Chapter 18

1260 Words
Now, for my final question. “May nangyari ba sa inyo kagabi?” Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay at tuhod ko nang itanong ko ‘yun. Isang simpleng tanong lang, ngunit malaki na ang epekto nito sa buo kong katawan. “What makes you think like that? Have you read her message?” Tumango ako. “Aksidente kong nakita,” sabi ko. “We met. She kissed me on the lips, but she said it was accidental. Ilang beses siyang nagpaliwanag na bunga lang ‘yun ng kalasingan, kahit na hindi ko kailangan ng paliwanag niya. Naririnig mong sinabi kong nasasaktan ako. Actually, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Tanggap ko naman na wala na kami. Kung anu man ‘yun, ayaw ko nang alamin pa. Siguro, dala lang din ‘yun ng kalasingan.” Iyon nga lang ba, Landon? Iyon nga ba ang totoong nangyari? O baka mayroon pa? Bakit ayaw kong maniwala? Pakiramdam ko ay mayroon pa siyang hindi sinabi sa akin. Pero kanino naman ako magtanong? Kay Selyne? Sasabihin niya rin kaya sa akin ang totoo? Tumingin ako sa ibang direksyon. “Hindi mo man lang ba naisip… na may asawa kang naghihintay sa’yo?” “Nabigla rin ako sa ginawa niyang paghalik. Hindi ko ‘yun napaghandaan… kahit tanungin mo pa sila Stone at Selyne. Mabilis ko rin siyang itinulak nang matanto ko kung ano ang ginawa niya.” “Alam ba niyang may asawa ka na?” Tanong ko sa kanya. Umiling siya bilang sagot. “No.” Bakit naman hindi? “At wala kang balak na ipaalam sa kanya,” sabi ko. Baka ayaw niyang malaman ni Ingrid. Ayaw niya sigurong masaktan ang damdamin nito. “Kung hindi ako nagtanong, wala ka rin bang balak na sabihin sa akin ang totoong nangyari?” mahinahon kong tanong. Medyo masakit din ang aking lalamunan sa tuwing lumunok ako ng laway. Para bang mayroong tinik na naroon. “I was planning to say it… But you were not here when I woke up.” Malambing niyang sabi. “Hindi natin alam, sa mga susunod na araw, maaaring higit pa roon ang pwede niyang gawin—higit pa roon ang pwedeng mangyari. Paano kung hahantong kayo sa kama,” baka nga ginagawa niyo na, hindi mo lang maamin. “Paano kung, hindi niyo na mapigilan ang sarili niyo at magawa ang isang milagro? Ano ang gagawin mo?” Pabalik-balik ang kanyang pag-iling saka pinagdikit ang noo namin. “That will never happen, I will never cheat on you.” “Nagawa mo na nga,” kalmado kong sabi. Nakikita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga. “Baby, it wasn't my intention. I didn't expect she'll do that.” Napailing ako. “Ito ang sinasabi ko sa’yo, eh. Darating ang araw na susubukin ang pagsasama natin. Wala naman akong laban du’n dahil mahal mo ‘yun.” Hindi ako nakakarinig ng sagot mula sa kanya. “Bu—” "Huwag mo muna akong kausapin." Sabi ko, pinapanatili ang kalmado kong boses. Hindi ako nagtagal roon. Mabilis akong tumayo saka umalis, nagtungo ako sa kwarto namin. Okay na sana yung mga binitawan niyang salita kanina. Naaawa na ako sa kanya, eh. Pero biglang sarili ko na naman ang kinaawaan ko nang sinabi niyang hinalikan siya nito. Ang akala ko ay okay lang, dahil halik lang naman. Pero hindi, eh. Dahil sa nalaman ko, mas lalo pa akong nakakaramdam ng selos. Mas nadadagan pa ang mga negatibong iniisip ko. Paano kung hindi talaga 'yun ang totoong nangyari? Paano kung higit pa pala roon? Pakiramdam ko ay mababaliw ako nito! Kailangan kong may makausap ngayon. Kailangan kong makausap si Maya… gusto ko lang itanong kung totoo ba ang nangyari. Baka may alam siya… Pero, wala siya ngayon sa bahay nila. Dumapa ako sa kama at tinatakpan ang mukha ko ng aking mga kamay. Hindi ako makapag-isip