Chapter 4

1805 Words
“Tapos ka na bang kumain?” Tanong niya. Tumango ako. “Yeah, kumain ako sa canteen kanina.” Hindi nakaligtas sa akin ang malalim niyang paghinga. “I see.” Sagot niya. “How was your study going?” “Okay lang naman. Medyo nakakahiya nga kasi masyado na akong matanda pero nagpapasalamat pa rin ako at hindi nila ako binu-bully.” Natatawa kong sabi. Naririnig ko ang pagtawa niya. “No one will bully you, especially when they know you're related to Maya.” Mukhang ito nga siguro ang dahilan kaya hindi ako nakarinig ng mga negatibong salita mula sa mga kaklase ko. Maya was known to be Spade’s, wife. Kilalang-kilala si Spade bilang isang tanyag na bilyonaryo sa buong Asia kaya hindi na rin ako magtaka kung bakit matatakot sila kay Maya. “Veronica,” “Pwede mo akong tawaging Vern, para hindi siya masyadong mataas,” suhestiyon ko. Ako kasi ang nahihirapan sa tuwing binibigkas niya ang buo kong pangalan. Hindi siya nagsalita. Mukhang wala atang balak umuwi ang lalaking ito. Nakaupo lang kasi siya ngayon sa sofa. Siya lang ang kusang pumasok, alangan naman palabasin ko? Eh, nakapasok na siya sa loob. Tsaka pinsan din siya ni Spade. Mas may karapatan pa siya rito kaysa sa akin. “Can I sleep here tonight?” Tanong nito bigla. “Huh?” “Don’t worry, because I already asked my cousin about it.” Napansin ko na iniwan niya ang sapatos niya doon sa may pintuan. Humiga na siya sa sofa. Para bang siya ang may-ari nitong bahay. Tama bang matutulog siya sa bahay na ito ngayong gabi? Babae ako at lalaki siya… diyos ko! Huwag naman sanang mangyari ang iniisip ko. Bakir? Ano nga ba ang iniisip ko? Umiling ako. Kung anu-ano na lang kasi ang pumasok sa aking isipan. “Pumayag ba siya?” Tanong ko. “Hmm,” sagot niya. Ang mga braso niya ay nakatakip sa kanyang mga mukha. “Sige… saang kwarto mo ba gustong matutulog? Ikaw na lang ang bahalang pumasok doon.” Hindi kasi ako nakapag-handa dahil hindi ko naman alam na makakasama ko pala siya sa bahay na ito ngayong gabi. Sino ba ang nag-aakalang dito pala siya matutulog ngayon? Kung bakit hindi niya kasi pinaalam kaninang umaga pa lang? Wala ring sinabi si Spade at Maya. Tinignan ko siya, nananatiling nakatakip ang mga braso niya sa kanyang mukha. Mukhang pagod na pagod siya ngayong araw na ito. Nilapitan ko siya at ilang minuto ko rin siyang tinitigan. “Ingrid,” naririnig kong usal niya. Mahina ang kanyang pagka-sabi pero malinaw ko itong naririnig. Napansin ko rin ang pag-iba niya ng posisyon sa pagtulog habang tinawag ang pangalan ni Ingrid. Tama nga ako na may something sa kanilang dalawa ni Ingrid. Siya ba ang babaeng minahal ni Landon? Dati kaya silang magkasintahan? O malaki lang talaga ang pagkagusto ni Landon sa kanya? One-sided love kaya ang nararamdaman ng lalaking ito? Kumuha ako ng kumot sa loob ng kwarto ko at saka ko siya kinumotan. Umupo ako sa sahig at pinagmasdan lamang ang likuran niya. Hindi ko maiwasan ang humanga sa likuran niya. “Veronica,” naririnig kong usal nito kaya napatuwid ako ng upo. “Marry me,” Ano? Pati ba sa panaginip niya? Gusto niya akong pakasalan? Hindi ko maiwasan ang humahagikhik dahil sa aking narinig. Naloko na! Ilang minuto ko rin siyang tinitigan bago ako nakapag-desisyon na pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko ang picture frame naming dalawa noong araw ng kasal ni Maya. Hindi ko maiwasan ang kiligin, sa totoo lang. Bagay na bagay kaming dalawa rito. Para kaming totoong magkasintahan. Nakatitig lamang ako sa kanya habamg siya ay sa camera nakatitig. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya. Halatang-halata nga na may gusto ako sa kanya. Sinadya itong binigay ni Maya sa akin. Hinaplos ko ang mukha niya sa litrato. Ang ganda ng pagkakangiti niya rito. Ang mga mata niyang kulay abo ay ang ganda tignan. Nababagay lang din sa kanya ang makapal na kilay. Perpektong-perpekto ang kanyang mukha. Para talaga siyang isang artista sa Hollywood. Ibinalik ko sa drawer ang litrato saka ko ipinikit ang aking mga mata. Hinayaan ko ang aking sarili na hilain ako ng antok. Kinabukasan, ay nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw na matatanaw lang mula sa may bintana. Inayos ko muna ang aking higaan bago ko itali ang mga kurtina sa may bintana. Tinignan ko ang orasan. Alas-cinco pa lang ng umaga kaya lumabas na ako para sana dumiretso sa kusina. Ngunit naabutan ko si Landon doon, walang suot na damit. Naka-apron lang ito kaya mabil na tinakpan ko ang aking mga mata. Diyos ko! Ang virgin eyes ko! “Ginagawa mo dyan?” Saway ko sa kanya habang ang mga mata ko ay tinakpan. Naririnig ko ang munting pagtawa niya. “Cooking for our breakfast.” “Bakit wala ka man lang suot na damit?” Naiinis kong tanong ko sa kanya. “Bakit mo iniiwasan na tumingin sa katawan ko?” “Kadiri! Ang lagkit!” Sagot ko sa kanya. Ang akala ko ay magalit siya dahil sa binitawan kong mga salita pero tumawa lang siya ng malakas. At mas lalo pa siyang tumawa. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng nagluluto na walang damit na suot at naka-apron lang. Tinignan ko kung ano ang niluluto niya. Chicken hotdog, pritong itlog at fried rice ang tapos na niyang lutuin. Magaling din pala siya magluto. Dagdag pogi points talaga kapag marunong magluto ang mga lalaki. Ipinagluto na kaya niya ang importanteng babae sa buhay niya? Tahimik ko siyang tinitignan habang sinusundan ang bawat galaw niya. In all fairness, ang hot nya tignan. Sayang naman kung hindi sila magkakatuluyan ni Ingrid. Gwapo at maganda silang dalawa, tapos pareho pa silang mayaman. “Ano pa ba ang ginagawa mo?” “May nahanap akong manok sa ref, napag-isipan kong gawing adobo para baunin mo mamaya.” “Ano?!” Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya agad kong iniwas ang mga tingin ko mula sa kanya at inilipat ito sa may bintana nitong kusina. “Bakit? Hindi ka ba kumain ng malamig na ulam? Don't worry, pwede naman nating i-microwave na lang sa opisina ni Spade.” Sabi nito. “Naku! Huwag na, noh? Nag-abala ka pa.” “Why not?” “Hindi ako sanay na ipagluto ng iba,” sabi ko sa kanya. Ayaw ko rin na magkaroon pa ako ng utang na loob sa kanya. He smiled at me. “Ngayon lang naman. Sige na, hayaan mo na si Kuya Landon na ipagluto ka,” Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Kuya Landon? Eww! Nakalimutan ba niya na halos magkasing-edad lang kaming dalawa? Actually, lamang pala siya sa akin ng dalawang taon. Pero kahit na… hindi ko feel na tawagin siyang kuya. “Nakakadiri ka!” Prangkang sabi ko sa kanya at nag-sandok ng fried rice at nilagay ko sa malaking plato saka ko dinala sa mesa. Dinala ko na rin pala ang mga ulam doon at ang mga plato, kutsara at tinidor. Bumalik naman ako sa kusina para magtimpla ng kape. Pagkatapos ay bumalik na ako sa mesa at umupo na. Pagkatapos niyang magluto ay sabay kaming kumain na dalawa. “Tapos ka na bang mag-aral?” Tanong ko sa kanya. Masyado kasing tahimik ang hapag kaya naghahanap ako ng pwedeng gawing topic. “Nakatapos ako ng kolehiyo, if that's what you want to know.” “Ganoon ba?” “I became a businessman at the age of twenty-five,” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Talaga?” Bulalas ko, hindi ako makapaniwala. “Mabuti naman at nakayanan mo. Hindi ka ba nahihirapan?” “Not so…. I was a little inspired so, I didn't mind,” nakangiti nitong sabi na para bang naalala ito. Kaya naman pala. “How about you, Veronica? How are you at school?” “Okay lang naman… hindi naman ako nahihirapan. Pakiramdam ko nga ay ako ang pinakamatalino sa lahat.” Natatawa kong sabi. Matanda kasi ako kaya pakiramdam ko ay ako na ang pinakamatalino. “Hindi mo naman kailangan na mag-aral pa. You're just wasting your time. Besides, Spade's there… and he can help you anytime he wants.” “Ayokong umaasa lang sa kanya o kay Maya.” Tumango-tango siya. “Well, I understand that. But… Why are you choosing to study at night?” “Ang sarap kayang mag-aral sa gabi. Pakiramdam ko ay mas matalino ako sa gabi.” Malakas ang pagtawa na hinawa niya “Pagkatapos mag-aral, ano ang susunod mong gawin?” Napangiti ako. “Syempre, maghahanap ng mapapangasawa na kayang tanggapin kung ano ako.” “Bakit? Ano ka ba?” Tanong niya. Napahinto ako sa pagkain at tumingin sa mga mata niya. “Isang mahirap na babaeng walang mga magulang.” “Why can't you marry me, instead?” Napa-ubo ako dahil sa sinabi niya kaya dali-dali akong uminom ng tubig. Nagkatinginan kaming dalawa pero agad kong iniwas ang mga tingin ko mula sa kanya. “Tumigil ka na nga sa mga biro mo. Gusto ko ng lalaking mahal ko at mahal ako.” Bigla siyang tumayo at saka umupo malapit sa kinauupuan ko. “We can get married for convenience. Hindi ka naman lugi sa akin kapag naging asawa mo ako.” ‘Pero hindi magiging maayos ang relasyon natin,’ Gusto ko itong sabihin sa kanya pero parang may pumipigil sa bibig ko. “Ayaw ko nga sa’yo,” “Bakit?” “Masyado kang mayaman. Gusto ko yung simpleng tao, yung hindi masyadong mayaman. Yung tipong nakakain kami tatlong beses sa isang araw at nabibili na namin ang gusto namin sa araw-araw ay sapat na.” Pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang sabayan ang pakikipag-biro niya sa akin. Kaya mas mabuti na maaga pa lang, ay tuldukan ko na ang lahat ng dapat tuldukan. Laglag ang balikat niyang nakatingin sa akin. Tumayo na naman siya at lumapit sa kung saan siya nakaupo kanina. “Basta kapag ako ang naging asawa mo, isa lang ang maipapangako ko sa’yo. I’ll remain loyal and faithful to you. Higit sa lahat, I've accepted who you are.” Inikot ko ang aking mga mata. “Saka na kapag hindi ka na sobrang mayaman.” Sabi ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga ang pagiging mayaman niya ang rason. Ang totoong dahilan kung bakit ayaw kong tanggapin ang alok niya ay dahil hindi ako ang totoong nagmamay-ari ng puso niya. Marriage for convenience. Hindi ako sigurado kung epektibo sa akin iyon. Marami akong insecurities sa buhay. Hindi ako sigurado kung mapapanatili namin na matatag ang pagsasama namin lalo na’t sa simula paang ay iba na ang mahal niya. Kaya habang maaga pa ay mas mabuting tinanggihan ko ang alok niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD