Chapter 1

1048 Words
Geraldin POV "Hoy! Geraldin Faye Alejandro, gumising ka na nga, malelate nanaman ako!" rinig na rinig ko ang sigaw at katok sa pinto ng magaling kong kuya. Napabangon ako saglit at nilingon ang paligid at baka may paing inihanda nanaman ang magaling ko kuya. Ang hilig niyang manira nang araw kaya inis na inis ako kapag siya ang una kong nakikita pag umaga. No choice ako dahil nakikisabay lang ako sakanya pag pumapasok sa school. Graduating na ako sa kursong Human Resource Management in short HRM. Papasok nalang ako para pasukan ang mga natitirang dalawang subjects at 2nd sem kami mag aapply para sa On-the Job Training namin. Actually mas excited pa ako sa paparating na OJT ko kesa sa pagpasok sa school. Love na love ko ang kursong kinuha ko kaya hindi ako masyadong nahihirapan sa mga requirements at kung ano pang binibigay nang professors namin sa amin. Tumutulong din ako sa Restuarant ng Tita ko kapag wala akong pasok, kumbaga parang hinahanda ko narin ang sarili ko kapag nagkaroon ako ng sarili kong Restaurant. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at baka may mga balde na may tubig ang bubuhos sa akin o kaya naman madudulas nalang ako dahil may dishwashing liquid na nabuhos sa floor. Para tuloy akong magnanakaw sa itsura ko at linilingon ang labas ng kwarto ko. Nag iingat lang sa malademonyong ugali ng kuya ko. Kung bakit naman at ako ang paborito niyang pagdiskitahan. Tumungo ako sa kusina na hindi ko pinapansin ang magaling kong kuya na may topak, nakangisi ba naman akong tinitingnan na parang may masamang planong nag aantay lang ng oras para gawin yun. Bigla tuloy akong kinabahan nginit hindi ko nalang pinahalata at hindi siya pinansin. Inirapan ko pa siya at ingat na tumingin sa paligid na baka nga tama ang kutob ko sa masamang balak niya. Hiling ko nawa na dumating na ang babaeng makakapagpatino na sakanya para hindi ganito ang nangyayari sa akin. Pag upo ko ay saka lumabas si Mama galing ng Kitchen na dala dala ang paborito kong Sinigang na Bangus at siyempre mga nilagang gulay na fresh from backyard. Ugali ni Mama ang nagtatanim kaya may malawak na gulayan kami sa likod na yun ang pinagkakaabalahan kapag hindi mo makita dito sa loob. Siyempre sa Mama ko rin namana ang pagiging magaling ko sa pagluluto kaya ako ang paborito niya saming magkapatid .. minsan balimbing din kasi ang kuya ko sa Mama ko at sinasapawan ako.. Mabait naman talaga si kuya Henry pero hindi ko mawari anong ugali minsan ang meron siya kasi parang mas asal bata pa siya kesa sa akin. Kung attention lang ay mayaman yan dahil hindi lang sa amin nakakakuha ng attention kundi pati mga employees nila sa Company ay sobrang hinahangaan siya. Nagtratrabaho na kasi siya sa kumpanyang pag aari ngayon ni papa na minana niya sa lolo ko, ang Alejandro Real State Company Incorporated kaya kahit papaano ay kailangan niya ring magseryoso. "Ako na nag maglalagay nang pagkain mo Faye"nagulat ako sa sinabi niya kasi first time niyang gawin ito sakin. Pamilya ko lang tumatawag sa akin ng 2nd name ko. Napangiti naman ako sa kuya ko sa kabaitang ipinakita niya, parang nawala pa tuloy yung masamang pakiramdam ko na parang may panibagong plano nanaman siya ngayon. Siguro nagsawa na sa mga kalokohan niya kaya maiba naman siguro, kaya ngayon ay magpapakabait naman siya kahit nagyong araw lang. Nang nalagyan niya ng kanin ang plato ko na hindi ko namamalayan ay kumuha na ako ng sabaw at naglagay na ng gulay sa plato ko. Dahil sa bango ng ulam na nasa harap ko ay nilakihan ko ang subo ko at nginuya na animoy sarap na sarap sa kinakain ko. Sa Pang apat na subo ko ay napahinto ako dahil sa init na nalasahan ko na lumukob sa buong mukha ko. Asar! Nilagyan niya ng sili ang pagkain at sa paano niyang ginawa yun? "AAAHHHHHHHHHHH" Tumakbo ako sa kusina at kumuha ng baso at kumuha ng malamig na tubig sa fridge saka ko ininom. Rinig ko ang malakas na tawa niya sa kusina habang sinesermonan siya ni mama. Pulang pula ang buong mukha kong lumabas sa kusina habang ramdam ko parin ang init sa bunganga ko. "KUYAAAAAAA, lagot ka sa akin" saka ako kumuha ng walis para maihampas ko sakanya pero biglang dumating si Papa kaya binaba ko rin agad. Ayaw kasi ni papa na nagkakasakitan kami ni kuya pero ang unfair, ako lagi ang nahuhuli kapag gaganti na ako sakanya kaya ako rin ang napapagalitan. Unfair noh? nasaan ang hustisiya? pero ako parin naman ang favorite ni papa. hahaha "Anong nangyari sa mukha mo Faye? " tanong ng Papa ko na wariy takang taka dahil sa pulang pula ito. Tumingin ako sa kuya ko na pigil sa pagtawa dahil lumalaki ang butas ng ilong niya. Inirapan ko siya at dumiretso sa upuan ko, ganun din si Papa. "Si kuya po kasi papa, nilagyan ng sili ang pagkain ko." Sumbong ko. "Hen, you're constantly doing this to your sister. Baka mamaya niyan ay wala nang manligaw dito." Biro ni papa na kinakunot ng noo ko. Noon palang na alam ko na na kay papa siya nagmana pero huwag naman sanang ipamukha sakin na pinagkakaisahan nila akong dalawa. Tumingin ako kay mama na humihingi ng tulong ang mata. "Bata pa ang princess ko, huwag niyo munang ibenta sa manliligaw niya." Napangiti naman ako sa sinabi ni mama "At saka andiyan naman si Brent na willing maghintay ehh. Kaya hindi na ako mag aalalang walang manligaw sa prinses ko." Sabay tingin ni mama sa akin na nakangiti. Yung totoo. May kakampi pa ba ako sa pamilya ko? Feeling ko kas pinagkaisahan na nila akong lahat ngayon ehh. Natapos kaming kumain at agad akong pumasok sa kwarto para maligo at magbihis. Pagbaba ko sa hakdan ay nakita kong nakakunot ang noo ni kuya nag aantay pala sa akin. Tiningnan ko ang oras at napangisi ako dahil pasado 8 na pala at 7:30 pala ang pasok niya. "Faster Faye. Late na ako." Mainit ang ulong sabi sa akin pero imbes na bilisan ko ay dahan dahan akong bumaba. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay na nakatingin sa akin at ngumising sinabi sa isip ko. "Sa wakas! Nakaganti rin ako. Ano ka ngayon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD