Xandra POV Hindi ko inaakala na ang lalakeng nasa harapan ko ay ang lalakeng tinutukoy ng pinsan ko na kasama ko kagabi. Nalaman ko rin na siya ang tumulong sa akin sa grupo ng mga lalaki na nangbabastos sa akin. Haisstt.. di ko talaga maalala ang nangyari kagabi. Nagpasalamat nalang ako at wala naman akong ginawang kahihiyan kagabi kasi kung meron ay wala na akong mukhang ipapakita sakanya. Buti nalang at nakisama naman ang katawan ko at nagbehave naman. Pinuntahan niya ako dito sa bahay since nagmamadali naman pala siya. Hindi ko narin siya naentertain at agad naman kinuha ang walet niya at nagpasalamat. Pumasok din ako agad sa kwarto. Ang boring talaga dito. Gusto kong lumabas pero alam kong sasatsatin nanaman ako ng pinsan ko. Kakaasar lang ang boses at ugali non. Umupo ako sa kam

