Geraldine POV
Kanina ko pa tinatawagan ang lalakeng yun pero di niya sinasagot. Gutom na ako at malapit nang lumagpas sa oras ng tanghalian ang orasan ko. I gasped. Busy ba siya masyado?
Siguro nasa restaurant pa siya ni tita, 1 year na siya actually doon at masaya akong nakikita siyang masayang nagtratrabaho doon na walang reklamo.
Brent and I we're bestfriend for half year now. Since noong nirecommend ko na siya kay tita ay palagi na ang monitor ko kasi nakakahiya kay tita claire kung di pala siya sanay sa trabaho since yun ang unang impression ko bago ko siya dinala sa restaurant.
His skin, actions and even his whole human being doesn't fit him the work given. Pinakilala niya ang sarili niyang ulila na siya at wala nang magulang kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na irecommend siya kay tita kapalit nong accidente ko siyang nabato.
Nasabi din ni tita sa akin na tumaas daw ang sales nila nung dumating si Brent dahil sa karisma niyang taglay upang hilain ang ibang mga customer na kumain sa restaurant. Halos mga babae pa at halatang pacute pa sila sakanya pero natatawa nalang ako kapag dedma lang sakanya at parang hangin lang na dumadaan ang mga sinasabi nila sakanya.
Minsan natatawa nadin ako kapag inaasar nila ako na bat di ko nalang daw kasi hayaang ligawan ako dahil halata naman na wala siyang ibang gusto kundi ako lang. Ayaw ko naman isakripisyo ang pagkakaibigan namin para sa isang relasyon na hindi pa talaga ako ready. Satisfied na ako sa anong meron kami at masasabi kong masaya naman kami sa isa't isa.
Nagtanong nadin ako tungkol sa pamilya niya pero ang sabi lang niya sa akin ay hindi daw niya sila maalala, so ibig sabihin ay ulilang lubos na siya. Naidala nadin niya ako sa condo niya pero hanga ako kasi halos mamahalin ang laman pati mga interior designs ay di mo aakalaing makakayang bilhin ng sweldo lang niya pero sabi naman niya, tulong din daw ng mga kaibigan niya so naniwala nalang ako.
"Dindin?" tawag ng isang pamilyar na boses ng babae. Liningon ko siya, I mean sila dahil kasama niya si Kurt, ang ilang taong crush ko pero boyfriend na ngayon ng ex bestfriend ko na si Chloe. Nabalitaan ko nalang na sila 2 months ago. Medyo nasaktan ako non pero di ko iniyakan yun bagkos tinanggap ko nalang ng bukal sa puso.
Totoo nga pala yung sinasabi nilang wag kang maglagay ng bridge sa pagitan niyo ng crush mo kasi instead na kayo ang magkatuluyan, sila ang magkakamabutihan. Di ko rin maintidihan kung paano nangyari pero gulat nalang ako nang isiwalas sa akin ni Betty, ang pinsan ni Kurt na sinisiraan pala ako kay Kurt, at sa huli, sakanya siya naniwala at yun na nga, nalaman nalang namin na sila na.
Pagkatapos non ay di na niya kami pinapansin at parang hangin nalang kaming dinadaanan niya since may ibang circle of friends nadin ang babaita. Nanggigil din ako minsan at gusto ko siyang sumbatan at saktan pero para saan pa kung ako rin ang magiging masama pagkatapos.
"Hi!" Tanging sambit ko sa pagkikita namin at binigyan ko lang sila ng maliit na ngiti.
"Are you waiting for someone?" Tanong niya sakin na nakangisi. Halata ba na may inaantay ako?
"Yes," Tanging sambit ko para halatang ayaw kong makipag usap sakanya.
"Oh, really. Your boyfriend?" Tanong niya ulit na parang gusto akong hulihin.
Sasagot na sana ako nang magring ang cp ko at nakita ko ang pangalan ni Brent sa screen. Nilingon ko sila at parang inaantay nila ang sagot ko. Isang nakakalokong ngisi amg sumilay sa aking bibig bago ko ito sinagot.
