“What is your wedding motif? Do you have a dream wedding? I would appreciate you sharing it with me to make it happen.” Bigla niyang sabi.
Wedding motif? Wala naman akong pinangarap, basta ang naalala ko ay ikakasal lang ako sa lalaking katulad ng ama ko, okay na. Simpleng kasal lang, okay na.
Nakaupo ako kaharap siya habang may sinusulat ito. Saan kaya siya kumuha ng ballpen at notebook?
“Ewan ko sa’yo. Ang daya mo!”
Pero sa totoo lang, gusto ko naman talaga siyang pakasalan. Ang ayaw ko lang ay ang katotohanan na iba ang mahal niya. Ewan ko ba, nagugulohan na ako sa sarili ko. Nagugulohan na rin ako sa sitwasyon ko. Ano nga ba talaga?
Pero ang maliit na interaksyon namin na ito, nakakapagpasaya na sa akin. Kung pwede ko lang talaga na angkinin siya ng buong-buong, matagal ko ng ginawa. Kahit na maghirap kaming dalawa, hindi talaga ako magsasawang mahalin siya.
“Seryoso ka ba talaga na ako ang gusto mong pakasalan? Final na talaga to? Wala ka ng plano na umatras? Ito na talaga yun?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya.
Hayan na naman ang ngiting nakakalaglag ng panty… este panga.
“Gusto mo ngayon na kita pakasalan?” Nang-aasar na tanong nito. Inirapan ko lang siya, pero sa kaloob-looban ng puso ko ay nakakaramdam ako ng sobrang saya. Kasi ang mga sinabi niya, hindi lang hanggang salita kundi, may aksyon din.
Nang dumating ang gabi, masaya niyang ipinaalam kina Maya at Spade ang magandang balita, ang kasal namin kuno. Ako ang nahihiya sa paraan ng pagbahagi niya kung ano ang totong nangyari ng aking pagpayag. Parang ayaw ko na lang umupo sa harapan nilang lahat. Ang mga titig at ngiti na binigay nila sa akin, ay nakaakasar.
Parang hindi naman dumaan sa stage na ganito.
“Kunwari ka pa na ayaw mo… yun pala…”
Pinanliitan ko ng mga mata si Maya. “Dinaya niya ako!”
“Pero gusto mo naman?” Nang-aasar niyang sabi.
Hindi ko maiwasan ang mapaisip. Ang sagot ko sa tanong niya ay oo, pero hinding-hindi ko ‘yon sasabihin sa kanya.
Bahala na kung masaktan ako. Kung masaktan ako eh di, patuloy lang ang buhay. Lalaki lang naman ‘yan, pwedeng palitan kahit kailan. Anuman ang mangyari sa akin, magiging matatag ako. Tutal, nasimulan ko na naman ito, hindi na ako aatras pa.
Bahala na si Batman.
Dumaan ang ilang araw, agad niya akong pinakasalan. Hindi man lang ako nakapaghanda ng maayos. Hindi ako nakabili ng magandang damit. As in, wala akong kaalam-alam na kasal ko na pala. Sinurprisa niya ako pero nakahanda na lahat.
Kung sino ang tumulong sa kanya, hindi ko alam. Nagulat na lang ako pagdating ko galing sa eskwelahan na nakahanda na sila. May dekorasyon na ang bahay at mayroon ding iilan na mga bisita.
Ang gown na suot ko ay simpleng kulay puti na damit lang. Okay naman ako sa gown at sa simpleng dekorasyon. Pero ang hindi ko alam na kasal ko pala, ay sobrang nakakainis.
Buong buhay ko, hindi ko inakalang magiging ganito ang kasal ko. Ewan ko ba, hindi ako nakaramdam ng saya. Para kasing hindi siya sincere sa ginagawa niya. Minamadali niya masyado.
Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Landon na sumama sa kanya. Oo, lumipat kami ng tirahan. Magkasama na kaming dalawa. Tutal, asawa ko na naman daw siya.
Ang bilis ng mga pangyayari. Parang sa isang kislap lang nangyari ang lahat. Hindi ko man lang maramdaman na kasal na pala ako. Joke ba to? Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko.
Pansamantala kaming tumira sa isang bahay na pagmamay-ari ni Spade. Si Spade naman ang maysabi na dumito muna kami kaya sumang-ayon na lang din kami.
Hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na si Landon sa isang iglap lang.
“Did you know that my cousin built this for his first love? But they chose to keep it.” Sabi niya.
Umiling ako. Syempre, hindi ko alam.
Pero kung ganun naman pala, para naman pala ito sa first love, bakit nalang nila binenta itong bahay? Hindi ba nasaktan si Maya na pinapanatili nila Spade ang bahay na ito?
Kung sana katulad si Landon ni Spade, na mamahalin din ako sa huli. Pero sa ngayon, galit muna ako sa kanya. Nangingibabaw ang galit ko kaysa saya na nararamdaman ko.
“Ayaw kitang makausap!” Sabi ko.
“What were you mad about?” tanong nito.
“Huwag mo akong kausapin!” naiinis kong sabi.
“Sorry for marrying you like that. Ang akala ko kasi ay masisiyahan ka sa surprisa ko. It seems like you’re not enjoying the wedding at all.” Sabi niya na para bang alam niya ang laman ng isipan ko.
Hindi talaga!
“Hindi mo man lang sinabi sa akin! Pagka-uwi ko, doon ko pa nalaman na kasal ko na pala. Hindi man lang ako nakapag-imbita ng mga kaklase ko. Ang mga kilala kong bisita roon ay si Melanie, si Maya at Spade lang. Samantalang ‘yung iba, puro mga kakilala mo. Dapat ba akong masisiyahan doon?”
Bigla niya akong niyakap mula sa likod ko. “I understand. I’m so sorry. Do you want me to massage you?”
Walang kahit na ano ang makakapaglamig ng ulo ko ngayon.
Pilit kong kinalas ang pagkakayakap niya pero hindi niya ako hinayaan. “Once in a lifetime na nga lang mangyayari sa buhay ko, naging ganoon pa.”
Nararamdaman ko ang paghigit niya ng malalim na hininga. “I’m sorry, okay? Papakasalan na lang ulit kita bukas.”
“Ano?!”
“I want to make you happy, Veronica. Pero sa nangyari ngayon, mukhang mas kinamumuhian mo pa ako. Don’t worry, I’ll marry you again tomorrow.” Nararamdaman ko ang mas mahigpit niyang pagyakap sa akin.
Ako lang ba o nararamdaman ko talaga ang lungkot sa boses niya? Bigla naman akong nakakaramdam ng pagsisisi.
“Sorry,” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko ay kailangan ko lang humingi ng tawad sa kanya.
Humarap ako sa kanya at tiningala siya. Inayos ko ang kanyang buhok, sinuklay ko ito gamit ang aking mga kamay. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
May kakaibang kislap ang mga ito kung titigan mong mabuti. Hindi ko lang alam kung lungkot o saya ba ang emosyon na mayroon ito. Pero kung ang puso ko ang pakikinggan, mukhang malungkot siya ngayon.
Parang tuluyan na ring natutunaw ang galit na nararamdaman ko para sa kanya.
“Veronica.” Sabi niya. Unti-unting bumaba ang kanyang mga labi hanggang sa nararamdaman ko ito sa ibabaw ng labi ko.
Hinahalikan niya ako! Teka… naghahalikan ba kami kanina?
Malambot ang paraan ng kanyang paghalik. Hindi ito nagmamadali.
“Landon,” naging isang pag-ungol ang pagsambit ko sa kanyang pangalan.
“Fall for me, Veronica.”
Matagal na. Matagal na akong nahulog sayo.
Gusto kong sabihin pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Parang napapanaginipan ko na ata ang mga salitang iyon. Nakalimutan ko lang kung saan.
Pagkatapos ng masuyong paghahalikan naming dalawa ay agad niyang kinulong ang mga mukha ko sa palad niya.
“I’ll give you everything… everything that will make you happy.” Sabi niya at pinagdikit ang mga noo naming dalawa. “And I’m so sorry if I made you disappointed today. Babawi ako sa kasal natin sa simbahan.”
Ano?
Kasal sa simbahan?
Ikakasal kaming dalawa sa simbahan?
Ano pala yung kasal kanina? Trial pa ba ‘yon?
Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking ito. Kung anu-ano na lang ang sinabi, kung anu-ano na lang din ang lumabas mula sa kanyang bibig.