Brent POV
Nakaramdam ako nang maghapong inis sa sarili ko na kahit gusto kong lapitan si dindin ay diko magawa. Oo, dissappointed ako dahil hindi niya parin ako tinatanggap. Selos? Oo dahil pakiramdam ko gusto niya parin ang Kurt na yun.
Isa pa ang ang nagpapahina ng loob ko ay ang hindi ko masabi ang totoong estado ng buhay namin. Ayoko na doon niya ako tingnan at kaawaan kaya aayusin ko muna lahat ng gusot na meron ako bago ko sabihin ang lahat sakanya.
Hindi ko inaasahan ang pagdalo ng pinsan ko na si Mika na galing pa ng Australia para lang kamustahin at dalawin ako dito. Hindi na ako magtataka kung nakwento na lahat ni Leo sakanya at tanging sadya nalang niya ay makita ang babaeng gusto ko. Naramdaman ko rin na mukhang nagpapansin si dindin at gustong kunin ang atensiyon ko pero kunwaring hindi ko siya napapansin at natatawa nalang ako bigla sa harapan ni Mika at dahil takang taka naman ang babaeng to ay nakipagtawanan narin sa akin. Ibang iba talaga ang epekto sakin ni dindin na kahit sa konting kilos lang niya ay napapangiti na ako, how much more kapag naging akin pa siya. I can't wait that to happen.
"You're inlove cousin, I think I should tell that good news to tito" masayang sambit niya.
"No! She didn't know anything about me aside from what have I said to her" pagpapaliwanag ko. Hindi sa ayaw kong sabihin ang totoo kay dindin pero masyado pang masakit sakin para alalahanin ko ang lahat sa pamilya ko. "And do you think he can give you that time to listen if its all about me? After he threw me here like I'm not his son?" Gigil kong sinabi ang nararamdaman ko. I hate him so much.
"Hey Brent, He still your father. Yes, he did send you here because he wants you to live a normal life. And one thing more, he wants you to be happy." Pag aalalang sabi ni Mika.
Tumawa ako ng mapakla "Live a normal life? To be happy? Wow! How nice!" Tumayo ako saka tumingin kay Mika. "Tell him that I don't need his help, that time he threw me here, I abondoned him as my father. My parents are dead already."
At tumungo ako agad sa Kitchen para tumulong sa mga gagawin pang iba. Hindi ko na naabutan si dindin dahil naunang nagpaalam na daw ito. Good thing nadin para hindi niya makita ang itsura kong nakipag usap sa pinsan ko. I hate this kind of feeling lalo na pag tungkol ito sa walang kwentang ama ko.
Natapos lahat ng trabaho at umuwi narin ako. Nakauwi ako na hindi nagtetext si dindin sa akin kung nakauwi na o hindi. Nasa sasakyan parin ako nang tinatawagan ko siya pero nagriring lang ang phone niya. Nag alala na ako at tinawagan ko ang kuya niya kung nasa bahay na nila.
"Is she there?" tanong ko kay kuya Henry na nasa kabilang linya.
(Yup, pero hindi maipinta ang mukha nung dumating dito. Parang dinaanan ng maraming bagyo. May nangyari ba?) tanong niya sa akin na hindi ko rin naman alam ang dahilan.
"I dont know, she didn't even tell me that she went home already." Sabi ko nalang kasi di ko talaga alam ang rason niya. Maski ako gulat.
(Maybe, you should come here. Alam ko naman na ikaw lang ang gamot nong topak non ehh) sabay tawa niya.
Alam nang kuya niya na gusto kong ligawan si dindin pero syempre sa magulang nila ako unang nagpaalam bago ko sinabi kay dindin ang plano ko pero she rejected me so many times. Mas happy daw siya na maging magkaibigan nalang kami kasi mas komportable daw siya roon. And one more thing, ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin which is madali lang naman solusyunan yun.
" Okey, I'll go there" tanging sabi ko bago pinatay ang phone at saka pinaandar ulit ang sasakyan at tumungo sakanila.
