Matalim ang mga tinging iginawad niya sa akin. Galit ba siya? Wow! At siya pa talaga ang may ganang magalit? Kapal!
“Say that again,”
Tumikhim ako bago ako humugot ng lakas, para tanungin siya tungkol sa matagal ko nang gustong itanong.
“Ginamit mo lang ba ako para makalimutan siya? Nasabi mo kasi dati ang mga katagang ‘marriage for convenience’, kaya inakala ko na ginamit mo lang ako.” Sabi ko sa kanya.
Umiling siya. “I wasn't using you to forget her. I mentioned it so that you would agree to marry me, in case you didn't love me. You're my only remedy, that's why I couldn't let you go. ”
“Manggagamit pa rin ibig sabihin niyan. Pinaganda mo lang ang ang pagka-sabi. Tangina mo!” Sabi ko sa normal na boses, walang halong galit.
Wala lang, gusto ko lang siyang inisin. Ewan ko rin kung bakit hindi ako nakakaramdam ng galit ngayon, eh, sinampal na nga ako ng katotohanan.
“Please don't think like that. Using you for my own benefit never crossed my mind.”
“Tangina ka talaga! Sinungaling! ”
“Veronica, watch your mouth!” nagbabantang-sabi niya.
Para bang gusto niyang iparating na kapag ipilit ko ang paniniwala ko ay malilintikan ako sa kanya.
Hindi na ako nagsalita pa at baka kung ano pa ang lalabas mula sa aking bibig.
“Ask me what you want. I’ll answer each of them.”
Sa totoo lang, nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko ba ang pagtanong sa kanya o hindi na lang. Natatakot ako sa mga maaari niyang isagot, pero naisip ko rin na ito na ang panahon para bigyan ko ng katahimikan ang aking sarili.
Dahi sa huli, kung ano ang sasabihin niya ay ‘yun ang totoo. At least, hindi na ako mag-iisip pa ng kung anu-ano, dahil nasagot na niya ang mga tanong ko.
Seryoso ko siyang tinitignan. “Alam kong wala ako sa lugar para itanong ko ‘to… pero gusto ko lang malaman kung… may nangyari na ba sa inyo dati?” tanong ko.
Ang akala ko ay hindi niya ako sasagutin, pero nagkamali ako, dahil unti-unti siyang tumango. At ang bawat pagtango niya ay katumbas ng isang karayom na tumutusok sa puso ko. Sobrang hapdi!
“She was my girlfriend… And we’re each other’s first… in everything.”
Tangina! Kaya naman pala hindi niya agad makakalimutan.
Lugi ako… siya ang una kong halik, eh.
Gusto umiyak pero naaalala kong nasa harapan ko pa pala siya. Hindi ako maaaring umiyak sa harapan niya ngayon. Hindi!
“Bakit kayo nagkahiwalay?” tanong ko.
Sinabi na sa akin ni Selyne ang dahilan, pero gusto ko pa rin na marinig ang kwento mula sa kanya.
Tanga, sasaktan mo lang ang sarili mo!
“I really thought we'll end up with each other. Sobrang mahal na mahal namin ang isa’t-isa. Marami akong mga pangarap para sa aming dalawa at sa bubuuin naming pamilya. Ngunit nasira ang lahat ng iyon, dahil ayaw ng ama niya sa akin. Ayaw ng ama niya sa apelyidong mayroon ako. Hindi niya matanggap ang pinanggagalingan ko. Malaki ang galit niya sa angkan ko, maliban na lang kina Spade Xandros at ng mga kapatid nito.” Sabi niya habang nakatingin lang sa kawalan.
Hinihintay kong may idadagdag pa siya ngunit hindi na siya nagsasalita pa, kaya ako naman ang muling nagsalita.
“Bakit hindi mo ipinaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya?” tanong ko.
“I tried, countless times. I was begging her and her dad… but she let me go. She never fights for me.” Hindi nakaligtas sa akin ang pagpiyok ng kanyang boses. “When I learned about her engagement, I never stopped begging in front of her, but she chose to be deaf and blind. I end up with the conclusion that she didn’t care about me at all. I was so lost that darkness invaded my whole being, which made me want to commit suicide. But later on, Selyne helped me pick myself up again. So, I came up with a plan. I was planning on kidnapping her because that’s the only solution I had in mind, to keep her by my side forever.” Dagdag niya, parang unti-unting nabasag ang kanyang boses.
Nang tingnan ko ang kanyang mukha, kitang-kita ko kung paano kumakawala ang malaking butil ng mga luha. Preskong-presko pa ang mga ito.
“Ngunit hindi ka nagtagumpay… dahil kay Maya,” pagpapatuloy ko sa kwento niya.
Hindi siya nagsasalita.
Umiiyak siya ngunit walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig. Nunit ang kanyang mga luha ay nag-uunahan sa pagpatak. Marahan ko itong pinupunasan.
Kung nasasaktan ako kanina para sa sarili ko, mas triple ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil nasasaktan ako para sa kanya.
“Hindi ako nagsisising piliin sina Maya at Xavion sa mga oras na ‘yun… because I got to meet you. You became the light of my world, which was invaded by darkness. Nang masilayan ko pa lang ang mga ngiti mo, nabuhayan ako ng pag-asa. Doon ako humuhugot ng lakas, na baka… pwede pa akong magsimulang muli.”
Dahil sa narinig ko, natagpuan ko ang sarili ko na umiiyak.
Pesteng mga luha ‘to!
Sabing ayaw kong umiyak sa harapan niya, eh!
Peste kayo!
“I was overwhelmed being with you, because I forgot what I’ve been through. Whenever I hugged you, you made me forget the pain. Your lips made me say things I wasn’t planning to tell. It was like hypnotizing me. Whenever I hold your hand, I never think of anything but becoming a better man for you. I want to protect you… and give you the world. That’s when I realized I want to marry you.”
Humihikbi ako habang pinakinggan ko ang sinabi niya.
Hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya ang mga ito ngayon. Sa totoo lang, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Masaya ako dahil sa mga narinig ko mula sa kanya, ngunit nalulungkot din dahil hindi pala ganun kadali ang pinagdaanan niya. Higit sa lahat, nakakaramdam din ako ng galit dahil kay Ingrid… kung bakit hindi nito nagawang ipaglaban si Landon mula sa mga magulang niya.
Nakuha ni Landon ang atensyon ko nang marinig ko ang mapait niyang pagtawa habang ang mga luha ay naglandasan mula sa kanyang mga mata.
“Alam mo ba, na nakakahinga ako ng maluwag nang malaman kong wala na ang mga magulang mo? Hindi ako masaya na patay na sila, naging payapa lang ang puso at isipan ko sa katotohanan na hindi ko na kailangan pa na patunayan ang sarili ko sa kanila. Kasi kapag nagkataon na buhay sila at ayaw nila sa akin, tapos ikaw ay aayaw rin, baka tuluyan na akong lamunin ng dilim.”
Naiintindihan ko kung bakit ganun ang nararamdaman niya.
Mukhang na-trauma na siya sa ginawa ng ama ni Ingrid. Natatakot siyang hindi siya tanggapin ng mga magulang ko kung sakaling buhay pa ang mga ito, dahil sa malaking kabiguan na naranasan niya.
“Landon,”
“You gave me hope in life, Veronica. That’s why I was willing to give up everything… just to be with you. At kahit ilang beses mo pa akong itulak palayo, I will still chase you… I won’t stop until I make you mine.”
Kinulong niya ang mukha ko sa palad niya. Ang mga mata niya ay mariing nakatingin sa akin.
“Kaya gusto kong mahulog ka sa akin… gusto kong mahalin mo ako, para hindi ka na mapunta pa sa iba. I want to become selfish of the woman who became my light. I want to claim you just for myself. If you can’t love me, I can’t force you on that… just be with me until my last breath. And I promise to give you everything that I have.” Malumanay niyang sabi.
Marahan niyang pinupunasan ang aking mga luha. Pagkatapos no’n ay sunod kong namalayan ang paghalik niya sa aking noo.
“Paano ang babaeng mahal mo? Paano kung babalik siya?”
Umiling siya. “That's impossible.”
“Kitang-kita ko kung gaano ka kasaya noong kasal ni Maya… pagkatapos no’n ay nagawa mo pang humalik sa akin.” Halos pabulong ang pagkasabi ko sa mga huling salita na lumabas mula sa aking bibig.
“She was asking me to become her partner because she wanted to have a closure. Ayaw kong pagalitan siya ng ama niya kaya ako na ang nag-boluntaryong makipag-palit sa partner niya. I want to take the blame, for the last time.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
His love for her was really deep. Iniisip pa rin niya ang kabutihan nito. Tanggap niya na pag-isipan siya ng masama, huwag lang si Ingrid.
“Hindi ba nagalit ang ama niya sa ginawa mo noong araw na ‘yun?” Tanong ko.
“I bet he was. But he can't do anything about it anymore. He can't get angry, or he’ll ruin Spade and Maya’s wedding.” Buong pagmamalaki niyang sabi.
Tama nga naman.