Chapter 10

1601 Words
Kinabukasan ay nasa living room sila Landon at Spade. Nag-uusap silang dalawa habang ang mga bata naman ay naglalaro sa harapan nila. Sa tagal na tinitigan ko siya, mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Ang gwapo niya pala talaga lalo na at bagong gising. Magkaiba ang kagwapuhang taglay nila ni Xandros. Napapansin ko rin na panay ang sulyap niya sa akin... o baka kay Maya. Naririnig kong tumikhim si Maya. “Mahal mo pa rin siya, di’ba?” tanong nito, kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Kasalukuyan akong nagluluto ng tinolang manok. Hindi ako sigurado kung magugustohan nila ang lasa. “Hindi naman basta-basta nawawala ang nararamdaman ko,” sabi ko sa kanya. “I’ve heard from my husband, Landon’s willing to give up everything just to win you.” bigla akong nanigas dahil sa sinabi niya. Hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya sa akin ang tungkol dito. Pero kasi, masyadong malakas ang paraan ng pagkakasabi niya. “Nagbibiro lang ‘yan,” sabi ko. “Alam kong pinagsabihan na kita na may mahal na siyang iba. Pero natanto ko rin na hindi naman pala masama kung bigyan mo siya ng pagkakataon para patunayan kung ano ang kaya niyang gawin para sa’yo.” “Maya?” “Naalala ko lang na nangyayari na pala ito sa akin at sa asawa ko. Hindi mo mapigilan ang sarili mong magmahal kagaya ko. Kung sakaling handa ka na, bigyan mo siya ng pagkakataon. Pero huwag mo lang ibuhos lahat ng pagmamahal na mayroon ka. Magtira ka rin para sa sarili mo.” sabi nito. Hindi ako nagsalita. Nang tapos na ako sa pagluluto ay saka ko naman ginagawa ang paghahanda ng mga plato. Pabalik-balik pa rin sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi pa nga ako nakatulog ng maayos dahil sa sahig natutulog si Landon. Hindi siya umaalis mula sa kwarto ko. Kung bakit niya iyon ginawa, hindi ko alam. Bigla ko na namang naalala ang sinabi niya sa akin. ‘Marry me,’ Kung magpapakasal ako sa kanya, wala na akong kawala pa. Magiging akin na rin siya. Okay lang kaya? Nalulungkot din ako nang maisip ko ang kalagayan niya. Hindi na siya mayaman dahil sa kabaliwan ko. Hindi ko naman kasi alam na totohanin niya pala ang sinabi ko na ang gusto kong pakasalan ay ang lalaking simple lang at hindi masyadong mayaman. Ang akala ko kasi, hindi niya kayang bitawan ang pagiging mayaman para sa akin. Sineryoso niya pala ang sinabi ko. Pero seryoso ba talaga siya sa sinabi niya? Hindi talaga siya nagbibiro kahapon na hindi na siya mayaman? Tinampal ko ang noo ko ng tatlong beses bago ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Sabay-sabay kaming kumain. Nasa hapagkainan din sila Melanie at ang mga bata. Napansin ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Landon nang sulyapan nito si Xavion at Xamara. Siguro, gusto na rin niyang magkaanak kaya niya gustong magpakasal. Kung magiging mag-asawa kami, may mangyayari sa aming dalawa. At hindi ako pwedeng tumanggi dahil asawa ko na siya. Naku, hindi pa ako handa sa mga ganoong pagtatagpo. “Vern, paabot nga ng tinola,” Paano kung araw-araw niya akong i-kama? At paano kung ilang beses niya akong galawin sa isang araw? Makayanan ko kaya ‘yon? Siguradong magmumukha akong isang lantang gulay. “Vern,” Paano kung— “Vern!” Bumalik ako sa reyalidad nang iwinawagayway ni Maya ang kamay niya sa harapan ko. Kumurap agad ako. “Huh? Ano yun?” “Sabi ko, paabot ng tinola. Kanina ka pa nakatitig sa kanin.” sabi nito. Nakagat ko ang aking labi. Hayan, kung anu-ano kasi ang iniisip ko. Kung saan na tuloy ako dinala ng aking imahinasyon. Patuloy lang kami sa pagkain. Nanatili akong tahimik habang si Spade at Landon ay walang sawang nag-uusap tungkol sa negosyo. Totoo ba talagang mahirap na si Landon? Ewan ko ba, nag-aalinlangan akong maniwala. Baka kasi nagbibiro lang siya. Pagkatapos kumain ay umalis na sila Maya at Spade. Nakapagbihis na sana ako, pero nakiusap muna si Spade sa akin na samahan si Landon dito para mayroon daw itong makakausap. Sinama kasi nila Maya at Spade sa opisina sina Melanie Xamara. Si Xavion naman ay pumasok na sa eskwelahan. Sana si Melanie na lang ang iniwan nila rito sa bahay at hindi ako. Oo, kaming dalawa ni Landon ang naiwan sa bahay. Nasa hardin ako ngayon, kasalukuyang dinidiligan ang mga bulaklak dito. Ang sabi sa akin ni Maya ay si Spade daw ang