"Hello Babe!" Bungad ko kay Brent na nakangiti ako na kitang kitang dapat nilang dalawa.
(What? You called me babe?)
"Where are you babe?" nakangiti parin ako para sweet parin kunwari na nakikita nila.
(Tsss. I'm on my way)
"Okey babe, I will wait for you, I love you?" sabay pinatay ko na para hindi na siya makasagot sa sinabi ko.. magpapaliwanag nalang ako mamaya.
Siguro naman ay maiintindihan niya ang paliwanag ko mamaya since may alam din siya patungkol kay Kurt.
"Soo happy for you dindin," sabi niya na sapat nang marinig nang kasama niya "atlist tanggap mo na talagang hindi para sayo si Kurt" sabay bulong sa akin. Kumulo bigla dugo ko. Okey na sana ehh kaso yung huling sinabi. Haharapin ko na sana siya nang hilain na siya ni Kurt na umupo sa kabilang side. Hindi ako pinansin ni Kurt na feeling ko para ako pa ay may kasalanan ngayon. Parang nag iba bigla timpla ng araw ko.
Ilang minuto lang ay dumating na yung inaantay ko. As usual, center of attraction nanaman si Brent maski si Chloe na nasa kabilang side ay halos na panganga sa angkin kagwapuhan ng kaharap ko. Ngayon ko lang kasi niyaya ito dito sa coffee shop bilang treat ko dahil tinulungan niya ako sa proposal ko sa restaurant na pag o OJT han ko, sa VF Hotel and Restuarant. Actually sikat ito at nasa Top 1 siya bilang best Hotel and Restuarant dito sa Pilipinas at dinadayo pa ng mga dayuhan sa mala unique na ambiance at treatment. Mahirap makapasok don pero sa lalakeng to ay walang kahirap hirap na natulungan ako. Kaya ngayon ay super thankful ako sa lalakeng ito.
"What was that for?" Tanong niya sa akin habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Ito ang ayaw ko minsan sakanya lalo na pag seryosong nakatingin sa akin ehh, nakakatakot pero kailangan kong magpanggap na hindi apektado sa aura niya.
"It's just an act" sabay ngiti para maging komportable ako sa way na pagtingin niya sa akin. Lumingon siya sa paligid at nagets niya agad kung bakit nagawa ko yun.
"You can stop that act if you will allow me." Eto nanaman tayo ehh. Nag init bigla ang mukha ko sa mga ganyang linya niya, hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Sobrang tsaga at understanding niya sa lahat ng bagay, halos lahat na ata ng kalokohan at sekreto ko alam na niya, hindi ako naiilang gawin ang lahat ng bagay sa harapan niya pwera lang ang umutot kasi alam kong nakakahiya lalo na pag may amoy. Isang kahihiyan para sa babae yun.
"Talaga bang seryoso ka sa akin?" tanong ko, pero siyempre alam ko na sagot.OO yan, halata naman.
"Do you want me to prove it?" may paghahamong pagkasabi. Minsan hindi na ako naniniwala na mahirap talaga ito kasi sa way na pag english nang deretso ehh hindi mahahalata na galing sa mahirap na buhay talaga.
Tumawa ako "Uiy, wag ka nga! Alam mo ikain nalang natin to!" sabi ko para hindi maging awkward ang presence ng bawat isa. Nakakailang lang kasi na ganyan ang usapan namin.
"Tss. You're ignoring me again" napailing siya at kita ko ang dismiyado sa mata. Alam kong binabasted ko nanaman kasi siya sa paraang ito.
"Please Brent, wag ngayon." Pagmamakaawa ko.
Huminga siya ng malalim at pinatitigan ako hanggang nasilayan ko ang pag angat ng magkabilang sulok ng labi niya at tumango.
"Thank you." I mouthed.
Kinain namin ang niluto kong baon pero di ko parin nakikita ang kaibigan ko sa katauhan ng kaharap ko. Halos hindi ko malunok ang mismo kong niluto dahil hindi parin niya ako iniimikan. Niyaya ko siyang lumabas at kumain dito pero mukhang hindi naging maganda ang resulta.
Give me time Brent. Not now please.