Chapter 3

1743 Words
Kasalukuyan akong nasa opisina. Spade-X Architectural Firm. Ang ganda ng pangalan ng kompanya. Napakaswerte talaga ni Maya sa asawa niya. Ang yaman-yaman nito… at saka, mahal na mahal din siya ni Spade. Paano kaya naitayo ni Spade ang kompanyang ito? Focus lang ako sa pagtatrabaho buong araw. Sa hapon naman ay dumidiretso ako sa eskwelahan. “Nagawa mo ba ang assignment natin?” Tanong ni Ariel, kaibigan ko rito. Siya lang ang pinaka-close lalo na at magkasing-edad lang kaming dalawa. Isang pagtango lang ang naging tugon ko sa kanya. Thirty-two years old na nga pala ako. Alam kong hindi na ako nababagay sa eskwelahang ito dahil sa edad ko pero gusto ko rin na makapagtapos ng pag-aaral. Gusto kong may mapatunayan kaya nagtatrabaho ako sa umaga at nag-aaral naman ako sa gabi. Maya-maya lang ay pumasok na ang professor at kinokolekta ang mga assignments namin. Pagkatapos ay lumabas naman ito. Apat na magkakasunod na subject ang pinasukan namin bago kami pinauwi. Pagtanaw ko sa aking relo, alas-diez na pala ng gabi. “Sabay ka na sa akin,” sabi ni Ariel. Umiling ako. “Huwag na, mag-aabang na lang ako ng traysikel.” Sabi ko. “Sure ka ba? May dadaan pa kaya sa mga oras na ito?” Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya kaya sinikap kong ngumiti para ipakita sa kanya na okay lang ako. “Oo meron pa 'yan,” Niyakap niya ako bago siya pumasok sa loob ng sasakyan. Kumaway siya bago umalis kasama ang kanyang nobyo. Ilang minuto rin akong naghintay ng traysikel, ngunit wala ni isa mang dumaan. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng natitira rito sa may waiting shed. Maya-maya ay aalis na rin sila kapag may dumaang bus. Ako na lang ang maiiwan dito. Nakapagpasya akong maglakad na lamang, baka sakaling may makasalubong akong traysikel sa hindi kalayuan. Nakailang hakbang pa lamang ako ay may isang sasakyan na huminto sa aking harapan. Tiningnan ko ito at binalewala, saka ako nagpatuloy sa paglakad hanggang sa malampasan ko ang sasakyan. Ngunit tila hindi ito tumitigil dahil nakasunod lamang ito sa akin, kaya hinarap ko ito at tinampal ang harapan ng sasakyan. “Ano ba ang problema mo?” sigaw ko, bakas sa boses ko ang inis at kaba. Hindi ko na alintana ang malamig na hangin ng gabi o ang kakaunting ilaw sa paligid. Ang importante, mailabas ko ang takot at pagkainis na kanina ko pa pinipigilan. Bumukas ang bintana at lumabas ang isang lalaki—si Landon. Bigla akong nakaramdam ng kaba at ang pagtibok ng puso ko ay biglang bumilis. Naglakad siya palapit sa akin kaya naman ay umatras ako. Pinili ko ang maglakad palayo sa kanya. Kung kailan napagpasyahan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya ay saka naman siya magpapakita Isang pilyong ngiti lamang ang kanyang pinakawalan. “Hi,” Bati niya. At nagawa pa talaga niyang bumati sa kalagayan kong ito? Hindi niya ba alam kung gaano ako kinakabahan dahil sa biglang pagsulpot niya? Balak kong tumakbo palayo pero bago ko pa magawa ‘yon ay inisang hakbang na niya ang pagitan naming dalawa. Napaatras ako sa gulat ngunit mabilis niya akong nahawakan. “Bitaw,” utos ko sa kanya pero hindi siya nakikinig. Sa halip ay binuhat niya ako papasok sa loob ng kanyang sasakyan at agad naman niya itong pinaandar paalis. “Iuuwi na kita sa inyo… gabi na, baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa daan.” Sabi nito. Ano naman kaya itong kaartehan na ginagawa niya? “Landon, hindi na ako bata. Kaya ko ang sarili ko, okay?” Naiinis kong sabi sa kanya. Tumawa siya ng malumanay. Sapat na para makalimutan ko ang inis na nararamdaman ko para sa kanya. Pero ginagawa ko pa rin ang lahat para lang hindi niya ako mahahalata. “I know… masama bang gusto kitang samahan?” Inikot ko ang mga mata ko. “Bakit mo naman ako sasamahan? Dahil ba wala si Maya at Spade sa bahay? For your information, hindi mo ako responsibilidad.” “Wala lang, naisip ko lang. Ilang araw na rin kasing hindi tayo nagkikita kaya nami-miss ko ang pag-alaga mo sa akin.” Isang masamang tingin ang ginawad ko sa kanya. Agad naman na tumikom ang bibig niya at ang mga kamay niya ay tinaas, para bang sumusuko siya. “Huwag kang pa-fall, Mr. Ruston. Hindi ang kagaya mo ang tipo ko!” Walang preno kong sabi. Naririnig ko naman ang mas malakas niyang pagtawa. Walang ibang nakakarinig sa amin dahil nasa loob naman kami ng sasakyan niya. Bakit naman kaya siya tumatawa sa sinabi ko? Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Patuloy lang siya sa pag-drive ngunit sumusulyap din siya sa akin minsan. “Hindi rin naman kita gusto kaya huwag mo akong pag-isipan ng masama.” Bigla niyang inihinto ang sasakyan at seryosong tumingin sa akin. “I care for you because you’re like a little sister to me, Veronica. I’ll protect you, always.” Little sister. Iyon lang ang tingin niya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Ramdam ko ang lamig sa loob ng sasakyan dahil sa aircon ngunit ang mga mata niya ay nagdadala naman ng kakaibang init. Kapatid lang naman pala ang tingin niya sa akin… kaya bakit niya ako hinalikan sa araw ng kasal ni Maya? Pagkatapos niyang gawin sa akin yun ay iniwan niya ako na puno ng kalituhan at mga katanungan. Siguro dala na rin iyon ng kalasingan niya dahil nalasahan ko ang rum sa kanyang bibig. Pagkatapos mangyari iyon ay hindi ko na siya nakikita pang muli… ngayon lang. Ayaw ko rin magtanong tungkol doon dahil obvious naman na wala siyang pakialam sa halikan naming iyon. Hindi ko kayang harapin ang posibilidad na baka isa lang 'yon sa mga pagkakamali niya o isang simpleng pagkilos na wala akong kahulugan. Hindi ko na lang pinilit alamin, kaya mas pinili kong ipagsawalang-bahala. Pumitik ang kamay niya sa harapan ko, dahilan para kumurap-kurap ako at umiwas ng tingin mula sa kanya. Nanatili pala akong nakatitig sa kanya kanina. “Say something, Veronica. Bigla ka nalang natulala diyan…” “Bolero ka talaga kahit kailan. Paandarin mo na nga ulit ang sasakyan bago pa kita masapak,” sabi ko sa kanya. Isang pagtawa lang ang naririnig ko mula sa kanya. Pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. “Bakit ba mainit ang dugo mo sa akin, ngayon?” Tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Nanatili ang mga titig ko sa harapan. “Was it because of the kiss I stole from you?” Bigla akong na-estatwa dahil sa sinabi niyang iyon. Pati ang paghinga ko, tila huminto. Bakit kailangan niya pang banggitin ang isang bagay na pilit ko nang kalimutan? Ano’ng gusto niyang mangyari? “Landon…” “I was your first kiss, Veronica. Wasn’t I?” Ikinuyom ko ang mga kamay ko dahil sa sinabi niya. Hindi talaga siya titigil? Kumikinang ang mga mata ko sa galit, ngunit hindi ko pa rin siya magawang sigawan. Sa halip, isang malalim na buntong-hininga ang kumawala mula sa dibdib ko. “Wala lang sa akin iyon. Halikang kapatid lang iyon,” sabi ko at pinilit ang sarili na huwag tumingin sa kanya. Pero kahit anong gawin ko, nararamdaman ko pa rin ang init ng kanyang mga mata na tumatagos sa akin. Isang pagtawa na naman ang narinig ko mula sa kanya. “But… I was your first kiss. Right?” Mapaglaro ang mga ngiti na ibinigay niya sa akin. Hindi ko na siya natiis at tiningnan ko na siya. Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. “Darating kaya ako sa edad na ito kung hindi ko pa naranasan ang humalik ng maraming lalaki, Landon Ruston?” Sabi ko habang inirapan siya. Sa isang iglap ay naging seryoso ang mukha niya. Sinadya kong sabihin iyon sa kanya para tumahimik na siya. Hindi ko rin alam kung bakit ang puso ko ay patuloy na kumakabog sa hindi maipaliwanag na dahilan. Naninikip ang dibdib ko bigla. Sinasaktan ko lang ang sarili ko sa sarili kong kasinungalingan. “Sa totoo lang, higit pa sa halik ang nararanasan ko mula sa mga lalaking naging nobyo ko noong high school. Saksi si Maya kung gaano sila karami. Pagkatapos ko silang matikman ay saka ko naman sila binasura. Kaya masasabi kong, may karanasan na rin ako.” Dagdag ko pa. Gusto kong tumigil pero ewan ko ba kung bakit ayaw tumigil ng bibig ko. Isang kasinungalingan na nadagdagan na naman ng isang kasinungalingan. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Siguro iniisip niyang isa akong marumi at bayarang babae dahil sa mga sinasabi ko. Mas mabuti na rin ang ganoon para lumayo ang loob niya sa akin. Nararamdaman ko na naman ang biglang paghinto ng sasakyan. Napansin ko rin ang mahigpit na paghawak niya sa sterring wheel. Ano naman kayang nangyari sa lalaking ito? “Who are they?” “Huh?” Nagtataka kong tanong sa kanya. “Those guys… who are they?” Saglit akong napaisip sa mga naging ex-boyfriend ko. “Rico Garcia, Carlos Reyes, Vincent Santos, Kent Mendoza, Andres Rivera, Albert Navarro… sino pa ba?” Pilit kong inaalala kung may nakalimutan ba ako o wala. Mukhang wala naman siguro. “Ang mga nabanggit ko, sila ang mga naging ex ko. Bakit?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya. Isang malamig na ngiti ang iginawad niya sa akin. “Nothing. Just asking,” sabi niya. Tumango-tango lang ako sa kanya. Ang akala ko ay magagalit siya pero hindi pala. “Veronica,” “Ano?” “Marry me,” sabi niya. Bigla naman akong inubo dahil sa biglaang pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Pero bumawi ako at tumawa. “Baliw ka ba? Hindi natin gusto ang isa't-isa, di'ba? I’m your little sister, remember? You can’t marry your little sister, Landon Maverick.” Natatawa kong sabi, para ipaalala sa kanya ang sinasabi niya sa akin kanina. Now, taste your own dose of medicine, Landon! “J–Just forget about it.” Sabi niya at nagsimula na naman na paandarin ang sasakyan. Ngumiti lang ako, pilit na tinatakpan ang sakit na aking nararamdaman. Alam kong sinasabi niya lang ang salitang iyon dahil nangungulila siya sa presensya ng babaeng mahal niya. At ako ang gagamitin niyang panakip-butas. Ako? Magiging isang panakip-butas? Never! Hindi na ako nagsasalita pa at pilit na kinalimutan ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya kanina. Pa-fall talaga itong lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD