Kurt POV "What the hell!!" biglang bangon ko dahil sobrang late na akong gumising at sumabay pa ang pagsakit ng ulo ko dahil kagabi. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko na uminom ng ganun karami pero kahit ilang bote na ang nainom ko ay nararamdaman ko parin ang sakit. Kumuha nadin ako ng isang room para makapag isa ako at makapagwala kung kinakailangan kong magwala sa nararamdaman ko. Flashback Lumabas ako ng VIP room para magCR saglit pero bago pa ako makarating ay napansin kong may mga grupo nang lalaki na parang may binabastos na babae dahil napansin ko tinutulak tulak pa niya ito. Kahit may tama na ako ay kaya pa naman magprocess nang utak ko lalo na kung nakikita kong hindi maganda sa paningin ko ang ginagawa nito. Napansin kong sinampal pa ng babae ang kaharap niyang lalake d