nagtanim nitong lahat. Sa bagay, engineer siya kaya marunong siya mag-landscape. Pinulot ko na rin ang mga tumubong damo at nilagay sa basurahan. “Coffee?” Naririnig kong sabi ni Landon sa may likod ko. Tiningala ko siya at agad naman pinikit ang aking mata dahil sa sinag ng araw. May dala-dala itong isang tasa ng kape. Nag-aalok siya ng kape ngunit isang tasa lang ang dala. So, diyan lang ako iinom sa tasa na dala niya? Umiling ako. “Ang init-init ng panahon, nagawa mo pang magkape.” Tumawa lang siya. “It makes me relax, though.” Hindi na ako sumagot pa. “Hanggang kailan ka mananatili rito?” Tanong ko. “Until I get your answer.” Sabi niya bago sumipsip ng kape. “Or let's say… until you say ‘yes’ to my proposal.” Ibig sabihin, araw-araw ko na siyang makikita rito hangga’t hindi ko siya sinagot? Ang tigas talaga ng ulo niya. “P–Paano mo naman ako papakasalan kung mahirap ka na?” Pabiro kong tanong. “I will borrow money from Spade. Saka ko na babayaran kapag magkakapera na ako.” Seryosong sagot niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang magsisisi. “Bawiin mo na lang ang pera mo kay Spade, pati na ang iba mong ari-arian.” “But you're not gonna marry me if I do that. Besides, I wanted to know how it feels being with you, without relying on my wealth.” Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Mukhang mas excited pa ata siya sa kahihinatnan ng buhay niya. Gago ba siya? “Maniwala ka sa akin, hindi ka matutuwa.” Seryoso kong sabi. Siguro pagsisihan niya ang ginagawa niya para sa akin. “I don't think so.” Sabi niya at patuloy sa pagsimsim ng kape. “Bilisan mo na kasi ang pagsagot sa akin, para simulan na natin ang tumira sa isang bahay na tayo lang dalawa.” Napalunok naman ako sa sinabi niya. Walang preno talaga ang bibig nito. Pero teka… K–Kami lang dalawa? Sa isang bahay? “Ano?” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. “I can't wait to live with you, Veronica.” Ayoko! Ayoko! Bahala ka riyan! “Ewan ko sa’yo!” “Well, it will be my honor if I make you say ‘yes’ today.” “Neknek mo!” “May I ask you random questions?” Tumango ako. “Sige,” “Do you like these flowers?” “Oo,” “Do you like chocolates?” “Oo, syempre.” “Do you like Xavion?” “Oo.” “Do you like Xamara?” “Oo,” “Do you like Maya?” “Oo, naman.” “Am I likeable?” “Oo,” Ano bang klaseng mga tanong ito. “Do you think I deserve to get married?” “Oo,” walang gana kong sabi. Bakit naging ganito ang tanong niya? “Do you think I can find a woman to marry?” Walang kwenta itong mga sumusunod na tanong niya. “Oo, naman!” “Will you marry—” “Oo, Oo, Oo!” naiinis kong sagot habang patuloy lang sa pagkuha ng mga damo. Puro naman walang kwenta ang mga tanong niya. “-me?” patuloy niya. Bigla nalang akong huminto sa ginagawa ko nang matanto ko kung ano ang tanong niya sa akin at ano ang naging sagot ko. “f**k! You just said yes to me!” usal niya. Nang tingnan ko siya, isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Isang ngiti na ngayon ko lang nakikita na umabot sa kanyang mga mata. Hindi ako makagalaw agad. Ang katawan ko ay nababalot ng kaba. Nahihiya rin ako dahil sa nasabi ko. Agad kong iniwas ang aking mga mata. Sigurado akong namumula na ang aking mukha. Sinampal ko ng mahina ang aking sariling pisngi. Bakit hindi man lang ako nag-iisip? Bakit ako padalos-dalos sa pagsagot? “Wala ng bawian, ah?” malambing niyang sabi habang nanatiling nakangiti. “Hindi ko intensyon— dinaya mo ako!” Sigaw ko. “No, I didn't.” “Ang akala ko ay— Bahala ka, hindi ako magpapakasal sa’yo,” “You just gave me three ‘yeses’.” “Dinaya mo ako!” pagkokontra ko sa sinabi niya para matabunan ang hiya. “I didn't.” Sagot naman niya. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa aking kamay ko saka niya ako iginiya sa patayo. “Come on, let's get inside. I don't want my future wife to be in the heat of the sun.” Ang puso ko… napakalakas ng pagtibok nito. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang paghawak sa akin. “Don’t make me carry you in a bridal style. Baka mauna pa nating gawin ang honeymoon kaysa sa kasal!” Ano’ng sabi niya? Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako papasok sa loob ng bahay. Bakit ko rin ba siya hinayaan na tanungin ako ng random questions na ‘yan? Ako tuloy ang na-biktima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD