“How to win you, Veronica?”
“I don’t know,” tanging sagot ko. Pero kinakabahan na ako ng sobra dahil sa pinagsasabi niya.
Ang naalala ko ay si Ingrid ang gusto nito, pero bakit ako ngayon ang nilalandi niya? Ako na ba ang mahal niya? Ako na ba? Hindi. Hindi ito big deal! Hindi! Pero sa mga pinapakita niya at sa mga sinasabi niya sa akin ay natatakot ako para sa sarili ko.
Natatakot akong mahulog ng sobra hanggang sa hindi na ako makabangon pa.
Paano kung pinaglalaruan niya lang pala ako? Paano kung naaaliw lang siya sa reaksyon ko kaya inaasar niya lang ako? Paano kung gagamitin lang para makapagmove-on siya? Paano kung—paano kung ginagwa niya lang ito dahil nasasaktan din siya? Paano kung ang sakit na ‘yon ang nagtulak sa kanya para gawin ito sa akin?
Bahala na, ang dapat kong gawin ngayon ay ang itulak siya palayo. Kung kinakailangan kong awayin siya araw-araw, gagawin ko para lang hindi na siya lalapit pa sa akin.
“Gusto mo ba nito?” Turo niya sa chicken lollipop.
“Kukuha rin ako niyan mamaya,” sabi ko.
Pero sa di inaasahang pagkakataon, kumuha siya ng isa at nilagay sa plato ko. Si Maya at Spade naman ay napatingin sa isa’t-isa.
Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa dahil sa hiya. Ginagawa nitong lalaking ito? Ano ba ang gusto niyang palabasin?
Napatingin sa akin si Spade na halatang pinipigilan ang mapangiti.
“Salamat,” sabi ko.
“How about rice? How many scoo—”
Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. “Ako na,” Sabi ko sa kanya, pero hindi talaga siya nakikinig. Patuloy lang siya sa ginagawa niya. Gaano ba katigas ang ulo ng lalaking ito?
Naririnig ko ang pagtikhim ni Spade. Nagkukunwari naman na umuubo si Maya.
Wala na akong nagawa pa kundi ang kumain na lang. Hinahayaan ko siya sa mga ginagawa niya, tutal, hindi naman ako sigurado kung totoo ba ito o pakitang-tao lang. Ayaw ko ring sabayan ang kabaliwan niya.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa bahay. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at ini-lock ang pinto. Nandoon si Landon, kasama nila Spade at Maya. Mukhang wala atang planong umuwi ngayong gabi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ng damit nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Landon ang tumatawag. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Mas pinili kong huwag itong sagutin kahit na natutukso talaga akong sagutin ito.
Maya-maya lang ay may mensahe akong natanggap mula sa kanya.
Landon:
Bakit ka naman pumasok agad? I wanna see you.
Diyos ko! Bigla ko tuloy naisip kung paano niya sinabi ang mga salitang ito sa harapan ko.
Napailing ako.
Hindi ko na ito pinapansin pa, subalit nag-messae na naman itong bigla.
Landon:
Answer my call, Veronica.
Bahala ka diyan sa buhay mo, Landon Maverick Ruston.
Landon:
Answer my call or I’ll get in your room.
Bigla naman akong nakakaramdam ng kaba. Tinatakot niya ba ako?
Hindi ko maiwasan ang mapabuntong-hininga. Mula noong bumalik si Maya, andaming nangyari sa buhay ko. Hindi naman ako nagsisisi, nagpapasalamat pa nga ako. Lalo na at nakilala ko si Landon, mayroon na akong inspirasyon.
Pero ngayon lang kasi ako nakakaranas na palaging ginaganito ng isang lalaki. Alam kong may iba siyang gusto pero, bakit parang sa akin pa siya may gusto?
Hindi ko talaga maiintindihan.
Pwede pala ‘yon?
Teka lang… alam ba niya na gusto ko siya? Sinabi kaya ni Maya o ni Spade?
Humanda talaga ang dalawang iyon sa akin.
Halos malaglag ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Landon na naglalakad papasok.
“Ano’ng ginagawa mo?”
“Ayaw mo akong kausapin, eh. I already told you—”
“Matutulog na ako. Lumabas ka na!”
“Why are you pushing me away?”
Ipinikit ko ang mga mata ko bago ko siya hinarap. “Bakit mo ginagawa ito sa akin?”
Nagugulohan siyang tumingin sa akin. “Ang ano?”
“Ito! Bakit… bakit parang—ewan ko sa’yo. Basta, lumabas ka na!” Sigaw ko sa kanya.
“Talk to me, please.”
Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero tinanggal ko agad. “Bakit mo ba ako palaging pinagti-tripan? Ano ba ang gusto mo?” Naiinis kong tanong sa kanya.
“Marry me,” seryoso niyang sabi habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Ilang beses ko ba itong sabihin sa kanya? Kailangan bang lagyan ko ng mighty bond ang mga salitang ito at idikit sa utak niya para maalala niya?
Laglag ang mga balikat kong tumingin sa kanya. “Ayaw nga kitang pakasalan,” giit ko.
Naglalakad siya palapit sa akin. “No, you will marry me, Veronica.” Hindi iyon pakiusap, kundi isang utos.
Bumuntong-hininga ako. “Hindi ka ba nakakaintindi? Ayaw kong—”
“I’m poor now, Veronica. So, you can marry me now.”
Saglit akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata kong tumitig sa kanya.
Hindi naman siya seryoso di’ba?
Lumabi ako. “Huwag mo akong binibiro ng ganyan!”
“I wasn’t joking. I’m dead serious. I sold my properties to Spade. Lahat ng pag-aari ko pati ang bahay at sasakyan ko ay binenta ko sa kanya.” Sabi niya. “I know, it was a bit early. Hindi ka pa nakapagtapos ng pag-aaral, hindi mo pa ako kayang buhayin, but I can’t wait anymore. Kaya ko naman maghanap ng ibang trabaho para man lang may makain tayo at maibigay ko sa’yo ang kailangan mo sa araw-araw. I can’t just let the day pass thinking someone might stole you away from me.”
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
“Tangina mo!” Hindi ko maiwasang mapamura at pagsuntukin siya sa dibdib. “Bakit mo ginawa ‘yon?” Naiinis kong sabi.
Hindi ko naman sinabing ibenta niya lahat ng ari-arian niya. Ano’ng pumasok sa kukote nito?
“That’s the only way to marry you. Hindi na ako mayaman, Veronica. I also donated the money to charities. Please, marry me. I’ll do everything I can to provide the things you need. Just marry me.” Madamdaming sabi niya.
Napapikit ako ng mga mata ko. Pilit na pinigilan ang mga luhang gustong kumawala. Huminga ako ng malalim at pilit na nilunok ang bikig sa aking lalamunan.
Tinignan ko siya sa mga mata. Isang malambot na mga titig ang aking iginawad sa kanya.
“Ayaw kitang pakasalan dahil hindi mo naman ako mahal. Ayaw kong magsisisi ka sa—”
Bumuntong-hininga siya.
“You saved me from pain, Veronica. That’s enough reason for me to marry you. I will never regret choosing you.”
Paano naman ako?
“Landon, marami pang babae ang—”
“You’re the only woman who made me want to do things like this,” sabi niya. “Ang kompanyang pinaghirapan ko ng ilang taon… I gave it up because of you. Don’t you think I deserve my price?”
Unbelievable!
“Kinokonsensya mo pa ako, ah? Bawiin mo na lang yung mga binenta mo, at maghanap ka nalang ng ibang babae.”
“I won’t.” May himig na pinalidad sa boses nito.
“Ang tigas talaga ng ulo mo!”
“Hindi ako titigil hangga’t hindi mo ako pakasalan,”
Naiinis kong sinabunutan ang sarili ko. Kung bakit pa kasi ito sinama ni Maya sa bahay dati? Gumugulo tuloy ang tahimik kong buhay dahil sa lalaking ito. Pero ano na?
Pagbibigyan ko ba? Ewan ko, nagugulohan pa rin ako.
Hinawakan niya ang mga kamay ko. “Bigyan mo lang ako ng pagkakataon… ako na ang bahala sa lahat. Ang pagsasama natin ay magiging masaya. Pangako ko ‘yan sayo.”
“Landon,”
“What else do you want me to do? Gusto mo bang lumuhod ako sa harapan mo at magmakaawa hanggang sa tanggapin mo ako?”
Umiling ako.
Bigyan mo ako ng sapat na oras para mag-desisyon,” sabi ko sa kanya.
“I understand… just don’t be… in a relationship with someone else. Okay?” Mahinang bulong nito. “Stay single for me, hihintayin kita hanggang sa handa ka na.” sabi nito habang hinawakan ang mga kamay ko at dinampian ito ng halik.
Mukhang hihimatayin ata ako nito anumang oras.
Tumingin ako sa pinto ng kwarto ko kung saan dumaan sila Maya at Spade. Isang ngiti lang ang binigay ni Maya sa akin bago ito tuluyang nawala.
Tinignan ko si Landon.
Ano ba’ng gagawin ko sa lalaking ito? Mukhang wala ata siyang balak na tantanan ako.