ILANG araw na ang lumipas magmula noong ikinasal si Maya. Usap-usapan ang kasal nila hindi lang sa buong Sta. Lucia kundi sa buong Asya… o baka sa buong mundo pa.
Kasalukuyan akong nakatira sa bahay nila. Ilang beses ko siyang sinabihan na aalis ako at maghahanap ng sarili kong apartment pero hindi niya ako hinayaan. Gusto niyang manatili ako sa tabi niya. Siguro katulad ko, natatakot siyang magkahiwalay na naman kaming dalawa.
Dito na muna ako mananatili hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral. Saka, wala na akong babalikan pa sa Sta. Felipe.
Ang sari-sari store… hindi ko na pwedeng balikan pa iyon. Dahil pag-aari na iyon ng kapitbahay namin.
Nakapagdessiyon akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang asawa ni Maya sa kusina.
“Morning,” kaswal na bati ko sa kanya.
“Morning,” sagot naman nito. Habang tinitignan ko siya, mas lalo kong naalala si Landon. Bakit ba kasi magpinsan silang dalawa? Parang hindi tuloy ako tinatantanan ng pagmumukha nito.
“Spade,”
“Hmm?”
“Can I ask you a question?”
“Sure,” sagot nito. Nakahinga ako ng maluwag pero kinabahan din kalaunan.
Tama ba na tanungin ko siya tungkol kay Landon? Wala naman siguro siyang iisipin na iba? I mean… hindi naman siguro siya magdududa sa akin?
Bago pa ako makapagsalita ay dumating si Maya. Lumapit ito kay Spade at niyakap niya ito mula sa likuran. Binabati nila ang isa’t-isa. Kahit kailan, ang sweet talaga nilang dalawa. Nakakainggit nga, eh. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang tumingin sa ibang direksyon dahil alam ko ang kasunod no’n. Maghahalikan na naman silang dalawa. Para silang magkakambal na tuko na hindi napaghiwalay sa isa’t-isa.
Sa totoo lang, wala na silang pinipiling lugar katulad ngayon na narito ako sa kanilang harapan. Pero naiintindihan ko naman dahil mahal na mahal ni Spade ang kapatid ko.
Kapatid.
Ang sarap lang sa tainga na pakinggan ang salitang ito. Pero mas maganda sana kung magkatuluyan kaming dalawa ni Landon.
Natigilan ako dahil sa naisip ko. Teka, saan ko naman nakuha ang ideyang iyon? Tsaka ano’ng konek no’n?
Magkatapos nilang makipaglandian sa isa’t-isa ay saka ako tumingin kay Maya at bumati.
“Morning, Maya,”
“Morning, Vern,” sabi nito nang nakangiti at tumalikod para magtimpla ng ot chocolate.
“Make me one, sweetheart,” Nakikiusap na sabi ni Spade.
“Ayaw mo na ba talaga sa kape?” Naririnig kong tanong ni Maya, saka umiling si Spade.
“What’s your question again, Veronica?” Spade asked. Bumaling ang tingin ko sa kanya, patungo sa ginagawa niya.
Tama ba na magtanong pa ako?
“Si, Landon at si Ingrid… were they close to each other?”
Huli na. Natanong ko na kay Spade ang mga salitang kanina ko pa pinipigilan na kumawala. Huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko.
Ilang minuto rin itong hindi nakapagsalita… parang may malalim itong iniisip. Ano ang alam niya? Kung bakit ako nagtatanong nito, hindi ko rin alam.
Pakiramdam ko lang kasi… may ugnayan ang dalawa. Dahil ito lamang ang nakapagpalabas ng mga tunay na ngiti ni Landon—mga ngiti na walang pag-alinlangan. Iyon ang nakikita ko.
Kakaiba ang kislap ng mga mata niya kapag si Ingrid ang kanyang kasama. Kaya pakiramdam ko… may ‘something’ silang dalawa.
“Do you like my cousin, Landon?”
Gusto ko ba siya?
Noong una, iyon ang akala ko. Pero kalaunan, mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Vern, you already know the answer to that. May nagmamay-ari na sa puso niya,” Maya said in a soft voice. I’m not allowed to love him.
Nakakaramdam ako ng lungkot. Alam ko naman iyon. Alam ko ang tungkol doon. Pero kahit ngayon lang… hindi ba maaaring mahalin ko siya sa malayo? Kahit iyon lang…
“Hindi ko lang siya gusto… mahal ko na siya,” umamin ako. Wala na akong dapat na itago pa dahil halata naman na may pagtingin ako para sa kanya.
“Veronica,” Spade called.
“Okay lang ako. Sana hindi makarating sa kanya ang ipinagtapat ko.” Matapos kong sabihin yun ay umalis na ako nang nakayuko at dumiretso sa kwarto ko.
Agad akong humiga sa kama habang nakatingin lamang sa kisame… at di nagtagal ay ipinikit ko ang aking mga mata. Binabalikan ang mga panahon noong una kaming nagkikita.
[Flashback…]
Sa San Felipe…
Nagdidilig ako ng mga halaman nang may napansin akong tatlong pigura na paparating. Isang babae, isang lalaki at isang batang lalaki.
Habang palapit sila ng palapit ay mas naging malinaw sa akin kung sino ang babae.
Si Maya…
Nanlabo ang mga mata ko dahil sa aking mga luha. Agad ko itong pinahid at kumurap-kurap para kumpirmahin kung siya nga ba talaga ang nakikita ko.
At hindi nga ako nagkakamali.
“Vern,” tawag niya sa malambing na boses.
Siya nga… si Maya nga!
Kailan ko nga ba huling narinig ang malambing niyang boses? Hindi ko na maalala… pero ang boses niya, kabisadong-kabisado ko pa.
“Maya,” dali-dali kong sabi at niyakap siya.
Dumaloy rin ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Mabuti naman at nakauwi na siya. Hindi ko na pala siya kailangan na hanapin pa dahil narito na siya sa harapan ko. Salamat panginoon at naririnig niyo po ang aking dasal.
“Kumusta ka na? Sino itong mga kasama mo?” Tanong ko habang kumalas mula sa pagkayakap sa kanya.
Agad niyang pinalapit ang batang lalaki. “Xavion, anak. Landon, ito nga pala si Veronica, kapatid ko.” Pagsisimula niya. “Vern, siya si Xavion, ang anak ko… at ito naman si Landon.”
“Asawa mo?” Walang pagdadalawang-isip kong tanong habang nakatitig sa lalaki.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagkagulat ni Maya saka siya umiling. “Pinsan ng fiancé ko,” sabi nito.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Pinsan?
Tiningnan ko ang lalaking may matipunong katawan. Tall, dark and handsome. Iyon ang mga salitang agad na pumasok sa aking isipan. Hindi naman ito ganoon kaitim, kulay tan ang katawan nito–parang laging hinalikan ng araw.
Ang buhok niya ay medyo magulo pero nababagay naman ito sa mukha niya. Agad kong napansin ang mga kukunting balbas sa kanyang mukha. Bagay na bagay rin ito sa kanya. Diyos ko! Kahit na hindi siguro siya maliligo, ang guwapo at ang bango niya pa rin sigurong tingnan at amuyin.
Kahanga-hanga ang mukha ng lalaki. Para itong artista sa hollywood.
Binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Ang mas malala, nararamdaman ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
Gusto ko siya.
Kumurap ako. Saan nanggaling ang mga salitang iyon?
Umayos ako at binigyan sila ng isang malapad na ngiti.
“Pumasok muna kayo sa loob.” Sabi ko. Tamang-tama rin dahil kakatapos ko lang sa pagluluto ng kanin para sa hapunan. Yun nga lang, mukhang hindi naman magkasya sa kanilang tatlo dahil pang isang tao lang ‘yon.
Magsasaing na lang ulit ako mamaya.
“Huwag na, tapos na kaming kumain.” Sabi nito.
