PROLOGUE
Allianna Galye
Hi! everyone I'm Allianna Galye Montimayor, 18 years old and a only girl among the three.
I woke up eight o'clock in the morning, today it's Saturday that's why I woke up late.
Nag-inat na lang ako bago ako pumunta ng banyo to do my morning routine, nanghilamos at nagbihis na rin ako ng damit dahil wala na naman na akong pupunta ngayon araw.
I'll just stayed here in house, wala naman akong nabalitaan na may game sina Luis mamaya.
Luis Kyle hayyss! kailan mo ko papansinin?
He's a basketball captain of our campus and also a childhood friends ni kuya Alvin sya yung ipangalawa sa aming magkakapatid.
After I'll do what I do I went out to my room and went downstairs to eat my breakfast.
Nasa business trips both parents namin kaya kaming tatlo lang ang andito sa bahay kasama ang mga katulong at bodyguard na kinuha ni daddy para sa protection naming tatlo dahil nga business tycoons si daddy kaya marami ang nagbabanta sa buhay nya at damay kaming mga anak nya.
"Good morning kuyas!"masiglang bati ko nang makarating ng dining room namin.
"Good morning bunso!"kuya Alvin.
"Good morning princess!"kuya Allen greeted me, yumakap pa muna ako sa kanilang dalawa bago ako umupo sa pwesto ko.
Agad naman kaming nagsimulang kumain, nagkwentuhan lang kami at nag-yaya si kuya Allen na naglalaro daw sila ng basketball dahil wala naman gagawin kaya pumayag si kuya Alvin.
"Sige ba! Papuntahin ko na dito sina Luis."sabi ni kuya Alvin na syang muntik na ako mabulunan.
Shit! naman bakit yayain pa? Nahihiya akong kapag andito sya sa bahay eh, pero deep inside of my heart fell happy.
First time nilang nakapunta dito sa bahay at dahil basketball court dito, nasa likod malapit sa garden ni mommy ang basketball court na pinagawa ni daddy noong mga bata pa sina kuya at hanggang ngayon maayos parin yun dahil sina Kuya Allen na ang nag-aalaga nun.
"Kuya? Punta pala ako ng mall may bibilhin lang ako para sa school."paalam ko sa kanila.
Yung totoo Allianna? may bibilhin ka ba talaga o nahihiya ka lang nakita ang crush mo?sabi nang utak ko pero iba ang sinasabi ng puso ko.
"Sige! Pasama ka na lang kay kuya Baldo dahil baka may mangyari pa sayong masama at ako malalagot kami kina mommy't daddy."sabi sa akin ni kuya Allen.
"Balik agad ha!"dagdag ni kuya Alvin.
"Opo! balik agad ako bibili lang naman ako ng arts materials dahil may art kami sa monday."paliwanag ko pero hindi yun sinungaling ha may art talaga kami sa lunes at balak ko bukas pa bumili pero ngayon na lang dahil ayaw ko syang makita.
Sapat na sa akin makita ko sya sa malayuan pero kung malapitan ay baka mahimatay ako bigla, baka kapag binanggit nya ang pangalan ko ay mamatay ako sa kilig.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam akong pumunta ng kwarto para maligo na dahil anytime daw pupunta sina Luis dito kasama ang iba pang kasamahan nila ni kuya sa basketball.
Naligo na lang ako at nagbihis I just wore royal blue off shoulder tacked in at my ripped jeans and white sneakers to complete my outfit.
Nakalugay ang buhok hanggang bewang at naglip-tint lang ako para naman maayos hindi na ako nag-make up dahil uuwi rin ako pagkatapos ko at nag-spray ng favorite kong perfume na Victoria Secret.
Kinuha ko na ang small backpack ko kung nasaan ang wallet, credits card, ATM at iba pang cards na ibinigay sa akin ni daddy, andun na rin ang cellphone ko at lip-tint ko.
I look myself at the mirror para natignan kung ano pa ang kulang, I just wear my necklace ibigay sya sa akin ni mommy noong nag-seven years old ako at hanggang ngayon suot ko parin sya, terno nya ang bracelet na suot ko ngayon ang pendant ng necklace ay heart shape na may picture naming lima sa loob nun ganun din ang sa bracelet pero walang picture.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na, nasa hagdan pa lang ako rinig ko na ang ingay mula sa sala dahan-dahan lang ako kung maglakad.
Nang masilip ko ang sala parang gusto ko na lang bumalik sa kwarto ko dahil nasa sala na silang lahat kaya kahit nangangatog ang tuhod ko ay tinuloy ko na lang ang paglalakad ko.
"Kuya! Alis na ako."paalam ko kay kuya Alvin hindi ko nakikita si kuya Allen.
Pilit ko wag pansinin ang mga kaibigan ni kuya lalo na si Luis na may kasamang babae, hindi naman bago yun dahil playboy nga si Luis marami na syang mga naging girlfriends ang iba hanggang isang araw lang at ang mas malala pa ay isang oras lang ang tagal kapag nag-sawa sya para kang isang basura na lang sa paningin nya.
Ewan ko ba kung bakit ako nagkakagusto sa kanya pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magiging isa sa mga babaeng pinaglalaruan nya lang.
"Sige! ingat bunso, uwi kaagad pagkatapos."paalala nya.
"Hindi pwede nakipagdate?"biro na tanong ko sa kanya, tignan natin kung hindi sya OA kung nag-react.
"Capital B.A.W.A.L! Bawal nakipagdate hangga't wala pa sa 30's."napasimangot ako dahil sa sinabi nya.
"Kuya alam mo ang capital O.A. mo wala nga nanliligaw makipag-date pa."sabi ko sa kanya.
Rinig ko naman ang tawa ng mga kaibigan nya wala sa sarili akong napatingin kay Luis na naka-akbay pa sa babaeng kasama nya, kita ko ang pagtitig nya sa akin at palihim na ngisi pero agad akong umiwas.
"Saan si kuya Allen?"tanong ko kay kuya dahil magpapaalam muna ako mamaya nun kapag birahin na naman ako kapag hindi ako nakapagpaalam sa kanya.
"Nasa taas magbibihis daw."sagot nya at tumango naman ako.
Pumunta muna ako ng kusina dahil bigla akong na uhaw dahil nakita ko si crush pero masakit dahil may ibang babaeng kasama.
"Hi!"muntik ko nang matapon ang baso dahil may nagsalita.
"Ay pusa!"gulat na usal ko at dahan-dahan tumingin sa likuran ko.
Si Third isa sa mga kasamahan at kaibigan ni kuya, natawa naman sya dahil sa sinabi ko.
"Ang gwapo ko namang pusa no?"natatawang sabi nya kaya naman napa-irap ako ng wala sa oras.
Pero aaminin ko gwapo naman talaga sya, lahat naman ata sila gwapo pero sa kanilang magkakaibigan tanging sya lang at si kuya ang hindi playboy sa kanila.
Ang leader nila ang pinaka-play boy sa lahat minsan lang rin nagseryoso sa pag-aaral at gusto na lang mamasyal kung saan-saan.
"Ewan ko sa'yo. Ba't ka andito sa kusina nasa sala naman sina kuya."sabi ko sa kanya, hinugasan ko muna ang basong ginamit ko at nilagay yun sa lalagyan ng mga baso.
"I just want to drink kaya ako andito."sabi nya at kumuha ng baso at nilagyan ng tubig.
"Okay! Una na ako sa'yo."sabi ko sa kanya, tumango naman sya at sakto naman paglabas ko ay ang pagbaba ni kuya Allen naka-jersey na silang lahat.
Lumapit na lang ako sa kanya at nagpaalam, humalik pa muna ako sa pisngi nya at yumakap bago ako lumapit kay kuya Alvin na katabi pala si Luis.
Nagdalawang isip pa ako kung yayakap sa kanya dahil magkatabi sila ni Luis pero sa huli ay yumakap na lang ako.
Agad nanlaki ang mata ko nang may humalik sa ulo ko hindi si kuya Alvin yun dahil nasa balikat ko ang mukha nya, agad akong napabitaw kay kuya at tumingin kay Luis na may ngisi na sa mukha nya.
"Una na po ako."kahit may gulat sa mukha ko ay nagpaalam pa rin ako sa kanila at dali-dali lumabas kung nasaan naghihintay si kuya Baldo sa akin.
Agad akong sumakay ng kotse at sinapo ang dibdib na sobrang lakas ng t***k parang lalabas sa katawan ko ang puso ko.
Ano yun? Bakit nya hinalikan ng ulo ko? May nakakita ba sa ginawa nya sa akin? Pero impossible dahil hindi naman sya pinagalitan o sinabihan ni kuya Allen kung nakita nya yun.
Sobrang lalim ng isip ko hindi ko nalamayan nakarating na pala kami ng mall kung hindi pa ako kinalabit ni kuya Baldo ay wala parin ako sa sarili ko.
Bumaba na ako ng kotse at naka-sunod naman sa likuran ko si kuya Baldo, dumeresto ako ng store kung nasaan ang mga arts materials.
Si kuya Baldo na ang nagdala ng basket ko habang nasa likuran ko sya, una kong kinuha ang bond paper long and short size, ruler, pencil, coloring materials at pang-design na pwede kong gamitin sa art ko sa Monday.
Sa aming magkakapatid ako ang mahilig sa art habang ang dalawa kong kuya naman ay sa basketball.
Sumasali rin ako sa beauty pageant at mahilig rin ako sa modeling, sabi kasi sa akin ni mommy ay may potential ako sa modeling dahil matangkad ako, maganda ang katawan, maganda rin ang mukha ko at makinis ang mga balat.
Tamang buhat ng sariling bangko no?
Pero sabi ko kapag siguro nakapag-tapos na ako ng college ay nagagawa ko rin ang mga gusto ko at laking pasalamat ko na lang dahil sinusuportahan ako ng magulang at mga kuya ko.
Nang makapagbayad ay dumaan pa muna ako ng grocery dahil wala na akong stocks sa kwarto ko, may mini stocks room kaso ako sa kwarto ko, may ref din ako dun.
Ewan ko ba mahilig akong kumain pero hindi naman tumataba, ang sabi nga nila maswerte ako dahil marami akong kinakain pero hindi ako tumataba o nagkakaroon ng fats sa katawan.
Kumuha na lang ako ng basket dahil kunti lang naman ang bibilhin ko, kumuha lang ako ng mga favorite chips ko, biscuit, chocolates, fruits and mga drinks na favorite kong inumin.
Nagbayad lang ako at nagdesisyong umuwi na lang siguro sa kwarto na lang ako tatambay at manonood ng mga movies na hindi ko pa napapanood.
Si kuya Baldo na ang nagdala ng mga pinamili ko habang papunta kami ng parking lot ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Mom's calling.....
Agad kong sinagot ang tawag sa akin ni mommy dahil ngayon ko lang sya nakausap ulit, kahapon hindi ko sya nakausap dahil ako sa school works.
"Hi mommy!"sabi ko nang sagutin ang tawag nya.
[Where are you?]tanong nya sa akin.
"Nasa mall po pero pauwi na may binili lang ako para sa art namin sa Monday. Why?"tanong ko sa kanya, palagi kasi dapat alam nila kung nasaan ko.
[okay! uwi agad ha. Alam mo naman mahirap na at baka mapano ka pa.]paalala nya sa akin, ganito sila palagi sa akin na trauma kasi sila noon ng bata pa ako ay nakidnap ako ng isa sa mga business partners ni daddy na maiinggit sa kanya.
"I'm here na po sa car mommy, no need to worry beside kasama ko po ngayon si kuya Baldo."sabi ko sa kanya.
[Alright. Take care, tumawag lang ako para kamustahin ka.]sabi nya kaya naman napangiti naman ako.
"I'm fine mom! At isa pa sobrang strict po ng mga bodyguard ko sa bahay. Kayo po ni daddy kamusta po?"tanong ko sa kanya.
Almost one month na namin silang hindi nakikita kaya namimiss ko na sila, especially ang family day namin kapag kompleto kaming lima.
[Okay naman kami ng daddy mo.]sagot nya.
"Kailan po kayo uuwi?"medyo malungkot na tanong ko, ito lang kasi ang una nilang business trip na matagal kadalasan hanggang one week lang silang wala pero ngayon isang buwan na.
[We don't know baby, medyo matatagalan kami dito eh.]sabi nya kaya naman napabuntong hininga na lang ako.
Haysst! Ano pa nga ba ang magagwa ko? Kundi hintayin ang pag-uwi nila.
"Mommy! Next week na birthday ko dadating po ba kayo?"tanong ko sa kanya.
Please naman kahit sa birthday ko kasama ko sila kapag hindi sila dumating ito ang first birthday ko na wala sila.
[I know baby, sasabihin ko ang daddy mo na tapusin agad para makasama kami namin sa birthday mo.]sabi nya.
"Promise?"mahinang tanong ko.
Ewan ko ba pagdating sa magulang ko at mga kuya ko nagiging baby ako, pati pagsasalita nagiging baby na rin.
[I promise. Sige na ibaba ko na to dahil magsisimula na ang meeting.]sabi nya.
"Okay! I love you mommy, tell daddy I love him too. I miss you both so much."malungkot na sabi ko.
[I'll tell him. We love you too baby and I miss you and your kuyas too.]sabi nya.
Ako na rin ang nagbaba ng tawag at sumandal na lang, wala ka talaga magagawa kapag ang parehong magulang mo ay mga businessman and woman dahil nahahati ang oras nila pero kahit papano ay naiibigay naman nila ang mga kailangan namin.