Kabanata 13

1233 Words
*** Krisanta's Pov Malaking tulong sa amin  ung natapos na ang Prelem exam namin dahil doon ay nakahinga kami ng maluwag-luwag. Walang namatay na kaklase namin, naging tahimik ang isang linggo, wala pang gumagalaw kay Diana o nagtatakang pumatay dito. Nagsstay siya sa bahay ni Harlyn total wala ang mga magulang ni Harlyn kaya ok lang at doon narin kami namamalagi para bantayan si Diana. "Paano ba 'yan tapos na ang prelem? Ang hirap ha" anunsyo ni Mariela habang inaayos niya ang kanyang gamit sa kanyang bag. Inayos ko narin ang gamit ko para ilagay ito sa loob ng bag ko tiyaka ako napatingin kay Chester na inaayos rin ang gamit nito. Nakalabas narin ito sa hospital nung nakaraang limang araw pa. Mabuti na nga lang at nakabas ito ng ganung kadaling panahon at 'ok narin 'yun para alam namin at maykasama kaming magbabantay kay Diana. Kapag masmarami kami mas secure siya pero.... Hindi parin hindi kami natitiyak kung totoo ba ang mga kasama ko sa isa't isa o may nagbabalat kayo lang. May dalawang uri  ang tao, ang isa totoo ang isa hindi, kumbaga Natural o Artificial. Hindi mo masasabi kung sino ang totoo dahil magaling silang maglihim, hindi mo na alam na isa na pala sa mga kabigan mo na habanag nakatalikod ka sasaksakin ka niya patalikod. "Sana magiging maayos ang lahat pagkatapos nito" ani Rica at isunukbit niya ang kanyang shoulder bag. Isinukbit ko narin ang akin sa aking likod tiyaka tumingin sa kanila. Iginala ko muna ang paningin ko sa loob ng silid. Naging normal narin kaunti ang pagdaloy nito, nagiging maaingay narin ang mga kaklase sa amin hindi tulad noon, na kahit mismong paghinga ng kapatid mo ay naririnig mo na kahit mismong pintig ng puso nito ay maririnig mo. Napatingin ako sa mga kasamahan ko ngayon na nasa harapan ko. "Tara na?" anyaya sa amin ni Harlyn. Tumango kami at nagtungo kung saan. Chester's Pov Kasama namin si Diana. Bali kami nina, Mariela, Reynalyn, Harlyn, Krisanta, Rica at Diana ang magkakasama. Hindi namin pwedeng pabayaan si Diana dahil siya na ang susuod. Alam naming kahit anong oras ay pwede siyang patayin ng killer, pwede niyang kunin ang buhay nito. "Una na muna kayo" ani sa amin ni Krisanta kaya napatingin kami dito. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Naiihi kasi ako." pagpapalam niya. "May naiwan rin ako sa locker room. Kukunin ko lang yung mga libro ko" paalam namin ni Rica sa amin. "Ha? Ah oh sige kita na lang tayo sa parking lot" ani ko sa kanila. "Sasamahan ko na lang si Rica. May kukunin rin kasi ako sa locker ko" paalam rin ni Mariela. Tumango lang kami at nauna na kami sa parking lot. Pinatunog ko ang kotse tiyaka ko binuksan ang pintuan nito. Sumakas ako doon at sumakay naman si Harlyn sa tabi ko habang sina Reynalynat Diana naman ay nasa likod namin. Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko at tinignan kung sino ito. Nagtaka ako kasi walang nakalagay na pangalan, numero lang.  Sinagot ko ito na nagbabakasakaling na si Mama na nakitawag lang pero hindi nagkamali ako.... "Hello, Chester" isang nakakakilabot na tinig ang narinig ko doon. Nanginig ang buong katawan ko sa narinig ko. Hindi ko mawari kung sino ang taong 'yun. "S-sino ka?" kinakabahan kong tanong. Napatingin ako sa salamin sa itaas, nakita ko sila Reynalyn na nakatingin sa akin, napatingin rin ako sa katabi ko at nakita ko ring nakatingin si Harlyn. "Hindi mo ba ako kilala?" mapaglarong tanong nito. "B-bakit tatanungin ko pa ba kung sino ka kung hindi kita kilala?!" matapang na tanong ko. Kahit alam ko sa sarili ko na natatakot ako ay tinatapangan ko lang loob ko. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan ko dahil masmaeengganyo siyang patayin ako o kami. "Ganyan ang gusto ko, matapang. Tignan lang natin kung may kaya ka pa kapag namatay ka na" malamig na sabi nito. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa cellphone ko na nakatapat sa tainga ko. "H-hinding hindi mangyayari ang sinasabi mo! Hinding hindi mo ako mapapatay, hinding hindi mo kami mapapatay!" sigaw ko na dito. Napatingin ang tatlo kung kasama. Hinudyatan ako ni Harlyn para bigyan ng senyales na iloud speaker ko ito kaya ginawa ko naman ito. May narinig kamin isang halakhak, isang nakakakilabot nn=a hakhak, siang demonyo. Isang demonyo ngayon ang kausap namin dito sa cellphone. "Ha! Ang tapang! Ganyan ang gusto ko matapang! Pero ito ang sasabihin ko, lahat kayo mamatay at walang matitira!" mariing utas nito sa amin mula sa kabilang linya. Sasagot na sana ako ng bigla siyang nagsalita muli."Bantayan niyo siya, dahil hindi niyo alam baka mamaya mamatay na siya" sabi niya at ibinaba na niya ang cellphone. Nakatulala ako ng halos tatlong minuto naging tahimik sa loob,. Unti-unti kung binaba ang cellphone at nilagay sa kotse. Nakatulala ako pero bigla bigla pa ay nagbalik ang ulirat ko ng biglang may kumatok sa salamin ng kotse ko. Halos mapataln ako sa gulat ng biglang lumitaw ang tatlo dito. "B-bat ang tagal niyo n-naman?" tanong ni Diana na paputol-putol. Bakas sa kanyang tinig ang takot dito. "Bakit may nangyari ba?" tanong ni Mariela at binuksan ang pintuan sa bakcseat tiyaka siya umupo sa tabi ni Diana. Pati narin sina Rica at Krisanta ay umupo sa likuran. "Oo may nangyari, biglang tumawag ang killer" giit ni Harlyn dito. Nagulat ang tatlo, na para bang hindi makapaniwala. Ngayon nanaman kasi ito nagparamdaman sa amin. Simula kasi nung malapit na ang prelem exam ay naging matiwasay ang takbo ng lahat pero ngayon naging magulo na ito dahil meron nanaman siya, magsisimula nanaman siya. Ano 'yun, naging busy ang killer dahil sa pagrereview kaya hindi siya pumtay noon at ngayong tapos na ang exam magsisimula nanaman siya ganun ba 'yun? "Nalaman niyo ba kung sino 'yun?" tanong ni Krisanta dito. "Nabosesan niyo ba siya?" sunod rin na tanong ni Rica. Umiling kami sa kanila. Iyon naman kasi ang totoo hindi namin alam kung kaninong tinig iyon. "Hindi, iba ang kanyang boses, parang isinasadya ng palitan ang tunog ng kanyang boses" sabi ko sa kanila. Biglang naging balisan ang kanilang mukha, hindi nanamin talaga alam ang gagawin. "Mas mabuti na lang muna na pumunta tayo kina Harlyn. Doon na lang natin pagusapan ang gagawin natin kung ano ang plano" ani AMriela. Lahat na ay umu'Oo sa sinabi ni Mariela. Dahil narin ata sa pagod sa kakaisip kanina sa exam namin at idagdag pa ng killer kung sino 'yun. Pinaandar ko na ang sasakyan at minaneho patungo sa labas ng parking lot. Hindi kalayuan ang bahay nila Harlyn sa school namin. Tatlong pong minuto ang aabutin kapag nakarating ka dito. Habang nasa kapunuan kami ay hindi nila maiwasan tignan ang bawat puno na nakaksalamuha namin.  Nagmamaneho lang ako at nakatingin sa daanan. Bigla akong napatingin sa salamin sa itaas para tignan ang ginagawa nila sa backseat pero iba ang nakita ko, nakita ko si Sir Bueno na duguan ang katawan si Rosemarie na walang ulo si Ejay na nahiwa sa dalawa ang katawan si Elizabeth na nadaganan ng simento at si Lady Ann. Bigla akong napapreno sa pagmamaneho at napapikit at pagmulat ko sa aking mga mata ay nakita ko ang isang malaking puno sa harapan namin na muntikan nanaming mabangga. Agad akong napalingon sa likod pero pagtingin ko doon ay sila Krisanta na ang nakita ko. Anong nangyari? Guni-guni ko lang ba iyon? "Buhay pa ba tayo?" tanong ni Diana habang nakapikit pa ito. Hindi ko alam ang nangyari, basta ang nakita ko lang ay ang mga namatay at hindi ko alam na babangga na pala kami. Anong nangyayari sa akin? Naghahallucinate ba ako? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD