Geraldin POV Humarap ulit siya "Allow me to be your more than friend" biglang nag init ang buong mukha ko. "Let me court you Ms. Geraldin Faye Alejandro." Kung tutuusin ay wala namang problema kay Brent. Ramdam kong sincere siya sa akin at wala na akong hahanapin pa sa mga ginagawa niya para sa akin. Yung pagiging pasensosyo niya? Sapat na yun para makita kong seryoso siya sa akin. NaSa akin lang talaga ang problema. Hindi ko alam kung bakit parang takot akong mahalin siya. Dahil kaya baka hindi ko maibigay ang tunay na pagmamahal na dapat maibigay sa kanya? O hindi ko lang makita sa sarili ko na karapat dapat ako sa pagmamahal na ibinibigay niya. I don't know, pero isang bagay lang naiisip ko. Ayaw ko na siyang nakikitang nasasaktan dahil lagi kong pinipili ang friendship namin. Well,