ng maayos kung mananatili ako rito sa bahay, kung saan narito rin siya. Kinuha ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Ariel. Kailangan ko siyang makausap. “Hello,” sagot nito mula sa kabilang linya. “Pwede ba tayong magkita?” Tanong ko. “Oo, wala naman akong ginagawa. Mamayang alas cinco ng hapon pagkatapos kong magsimba.” “S–Sige. Sa simbahan na lang tayo magkita.” Sabi ko saka ibinaba ang tawag. Naghahanap ako ng simpleng damit na maaari kong isuot sa pagkikita namin mamaya. Hindi ko maiwasang tignan ang sarili ko sa salamin, at purihin ang sarili ko. Pero kahit na nakangiti ako, klarong-klaro pa rin ang lungkot sa aking mga mata. Hindi ko ito maitatago kaya natatakot din akong makaharap si Landon paglabas ko sa kwartong ito. Natatakot ako at baka kausapin niya ako. Natatakot akong masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Hindi niya pwedeng malaman. Tinitignan ko ang bag na naroon sa may gilid ng cabinet. Ang bag kung saan naroon ang larawan nila ni Ingrid at ang mga gamit pambabae, na sa tingin ko ay pagmamay-ari ni Ingrid. Ano kaya kung itapon ko ‘yan? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Landon? Sigurado akong magagalit siya, pero hindi ako natatakot. Nakahanda akong harapin ang galit niya, anumang oras. Binuksan ko muna ang pinto upang siguruhin kung may tao sa labas. Sa kabutihang palad ay wala naman kaya bumalik agad ako sa kwarto. Hindi matahimik ang kaluluwa ko kapag narito ka, kaya itatapon na kita. Dahan-dahan akong lumapit doon sa may kabinet at dinampot ang bag. Maingat ang bawat kilos ko nang bumaba ako at lumabas ng bahay. Mabilis ko naman na tinapon ang bag sa may malaking basurahan sa labas. Tamang-tama dahil dadaan ang mga basurero rito mamaya para damputin itong mga basura. Mas masakit ang ginawang panloloko nila sa akin, kaya ito rin ang igaganti ko. Akala niya, huh! Hindi ako mabubuhay bilang isang martyr, dahil lalaban ako. Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang asawa niya, hanggang sa ako na mismo ang susuko. Pagbalik ko ng bahay ay hindi ko pa rin siya nakikita. Nasaan kaya ‘yun? Saan kaya siya nagpunta? “Oh, ano’ng problema mo?” Tanong ni Ariel. Dumiretso kami sa park pagkatapos magdimba. Nagkwentuhan kami habang kumakain ng fries at tempura. “Wala naman. May gusto ko lang akong i-tanong. Pwede ba?” “Sige lang, magtanong ka..” Sagot nito. “Paano kung malaman mong may kahalikang iba ang asawa mo. Ano’ng gagawin mo?” Kitang-kita ko kung paano nagbago ang emosyon ng mukha niya. Para siyang galit na nanggigigil. Huminga ako ng malalim balo nakapag-desisyon na magsalita tungkol sa mga tanong na kanina pa paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. “Ay naku! Susugurin ko talaga ang kiringking na babaeng kahalikan ng asawa ko. Hindi ako titigil hangga’t hindi maubos ang mga buhok niya sa ulo.” matigas na sabi nito, at may kasama pa talagang aksyon. Grabe, ang brutal naman! “Eh paano kung ex-girlfriend niya pala ang babae at mahal pa niya?” “Eh di, mas lalo na. Mas lalo ko siyang gustong kalbuhin. Bakit niya hinahalikan ang asawa ko gayong wala na namang sila?” Totoo ang sinabi niya. “Sa tingin mo ba ay dapat ko ba siyang iwan dahil nagloloko siya sa akin? Ang lalaki.” Nag-isip-isip muna siya bago nagsalita. “Siguro kaya ko pa siyang patawarin, tutal, halikan lang naman. Pero hindi ko maipapangako na hindi ko sila masasakrang dalawa. Dahil hahabulin ko talaga silang dalawa. Kahit na saang lugar pa kami mapunta.” Seryosong saad nito. Naiintindihan ko ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD