Chapter 8

1570 Words
Lumipas ang ilang araw at umuwi na sila Maya. Mukhang sinusulit nga nila ang kanilang honeymoon kasama ang nga bata. Pwede pala ‘yon. Balik na naman kami sa dating gawi. Si Spade at Maya ang kukuha sa akin mula sa eskwelahan. Sinabihan ko na sila na huwag mag-abala pa pero matigas ang ulo nilang dalawa. Mag-asawa nga sila! Pero seryoso, ayaw ko na talagang makaabala pa. Pwede naman akong sumakay ng taxi. Oo magbabayad ng motorsiklo para hintayin ako hanggang sa matapos ang klase. Sanay naman ako sa ganun. Pero ayaw talaga nila kaya hinayaan ko na. Hindi ko na rin pala nakikita si Landon. Ewan ko ba kung saang dako siya naroon. Kaya hindi ko sineseryoso ang mga sinasabi niya, eh. Dahil pagkatapos ng mga matatamis na salitang lumabas sa kanyang bibig, bigla na lang siyang mawawala. Pero sa totoo lang, ang sarap niyang kausap. Gusto ko pa nga sana siyang kilalanin pero natatakot ako at baka mas lalo lang akong mahulog sa kanya. Kaya, sa tuwing kasama ko siya, iniiwasan kong isipin ang nararamdaman ko para sa kanya. I just go with the flow. Kung sinabihan niya ako ng isang biro ay sasagutin ko rin ito ng pabiro. Pero palagi ko talaga siyang binara lalo na at sumobra ang sinabi niya. Yung tipong, lumagpas na sa pader na ginawa ko. Parang sinubukan niya kasing tibagon ang pader na sinadya kong itayo sa pagitan naming dalawa. “Tulungan mo nga pala ako, Vern. Malapit na kasi ang birthday ni Xamara. Ang gusto ni Xandros ay ipagdiwang na lang dito sa bahay. Gusto kong ako ang magluluto.” “Ganun ba? Marami ba kayong bisita?” Tanong ko sa kanya. “Tayo lang naman.” Sagot nito. Dadalo kaya iyong Ingrid? “Sige, tutulungan kita sa paglilinis.” Sinu-sino kaya ang mga dadalo? “Kumusta ka nga pala nitong mga nakaraang araw? Pasensya ka na at hindi kami nakauwi agad, ah? Maganda kasi ang isla, kaya nag-extend kami.” Nginitan ko siya. “Okay lang naman. Hindi naman ako nahihirapan sa malaki ninyong bahay.” Sabi ko. Medyo nakakatakot dahil ako lang mag-isa… pero keri lang. “Nabalitaan ko nga pala mula sa asawa ko na dito raw natutulog si Landon. Wala ba siyang ginawang masama sa’yo?” Umiling ako. “Wala naman. Ano naman ang gagawin niya?” Inosente kong tanong. Bigla na lang siyang tumawa. “Oo nga naman. Kalimutan mo na ang tanong ko,” sabi niya. Nagpa-alam muna siya na magbihis dahil sasama siya sa amin papunta sa kumpanya. Tulad noong mga nakaraang araw ay abala kami ni Lyra. Nagulat ako nang bumisita si Maya sa amin. “Vern,” “Oh?” “May meeting kasi sila ni Xandros. Pwede bang pakidalhan sila ng tubig sa loob?” “Huh? Ako?” “Oo, okay lang ba?” “S–Sige.” Sabi ko. Ayun nga, hinahanda ko na ang mga tubig para sa kanila. Nagulat pa ako nang makita ko ang pagmumukha ni Landon doon. Bakit siya nariyan? Ang akala ko kasi ay nasa sampu o higit pa, sila. Pero lima lang naman pala. “Hi”. Mahina niyang sabi nang sa kanyang harapan ko na nilagay ang tubig. Hindi ako nagsasalita. Feeling close masyado. Pagkatapos kong silang bigyan ng tubig ay nilapitan ko si Spade. “May iba ka pa bang kailangan?” Tanong ko. Umiling lang siya habang ang mga tingin ay nakatuon sa mga designs na nasa laptop niya. Aksidente akong sumulyap kay Landon. Sakto namang nakatitig siya sa akin. Isang simpleng ngiti at may kasunod na pagkindat ang binigay niya sa akin. Saan kaya ito galing? Iniwas ko ang tingin ko at lumabas na mula sa roon. “Nga pala Vern, may alam ka ba na apartment na pwede kong tirhan pansamantala?” Tanong ni Lyra. Umiling ako. “Wala, eh. Bakit? Lilipat ka na?” “Nagkaroon kasi ng kaunting di pagkakaintindihan sa bahay.” “Huh? Bakit? Ano pala ang nangyari?” “Buntis kasi ako… at nalaman ni papa. Hayun, nagalit sa akin. Marami pa raw akong mga kapatid na nangangailangan ng tulong ko.” “Buntis ka?” Bulalas ko. Tumango siya. “Oo,” “Alam na ba ng boyfriend mo ang tungkol sa riyan?” Tumango siya. “Oo,” “Oh, ayaw mong tumira kasama niya?” Umiling siya. “Yun ang sabi niya sa akin pero nahihiya kasi ako. Ayaw kong isipin niya na umaasa lang ako sa kanya,” “Ano ba ang trabaho ng boyfriend mo?” “Nagmamay-ari siya ng Ukay-Ukay. Marami na rin siyang pwesto sa bawat bayan. Strikta ang nanay no’n kaya ayaw kong tumira kasama siya. Ayaw kong isipin ng nanay niya umaasa lang