Geraldin POV "Nangyari sayo dindin? Parang namula ka diyan?" tanong niya. Kapansin pansin ba naman kasi ang pamulamula ko. "Wala. Biglang uminit dito sa library ehh. Labas na tayo" yaya ko para kumalma nadin ang pamumula ko. Kinapa ko ang tubig ko sa bag ko at uminom. Kasalanan to ni Brent ehh. "I should go na Brent, my class na ako. Ingat ka!" sent sabay tago sa bag ko ang phone ko. Habang naglalakad kami papuntang classroom ay hindi namin inaasahan ang makakasalubong. Siyempre ang agaw eksenang si Chloe na pakaway kaway pa sa iba na waring isang beauty queen na naglalakad habang nakakawit ang kamay sa braso ni Kurt na diretso lang ang tingin. Simula nang naging sila hindi ko na masyadong nakikita ang ngiti niya. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung masaya ba siya sa piling ni Chloe?

