“Iisa lang ang kwarto natin?” tanong ko sa kanya. Pumasok kasi siya rito sa loob ng kwarto ko.
“Yes, don't you like it?” sabi niya. Napailing ako.
Hindi naman sa hindi ko gusto. Hindi lang kasi ako sanay na may katabing lalaki sa kama.
Umiling ako. “Hindi naman. Pero kasi…”
“Don't be afraid of me. I won't force you if you're not ready. I respected you a lot.” Sabi nito.
“S–Salamat.” Tanging sabi ko at nagbihis na. Pagkatapos magbihis ay dumiretso agad ako sa kama.
Nauna ako sa paghiga pero hindi pa rin ako makatulog.
Maya-maya lang ay nararamdaman ko ang paggalaw ng kama. Nararamdaman ko rin ang presensya ni Landon sa likuran ko.
Ano kaya ang gagawin niya?
Nababalot ng kaba ang puso ko ngayon.
“Are you asleep?” Bulong niya.
Hindi ako sumagot. Bahala ka riyan.
“Sleep well, Veronica.” Sabi niya at hinagkan-hagkan ang aking buhok.
Ang akala ko ay ‘yun na ‘yun pero hindi pa pala. Dahil hindi pa siya nakuntento at pinaharap niya ako sa kanya. Nakapikit pa rin ang aking mga mata. Nagkunwari akong tulog pa ako.
Hanggang sa nararamdaman ko na lang ang mga labi niya sa ibabaw ng labi ko.
“Finally, you're mine.” Bulong niya pagkatapos niya akong halikan.
Kinabahan ako masyado. Mabilis ang pagtibok ng aking puso. Ang akala ko ay mumukbangin na niya ako, pero hindi pala. Sa halip ay niyakap niya ako ng mahigpit.
“So, this is how it feels to sleep next to you, huh? I was feeling alive.”
Ang mukha ko ay nakasubsob sa kanyang dibdib ngayon. Amoy na amoy ko ang bango niya… bagong ligo.
Ano ba ang pinaggagawa nitong lalaking ito? Kung hindi ko lang talaga ito asawa. Kanina pa ako pumunta sa police station at kinasuhan siya.
Sa kabilang banda, nakakagaan ng pakiramdam ang mga yakap niya. Parang gusto ko na lang manatili rito sa mga bisig niya habambuhay.
Kung pwede lang sana…
“Hmm,” ulong ko.
Ang mga kamay niya ay patuloy na hinaplos ang buhok ko, habang nakayakap lang siya sa akin.
“You know, I was afraid of being in a relationship again because I was hurt before. The girl that I love, we promised we'll get married to each other, but it didn't happen. Ang babaeng mahal ko, hindi ako tanggap ng mga magulang niya. I was devastated to the point that I was planning to kidnap her during her engagement party. I was so excited to live with her, but it didn't happen because I saved Maya that night.” Sabi niya.
Nararamdaman ko naman na parang may tumusok sa dibdib ko. Nasasaktan ako para sa kanya.
“When I saw you, it was like I found something that I once lost. You saved me from pain, Veronica. Ikaw na lang ang mayroon ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala sa akin. I couldn't afford to lose you just like how I lost her.”
Hindi ko alam ang sasabihin. Nararamdaman ko ang pag-init ng mga mata ko pero pinipigilan ko lang na huwag maiyak.
Pero bakit pakiramdam ko ay mas mabigat pa na rason kung bakit niya ako pinakasalan? Ano naman kaya ‘yon?
Gusto kong malaman ang buong kwento… ang buong katotohanan ng buhay niya. Pero ayaw kong magtanong. Gusto kong siya mismo ang magsabi, kaya maghihintay ako kung kailan siya handang sabihin ‘yon.
“Mababaliw ako Veronica, mababaliw ako kung tatalikuran mo lang ako tulad ng ginawa niya. Huwag mong gawin sakin yun, ha?” Sabi niya. Para siyang isang bata na nakikiusap sa tita niya.
Sana ay masasabi niya sa akin ang totoo balang araw.
“Hate me all you want… just don't leave my side.”
Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi. Ang huli kong naalala ay kayakap ko si Landon.
Babangon na sana ako nang namalayan kong may nakadagan sa may tiyan ko. Nang aking tignan, mga kamay lang pala.
Mabibigat na kamay ni Landon ang nakahawak ngayon sa akin.
Gusto ko siyang gisingin pero natatakot ako at bigla na lang sumabog sa galit kaya dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Nang tagumpay ko itong naalis, dahan-dahan naman akong tumayo. Ngunit bago ko pa magawa ‘yon, nahila na niya ang ako at niyakap ako ng mahigpit.
“Where'd you think you're going?”
Susmaryosep!
“Uh, maghahanda lang ng agahan. A–Ano ba ang gusto mong kainin ngayon umaga?”
“Ikaw,”
“H–Huh? Ako?”
Kinikilabutan ako sa sinabi niya. Wakwak ba siya?
Ba’t niya ako gustong kainin?
“I mean… ikaw ang bahala,”
Bigla akong nahiya nang binawi niya ang sinabi niya. Oo, nahihiya ako. Hiyang-hiya talaga, para sa sarili ko!
Pero kasi, sabi niya ‘ikaw’. Kaya ng akala ko ay ako ang gusto niyang kainin.
“Pero kung gusto mo… pwede rin namang ikaw,” sabi niya at dahan-dahan na hinagkan ang aking leeg.
“Can I put my mark here?” Pagpapaalam niya.
“Sa leeg ko?”
“Oo, okay lang ba?”
“Hindi ba ako mamamatay niyan? Sabi kasi nila—”
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nararamdaman ko na ang pagsipsip niya sa leeg ko.
Bampira pala siya, hindi wakwak. Pero ang sayang naman kung ganito kagwapo tapos may lahi palang aswang.
“Ahh,” daing ko.
Halos maputulan ako ng hininga dahil sa ginagawa niya, kaya tinulak ko siya palayo. Kakaiba kasi ang hatid nito sa aking katawan. Mukha akong nababaliw sa pinaggagawa ng lalaking ito. Natatakot din ako at baka saan kami hahantong nito.
Mahirap na. Hindi pa naman ako handa.
Ngunit kahit na anong tulak ko sa kanya, hindi siya nag patinag.
Kaya nagsalita ako. “T–Tama na… masakit.” Sabi ko kahit na hindi naman.
Agad naman siyang tumigil.
“Sorry.”
“O–Okay lang.”
“Pwede ba kitang yakapin ng mahigpit?”
Tumango ako. “S–Sige lang.”
“I’ll be loyal and faithful to you, Veronica. Just… fight with me, okay?”
Hayan na naman siya. Bakit ba ang drama niya?
“Kaya mo bang manatili sa tabi ko hanggang huli?” tanong ko.
“Hanggang huli… hanggang sa maubos ako.” sagot naman nito.
Hindi ko in-expect ang sinabi niya ngayon. Pakiramdam ko ay gusto kong maiyak dahil ang lambing ng kanyang boses. .
“Huwag ka ngang magsabi ng ganyan!” Saway ko.
“Mamayang alas otso, maghahanap nga pala ako ng trabaho.”
“Huwag na! Ako na ang magtrabaho para sa ating dalawa. Sina-sakripisyo mo pa nga ang mga ari-arian mo dahil sa akin. Kaya hayaan mong ako ang magtrabaho, at mag-alaga sayo ngayon.”
Napailing siya.
“I couldn’t just do that. Ako ang lalaki kaya ako dapat ang bumuhay sa’yo… at sa magiging anak natin.”
Nanlaki ang aking mga mata.
Anak namin?