***
Harlyn's Pov
Natahimik ang buong klase pagkatapos na pagkarinig ng kanta pero bigla ulit naging normal ang takbo ng lahat.
"Magiging parte na siya dito sa seksyon na ito be nice to her" ani ni Sir Jp."Maghanap ka na ng pwede mong maupuan" ani ni Sir JP.
Iginala naman niya ang kanyang panigin at napatingin sa isang upuan. Sa upuan ni Elizabeth. Hindi na kami umangal nung umupo siya doon, bakit pa kami aangal? Wala na siya eh wala na ang kabigan namin noon na naka-upo jan.
Wala kaming ginawa sa klase, nagpakilala lang si Sir at nagkwento ng kanyang istorya pero habang nagkwekwento siya parang may nakuha ng aking atensyon mula sa kanyang sinasabi.
"Nag-aral rin kasi ako noon dito. Yun nga lang nung first year ako hindi ako sa seksyon na ito" aniya. Natahimik ang lahat at nakikinig sa bawat kwento nito at pati rin ako ay nakikinig."Ang seksyon IA noon ay katabi lang nung seksyon ko noon. Seksyon IB kasi ako noon nung nag-aral ako dito at halos lahat ng mga seksyon IA ay kaclose ko" aniya. Nanatili parin akong nakatingin sa kanya at nakikinig sa bawat sinasabi niya.
Bigla kong tinaas ang kanang kamay ko para magtanong. Napatingin siya sa akin at sinenyasan ako.
"Ilang taon na po ba ang nakalipas nung nag-aral ka dito?" tanong ko sa kanya.
Binaling niya ang kanyang tingin.
"Sampong taon na iyon" aniya at pagkasabi niya 'yun ay nabigla ako. Sampung taon? Ibig sabihin alam niya ang sumpang nangyari noon dito sa seksyon na ito?
Magtatanong sana ako pero naunahan ako ni Krisanta.
"So, alam niyo po ang sumpang nangyari noon?" seryosong tanong nito.
Napatingin siya sa kanya at pati rin ako ay napatingin dito. Iyon rin ang gusto kong itanong kay Sir. Napatingin ulit ako kay Sir JP na nasa harapan namin.
Hindi siya nakapgsalita kaagad pero nagkalaunan ay sumagot rin ito.
"Oo" diretsong sabi nito. Nagulat ang lahat sa sinabi niya. nagbulong-bulongan ang mga kaklse ko.
"Totoo po ba 'yun?" tanong ng kaklase kong si Trina na medjo maliit at mahaba ang buhok.
Huminga siya ng malalim. Umupo siya at tumingin sa amin. Lahat rin kami ay nakatingin sa kanya at interesado sa kanyang sasabihin. Gusto kong malaman ang nangyari noon, gusto naming malamang lahat kung paano iyon nangyari.
"H-hindi iyon totoo" aniya. Muling nagbulong-bulongan ang mga kaklase ko. Napatingin ako kina Rica, Mariela, Reynalyn at Krisanta na nagkatinginan rin sila sa isa't-isa."Pero...."pagtutuloy nito sa kanyang sasabihin."Sunod-sunod na namatay noon ang mga studyante sa seksyon na ito" seryosong saad niya. Lumakas ang bulong-bulongan ng mga kaklse ko.
"B-bakit po ba sunod-sunod silang namatay?" kinakabang tanong ni Rica dito.
Gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyari noon, gusto kong malaman dahil hindi ako naniniwala sa sumpang 'yun.
"Ang alam ko h-hindi multo ang p-pumapatay" aniya. Hinihintay lang namin ang sasabihin niya. Lahat ng mga kaklase ko ay tahimik habang nakikinig, interesadong-interesado talaga sila sa kwento noon at pati rin ako ay kabilang doon.
"Eh sino po ang pumapatay noon?" tanong ng isa pa naming kaklase na si Roxanne.
"Hindi multo ang pumapatay sa mga studyante noon kundi...." pambibitin nito sa amin. Nanatili paring tahimik ang lahat at hinihintay ang bawat salitang bibitiwan ni Sir JP. "I-isa ring studyante"aniya.
Nagulat ang lahat pero kami nila Mariela ay hindi. Alam nanamin 'yun. Sinsabi ko na nga bang isa sa amin ang pumapatay sa kapwa naming studyante, hindi totoo ang sumpa may isa lang talagang tao dito na gustong paniwalain kami at hindi ko alam kung sino 'yun.
"Pwede niyo po bang ikwento ang alam niyo?" tanong nung new classmate namin na si Jamaica kaya naman napatingin kami sa kanya, interesado rin ba siya sa nangyari noon?
Wait.... Diba kakarating lang niya dito? It means hindi siya nakabunot ng numero na pinabunot ni Sir kaya naman hindi ba siya counted na mamatay? o lahat ba kami ay mamatay?
Huminga ng malalim si Sir. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Lahar kami ay nakatingin lang sa kanya pero may mga iba na nagbubulongan tungkol sa nangyari noon.
"Ang alam ko lang noon, halos lahat ata ng mga studyante sa seksyon na ito ay kaclose ko silang lahat dahil palagi kasi akong tumatambay dito tuwing lunch. Dito narin ako nagpapalipas ng oras dahil nakaugalian ko na iyon noon pero..." aniya na para bang ayaw na niyang ituloy ang kanyang kinukwento. "Pero.....ang m-mga k-kaibigan ko noon ay sunod-sunod na namatay" aniya. Nagbulongan ulit ang mga kaklse namin.
"Pinatay po ba sila?" tanong pa ng isa naming kaklase na si Karren.
Maylumandas na butil ng luha mula sa kanyang mga mata pero agad rin niya itong pinunasan at tumingin ulit sa amin.
"Oo pinatay siya ng isang studyante na akali nila ay kabigan nila, akala nila mabait, akala nila mabuti pero iyon pala ang babaeng pumapatay sa mga kapwa nilang studyante. Hindi sila makapaniwala noon na siya ang pumapatay" diretsong saad nito sa amin. Bakas sa kanyang mukha ang galit at hindi ko siya masisi doon dahil halos kaibigan na niya noon ang mga studyante sa seksyon IA pero yun nga lang namatay sila.
"Naniwala sila noon na siya ang pumapatay dahil ang mismong kabigan niya ang nakakita. Bawat pagsaksak na ginagawa niya bawat p**********p ay nakita ito ng isa niyang kaibigan pero nanatili lang siyang tahimik dahil ayaw niyang siya ang isunod nito" sabi pa niya.
Inaabangan lang namin ang kanyang mga sinsabi lahat ng mga kaklase ko ay tutok na tutok dito.
"Sino po ba 'yung kaibigan niya noon na nakakita?" tanong ko sa kanya.
napatingin siya sa akin at ang seryoso niyang mukha ay biglang mas sumeryoso ito.
"Ako" seryosong usal niya. Nagulat kami doon. Siya pala, amng sarili pala ni Sir ang tinutukoy niya na siya ang nakakita kung paano niya sinagawa ang krimen pero bakit hindi niya sinabi sa mga pulis.
"N-nanatili akong tahimik dahil ayaw kong mamatay noon. Duwag ako noon. Hindi ko noon alam ang gagawin ko pero ngayon alam ko kung ano ang nangyayari sa inyo dito sa seksyon na ito. Naulit nanaman ang pamgyayari noon" seryosong sabi niya at tinignan kami isa isa.
"Ma-malapit po ba ang killer sa mga kaklase niya noon?" tanong ni Marinel sa kanya na isa pa naming kaklase.
"Oo malapit na malapit. Wala siya noong awang pumatay pero nagkalunan ay nalaman nila na siya pala ang pumapatay kaya naman sinumbong nila ito sa mga pulis" sabi niya sa amin.
Gusto ko pang marinig lahat ang nangyari noon. Gusto ko pang marinig ang kwento noon, pero ano nga ba ang rason ng killer noon?
"Sir may tanong po ako" sabi ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin/
"Ano iyon?" tanong niya.
"Ano po bang rason ng killer noon kung bakit siya pumapatay?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin at tumingin sa buong klase tiyaka muling nagsalita.
"Buntis siya noon" sabi niya.
"P-po?" tanong ko.
"Oo, buntis siya noon. Hindi namin alam noon nabuntis siya ng isa nilang kaklase pero ang kaklse nilang nakabuntis ay may mahal na iba" sabi niya. Nagulat ako sa nangyari. Iyon ba ang posibleng rason kung bakit siya noon pumapatay? "Dahil ang mahal ng kaklase niya noon ay ang bestfriend nung killer kaya ang killer ang una niyang pinatay ang bestfrien niya" aniya. Nakatingin lang ako sa kanya habang tahimik na nakikinig.
"Ano na po bang nangyari sa killer?" tanong ni Jamaica kaya napatingin ulit ako sa kanya. Interesado rin siya katuld sakin.
"Nung nalaman ng mga pulis na siya ang pumapatay, hinuli nila ito pero...." pambibitin ulit niya."Pero nakataas ito. Hindi nila nahanap ng isang taon pero nagkalaunan ay nahanap rin nila at ito'y kanilang kinulong" sabi niya.
"Kaya 'yun maraming nagsasabi na isinumpa ang seksyon na ito. Maraming mga chismis ang kumalat na multo noon ang pumapatay." dugtong ni Sir JP.
"Pero..." aniya kaya napatingin ulit ako ng masseryoso sa kanya. Sumeryoso ulit ang kanyang mukha."Ang killer na 'yun bago siya nahuli ay may anak na ito pero hindi nila alam kung asan ang anak niya. Kung saan niya tinago o ibinagay niya sa ibang tao" seryosong saad bniya.
***