MAKARAAN ang ilang sandali, nakita ng tatlo na may parating na sasakyan. Huminto ito sa post ng security at bumaba ro’n ang tatlong lalaki, nakasuot ang mga ito ng security uniform. “Pagkakataon na nating makapasok. Mukhang magpapalit ng duty ang mga security?” saad ni Paulo. Mula sa kanilang puwesto seryoso nilang pinapanood ang ginagawa ng mga security. “Maghanda ka na Allen, tuloy ang plano natin.” “May magagawa pa ba ako. Para sa ikakatagumpay ng misyon natin, kaya gagawin ko ito,” litanya ni Allen. Tumayo ito at kinuha ang bag na dala. “Reregalohan kita ng amazonang babae, kapag nagtagumpay tayo,” kantiyaw ni Bettina sa tabi ni Paulo. Katulad ng binata, pinapag-aralan rin nito ang mga kilos ng security. Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Paulo sa dalaga. “F*ck, Bettina!” M