Henry POV
Napahawak ako sa batok ko sa sobrang dami ng trabaho sa opisina. Hindi naman halata na pinapahirapan talaga ako ni papa sa trabaho na ito. Naka out of town kasi sila ni mama at papa dahil anniversary nila, bawal daw istorbo kaya dina kami sinama kaya sobrang inis ko na sa akin pala iniwan lahat ng trabaho niya sa opisina kaya eto ako ngayon. Stress... Namimis ko tuloy gumimik na gaya nang ginagawa ko noong nag aaral ako, kasama ang mga barkada ko na go na go kahit saan kami magpunta. Nasaan na kaya yung mga yun? Ilalabas ko na sana ang phone ko nang marinig ko ang isang busina ng sasakyan sa labas. Agad akong tumayo at tumungo sa pintuan at binuksan ito. Tama nga ang hinala ko, ang lover boy ng kapatid ko na si Brent. Ewan ko ba kung ano ang nakita niya sa kapatid ko at ang lakas ng tama niya. Sayang lang kagwapuhan niya sa kapatid ko pero siyempre mas gwapo parin naman ako sakanya.
Binuksan ko ang gate at pinatuloy ko siya.
"Seryoso ka ba talaga sa kapatid ko? Pwede ka pang maghanap ng iba habang hindi ka pa nakatali sakanya." Bungad na pabirong sabi ko. Kilala na ko nito ehh kahit sinasabi ko yun. Kung ang ibang lalaki siguro ang nakarinig non ay iisipin nilang ayaw ko sila para sa kapatid ko which is kabaliktaran, ayaw ko ang kapatid ko para sakanila haha, ang bait kong kuya noh pero siyempre joke lang yun, mas mahalaga parin sakin ang kaligayahan ni Faye.
"I won't stay this longer if I'm not serious." Nakangiting sabi ni Brent. Hanga na talaga ako sa taong to. Sana nga ikaw na ang Mr. Right niya para makatakas na siya sa kalokohang ginagawa ko sakanya.
"Good luck" sabay tapik ko sa balikat niya "diretso ka nalang doon sa kwarto niya, tiyak matutuwa yun pag nakita ka." Sabi ko sabay talikod papunta sa library. At dahil naiinis ako sa trabaho ko ngayon ay tinawagan ko si James para yayaing mag bar para makalibang libang nadin at good thing din dahil kasama niya rin si Jack at dahil hindi ako nabigo sa pagtawag ay agad kong kinuha ang walet at susi ng sasakyan ko saka lumabas.
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ng kapatid ko, nanibago ako dahil ang tahimik ata nila ngayon. Pupuntahan ko sana sila nang biglang nagring ulit ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Clinton.
"Napatawag ka pre." Sagot ko sa tawag habang papalabas ako ng pinto.
(Nagyayaya pala kayong magkita kita pero di niyo ako niyaya?) Tampong sabi niya.
"Sa bar kami pre, iiwan mo ang asawa mo?buntis yun kung nakakalimutan mo." Pagpapaalala ko. Siya palang kasi ang nag aasawa sa aming magbabarkada.
(Hinatid ko siya sa hotel. Kasama niya ngayon si Mika pre. Dumating na pala siya?) Napatigil ako sa paglagay ng susi sa pintuan ng sasakyan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Dumating na siya?
"Really? That's good." Tanging nasabi ko. Hindi ko alam pero para akong naexcite o nadismaya dahil hindi ko man lang nalaman na dumating siya.
(What does your tone mean? Hindi mo alam?) Tanong niya pero di ko pinansin.
"Same bar pre. Kita nalang tayo don." At pinatay ko ang linya.
Sinandal ko ang ulo ko sa head rest at pinikit ang mga mata ko. Gusto ko siyang makita pero naduduwag ako, nasasaktan sa ginawa niya 6 years ago. I can still remember everything and I admit that even my feelings are still the same until now. Nagkibit balikat ako at binura siya sa isipan. Pinaandar ko na ang sasakyan saka tinungo ang pagkikitaan naming magbabarkda.