Geraldin POV
Narinig ko ang boses niya kanina pero bakit di pa siya pumapasok? Nakalock ba ang pinto?Tumayo ako sa pagkakahiga ko kanina at lumapit sa pintuan para mapakinggan ko kung nasa labas ba siya at icheck na rin kung nakalock pero hindi naman. Saan kaya siya pumunta? Narinig ko rin ang pag alis nang isang sasakyan sa labas at napabuntong hininga ako na baka siya rin yung umalis.. Bumalik ako sa kama at inihiga ulit. Biglang tumunog ang tiyan ko at saka ko lang naalala na hindi pala ako kumain sa restaurant bago ako umuwi. Sobrang inis ko kasi kaya pati tiyan ko nakalimutan kong kargahan.
(tok tok tok)
Napabalikwas ako sa gulat. Sigurado nanaman na si kuya yan at pagtritripan ako. Bahala siya diyan at di ko bubuksan ang pinto. Tinalukbong ko ang kumot sa mukha ko para di niya ako makita kung sakaling bubuksan niya ito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at paglapit niya sa akin pati narin ang paglubog ng kama na sigurado akong doon siya umupo.
" Get up and eat dindin" medyo pautos na sabi. Tama ba naririnig ko? Boses ni Brent? Andito pa siya? Sinilip ko kung tama yung boses na nasa isip ko at shocksss! Siya nga! Akala ko umalis na siya, bat andito pa siya, teka? Sino yung umalis? Si kuya ba yun?
"I said get up" kinuha niya bigla ang kamay ko at hinilang pinaupo. Kinuha niya yung maliit na table at inilapag sa harapan ko at inilagay ang mga pagkain na niluto niya. What? Nagluto siya para sa akin? Bigla tuloy akong napangiti na nakatingin sa mga mga inilapag niyang pagkain sa harapan ko.
"Tititigan mo nalang ba yan? Baka tumakbo mga yan." Medyo natatawang sabi niya.
Tiningnan ko siya nang masama. Pinagloloko pa talaga ako ngayon ahh. Dapat ipakita kong galit ako sakanya.
Nagcross arm ako saka tumagilid para hindi siya makaharap.
" Bat nandito ka? Bakit di mo kasama yung magandang babaeng masayang kakwentohan at katawanan mo kanina sa restaurant?" pagsasaad ko para magets niya agad bakit ako naiinis sakanya.
He chuckled and I found it cute..Oopppss. galit ka dindin, galit ka!!
"Are you jealous?" habang natatawa sa itsura kong naiinis sakanya.
Ayy, wait! Ano daw? Selos? Ako?
" Hindi noh!! Huh!! Bat naman ako magseselos? Aber?" Medyo may pagyayabang na sabi ko dahil tiwala ako sa sarili ko na hindi selos ang nararamdaman ko.
" Why you bothered with the girl I am with awhile back? Isn't that you're jealous? If not, why you are mad?" Nakangising sabi.
Aba!! Hindi ko alam, basta nakakainis lang na masaya lang siya sa iba and I hate this kind of feeling, nakakaconfuse din minsan.
"Malay ko kung masaya ka lang sakanya samantalang kanina lang bago tayo nakarating doon ay hindi mo na ako iniimikan. Nakakainis kaya yung ganun, tapos makikita kita na nakikipagtawanan at masayang nakikipagkwentohan doon sa babae na kanina mo lang nakilala" inis parin na sabi ko. Ang bigat kasi sa pakiramdam kung hindi ko mailabas sakanya ang nasa loob ko.
" I'm sorry" he said it with a low voice." I didn't meant to make you feel that way, actually, that girl you're talking about is my cousin." Lumaki ang mata ko sa narinig ko at tumingin sakanyang gulat ang mukha. Seryoso? Pinsan niya yun? Bat di niya sinabi sa akin? Shockss, nakakahiya! Agad kong tinakpan ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Sana di ko nalang sinabi yun at inimbistigahan muna sana. Haisstt.
Narinig ko siyang tumatawa at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa mukha ko. "You're so cute when you're jealous" tawang tawang sabi.
Kainis lang, tuwang tuwa sa kahihiyan ko!
"Don't worry, ikaw lang ang babaeng nagpapasaya sa akin, kahit paulit ulit mo akong ireject, hindi ako magsasawa, coz I've promise already to God that you will be the girl that I will love for the rest of my life." Seryosong pagkakasabi niya. Seryoso? Sa Panginoon siya nagpromise? How sweet!! Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag iinit sa mukha ko. Sana naman makisama ang sarili kong katawan para hind na ako totally na mapahiya sa taong ito.
Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya habang nakatingin parin sa akin. Konting konti nalang talaga at mapapasigaw na ako sa kilig ko. Di ko lang mailabas at baka dagdag pa sa kahihiyan ko ngayong araw.
"Thank you" tanging nasabi ko. Di ko alam kung anong sasabihin ko ehh. First time makarinig ng ganyang mga line tapos galing pa sa taong ito. Parang mas lalong nagwawala ngayon ang mga bulate ko sa tiyan sa paraan ng titig niya sa akin. Di ako makapagconcentrate kung ganyang titig na nakakatunaw ang makikita mo sakanya..
"you should eat now and take a rest after." Pagputol niya sa isang minutong katahimikan sa pagitan namin saka tumayo.
"Ikaw? Hindi ka ba kakain? Marami itong niluto mo. " pagkasabi ko para mapigilan ko pang huwag muna siyang umalis.
Tumingin lang sa akin na parang nagdadalawang isip kung tatanggihan niya ako o hindi.
"Hmmm. In one condition." Habang hawak ang baba na parang nag iisip.
Aba! Saglit at ikokondisyon ko muna ang sarili ko sa hihingin niyang kondisyon sa akin.
"Anong condition naman yan?" Tanong ko? Medyo nakahanda na ako konti.
"I will accept your offer if you will also accept my offer" nakangiting sabi na parang nagegets ko na ang gusto niyang sabihin. Ang tanong, handa na ba ako? Sa tingin ko wala naman mawawala diba kung hahayaan ko siya.
"Then, anong offer yan?" pagtatanong ko para hindi ako mapahiya sa isip ko.
Humarap ulit siya "Allow me to be your more than friend" biglang nag init ang buong mukha ko. "Let me court you Ms. Geraldin Faye Alejandro."
Feeling ko nag aapoy na ako at napapaso na ako sa mismong sarili ko. Naririnig ko narin ang pag uunahan ng kabog ng dibdib ko.
Ano ba ang isasagot ko? Pati isip ko parang nawawala narin sa suwistyon pero isa lang ang naiisip ko ngayon, ayaw ko nang makita ang mukhang dismiyado ni Brent.
Huminga ako ng malalim. Sana maging tama ang desisyon ko ngayon.