Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan pagdating ko ng bahay. Dahil sa nabasa ko kagabi, parang wala akong mukhang maihaharap sa kanya.
Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni Ingrid. Gusto kong tanungin si Selyne kanina pero natatakot ako sa maaati niyang isagot. Natatakot ako na malaman ang totoo.
Mas mabuti na sigurong tumahimik na lang ako at huwag nang isipin pa ang nangyari.
Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Landon sa kusina. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape.
“Tapos ka nang kumain ng agahan?” Naririnig kong tanong niya.
Tanong niya kaya tumango ako.
Nakikita ko pa lang ang mukha niya, parang wala na akong ganang kumilos. Pabalik-balik lang sa isipan ko ang mensahe mula kay Ingrid.
Gustong-gusto ko itong balewalain at kalimutan na lang pero paulit-ulit siyang bumabalik sa aking isipan.
“Veronica,” usal nito, dahilan para lingunin ko siya.
“H—Huh?”
“May sinabi ba ako kagabi?” Tanong niya.
Umiling ako at pilit na ngumiti. “Ano naman ang sasabihin mo? Wala! Wala kang sinabi!” sabi ko sa kanya.
Kung hindi niya naman pala maalala ang mga sinabi niya, mas mabuti pang ibaon ko na lang din ‘yun sa limot.
Gustong-gusto ko siyang tanungin kung ano ang totoong nangyari kagabi… pero natatakot ako sa pwede niyang maisagot. Kaya hindi… hindi ko siya tatanungin.
Inisang hakbang niya ang pagitan namin. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakakulong sa mga yakap niya. Heto na naman siya mga ganitong klase ng aksyon. Mga nakakakilig na akto. At kahit na anong pigil ko sa sarili kong huwag mahulog, ay hulog na hulog pa rin ako.
Sinubukan ko siyang itulak pero hindi niya ako hinahayaan. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ang pagyakap niya sa akin.
“Hindi ako makakahinga! Ano ka ba!” Kunwari naiinis kong sabi sa kanya.
Isang mahinang pagtawa lang ang naririnig ko mula sa kanya.
“You left me this morning. You didn’t wait for me to wake up. Para akong isang asong nababaliw kakahanap sa’yo—sa presensya mo. Hinahalughog ko ang buong bahay pero wala ka!” Sabi niya, parang isang batang nagmamaktol sa nanay niya.
Hindi ko akalain na ang seryosong lalaking tulad niya ay maging ganito—parang bata kung umakto. Totoo kaya ito? O baka tinakpan niya lang ang totoo niyang emosyon. Baka gusto niya lang ipakita sa akin na masaya siya kasama ako, kahit hindi naman pala.
Bakit ba naging ganito ang buhay ko bigla?
Hindi ko naman ito hinihingi.
Gusto ko lang ng isang buo at simpleng pamilya. Dati, pinangarap ko lang ang magkaroon ng isang mabuti at may respetong asawa, bonus na lang kung mayaman ito. Ngayon, binigyan nga ako ng panginoon ng mabuti at marespetong asawa, pero hindi naman ako ang laman ng puso nito.
“Landon,”
“Hmm,”
“May itatanong ako.”
“Go ahead.”
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko.
“Kung sakaling… babalik ang lalaking mahal na mahal ko… at mahal pa niya ako, saka mahal ko pa rin siya… Papayag ka ba kung sakaling makipaghiwalay ako sa’yo?” tanong ko.
Malakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi para sa akin ang tanong na ito kundi para sa kanya. Gusto ko lang na malaman ang opinyon niya.
“Not gonna happen. You’re tied to me forever.” Determinado niyang sabi.
“Kung ikaw ang nasa posisyon ko… hihiwalayan mo ba ako para sa kanya?”
He sighed.
“Why are we even talking about this?”
“Kasi… kung may balak kang piliin siya, hahayaan kita. Dahil ayaw kong maging hadlang sa pagmamahalan niyong dalawa.” Pagpapatuloy ko.
Hindi naman siguro niya nahahalata ang malungkot na tono ng aking boses, diba?
Nararamdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap, mas mahigpit pa kaysa kanina.
“Kung siya ang nagtaboy sa akin palayo, wala na akong rason pa para tanggapin siyang muli. Besides, my faith and loyalty has always been with you the moment we said ‘I do’.”
Masasabi pa kaya niya ang mga katagang ito kapag dumating ang araw na kailangan niyang pumili sa amin ni Ingrid?
“S–Salamat.”
Bakit ako nagpapasalamat?
“Natatakot ka bang iwan kita?”
Takot ba ako?
Oo, takot na takot ako. Dahil nakasanayan ko na ang gumising na masilayan ang kanyang mukha. Nakasanayan ko na ang makasama siya sa iisang bubong. Kahit na anong pigil ko sa sarili ko, kahit anong pagpapaalala na huwag mahulog, bigo pa rin ako.
Hindi ako nagtagumpay na hindi siya mahalin ng sobra.
Isang ngiti lang niya, ay katumbas ng isang milyong kaligayahan sa buhay ko.