Ang lalaking nagngangalang Landon ay nanatiling nakatingin lamang sa akin. Naiilang ako sa mga titig niya pero gusto ko rin siyang titigan kaya tumingin din ako sa kanya.
Naputol lamang ang pagtitigan namin nang lumapit sa akin si Maya saka bumulong.
“It’s not what you think it is… okay? Mahaba-habang estorya. Landon, he was about to kidnap the girl he loved. But he saw us being kidnapped instead. Dinala kami ng kindapper sa may cruise ship, itinali kaming dalawa ng anak ko saka kami iniwan. At nasundan kami ni Landon doon. He was able to save us from the explosion at dinala niya kami sa isang tahimik na isla. Ngayon, naisipan naming bumalik pero nakiusap ako sa kanya na dito ako dalhin.” Sabi nito.
Kidnap? Cruise Ship? Pagsabog?
“Hindi ba alam ng kasintahan mo na magkasama kayo?” tanong ko.
“Siguro iniisip niyang patay na kami sa mga oras na ito,”
Nakataas ang kilay ko na tumingin sa kanya. “At hahayaan mo lang na iisipin niya ang ganoon? Ayaw mo man lang magpakita? Paano kung hinahanap ka pala niya?”
Siguradong nag-aalala na ito ngayon sa kanya.
“Hindi ako sigurado… paano kung wala na akong babalikan?” Tanong niya.
“Paanong walang babalikan?”
Bigla siyang natahimik saka isinalaysay ang mga pangyayari mula sa simula.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala madali ang naging buhay niya sa ibang bayan. Ang dami niya palang naranasan na paghihirap. Nakikinig lamang ako sa mga sinabi niya… hindi ko namalayan na dumaloy na pala ang mga luha mula sa aking mga mata.
“Ano’ng oras uuwi sina Manang Feliz at Mang Simon?”
Umiling ako bilang sagot. “Wala na ang nanay at tatay, Maya. Matagal na silang wala.” Malungkot kong sabi. “Huling bilin nila sa akin ay ang hanapin ka pero masaya ako at ikaw itong kusang nagpapakita. Akala ko nakakalimutan mo na ako—kami.”
Siya naman ang umiling ngayon. “Huli na pala ang dating ko. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan, Vern.”
Niyakap ko siya. “Ang mahalaga ay narito ka na. Ipaalam mo naman sa aking kung saan kayo kasalukuyang tumira at nang mabisita ko kayo.”
Tumango-tango lang siya at ginantihan ako ng yakap.
Nalipat ang mga tingin ko kay Landon na nakatingin na ngayon kay Xavion.
Hindi naman pala siya pag-aari ni Maya… yun nga lang, pag-aari na rin siya ng iba. Sino kaya ang babaeng iyon? Ang babaeng balak niyang kidnapin… sino kaya?
[End of flashback!!!]
Napabalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto. Nang aking buksan, si Maya ang aking nakikita. Nakangiti lamang ito sa akin.
“We’ll be going to an island… isasama namin si Melanie. Gusto mo bang sumama para makapag-relax ka?”
Agad akong umiling nang marinig ko ang sinabi niya.
Ayaw kong mag-alala siya sa akin. It’s supposed to be their honeymoon and not my vacation. Hindi niya ako kailangan na alalahanin. May sarili na siyang pamilya, iyon dapat ang inaalala niya.
“Dito na lang ako, may mga kailangan pa akong tapusin ngayon sa opisina saka ako didiretso sa eskwelahan.” Sabi ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti. “Vern, I didn’t mean to tell—”
“Wala kang sinabing mali. Tama lang na ipaalala mo sa akin na wala akong karapatang umibig kay Landon. Langit siya Maya, samantalang lupa lang ako.”
Isang pilit na ngiti ang aking ibinigay sa kanya.
Naiintindihan kong ayaw niya akong masaktan, pero wala talaga akong magagawa. Mahal ko na siya, eh. Hulog na hulog na ang loob ko sa kanya.
Pero gagawin ko ang lahat para makalimutan siya habang maaga pa.