawa niyang model.
Tamad kong isinandal ang aking likod sa sofa at napabuntong-hininga. Kahit nakaupo at mga kamay lang ang ginagalaw ko sa pagtatrabaho, nakakaramdam pa rin ako ng pagod.
Biglang umagaw ng aking pansin ang tunog ng cellphone ko. Kumunot ang noo ko dahil unknown number ito. Sino naman ito?
Pinili kong sagutin ang tawag. "Hello?"
"Hi, my moon!" Masiglang bati niya mula sa kabilang linya.
Napangiwi ako. "At papaano mo naman nalaman ang number ko, aber?" Naiirita kong tanong sa kaniya.
"Nakuha ko sa pinsan mong si Keisha." He answered. Bakit pakiramdam ko ay nakangiti ang gagong ito?
"Anong kailangan mo ba?" Sunod kong tanong.
I heard him chuckled. "Hmm, bago ko sagutin iyan, pwedeng pagbuksan mo muna ako ng pinto?"
"WHAT?!" Hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko. Agad akong tumayo ay dinaluhan ang pinto. Nang buksan ko iyon ay totoo ngang si Kalous ang bumungad sa akin. Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkasopresa. "A-anong ginagawa mo dito?"
Instead, he give me his sweetest smile. "To pay visit, my moon." Sabay inabot niya sa akin ang bouquet. "Gusto ko lang dumaan, wala naman sigurong masama?"
Napalunok ako. Kusang umangat ang aking kamay at tinanggap ang mga bulaklak na bigay niya. "Kahit hindi mo na gawin ito, Kalous." Malamig kong sabi.
Nagkibit-balikat siya. "But everyone said, mostly girls, ladies and women are love flowers." Sabi niya.
I sighed. Nilakihan ko ang awang ng pinto para makapasok siya. Tinalikuran ko siya at hinayaan ko lang na siya ang magsara ng pinto. Pareho na kaming nasa salas. Ipinatong ko ang bouquet sa mababang mesa. Humalukipkip akong humarap sa kaniya. "Ano ba talaga ang sadya mo dito, Mr. Ho?"
"Hm, it's about our marriage."
Pagkabanggit niya sa bagay na iyon ay kumunot ang aking noo. "Aatras ka na ba?"
He grinned. "Sinong may sabing aatras ako? Kabaliktaran ang iniisip mo sa gagawin ko."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bukas na bukas din ay ikakasal na tayo." Sagot niya.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking narinig. "Ano? Bakit biglaan naman yata?"
Muli siya nagkibit-balikat. "Naisip ko lang kanina habang nasa opisina ako. At saka, maganda na rin iyon, diba? Don't worry everything is settled." Nilapitan niya ang single couch at prenteng umupo doon.
Tumalikwas ang isang kilay ko. "Anong maganda doon, aber?" Nakapameywang na ako. "Kung narito ka para sa mga walang kakwenta-kwentang bagay, you may now go. The door is open, Kalous Ho."
He twisted his lips. "Naisip ko lang iyon kung iyon din ang way para masagip mo ang kompanya ninyo..."
Natigilan ako. Bakit ba palagi nilang binablockmail sa akin ang kompanya?! Nakakainis na ha!
"Kapag nalaman ni ahma na kasal na tayo, madali nalang para sa kaniya na mag-invest sa Li Wei, atleast, in this way, she will convince..." Isinandal niya ang kaniyang likod sa couch. "I know you very well, Tarrah. Hindi ka sanay sa hirap. Kahit na may negosyo ka, ay umaasa ka pa rin sa kompanya ninyo..."
Parang nabuhol ang dila ko sa huli niyang sinabi. Totoo. Hindi ako sanay sa hirap. Ang totoo niyan ay may on call maid pa ako para maglinis dito sa condo. Ni paghugas ng pinggan ay hindi ko magawa. Kung magugutom man ako, ay umaasa ako sa mga fast food at resto. Nagpapadeliver din ako kapag tinatamad akong lumabas.
"So... You will take my proposal or not?"
Napakagat ako sa aking labi.
-
Civil ang kasal namin. Wala kaming inimbitahan mula sa mga kamag-anakan niya pati na din sa side ko. Tangi ang ahma niya lang daw ang nakakaalam na ikakasal na kami. Ang siraulo, naghatak pa ng nagtitinda ng fishball sa kanto pati ng isang ale bago man kami pumunta sa munisipyo. Nang tinanong ko si Kalous tungkol doon ay sinagot niya sa akin ay sila ang witness ng kasal!
Oh damn, hindi ko alam na may ganitong kalokohan ang lalaking ito! Sabi ko na nga ba, mamalasin ang babaeng mapapangasawa ng isang ito!
After naming ikasal ay idiniretso niya ang sasakyan sa Quezon, kung nasaan daw ang bahay niya. Medyo naexcite na ako dahil first time ko palang na makapunta sa lugar na iyon. Madalas kasi akong pumupunta sa norte at kabisayaan tuwing magbabakasyon ako. Pero sa probinsya na ito, gusto ko din ma-explore.
Hindi rin ako nakapagpaalam kay angkong kung nasaan ako ngayon dahil na kay Kalous ang lahat ng gadgets ko. Gusto ko sanang magprotesta dahil kukunin niya iyon pero sabi niya sa akin ay para din naman sa amin ito. Kung gusto ko daw makapagbakasyon ng matiwasay. Hindi rin daw siya gagamit ng gadgets habang nasa Quezon kami.
Wala man ako ideya kung anong binabalak niya. Sige, go nalang ako.
"Kalous?" Tawag ko sa kaniya nang tumigil ang sasakyan niya sa isang bungalow style na bahay.
He switched off the engine. "Hmm?"
"Where are we?" Tanong ko.
"Sasagutin ko kapag nasa loob na tayo, my moon." Ang tanging sagot niya lang sa akin. Lumabas siya sa sasakyan hanggang sa pinagbuksan na niya ako ng pinto. Nilahad pa niya ang palad niya sa akin. Tinanggap ko iyon at tagumpay nakalabas sa sasakyan. "Follow me."
Napalunok ako't sumunod sa kaniya.
Nilabas niya ang susi at isinalpak niya ito sa door knob. Pinihit niya ang pinto at marahang itinulak. Tumambad sa akin ang mga kasangkapan sa loob. Maayos naman siya. Simple at organize ang mga gamit na naririto. Iginala ko ang aking mga mata sa loob.
"Welcome to my home." Sabi niya.
Bumaling ako sa kaniya. "Huh?"
"Dahil kasal na tayo, ito ang magiging bahay natin." Sabi niya saka hinubad niya ang kaniyang coat. Ipinatong niya iyon sa couch. Umupo siya doon.
"B-bahay natin?" Ulit ko pa na hindi makapaniwala.
Tumingin siya sa akin. "Yeah, bahay ko ito kaya bahay mo na din."
Laglag ang panga ko sa sagot niya. What the hell? I just thought a while ago na malaki ang bahay niya! Dahil isa siyang Hochengco!
"Alam ko na iyang iniisip mo." Sabi pa niya.
"It suppose you can bought a massive house or a mansion, Kalous." Mariin kong sambit.
"Hindi porke't isa akong Hochengco, wala na akong karapatang bumili ng simpleng bahay." Ngumiti siya. "Iba ako sa mga pinsan ko, Tarrah. I love simple things."
Huminga ako ng malalim. "Fine. So, meron ka naman sigurong on call maid dito?"
Umiling siya. "Wala akong ganoon. Kapag naririto ako para magbakasyon, ako mismo ang gumagawa ng mga gawaing-bahay." Sagot niya. Yumuko siya kaunti para kumuha ng tsinelas na malapit sa kaniya pagkatapos ay inabot niya iyon sa akin. "Wear off your shoes, my wife. Ito ang suotin mo para komportable ka."
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko tinanggap ang tsinelas. Kita ko pagbuntong-hininga niya. Tumayo siya at dumiretso sa isang kuwarto. Sinundan ko lang siya ng tingin.
Ano ba itong pinasok mo, Tarrah?!
Wala pang dalawang minuto ay lumabas siya mula sa kuwarto. May dala siyang plastic bag. Inabot niya iyon sa akin. "Wear this para mas lalo maging komportable ka." Sabi niya.
Tinanggap ko iyon. Binuksan ko ang naturang plasctic. Isang damit? Nilabas ko iyon at tiningnan. Napaawang na naman ang bibig ko na isang duster itong hawak ko! Matalim akong tumingin kay Kalous nakatingin sa akin. "Anong gagawin ko sa duster na ito?!"
"Eh di susuotin mo."
"Ano ba talagang plano mo, Kalous?!" Hindi ko mapigilang sigawan ko. "Bakit dinala mo ako sa maliit na bahay na ito? Isa kang Hochengco at isa akong Ongpauco! Both of our families are pretty popular in business world! Anong gagawin ko dito, ha? And s**t lang, ipapasuot mo ako ng isang duster, seriously?!"
"Hey, lady. Huwag mong laitin ang bahay ko, ha." Naiinis na din siya. "Be proud! Ikaw palang ang babaeng dinala ko dito."
"Ha!" I scoffed. "Medyo may ideya na ako kung bakit dito mo ako dinala. May galit ka ba sa akin, ha? Balak mo akong pahirapan, ano? 'Yung totoo, ginamit mo lang ang pagkalugi ng kompanya namin para gumanti sa akin?!"
Siya naman ang napangiwi. "Sino naman may sabi sa iyong may galit ako sa iyo? Kung may galit ako sa iyo, hindi kita pipilitin na maging misis kita."
Napapadyak ako dahil sa inis. "Inuwi mo ako sa unit ko, Kalous." I demand.
"Sorry pero hinding hindi ko gagawin iyan, Tarrah."
"A-ano?!"
Huminga siya ng malalim. Nagpakawala siya ng hakbang palapit sa akin. Ginapangan na ako ng kaba at umatras pero single couch na ang nasa likuran ko kaya napaupo ako nang wala sa oras. Napalunok ako nang yumuko si Kalous. Pareho nakahawak ang mga kamay niya couch tila hinding hindi ako makakawala dito!
"Dahil misis na kita, asawa na kita. It means, akin ka na. Dinala kita rito dahil sa maganda kong intensyon. Please, just don't ruin my dreams, Tarrah."
Sa mga sinabi niya ay ramdam ko na tumindig ang balahibo ko!