“Pinag-alala ba kita kagabi?” tanong nito.
Umiling ako.
“I badly wanted to go home, pero pinigilan ako ni Stone at ng iba pa naming pinsan. Sana pala sinama na lang kita kagabi.”
“Nasisiyahan ka ba sa bonding ninyong magpinsan?” Tanong ko, sinubukan kong pasiglahin ang boses ko.
Saglit siyang tumahimik.
Ano kaya ang naglalaro sa isipan niya ngayon? Iniisip niya kaya si Ingrid… at ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Sa oras na malalaman kong may nangyari sa kanila sa kama, hindi talaga ako magdadalawang-isip na iwan itong lalaking ito.
“Masaya naman akong kasama sila. But I would rather spend the night with you… than with them.”
Halos biglang huminto sa pagtibok ang puso ko. Idinadaan na naman niya ako sa matatamis niyang mga salita.
Walang emosyon akong tumingin sa kanya.
“Sinungaling.”
Hindi siya nakakapagsalita agad. Pareho kaming natahimik. Wala rin akong balak na magsalita ulit… iyon ang akala ko.
Pero… trinaydor ako ng bibig ko.
“Siguro nag-e-enjoy ka pa nga sa na kasama mo siya.” Hindi ko maiwasang sabihin. At huli na, para takpan ko ang aking bibig.
Sa kakaiwas ko na masabi ang nilalaman ng utak ko, heto at ang bibig ko na mismo ang kusang nag-salita para sa akin.
Walang hiya talaga!
Ang mga titig niya ay nagtatanong. .
Bahala ka diyan.
“Now, I couldn't just stay silent.” Sabi niya. “May nasabi akong kakaiba. Tama ako, di’ba?”
Don't answer him, Vern! Stay quiet!
“What did I say, Veronica? Tell me,” sabi nito.
Ayaw kong sabihin! Hulaan mo! Bahala ka diyan!
Ilang minuto rin siyang nanatiling tahimik, ganun din ako. Ngunit patuloy na tumatakbo sa isip ko, ng paulit-ulit, ang mga sinabi niya kagabi.
“Ang sabi mo ay nakita mo siya. Ayaw mong ipaalam sa akin dahil ang sabi mo ay masyado akong inosente. Umiiyak ka dahil nasasaktan ka. Sabi mo ay huwag kitang iwan at nang niyakap mo ako, ang sabi mo ay inalis ko ang sakit na nararamdaman mo sa pamamagitan ng mga yakap ko.” Seryoso kong sabi.
Oh, s**t!
Tinakpan ko ang bibig ko ng mahigpit. Akala ko ba ay hindi ko sasabihin? Bakit ko sinabi sa kanya ngayon?!
“Pero huwag kang mag-alala, hindi ko naman kilala ang babae. Kaya safe ang sikreto mo.” Natutuwa kong sabi kahit na wala namang nakakatawa.
Nagmumukha akong tanga sa harapan niya ngayon.
“Is that why you went to Maya's house? To confirm something… from her?!” Hindi iyon tanong.
Bilib din ako dahil magaling siyang manghula.
“Hindi iyon ang rason. Gusto ko lang bisitahin ang mga bata.” Sabi ko.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.
“Do you want to know who I am referring to? Do you want to know who that woman was?”
Oo.
“Huwag na! Hindi naman importante kung sino pa ‘yan.” Giit ko.
Pero sa totoo lang, gustong-gusto kong malaman mula sa mga labi niya kung sino ang babaeng ‘yun.
Hinila niya ako patungo sa sala at pinaupo roon.
“I don't want to hide anything from you anymore. Siguro, panahon na para malaman mo kung sino siya.”
Weeh? Kakasabi mo lang kagabi na hindi ko na kailangang malaman pa.
“Huwag na.” Sabi ko.
Ngunit matigas ang ang ulo niya, dahil nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.
“Her name's Ingrid.”
Alam ko.
“Ahh, okay. Siya ba yung babaeng naging partner mo nung kasal nila Maya?” Tanong ko.
Hindi naman siguro niya nahahalata na nagseselos ako di’ba? Sana nga hindi.
“I… I… apologize for that day… I was just…”
You just want to be with her!
“Hindi mo naman kailangan mag-explain, ano ka ba! Naiintindihan ko naman na gusto mo siyang makasama.” Sabi ko sa kanya.
Kaya kinalimutan mong naroon pa pala ako.
Nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko, pero wala na akong magagawa pa kundi ang magpanggap na wala lang sa akin ang nangyari.
“I tried to forget her… I tried to…”
“Hindi naman kasi ‘yan basta-bastang nawawala, tanga ka ba?”
“Trust me, I wanted to forget her, Veronica. But everytime I see her, the pain comes back in just the blink of an eye.” Mahinang sabi niya. “That’s why I need you by my side.”
Neknek mo!
“Manggagamit!”
Oops!
Muli kong tinakpan ang bibig ko dahil sa sinabi ko.
It was supposed to be a thought... that will stay in my mind.