ako sa kanya.” “Pero ipinaglaban ka naman niya,” “Oo. Ipinaglaban niya ako pero ayaw kong mag-aaway sila ng nanay niya dahil sa akin. Baka kasi isang matapobre.” “Huwag mong isipin ang ganyan. Subukan ninyong kausapin ang nanay niya. Baka hindi pala siya matapobre gaya ng isip mo.” Sabi ko sa kanya. Marami kasing ganyan. Strikta kung tingnan pero malambot naman pala ang puso. “Salamat, Vern. Susubukan kong sabihin sa boyfriend ko tungkol dito.” Pagkatapos ng ginagawa namin ay inayos ko na ang dala kong bag. Sabay kaming lumabas ni Maya at nagtungo sa loob ng sasakyan ni Spade. Nagtataka lang ako kung bakit siya umupo katabi ako, rito sa likuran. “Nag-aaway ba kayo ng asawa mo?” Nagtatakang tanong ko. Umiling siya. Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang magkabilang pinto ng sasakyan. Si Spade ang naroon sa driver's seat habang sa kabila naman ay si… teka… si Landon? Bakit na naman ito narito? Nilingon niya ako, at tulad kanina, isang pagkindat lang ang binigay niya sa akin. Napangiwi ako dahil sa ginawa niya. Bakit siya biglang nagkaganyan? Baka nauntog ang ulo niya. “May klase ka mamaya?” Umiling ako. “Wala,” “Mabuti naman. Dahil sabay tayong kakain sa restaurant. Dadaanan lang natin si Xavion.” Sabi ni Maya. “Si Xamara?” “Tinawagan ko si Melanie… ang sabi ay maaga raw natulog ang bata.” “Hindi na ba siya dumede sa’yo?” “Magkahalo kasi ang gatas niya. Minsan formulated milk… minsan ay sa dede ko.” Tumango-tango ako. “Ganoon ba?” Maya-maya lang ay may biglang nag-text sa akin. Ang akala ko ay si Ariel pero hindi pala. Isa itong unknown number. Unknown Number: Hi :) Sino naman ito? Hindi ko ito pinansin. Walang signal kaya naisip kong maglaro na lang sa cellphone ko. Maya-maya lang ay bigla na naman nag-vibrate ang cellphone ko. Unknown Number: It's Landon. I've got your number from Spade Xandros. Ako: Anong kailangan mo sa akin? Bakit kinuha mo ang numero ko? Landon: Let's hang out soon. Napalunok ako ng laway. Kahit kailan talaga. Wala na sa lugar ang mga pinagsasabi ng lalaking ito. Hindi ko na siya nirereplyan. Dinaanan namin si Xavion. Doon ito umupo katabi ni Maya. Nang makarating kami sa restaurant ay si Spade at Maya ang nag-order. Tinatanong nila kung ano ang kailangan ko. Pero dahil wala akong alam, si Maya ang pinapa-order ko ng akin. “Uhmm, maiwan muna namin kayo ah? May bibilhin lang kami ng asawa ko.” Sabi ni Maya. “Sige lang.” Sagot ko. Umalis sila kasama si Xavion. Nang ma-realize ko na maiiwan ako kasama si Landon ay tumayo ako ng mabilis. “Where do you think you're going?” “Samahan sila.” Akmang aalis na ako pero nang dumaan ako sa kanya ay agad niyang nahawakan ang palapulsohan ko. “Stay here.” Aniya sa ma-awtoridad na boses. “Pero–” “Were you avoiding me?” Umiling ako. “Hindi, ah?” “Then, sit down.” Seryoso niyang sabi. Wala akong ibang nagawa kundi ang umupo. Tahimik akong nanalangin na sana ay bumalik sila ni Maya agad-agad. “Ikaw ba yung nag-text kanina?” Tanong ko. Tumango siya. “Yeah.” “Ah, okay.” Tipid kong sabi at tumahimik na. “I was serious about it, though. Let's hang out soon.” “Busy ako,” sabi ko. “I’ll ask my cousin about it.” “Ayaw ko nga makipag-hang-out sa’yo.” Huminga siya ng malalim bago magsalita. “Gusto lang kitang makasama kahit na ilang sandali lang.” Kinuha niya ang hinliliit ko at hinawakan niya ito gamit ang hinliliit niya. “I missed you.” Sabi niya habang nakatingin sa mga hinliliit namin na pinag-hawak niya. Mabilis ko itong binawi pero mabilis niya rin na hinawakan ang kamay ko. Pinilit kong abalahin ang sarili ko sa pamamagitan ng cellphone ko pero ang isipan ko ay siya lang ang laman. “Veronica,” “Ano?” Sagot ko habang sa cellphone lang nakatingin. “Date me,” “Ayaw kong makipag-date!” Sabi ko, may pinalidad ang boses. “Because you prefer a poor man?” “Yung saktong estado lang…” sabi ko sa kanya. “Okay, let's say it like that.” Sabi niya. Naghahamon ang kanyang mga titig. “Just watch me, Veronica. I’ll be poor soon.” Nanlaki ang aking mga mata. “Hoy! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!!” Hindi ko mapigilan ang sumigaw. Nahiya naman ako kaya agad kong tinakpan ang bibig ko. Tumawa lang siya… baliw talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD